MALUNGKOT na naman si Tamara. Mula ng umalis si Nathan ay nagiging malungkutin na siya. She missed him so damn much! Kahit na ba madalas ay inaasar lang naman siya nito at nagbabangayan lang sila. She missed being called Little Sweetheart. Si Nathan lang naman kasi talaga ang tumatawag sa kanya niyon. Kahit ang kuya Bryan niya ay hindi siya sa ganoong endearment tinatawag. She missed his smile. His cute dimple. His handsome face. Ang maganda nitong mga mata na animo laging nakangiti.
"I miss you! Bakit kasi ang tagal mong umuwi? Siguro ang dami mong babae diyan noh?" Kausap nita sa picture ni Nathan na pinakaiingat-ingatan niya. Nakasiksik iyon sa pinakatagong bahagi ng wallet niya. Takot kasi siyang baka may makakita niyon lalo ang kuya Bryan niya. "Nakakapagtampo kana ha... Hindi mo man lang ako tinatawagan! Bakit si Kuya nakukuha mong tawagan pero bakit ako, hindi? Ayaw mo ba akong makausap? Hindi mo ba ako namimiss? Ako kasi pakiramdam ko malapit na akong ma aning sa sobrang pagkamiss ko sa'yo!" patuloy niyang pakikipag-usap sa larawan.
"Tamara--- May kasama ka ba diyan? Sinong kausap mo?" boses iyon ng kuya Bryan niya at may kasama pang katok sa pinto ng kwarto niya.
Nagmamadali niyang itinago ang larawan sa ilalim ng unan niya. "A-Ano Kuya--- May play kasi kami sa school kinakamusta ko lang iyong lines ko," pagpapalusot niya.
"Sigurado ka ha! Buksan mo nga itong pinto at baka may pinapasok ka diyan na kung sino na hindi ko alam!"
Napailing nalang si Tamara. Ganito talaga ka estrikto ang kuya niya. Parang tatay niya kung umasta. Malala pa pala dahil hindi naman ganoon ang daddy nila noong nabubuhay pa.
Lumapit siya sa pinto para pagbuksan ito. "Kuya talaga! Wala ka bang tiwala sa akin? Nakaka offend kana ha... Sino namang papasukin ko dito?" She pouted her lips as she open her room door wider para makita ng kuya niya ang buong loob ng kwarto niya.
"Naniniguro lang. Baka may nakalusot na daga at mapatay ko ng wala sa oras."
Daga means manliligaw or boyfriend. Ganoon ka advance mag-isip ang kuya niya. Palibhasa gawain nito sa mga nililigawan. Kaya iniisip niyang baka may gumawa rin sa mga manliligaw ng kapatid.
"Kuya, wala akong manliligaw na tulad mo!"
Hindi siya pinansin ng kuya niya at patuloy na inikot ang tingin sa buong silid. "Okay, clear! Matulog kana at may pasok ka pa bukas," bilin nito ng masigurong wala ngang ibang tao sa loob ng kwarto niya.
"Goodnight, Kuya!" at humalik siya sa pingi nito.
"Goodnight. Iyong pambayad mo sa eskwela iiwan ko sa ibabaw ng ref. Baka kasi tulog pa ako pag-alis mo."
"Okay. Thanks kuya!"
Tumango lang ito at tumalikod na.
Dali-dali niyang inilock ang pinto ng kwarto niya. Bumalik siya sa kama at kinuha ulit ang litrato ni Nathan. "Goodnight narin sayo! Matutulog na ako at may pasok pa kami bukas." At hinalikan ang larawan na hawak niya 'tsaka ibinalik sa pinaka tagong bahagi ng wallet niya.
---
NAGTATAKA si Katrina nang makitang hindi na naman maipinta ang itsura ng matalik na kaibigan. Nasa bench sila na paborito nilang tambayan sa loob ng San Martin High School.
"Anong mayroon at mukha ka na naman naluging intsik?"
"Bakit?" walang gana niyang tanong.
"It's Valentine's day pero sa itsura mo parang araw ng mga patay!"
"I hate Valentine's Day!" deklara ni Tamara.
"Grabe naman ito. Para ka namang bigo sa pag-ibig kung maka I hate Valentine's Day ka diyan! Ikaw pa nga itong marami na namang binigong puso eh. Tingnan mo oh ang daming nagbigay sayo ng mga tsokolate," natatawang sabi ni Katrina.
"Ahhh basta I hate the day, today!" sagot niya. Oo at totoong maraming nagbigay sa kanya ng mga bulaklak at tsokolate pero hindi naman iyon galing sa taong gusto niya.
"Bakit, may hinihintay ka bang particular na tao na dapat sa kanya nanggaling ang mga ito?" tukoy ni Katrina sa mga bulaklak at tsokolate.
Hindi naman sumagot si Tamara. Katrina is her best friend but she doesn't know about how she feel for her brother's best friend. Siya lang ang tanging may alam niyon. Mas mabuti na ang nag-iingat. Baka kasi makarating sa kuya niya. Patay talaga siya!
"Sayo nalang ang mga iyan ha! Baka kasi makita ni kuya papagalitan ako noon. Kilala mo naman iyon. Ayaw na ayaw noon na tumatanggap ako ng kahit ano mula sa mga manliligaw ko."
"KJ kasi ang kuya mo eh. Ang sungit-sungit pa. Magsabi ka nga ng totoo-- pinaglihi ba iyon sa sama ng loob?" naka ismed na turan ni Katrina.
"Hahaha Grabe ka naman, Kat. Mabait din naman si kuya. Strikto lang iyon pagdating sa mga manliligaw ko."
"Takot lang iyon sa karma niya sa mga ginagawa niya sa mga babae niya. Masyado kasing playboy kaya takot na makatagpo ka ng katulad niya." Naka ismed na sabi ni Katrina. Sa sobrang higpit kasi ni Bryan kay Tamara madalas na nadadamay siya.
"Akitin mo nalang kaya si kuya, Kat! Baka sakali ikaw na ang magpatino doon!"
"Ano ka! Para mo na rin sinabi na sumpain ako. Sa kasungitan ng kuya mo--- daig ko pa ang isinumpa kapag iyon ang nakatuluyan ko! Baka mamatay ako sa sama ng loob. Kaya huwag na. Mas gugustuhin ko nalang tumandang dalaga kaysa maging syota ang kuya mong pinaglihi yata sa papaitan."
"Hindi naman talaga ganoon si kuya. Mabait kaya iyon kapag mas nakilala mo pa!"
"Yah,right! Pagtulog siguro," dudang sagot ni Katrina.
"Pero aminin mo. Pogi at macho ang kuya Bryan ko! Ang dami kayang naghahabol na mga babae doon."
"May mga sayad kasi ang mga babaeng iyon. Kahit pinaglalaruan lang sila ng playboy mong kuya, eh okay lang sa kanila." Mahahalata ang inis sa boses ni Katrina. Hindi kasi sila magkasundo ng kuya ni Tamara. Lagi kasi siyang sinusungitan nito.
"Inis ka talaga sa kuya ko noh? Paano nalang kitang magiging ate niyan?" pang-iinis pa ni Tamara sa matalik na kaibigan.
"Ate ka diyan! Ilang buwan lang naman ang tanda ko sayo ah..."
"Ay basta, ikaw ang gusto kong maging ate."
"Ang kulit ng otot nito hindi mo nga ako magiging ate dahil wala naman akong gusto sa kuya m---"
"At lalong ayaw ko rin sa'yo!" anang masungit na boses mula sa may likuran nila.
"Aayyy kabayo!" napatalon si Katrina sa sobrang gulat. Biglang nangamatis yata ang buong mukha nito sa sobrang hiya. Kilalang-kilala niya ang boses na iyon kahit hindi niya makita ang mukha ng may-ari, alam niyang si Bryan iyon. Kung pwede lang hilingin na maglaho siyang parang bola ay hiniling na niya. Hindi niya akalain na maririnig ni Bryan ang pag-uusap nila ng kapatid nito.
"Kuya Bryan .kanina ka pa diyan?" biglang tayo si Tamara at pumihit paharap sa kapatid.
"Not really just enough to hear your friend's declaration of not liking me," sagot nito na naniningkit ang mga matang nakatingin kay Katrina lalo ng makita ang mga chocolate at mga bulaklak na hawak nito. "Huwag kang mag-alala the feeling is mutual! Hindi rin kita gusto! At hinding-hindi kita liligawan," dagdag pa nito na lalong nagpamula ng mga pisngi ni Katrina at hindi nakagalaw sa kinauupuan.
"Hehe. Kuya let's go na. Kat mauna na kami ni Kuya. See you tomorrow!" pamamagitan ni Tamara at hinila sa braso ang kapatid.
Naiwan ang halos maluha-luhang si Katrina sa inabot na kahihiyan. Ang dami pa namang nakatingin at nakatambay din hindi kalayuan sa kanila.