DUMATING na ang pinakahihintay na araw ni Tamara. Not because it's her 18'th birthday at ganap na siyang dalaga but because of one more reason... Nathan Ocampo is back in San Martin. Her Kuya Bryan just confirmed it. Kalalapag lang daw ng eroplanong sinakyan ni Nathan at Adam sa airport ng Santa Fe.
Pagkasabi niyon sa kanya ng kuya niya ay halos tumalon siya sa tuwa. Halos takbuhin niya ang papunta sa kwarto niya pagkatalikod ng kuya niya. Walang pagsidlan ang puso sa sobrang tuwa. Tinupad ni Nathan ang pangako nito sa kanya. "Oh my God. He's here! Makikita na rin kita Nathan Ocampo!" kinikilig na bulong niya habang nakasandig sa likod ng pinto ng kwarto niya at yakap ang sarili. "Yes,Tamara...it's a very good morning to you!" bulong niya sa sarili.
Mamayang gabi pa ang selebrasyon ng debut party niya kaya ibig sabihin malamang na mamayang gabi pa din niya makikita si Nathan. Kung pwede niya lang i-adjust ang oras ay ginawa na niya. Parang hindi na kasi siya makapaghintay na gumabi na.
Buong araw ay parang lumilipad si Tamara sa alapaap sa sobrang kaligayahan. Bagay na hindi nakaligtas sa matalik niyang kaibigan.
"Wow. Ganyan ka talaga ka excited para sa party mo tonight?" puna ni Katrina. Paano naman kasi sa halos isang buwan na paghahanda nila ni Tamara sa debut party nito ay ngayon niya lang nakitang ganito kasaya si Tamara.
"Ano ka ba syempre excited ako for tonight. Excited ako sa mga regalong matatanggap ko..." pagbibiro niya sa matalik na kaibigan.
"Hahaha. Sabagay sinong nga ba ang hindi ma e-excited gayong siguradong lahat ng bisita ay may regalo kang matatanggap mamaya," natatawang sang-ayon ni Katrina.
Ngumiti ulit si Tamara. "And by the way kumpleto na ang 18th roses ko. Adam and Nathan arrived last night..."
"At bakit parang may iba yatang ningning ang mga mata mo? Which among the two names of your masungit kuya's friend give's sparkle to your eyes, Miss Tamara Wong?" nakapamaywang na sita ni Katrina.
"Ay grabe siya oh. Hindi ba ako pwedeng maging masaya gayong 18th birthday ko ngayon?" palusot ni Tamara.
"Yah, yah...sinabi mo eh. Anyway, alis na ako. Kailangan ko pang tulungan si Nanay sa pagluluto eh. Dinaanan ko lang talaga itong isusuot ko mamaya. Kita nalang tayo ulit tonight," paalam ni Katrina.
---
NANG hahaba ang leeg ni Tamara. Magsisimula na ang program sa party niya ngunit hindi pa niya nakikita maski anino ni Nathan.
"Huwag mo akong Indianin, Nathan Ocampo! Isusumpa talaga kita," bulong niya.
"May sinasabi ka, bes?" tanong ni Katrina na kapapasok lang sa suite na inuokupa niya sa hotel kung saan gaganapin ang party.
"Huh? Wala, wala... kinakabahan kako ako. It's my biggest party ever," pagpapalusot nanaman niya at ngumiti sa matalik na kaibigan.
"Kahit ako kinakabahan kahit hindi ko naman party to eh, ikaw pa kaya-- Nga pala gift ko s'yo. Happy 18th birthday ulit, bes!" nakangiting bati ni Katrina at iniabot ang maliit na box na nakatago sa likod niya. "Pagpasensyahan mo na iyan ha. Iyan lang nakayanan ko eh."
"Sus nag-abala ka pa eh ang laki-laki na nga ng naitulong mo sa akin sa pag-aayos palang nitong party ko eh. But anyway, thank you, bes! Ikaw talaga ang the best kong kaibigan." At nagyakap ang dalawa.
"You're very welcome, bes!" sagot naman ni Katrina. Tama na nga tayo. Baka magkaiyakan pa tayo nito eh. Masira pa mga make-up natin." At humiwalay si Katrina sa pagkakayakap sa matalik na kaibigan. "You look very pretty, bes. Sigurado after tonight pipila na naman ang mga manliligaw mo!"
"You also look beautiful tonight, Kat. I'm sure, na sayo lang ang mga mata ni kuya Bryan tonight."
Napaismed si Katrina. "Huwag nalang. Ang tingin na ibibigay lang naman niyon sa akin ay lagi lang naniningkit sa inis. Labas muna ako tingnan ko lang kung mag-start na tayo," at lumabas na nga si Katrina.
Dito sa function hall ng ABC Resort ginaganap ang party niya kaya nasa isa siya sa mga suite ng ABC Resort at mula sa suite niya ay makikita mula sa bintana ang pagdating ng mga bisita. Kaya narito siya sa bintana at nakataw lang. Wishing na sana ay makita niya ang pagdating ng taong pinakahihintay niya.
Hindi nagtagal ay kumatok ulit si Katrina sa suite niya. "Are you ready? Baba ka na daw magstart na tayo."
"N-Nandiyan na ba lahat ng bisita?" nautal niya pang tanong. Kinakabahan kasi siya sa maaaring sagot sa tanong niya.
"Looks like ang daming tao eh. Hindi ko sure kung lahat naba nandito. Bakit, may particular na tao ka bang hinihintay?"
"No. Wala naman... Syempre hinihintay ko lahat ng imbitado," mabilis na sagot niya.
"Nandiyan pala lahat nang friends ng masungit mong Kuya. Hindi nga magkandaugaga mga friends natin kung sino sa anim daw ang pinakapogi. Grabe lahat yata ng babaeng bisita mo kinikilig sa anim na iyon," nakangising imporma ni Katrina.
"Really? You mean as in lahat ng miyembro ng San Martin Romeo?" Excited na tanong ni Tamara na bigla nagniningning sa tuwa ang mga mata.
"Oo nga. Kaya baba kana mauna lang ako sayo para solo mo ang grand staircase pagbaba mo."
Yes, solo niya talaga ang grand staircase ng ABC Resort dahil wala naman siyang escort. Siya lang yata ang nagde-debut na walang escort dahil ayaw ng kuya niya. Ito nalang daw ang mag-escort sa kanya. Ganito kahigpit ang kuya niya. Kulang na ngalang yata patanggal sa kanya ang 18th roses niya para walang lalaking makalapit sa kanya. KJ kung iisipin pero ganun talaga ang kuya niya eh.
When the emcee announced her name as the debut celebrant. She started to walk down the grand stairs of ABC Resort. All the eyes were looking at her as she started to walk down the stairs but there was one particular pair of eyes she wanted to meet. Malapit nang mabura ang malaking ngiti niya sa mga labi dahil hindi niya mahanap ang hinahanap ng puso at mga mata niya. Then she saw Nathan. Lumapit ito sa kuya Bryan niya at tinapik ito sa balikat pagkatapos ay may ibinulong. Then namalayan nalang niya, si Nathan na ang naghihintay sa kanya sa punong-hagdan.
Pakiramdam niya ay nanginig bigla ang mga tuhod niya sa excitement. There he is, ang lalaking hinahanap ng mga mata at puso niya. Hinihintay siya sa punong hagdan. So meaning ito na ang mag-escort sa kanya imbes na ang kuya Bryan niya.
"Thank you Papa God! Ang bait mo sa akin! You granted my wish. Thank you for the gift!" bulong niya habang hindi na maalis-alis ang mga ngiti niya sa mga labi. Kung pwede niya lang takbuhin pababa ay gagawin niya. Makarating lang agad sa mga bisig ni Nathan Ocampo.