BAGO umuwi ay nag-aya muna si Nathan na kumain sila sa isang European restaurant sa mall. Para daw hindi na siya magluto pag-uwi niya sa bahay. Parang lumulutang si Tamara sa sobrang kaligayahan. Lalo na ng kunin ni Nathan ang kamay niya at isuot sa palasingsingan niya ang kabibili lang nilang singsing.
''May kapalit to ha!" maya-maya ay sabi ni Nathan pero hindi pa rin binibitawan ang kamay ni Tamara.
''Huh? Akala ko ba regalo mo sa akin ito bakit may kapalit at ano naman?"
''I promise to be here on your 18th birthday pero...''
''Pero...?"
''Pero hindi ka pwedeng tumanggap ng manliligaw! Lalong hindi mo pwedeng sagutin ang pinaka pangit mo na manliligaw dahil lang sa iniisip mo na mas magiging faithful siya sayo,'' seryusong sabi ni Nathan at titig na titig ito kay Tamara.
''Sige hindi nalang ang pinaka pangit na manliligaw ang sasagutin ko. Iyong pinaka pogi nalang.,' pagbibiro ni Tamara. Naiilang kasi siya sa kaseryusohan ni Nathan.
''Hindi ako nagbibiro little sweetheart! Seryoso ako sa sinasabi ko. Can you wait for me?" tanong ni Nathan na mababakas nga ang kaseryusohan sa mukha.
''If you will say you love me too then I promise to wait for you.'' Sumeryuso na rin si Tamara kahit kinakabahan sa isasagot ni Nathan sa ginawa niyang pag-amin ng totoong nararamdaman para sa binata. Nakita ni Tamara ang pagkalito sa mga mata ni Nathan. ''You don't need to say it kung hindi naman talaga iyon ang nararamdaman mo para sa akin,'' parang maluluhang sabi ni Tamara at binawi ang kamay na hawak parin ni Nathan.
Hanggang sa matapos silang kumain ay pareho silang tahimik at kahit nang nasa kotse na sila ay walang nagsasalita. Gustong maiyak ni Tamara. Gusto niyang pagsisihan ang ginawang pagpapahiwatig sa totoo niyang nararamdaman lalo na ang pag amin dito na mahal niya nga ito.
Nasa harap na sila ng gate ng bahay nila Tamara ng hawakan ni Nathan ang kamay ni Tamara. ''I will miss you, little sweetheart! Mag-iingat ka lagi. I will be here on your 18th birthday.'' Niyakap siya ni Nathan. ''Ngayon nalang ako magpapaalam dahil baka hindi na ako makapagpaalam pag-alis ko sa isang araw.''
Naluha naman si Tamara at gumanti ng yakap kay Nathan. Nang maghiwalay sa pagkakayakap ay binigyan ni Nathan si Tamara ng mabilis na halik sa labi. ''Pasok ka na parating na ang kuya mo,'' sabi ni Nathan at pinahid ang luha sa mata ni Tamara.
''H-Hindi mo ba hihintayin si kuya?'' umiiyak na tanong ni Tamara.
''Bukas nalang, magkikita kasi kami ng buong barkada.''
''Mambababae na naman kayo...'' sumimangot si Tamara at binawi ang kamay na hawak ni Nathan at nag anyong lalabas na ng kotse.
Pinigilan naman siya ni Nathan. ''Ang selosa nang bata," pagbibiro nito.
Lalo naman nainis si Tamara ng tawagin siyang bata. ''Hindi na nga ako bata eh...dalaga na ako!"
''Bata ka pa. Lasang gatas pa nga ang labi mo eh.,' pang-iinis naman lalo ni Nathan dito.
''Nakakainis ka, hindi kita maintindihan. Sabi mo bata pa ako pero bakit mo ako hinalikan?"
''Para ako ang first kiss mo," nakangising sabi ni Nathan.
''Bakit nga?"
''Kasi ang cute mo para kang tuta kaya 'di ko napigilang halikan ka," patuloy na pang iinis ni Nathan.
''Bwesit ka! Ikumpara mo pa ako sa tuta. Lumayas ka na nga!''
Bigla naman siyang niyakap ulit ni Nathan. Pagkatapos ay kinuha ang panyo na nasa kamay ni Tamara at pinahiran ang mga luha ni Tamara. Parang may gusto itong sabihin ngunit nagbago ang isip at lumabas ng kotse para pagbuksan si Tamara ng pinto. Hiningi nito ang susi ng gate kay Tamara at ito na ang nagbukas ng gate. Pagkatapos makapasok ni Tamara at ibinalik ni Nathan ang susi ay tumalikod na ito pabalik sa kotse hindi na rin nito nilingon si Tamara at pinaandar na ang kotse.
Tinanaw nalang ni Tamara ang paglayo ng kotse ni Nathan. Tiningnan ang singsing na ipinabili niya. Naniniwala siya na may gusto rin sa kanya si Nathan. Kaya pumayag ito na bilhan siya ng singsing at pumili pa ito ng mamahalin kahit hindi naman iyon ang ipinabibili niya.
---
MAG-AALAS dyes ng gabi ng dumating si kuya Bryan niya at kinatok siya sa kwarto. Ayaw niya sanang lumabas dahil naka bakas sa mata ang ginawang pag-iyak kanina. Ngunit hindi ito humihinto ng pagkatok.
''Ang aga mo naman natulog. Nasa sala iyong mga pasalubong ko sayo.''
"Kamusta ang siminar niyo sa Cebu kuya?"
''Okay naman,' sagot ni Bryan at biglang kumunot ang noo ng mapansin ang pamumula ng mata ni Tamara.'' Umiyak ka ba?''
''Wala 'to kuya, sumakit lang ang puson ko kanina pero okay na ako.''
''Bumalik ka nalang matulog,'' nag-aalala namang sabi ni Bryan.
''Sige kuya salamat sa mga pasalubong. Bukas ko nalang ayusin mga labahan mo wala namang pasok eh.'' Bumalik na si Tamara sa kwarto niya bago pa makahalata ang kuya niya na nagsisinungaling lang siya.
"Ang hirap naman. Bakit kasi kailangan niya pang umalis?" bulong ni Tamara habang nakadapa sa kama at kinakausap ang singsing na galing kay Nathan.
"I promise na hindi ako magboboyfriend! Hihintayin kita kahit gaano pa katagal. Gusto ko ikaw ang maging first and last boyfriend ko Nathan Ocampo! Basta babalikan mo ako ha... Huwag ka munang mag-aasawa sa London. Babalik ka dito dahil ako ang future wife mo!" patuloy na pakikipag-usap ni Tamara sa sing-sing as if naman sasagot iyon. "Subukan mo lang umuwing may asawa na lagot ka talaga sa akin. Hindi na kita kakausapin pa kahit kailan! Hinding-hindi na talaga kita patatawarin pa!" patuloy niyang kausap sa singsing hanggang sa nakatulogan nalang niya.