Chapter 7

1132 Words
SA ilang mga araw na nalalabi ni Nathan sa Pilipinas ay hindi na nakita ni Tamara na nakipagkita pa nga ito kay Vivian. Kapag sinusundo siya nito ay lagi rin itong nakaparada may kalayuan sa gate ng eskwelahan para hindi ito makita ni Vivian. ''Nakita mo ba si Nathan?” si Vivian iyon at tinatanong si Tamara isang hapon noong pauwi na siya.   Ilang araw na rin itong iniiwasan ni Tamara ng dahil nga kay Nathan at sa nangyari sa dalawa. ''Hindi ko nakita ate Vivian baka umalis na papuntang London," pagsisinungaling ni Tamara. Ang totoo ay kakatext lang ni Nathan at nakaparada ang kotse nito hindi kalayuan sa kainan nila Katrina. Doon siya nito hinihintay. ''Hindi man niya nabanggit sa akin na aalis pala siya.'' Parang binagsakan ng langit ang itsura nito. Gustong maawa ni Tamara sa itsura ni Vivian ngunit kasalanan din nito at binalaan naman niya ngunit hindi nakinig. Ayaw niya rin naman na sabihin dito ang totoo dahil ito na ang huling pagsundo sa kanya ni Nathan dahil mamayang gabi darating na ang kuya Bryan niya. Sa susunod na araw ay aalis na ito papuntang London. Gusto rin naman niya na masolo ito kahit ilang minuto lang. ''Sige ate Vivian mauna na ako sayo," pagpapaalam ni Tamara. Para namang maluha-luha si Vivian ng iwan ni Tamara. Iniwan na lang niya ito at hindi na tiningnan muli dahil naawa siya dito. ''Mamaya ka lang na lalaki ka at lagot ka sa akin nagiging sinungaling tuloy ako ng dahil sayo," inis na bulong ni Tamara sa sarili. --- PAGKASAKAY palang ni Tamara sa kotse ni Nathan ay pinagpapalo niya ito ng hawak na libro. ''Ano na namang kasalanan ko sayo?" umiilag na tanong ni Nathan. ''Dahil sayo ay para akong magnanakaw na palingon-lingon at baka nakasunod sa akin si ate Vivian. Dahil din sayo kailangan ko pang magsinungaling na nakaalis kana," nanggigil sa inis si Tamara. ''Kaya nga pinagtataguan ko kasi napaka selosa mo eh," nanunudyong namang sabi ni Nathan. ''Ang yabang mo talaga! Masyado kang nagfefeeling. Bakit naman ako magseselos eh wala naman akong gusto sayo! Napaka babaero mo at heartbreaker na walang hiya ka!'' Matapos pagpapaluin ng libro ay pinagkukurot naman ito ni Tamara hanggang sa siya na rin ang napagod sa pananakit dito. Samantalang si Nathan ay pinagtatawanan lang siya. ''Di nga?'' nakakalokang tanong ni Nathan at pinaandar na ang kotse maya-maya. ''Hindi nga talaga! Bakit naman ako magkakagusto sa babaerong katulad mo?'' ''Dahil pogi at macho ako kaya nga maraming nagkakagusto sa akin eh at isa kana doon!" ''Bwesit ka--- mas gugustuhin ko pang pumatol sa pinaka pangit na manliligaw ko kaysa katulad mo! At least ang pangit wala akong kahati." ''Nagpapaligaw ka na?'' seryosong tanong naman ni Nathan. "Wala kang pakialam!" umirap si Tamara dito. ''Isusumbong kita sa kuya mo," pagbabanta naman ni Nathan. ''Eh di magsumbong ka! Wala ka naman magagawa kasi aalis kana.'' Dumila pa si Tamara na parang bata. ''Bawal ka pa magka boyfriend! Bata ka pa may gatas ka pa sa labi.'' ''Bakit kayo nila kuya twelve pa ngalang ata kayo may mga syota na kayo. Eh sixteen na ako pwede na akong magpaligaw.'' "Basta hindi ka pa pwedeng magpaligaw. Malaman ko lang na may boyfriend ka na ipapabugbog ko!" ''Ano ngang pakialam mo? Hindi naman kita kapatid.'' ''Basta hindi ka pa pwedeng magka boyfriend. Malaman ko lang na may boyfriend ka na at kahit wala ako dito kaya kung ipabugbog kung sino man iyon.'' ''Iyon ay kung malalaman mo!" bulong ni Tamara. ''Ano kamu?" Nagdidikit ang mga kilay na tanong ni Nathan. ''Wala!" Sabi ko ang cute cute cute mo!'' ngumisi pa si Tamara bilang pang-iinis. ''Alam ko!" nang-aakit naman na ngumiti si Nathan. ''Kapal talaga ng face. Hindi na nahiya," pagpaparinig naman ni Tamara. Nginitian lang siya ni Nathan at nagpatuloy na sa pagdadrive. Si Tamara naman ay nanahimik na sa inuupuan niya hanggang sa mapansin niyang nalampasan na nila ang bahay nila.  ''Saan tayo pupunta? Nilampasan na nating iyong bahay namin ah.'' ''Ipagsa-shopping kita. Hindi ko kasi nakikitang isinuot mo iyong regalo ko sayo noong birthday mo. Baka hindi mo nagustuhan. Kaya ikaw nalang papapiliin ko ng gusto mo.'' Gusto sanang itanong ni Tamara kung ano ang laman ng maliit na box na bigay ni Nathan ngunit malalaman lang nito na hindi pa niya binubuksan at higit sa lahat ay uusisain siya kung bakit hindi pa niya iyon binubuksan gayong ilang buwan na mula ng ibigay iyon sa kanya. ''Talaga? Kahit gaano ka mahal?'' biglang nawala ang inis ni Tamara sa lalaki. Parang bata na sinabihan ng magulang na nagshoshopping at pwedeng pumili ng kahit na anong laruan. ''Parang gustong magbago ng isip ko. May palagay akong mamumulubi ako sayo ah," nakangiti paring turan ni Nathan. ''Wala nang bawian! Kasalanan mo ikaw ang nag-aya kahit hindi ko naman hinihiling sayo.'' Nang makarating sila sa pinakamalaking mall sa Santa Fe ay sa isang jewelry shop dinala ni Tamara si Nathan. ''Bakit dito?'' ''Kasi ibibili mo ako ng promise ring," sagot ni Tamara. ''Sabi ko na ngaba at may gusto ka sa akin eh.'' ''Ibibili mo ako ng promise ring. Promise mo sa akin na nandito ka sa 18th birthday ko at ikaw ang escort ko.'' ''May gusto ka nga sa akin! Todo deny ka pa eh aamin ka rin naman,' ngiting-ngiti na sabi ni Nathan. ''Whatever!'' nasabi nalang ni Tamara. Wala siyang pakialam kahit na halos umamin na siya kay Nathan na may gusto nga siya dito. Ang mahalaga ay mangako si Nathan na makakasama niya ito sa pinakamahalagang araw ng buhay niya. Pagpasok nila sa jewelry shop ay hindi makapili si Tamara kung alin sa nag gagandahang singsing ang pipiliin. Kapag kasi nakikita niya ang presyo ay nagbabago ang isip niya at binibitawan. Si Nathan ay pinapabayaan siya sa pagpili. ''Ito nalang Miss.'' Turo ni Tamara sa isang simpleng design ng singsing at hindi rin iyon kamahalan dahil walang bato iyon. Ngunit pinigilan ni Nathan ang sales lady at ipinakuha ang isa sa isinukat niya kanina at iyon ang ipinabalot at binayaran. Ginto iyon na may infinity sign kung saan naman nakalagay ang maliliit na bato. ''I told you to choose whatever you like!'' bulong ni Nathan sa kanya. Kilig na kilig naman ang dalawang tindera ng shop. ''Ang swerte mo naman Ma'am sa boyfriend mo!" sabi pa ng isang tindera. Pagpasok palang nila kanina sa shop ay parang kilig na kilig na ito kay Nathan at panay ang pasimpleng nakaw na sulyap. Namula naman agad si Tamara ng mapagkamalan na magkasintahan sila ni Nathan. Si Nathan ay umakbay pa kay Tamara. ''Bagay ba kami?" nakangiting tanong ni Nathan. ''Opo Sir bagay na bagay po kayong dalawa!" sagot naman ng tindera at ibinigay na sa kanila ang biniling singsing kasabay ng resibo at ng credit card ni Nathan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD