Chapter 6

1127 Words
KINABUKASAN ay maagang nasira ang araw ni Tamara dahil sa kaklase niyang si Vivian na sobrang vocal sa pagkukwento sa kanya ng mga bagay bagay na ginawa nito at ni Nathan.  ''Ang yummy niya Tam! Nakakapanggigil talaga siya. I can't get enough of him," kinikilig na pagkukwento ni Vivian kay Tamara. Wala manlang itong pakialam kung ano ang iisipin ng kaharap o sa kung sino mang pwedeng makarinig. Tahimik siyang kumakain sa isang mesa sa Canteen ng eskwelahan ng lumapit ito sa kanya at mukhang hindi manlang ito nahihiya na nagkwekwento pa ito ng mga ginawa nito at ni Nathan kahapon matapos siyang ihatid sa bahay. Base sa kwento nito ay ito pa daw ang nag-aya kay Nathan naisama ito sa condo ng lalaki at hindi pa man daw ang mga ito nakakaakyat sa condo ay may namagitan na sa mga ito sa kotse nito habang nasa parking lot na nasa loob mismo ng building. Naniniwala siyang totoo ang sinasabi nito dahil minsan na siyang nakarating sa parking lot ng condo ni Nathan kasama niya noon ang kuya Bryan niya at may dinaanan sila sa condo ni Nathan. Medyo madilim nga doon at kung sino man ang may kahalayang gustong gawin habang nakapark ang kotse doon ay malayang magagawa. ''Grabe, he’s really good and big, Tam! Napapasigaw ako sa sobrang sarap niya," pagpapatuloy na kwento ni Vivian sa kanya. Hindi manlang ito nakakahalata na lalo lang itong nakakapagpasama ng mood niya.  Para sa kanya ang mga bagay na ganoon ay hindi na dapat sinasabi sa iba. Dapat ay sa pagitan na lang iyon ng dalawang tao na involve sa naturang sitwasyon. ''Mauna na ako sayo ate Vivian may dadaanan pa ako sa library,'' at tumayo na siya. Kahit hindi pa niya halos nagagalaw ang pagkain ay iniwan nalang niya. Nawalan na siya ng gana dahil sa mga naririnig niya at hindi niya na gustong pang marinig pa ang mga kwento ni Vivian at lalo lang itong nakakasira ng araw niya. Bakit ba may mga babaeng katulad ni ate Vivian niya napaka kiss and tell nito. Hindi na nahiya kababaeng tao ay halos ipagsigawan pa nito ang ginawa nito at ni Nathan. Na parang iniinggit pa siya nito. Siya nalang tuloy ang nahihiya dahil napapalingon sa kanila ang iba pang mga estudyante na nasa canteen din. Nagsisi tuloy siya kung bakit sa canteen pa siya kumain at hindi pumunta sa kainan nila Katrina. Ayaw niya kasing mag usisa sa kanya ang kaibigan kung bakit bad mood siya kaya sa canteen siya pumunta. Hindi naman niya akalain na naroon din ang haliparot na kaklase niya. Para sa kanya ay isa nalang itong kaklase at hindi na niya ito itinuturing na kaibigan mula pa kahapon ng akitin nito si Nathan. Lalo na ngayon na nalaman niya kung gaano ito kalandi. Hindi ang katulad nito ang uri ng mga kaibigan na gusto niya. Napaka-kiri pala nito at masyadong makati.    ---   NAPANSIN ng kaibigan niyang si Katrina na bad mood siya ng magkita sila at agad naman siyang inusisa niyto.  ''Bakit kanina ko pa napapansin na hindi maipinta ang pagmumukha mo diyan?" ''Naiinis kasi ako kay ate Vivian!" kilala ni Katrina si Vivian dahil minsan na niya itong ipinakilala kay Katrina. ''Bakit naman?"  ''Ang bastos ng bunganga. Biruin mo ikwenento sa akin kung paano sila nagtalik noong lalaking kahapon niya lang nakilala.'' Hindi na niya sinabi dito na si Nathan ang lalaking iyon at baka makahalata ang kaibigan na nagseselos siya. Idinitalye niya rin kung anu-ano ang mga sinabi ni Ate Vivian sa kanya. ''Talaga!'' nakabuka pa ang bibig ni Katrina ng matapos mag kwento ni Tamara. ''Sabi ko na sayo eh! Unang tingin ko palang sa babaeng iyon ay makaranasan na at marami nang alam sa ganyang bagay.'' ''Ngayon ako lubos na naniniwala dahil sa bibig niya na mismo nanggaling ang mga kabastusan na ginawa nila ng lalaki kahapon,'' si Tamara na may gigil pa sa boses niya. ''Wait. Bakit parang galit ka? Kilala mo ba iyong guy?" naghihinala na tanong ni Katrina. ''Hindi ko kilala noh... basta nagkwento lang siya sa akin pero walang binanggit na pangalan," pagsisinungaling ni Tamara. ''Dapat iwasan mo nang makipagkaibigan doon at baka makarating pa iyan sa kuya mo na nakikipagkaibigan ka sa katulad ni ate Vivian mo siguradong magtatalak na naman iyon. Alam mo naman na sobrang higpit noon pagdating sa mga taong nakakasama mo. Sa akin nga na wala naman akong itinuturo sayong masama ay napakasungit sa akin eh.'' “Sinabi mo pa. Iiwasan ko na talaga siya.”     ---   BINASA ni Tamara ang text message sa cellphone niya. Galing iyon kay Nathan. ''I'm here in front of Katrina's place. Don't tell Vivian!" Kahapon pa ngalang nito natikman si Vivian ay pinagtataguan na nito agad? Napailing nalang si Tamara. Pero kasalanan din iyon ni Vivian dahil ito mismo ang nagbigay ng sarili nito  kay Nathan at hindi nakinig sa babala niya. Pagkatapos ng klase ay iniiwasan niyang makasabay si Vivian. Sa gate din sa tagilirang side ng eskwelahan siya dumaan ng matanawan niya si Vivian sa may gate sa harap at mukhang hinihintay siya. Kung sa ibang pagkakataon ay baka isinumbong niya si Nathan kay Vivian ngunit ilang araw na lang at aalis na ito. Kahit papano ay gusto niyang masolo ito. ''Pagkatapos mong tikman ay pinagtataguan mo na?'' si Tamara ng makapasok sa kotse ni Nathan. Maski kotse ay iba ang dala nito kaysa kahapon na palagi nitong gamit. Kung hindi lang siya nito tenext ay hindi niya iisipin na ito ang sakay  niyon. ''Little sweetheart hindi ako ang tumikim sa kanya. Ako ang tinikman niya at dahil mapagbigay naman ako ay pinagbigyan ko na.'' ''Kahit kailan ay kadiri ka talaga! Napaka yabang at bastos mo!'' "Saan ang bastos doon?" ''Ay ewan ko sayo. Basta kadiri ka!'' Kung hindi lang siya nasasagwaan ay baka sinabi niya ditong alam niya ang pinaggagawa nito at ni Vivian kahapon dahil sinabi ng babae sa kanya ngunit itinikom nalang niya ang bibig. ''Ito pala para sayo.'' Iniabot nito kay Tamara ang isang box ng mamahaling chocolate.'' ''Ano naman to? Suhol kasi naka score ka kahapon ng dahil sa akin?'' pagsusungit ni Tamara dito habang inaabot ang chocolate ''Little sweetheart kahit wala si Vivian kahapon ay kaya kung maka score anytime. Naghihintay lang ng tawag ko ang mga chicks ko dyan sa tabi-tabi.'' ''Eh ano pala to?'' ''Wala napadaan kasi ako kanina sa tindahan ng chocolate. Naalala kung mahilig ka diyan kaya bumili ako. Para naman mabawasan ang kasungitan mo sa akin kahit papano.'' Nagpakita ng fake ng ngiti si Tamara. ''Salamat!" Sa totoo lang ay super na touch siya. Ganoon naman talaga si Nathan. Laging may kung anu-anong binibigay sa kanya kahit wala namang okasyon. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na special siya dito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD