PALABAS si Tamara sa eskwelahan nila ng makisabay sa kanya ang isang transferee sa engineering department at sikat ngayon sa eskwelahan nila dahil maliban sa bago itong mukha sa campus makisig at gwapo rin ito. Minsan narinig niya rin na nagkwekwentuhan ito ng mga babaeng kaklase niya. Matalino daw ito at siyempre pa ay anak din ng mayaman sa bayan nila. Minsan na nila itong nakasalubong ng bestfriend na si Katrina ngunit hindi nila pinagtuonan ng pansin dahil wala naman silang interes kahit gwapo pa ito. "Hi. Uwi kana?" bati nito sa kanya. Hindi niya sana ito papansinin kung hindi niya lang inisip na parang bastos niya naman gayong mukhang nakikipag kaibigan lang naman ang tao. "Hello..." maikli niyang sagot at nagpatuloy sa paglalakad. "By the way I'm Marcus Suarez, transferee. You'r

