"Ano ka ba, Mari!" Agad kong binawi ang kamay ko sa pagkakakulong ni Dwine sa paghawak nito, bago ko pinagtuunan ng atensyon ang anak ko. "Kung ano-anong natututunan mo, ha? Umuwi na tayo--" "Ma!" Hinawakan niya ang braso ko. "Kasi… 'di ba manonood pa tayo ng sine?" Ipinakita pa niyang nakabili na sila ng ticket ni Dwine para sa balak nilang panonood ng sine sa isang mall na malapit lang din naman sa restaurant na kinainan namin. Kaysa naman magdesisyon akong umuwi na kahit gustong-gusto ko na talagang umuwi ay nanatili pa rin ako sa tabi ni Mari para sumama sa panonood ng sine. Hindi ko pwedeng iwan na lang kay Dwine 'tong anak ko, baka kung ano-anong kabulastugan ang ituro niya pa rito. Frozen 2 ang palabas sa sinehan. Ano pa bang aasahan n'yo na panoorin ng isang bata, 'di ba? 365 da

