"Kasalanan n'yo itong lahat!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na magwala. Mahigpit ang kapit ko sa tag ng baby ko… mataman kong tiningnan ang nurse na kumausap sa akin… na ngayon ay batid kong guilty dahil sa kasalanan na ginawa nila. "Wala sanang inosenteng mga sanggol ang mawawala kung sana ay pinagawa n'yo 'yang nga kukote n'yo!" Ang luha'y sunod-sunod na rumagasa mula sa aking mga mata. "Kung sana kaligtasan nila ang inuna n'yo, wala sanang ina na katulad ko ang nagluluksa!" "Pasensya na po---" "Anong magagawa kung hihingi kayo ng tawad sa akin?! Sa kagaya kong ina na nawalan ng anak dahil sa katangahan n'yo?! Maibabalik ba ng sorry n'yo ang buhay na isinugal n'yo para lang iligtas ang ibang mga pasyente?!" "Aya, umalis na tayo---" "Kailangan n'yong pagbayaran ito! Kaila

