KUNG kanina ay hindi ako umiiyak, na nakakayanan ko pang pigilan ang mga luha. Ngayon ay hindi na, bumuhos ang luha dahil sa alaalang nangyari noon. “Nakunan ako dahil napabayaan ko ang sarili ko. Sa rami ng nangyari noon, hindi ko alam ang dapat gawin sa buhay ko at dahil dito, nawala sa akin ang baby ko.” Tumikhim ako, pinipigilan ang humikbi. “I blamed myself for that. I was depressed, na gusto ko na lang mawala. Ilang beses kong hiniling na sana ako na lang iyong nawala kaysa ang baby ko. I was so sorry dahil sa pagpapabaya ko, nawala sa akin ang anak ko.” Kumawala ang hikbi sa akin. Dinumog ako ng mga kapatid ko. Nakita ko ang ilan na napatakip sa kanilang bibig dahil sa gulat at ang iba naman ay para bang naestatwa sa pagkagulat. “But thanks to Ate Maxine—to my family. Na kahit

