Two years later...
ISANG gabi habang naghahapunan ay naalala ni Bryan ang nalalapit na debut ni Tamara.
"May plano ka na ba para sa nalalapit mong kaarawan mo?" tanong ni Bryan kay Tamara.
Napatigil sa pagsubo si Tamara ng marinig ang tanong ng kuya Bryan niya. Sandaling nag-isip kung anong petsa na. Sa totoo lang ay nakalimutan niyang sa susunod na buwan na pala ang debut niya. Masyado kasi siyang naging busy sa eskwela.
''Wala pa kuya sa totoo lang ay muntik ko na ngang nakalimutan eh," pag-amin niya sa nakatatandang kapatid.
''I see. Kumuha ka nalang kaya ng party planner para hindi mahati ang oras mo sa eskwela at sa paghahanda,” suhestiyon ni Bryan.
''No kuya. Gusto ko ako ang mag-aasikaso sa party ko, tsaka sigurado naman akong tutulungan ako ni Kat.''
Biglang sumama ang mukha ni Bryan ng marinig ang pangalan ni Katrina. Ganoon talaga ito parang may allergy kapag naririnig ang pangalan ng matalik na kaibigan ng nakababatang kapatid.
''Kuya hanggang ngayon ba ay galit ka parin kay Kat dahil doon sa nangyari noong nakaraang buwan sa debut ng kaibigan namin? Walang kasalanan si Kat. Maniac lang talaga ang lalaking iyon at sa totoo lang ay napagkamalan niya lang si Kat na ako kaya siya ang muntik nang nagahasa pero ako talaga ang sinusundan ng hayop na iyon," lakas loob na paliwanag ni Tamara sa kuya niya.
Mula ng araw na iyon ay hindi pa muling nagkakaharap ang dalawa. Bryan was so angry kung hindi lang ito naawat ay baka napatay nito ang lalaking nagtangkang gumahasa kay Katrina.
Hindi sumagot si Bryan. Na hiling nalang ni Tamara na sana ay hindi na ito galit sa matalik niyang kaibigan.
Parehong importante sa kanya ang kuya niya at ang matalik na kaibigan. Ang kuya nalang niya ang pamilyang meron siya at ang matalik naman na kaibigan ay itinuturing na rin niyang pamilya. Minsan nga ay nahihiling niya na sana magkagustuhan ang dalawa bagaman alam niyang malabo iyon mangyari dahil maituturing na aso at pusa ang dalawa kapag nagkakatagpo.
---
NANG sumunod na mga araw ay abala sina Tamara at Katrina sa paghahanda ng para sa nalalapit na debut party ni Tamara.
''Tapos ka na ba makapaglista ng 18 candles at 18 roses mo?'' si Katrina na abala naman sa paglilista ng mga pagkain para sa party. Ang nanay kasi ni Katrina ang magluluto ng mga pagkain para sa party.
'Ewan, ang hirap maglista sa 18 roses. Alam mo naman na konti lang ang kakilala kong binata na pupwedeng makapunta sa debut ko. Baka kapag nag-imbita ako sa mga manliligaw ko ay mag-assume sila na may pag-asa na sila sa akin tapos gumawa pa ng eksena si kuya Bryan.''
''Ilan pa ba ang kulang diyan sa listahan mo?''
''Walo pa,' sagot niya at pinangalanan ni Tamara isa-isa ang mga nakalistang pangalan na naisulat na niya.
''Bakit wala iyong mga barkada ni kuya mo? Sigurado kapag nagpunta ang mga iyon ay mas masaya. Alam mo naman ang mga kaibigan at kaklase natin na sobrang kilig sa mga barkada ng kuya Bryan mo,” suhestiyon ni Katrina na nagniningning ang mga mata sa excitement. Para kasing nakikinita na niya kung paano magrereact ang mga kaibigan nila sa kagwapuhan at kamachohan ng mga barkada ng kuya Bryan ni Tamara.
Bigla naman nalungkot si Tamara pagkabanggit ni Katrina sa mga barkada ng kuya niya. Naalala niya kasi na pangako ni Nathan na hindi mawawala sa debut niya ngunit mula ng umalis ito ay wala pa siyang naging balita tungkol dito. Habang papalapit ang araw ng debut niya ay lalo siyang nawawalan ng pag-asa na darating ito at tutupad sa pangako sa kanya.
''Oh bakit parang natahimik ka diyan? Ayaw mo bang isama ang mga kaibigan ni kuya mo sa 18 roses mo?" puna ni Katrina sa pananahimik ni Tamara.
''Nasa ibang bansa kasi ang iba sa kanila kaya baka hindi makarating.''
"Bakit hindi mo itanong sa kuya mo kung sino sa mga kaibigan niya ang nandito at makakapunta sa debut mo," suhestiyon ni Katrina.
"Sige tatanungin ko nalang si Kuya---"
"Anong itatanong mo sa akin?" sabat ng bagong dating na si Bryan.
Sabay na napalingon ang dalawa. Kalaking tao kasi ni Bryan ngunit para itong kabute na bigla nalang sumusulpot nang hindi man lang nila namamalayan.
"Ano kasi kuya. Kulang pa ang 18th roses ko sa debut ko. Wala pa din akong escort... Pwede ko bang idagdag iyong mga friends mo sa listahan?" lakas loob na tanong ni Tamara.
Nag-isip naman si Bryan.
"Please kuya!" nag puppy eyes pa siya para lang pumayag ang kapatid.
Si Katrina ay nagkunwaring busy sa ginagawa at hindi na muling tinapunan ng tingin si Bryan.
"Sige, itatanong ko kung sino sa kanila ang makakarating," sagot ni Bryan maya-maya. "Maiwan ko na kayo at magbibihis muna ako," paalam nito at tumalikod na. Hindi man lang nag-abalang bumati kay Katrina.
"Thanks kuya!" pahabol na pasasalamat ni Tamara.
Ang isiping darating si Nathan sa debut niya ay lalong nagpapaexcited sa kanya. Kahit kasi wala silang komunikasyon ni Nathan ay pinanghahawakan niya ang promise nito sa kanya na darating ito sa debut niya.
---
KADARATING lang ni Nathan galing sa eskwela nang salubungin siya ni Adam.
"Bryan called. He's asking if we could come on Tamara's 18th birthday next month."
Sandaling nag-isip si Nathan. Ang bilis ng panahon. Malapit dalawang taon narin pala mula ng huli siyang umuwi sa Pilipinas.
"So, sama ka ba?" untag ni Adam.
"Why? Uwi ka ba?" balik tanong ni Nathan.
"Of course, I will. Every year naman akong umuuwi. Ikaw lang naman itong hindi ko alam kung ano ang iniiwasan sa Pilipinas at kahit summer vacation ay hindi ka umuuwi sa atin."
"Wala akong iniiwasan. Bakit ba lagi mo na lang iniisip na may iniiwasan ako kaya hindi ako umuuwi?"
"Wala lang. Nakakapagtaka lang kasi... So anyway, magbobook na ako ng ticket. Kung sasama ka ibobook narin kita."
"Okay, But don't tell Bry we are coming… I want to surprise him," bilin ni Nathan sa pinsan.
"Him or her?" panunudyo na naman ni Adam. He surely knows how his cousin felt for Bryan's younger sister but he also knows how much his cousin tries to suppress his feelings. Hindi talo si Tamara. Siguradong gulo kapag nalaman ni Bryan ang ibang nararamdaman ng matalik nitong kaibigan sa nakababata nitong kapatid.
"Don't start it, bruh," parang nahahapong turan ni Nathan. He misses Tamara so much pero tiniis niya ang halos dalawang taon. She's too young but now that she's turning 18th ano na ang plano niya? Napapikit nalang siya. Sumakit ang ulo niya bigla.