Chapter 33

1180 Words

"Matulog ka na, Mari. Maaga pa tayo bukas para magsimba, 'di ba?" "Gusto ko pong hintayin si Lolo---" "Bukas pa uuwi ang lolo mo, 'nak. Huwag ka mag-alala, paggising mo bukas ay nandito na si Lolo… dala 'yong gift niya sa iyo. Okay ba 'yon?" Tumango siya. "Good night, mama." Hinalikan ko siya sa noo at bahagyang inayos ang pagkakatabing ng kumot hanggang sa kanyang balikat. Malamig kasi ang panahon ngayon since Amihan season ngayong buwan. Bago ako tuluyang lumabas sa kwarto ni Mari, pinatay ko na muna ang ilaw tiyaka marahan na isinara ang pinto. Pasadong alas-nuebe na rin ng gabi ngayon, ngunit ang balak kong dumiretsyo na sa kwarto ko para makapagpahinga na ay naudlot. Sa living area ako diniretsyo ng mga paa ko at tiyaka naupo sa sofa… nagmuni-muni sa kabila ng madilim na pal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD