NAMIMILI ng school supplies niya sa isang book store si Tamara ng bigla nalang sumulpot sa harap niya si Nathan. "Ay malaking ipis!" bulalas niya sa gulat. Muntikan na siyang natumba kung hindi siya nito nasalo. "Heyyy, mukha na ba akong ipis ngayon?" natatawang turan nito habang inaalalayan siyang tumayo ng maayos. "Bigla ka nalang kasi sumusulpot sa harap ko. Nakakagulat ka! Kanina mo pa ba ako sinusundan?" naka irap na turan niya. "Yap. Simula pa paglabas mo sa eskwela." "Why? I mean bakit sinusundan mo ako? Staker ka ba?" Nathan smiled. "Para alam ko kung anong regalo ang bibilhin ko sayo." Napanganga si Tamara. Lalo pa nang may iabot na paper bag sa kanya si Nathan. May pangalan iyon ng mamahaling boutique na pinanggalingan niya kanina at may sinukat siya na damit. Ngunit ng ma

