Chapter 10

1484 Words
NAPUNO ng pananabik ang puso ni Tamara ng marinig niyang kausap sa telepono ng kuya Bryan niya ang best friend nitong si Nathan. Nagtago siya para mapakinggan ang pag-uusap ng dalawa. Parang ang saya ng pag-uusap ng mga ito. Parang gusto niya tuloy agawin sa kuya niya ang telepono ngunit nagpigil siya. Nagkasya nalang siya sa pakikinig sa mga sinasabi ng kuya niya sa kausap. Dinadalangin niya na sana tawagin siya ng kuya niya at ipakausap sa kanya si Nathan. "Grabe na mimiss  kana ng barkada, dude. Kamusta ang London? Marami bang chicks diyan?" ang kuya Bryan niya iyon habang kausap si Nathan.  Napasimangot  si Tamara sa tanong ng kuya niya lalo na nang magsalita ito ulit. "Talaga ang dami nyong chicks diyan? Kainggit naman kayo imported naman ang natitikman niyo ngayon! Hahaha. Ano magaling ba?" tanong nito na siguradong hindi nito gagawin kung alam nitong nakikinig si Tamara. Masyado kasing conservative si Bryan pagdating sa kapatid pero wala itong kaluluwa pagdating sa pagiging playboy. "Arggg. Si Kuya talaga ang bastos ng bunganga!" bulong ni Tamara. "Si Tamara?"  Biglang lumundag ang puso ni Tamara ng marinig ang pangalan niya. "Please, kuya pass me the phone," taimtim niyang dasal.  Mukhang kinakamusta kasi siya ni Nathan. "Okay naman siya. Ayon nasa kwarto niya at tulog na yata." Gusto sanang lumabas ni Tamara sa pinagtataguan niya at sabihin na gising na gising pa siya. Ngunit magtataka naman ang kuya niya kung magmumukha siyang atat na makausap ang best friend nito. "Gusto mo bang tawagin ko?" tanong ni Bryan sa kausap. Biglang nagkaroon si Tamara ng pag-asa na makausap si Nathan sa last minute ng Valentine's Day. "Huwag na? Okay sige sabihin ko nalang na nangangamusta ka." Ngunit ang pag-asang naramdaman niya ay iglap din nawala ng marinig ang sinabi ng kuya niya pagkatapos ay ibinaba na nito ang telepono. Laylay ang balikat na bumalik siya sa kwarto niya. "Bwesit kang Nathan ka! Naku makita lang kita lagot ka sa akin!" inis niyang sabi pagkatapos na maisara ang pinto. Mula ng umalis si Nathan ilang buwan na ang nakaraan ay hindi pa man lang ito personal na nakipag-usap sa kanya. Lagi nalang dumadaan sa kuya niya ang pangangamusta nito. Hindi rin naman niya alam ang numero nito sa London. Hindi siya magkaroon ng lakas ng loob na hingiin iyon sa kuya Bryan niya. Baka mabatukan lang siya ng wala sa oras. Ang ikinaiinis niya pa lalo alam naman ni Nathan ang mobile number niya, bakit hindi siya nito tawagan kung gusto talaga siya nitong makausap? Ngunit sa tingin niya ay masyado itong nag-eenjoy sa pambabae sa London. At naisip niya na siguro hindi naman siya ganun ka importante para tawagan nito. Padapa siyang nahiga sa kama. Sobrang bigat ng nararamdaman niya. Hindi niya na tuloy napigilan ang mapaiyak. "Walang hiya ka Nathan. Bakit mo ba kasi ako ginaganito? Bakit ang hirap-hirap naman kalimutan ng nararamdaman ko para sa'yo?" paghihimutok niya habang walang tigil ang pag-agos ng mga luha niya. Walang hiya kasing Valentines Day na yan. Marami ngang pinapasayang puso ngunit marami din naman ang pinapaiyak sa kabiguan. Isip-isip niya at nakatulugan ang pag-iyak at sama ng loob kay Nathan. "Sabi nga nila isang araw lang naman ang Valentine's Day. Lumipas na at buhay pa naman ako kahit wala akong kadate kahapon," aniya paggising niya kinaumagahan. "Awww s**t!" bulalas ni Tamara ng makita ang namamagang mga mata. "Lagot! Anong sasabihin kong dahilan kay kuya nito?" kausap niya sa sariling repleksyon sa salamin. Hindi nagtagal ay narinig na niya ang katok ng kuya Bryan niya sa pinto ng kwarto niya. "Tamara… Gising na at baka malate ka sa school! Ihahatid na muna kita bago ako pumasok sa trabaho," anito mula sa labas ng pinto. "K-Kuya maliligo palang ako. Mauna kana lang kaya. Sasakay nalang ako ng jeep," sagot niya. "No. Ihahatid na kita, kaya bumangon kana diyan!" "Si Kuya talaga! Ginagawa akong bata!" naiiling na bulong ni Tamara. "Bilisan mo na diyan! Nagluto narin ako ng agahan. Kaya kumain kana at maliligo narin ako." Narinig niya pang bilin nito at umalis na ito sa harap ng pinto ng kwarto niya. Dali-dali namang kumilos si Tamara at kumuha ng tuwalya at nagpunta sa bathroom para maligo. Pagkatapos niyang maligo ay sinubukan niyang takpan ng concealer ang bakas ng pamamaga ng mata niya dahil sa pag-iyak sa nag-daang gabi ngunit kung titigan siya ay mahahalata pa rin naman. "Umiyak ka ba, Tamara? Bakit parang namamaga ang mga mata mo?" puna ni Bryan. Nasa kotse na sila at daan papunta sa eskwelahan ni Tamara. "H-Hindi! Ano kaso ahmm madaling araw na ako natulog. Nagreview pa kasi ako para sa exam namin ngayon," palusot niya. Tumango-tango naman si Bryan ngunit nasa mukha nito ang pagdududa. "Ayusin mo lang Tamara! Baka naman nagpapaligaw kana o baka may boyfriend kana? Tapos iyon ang dahilan ng pamamaga ng mga mata mo ngayon!" "Grabe si kuya masyado ka namang advance mag-isip!" and she chuckled. "Ayusin mo lang, Tamara! Baka katulad ng kaibigan mong si Katrina ay tumatanggap kana rin ng manliligaw ha!" "Kuya talaga! Bakit ang init ng dugo mo kay Kat? Mabait naman iyon ah. Tsaka kuya hindi porket tumatanggap ng flowers at chocolates ay nagpapaligaw na. Syempre maganda si Kat at Valentine's Day kahapon, natural lang na maraming magbigay ng bulaklak at chocolate sa kanya." "Ah basta, ayaw ko diyan sa kaibigan mo." "Kuya the more you hate, the more you love! Baka kaya ka pala inis kay Kat dahil may gusto kana sa kanya at..." napahinto siya sa pagsasalita ng tingnan siya ng kuya niya ng masama. "Peace, kuya!" aniya at nakangising nag peace sign dito.   ---   SI Nathan ay nakatingin naman sa picture ni Tamara na naka save sa laptop niya. Hindi niya alam kung bakit pero gustong- gusto niyang tinitingnan ang  picture ni Tamara na nakangiti. That picture was taken a few days before the accident of her parents. Bryan sent him that stolen shot of her when he asked how's Tamara. He treats her like his own sister. Bagong panganak palang ito ay magkaibigan na sila ni Bryan. The day na ipinanganak ito ay pakiramdam niya nagkaroon din siya ng nakababatang kapatid at tuwang tuwa rin siya para sa kaibigan na si Bryan.  Noong mabalitaan niya ang nangyari sa mga magulang nila Tamara at Bryan ay agad siyang umuwi sa Pilipinas. Alalang-alala siya sa matalik na kaibigan ngunit higit ang pag-aalala niya para kay Tamara. Kaya naman hindi niya ito iniiwan noong mga panahon na nagluluksa ito. Kahit na ba pinapagalitan na siya ng mga magulang dahil kinakailangan na niyang bumalik sa London para tapusin ang pag-aaral niya ay gumagawa lang siya ng kung anu-anong dahilan para lang makasama niya si Tamara at masiguradong maayos na ito bago siya umalis.  Daig niya pa nga yata si Bryan kung mag-alala sa nakababatang kapatid nito eh. Kapag nasa eskwela kasi si Tamara ay tinatanaw niya ito mula sa di kalayuan kapag breaktime. Alam naman niya kung saan ito tumatambay, sa tindahan nila Katrina iyon. Sinisigurado niya kasi na maayos na talaga ito at nakakapagmove on na kahit paano. "Don't tell me you're in love with a kid, dude?" si Adam na hindi namalayan ni Nathan na nasa likod na niya pala at nakikitingin din sa picture na tinititigan niya. Magkasama silang nakatira sa iisang condo habang parehong nag-aaral sa London.  "F*ck, dude! Bakla ka ba? Bakit tsismoso mo?" inis na isinara ni Nathan ang laptop niya. "Hahaha," malutong na tawa ni Adam at dumeretso sa ref para kumuha ng maiinom. "Don't tell me na si Tamara ang dahilan kung bakit natagalan kang bumalik dito?" nang-iinis na tanong nito matapos kumuha ng maiinom. "Goodness. Shut the f**k up! Kung wala ka rin lang matinong sasabihin mabuti pang itikom mo nalang iyang bibig mo," pikon na wika si Nathan. Hindi niya alam pero bigla nalang siyang naiinis sa pinsan niya. "What? I'm just asking... you can easily answer me with no kung hindi naman totoo...but they way you're acting...para mo na ring sinabi na tama ang hinala ko," balewalang turan ni Adam. "Just like what you have said, she's just a kid. Kaya bakit mo pa kailangan itanong sa akin ang ganyang klase ng tanong?" "Fine then no, kung hindi. But you should have seen yourself while looking at that kid's photo. You were like a lovestruck teenager na nakatingin sa crush nito," pang-iinis parin ni Adam. "She's like a sister to me. Ganoon lang," defensive na sagot ni Nathan. "Are you trying to convince me o mas para sa sarili mo yang sinasabi mo?" nakakalokong tanong ni Adam. Napapailing nalang na tinalikuran ito ni Nathan bitbit ang laptop nito at pumasok na sa  sariling kwarto. "You can run but you can never hide my dear cousin. Isa pa problema yan kung sakaling malalaman ni Bryan. He won't allow you to date his dear little sister," pahabol na paalala ni Adam sa pinsan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD