"Pa, hindi ko na kaya!" mangiyak-ngiyak na sambit ko habang nasa loob ako ng tricycle. Pinapaharurot na nga ni Papa ang tricycle nang mabilis para makarating kami kaagad sa ospital, pero dahil may kalayuan ang lokasyon ng ospital mula sa amin, medyo tatagal ang biyahe namin. Hindi ko na talaga kaya ang sakit na nararamdaman ko, parang gusto kong dito na lang ako sa loob ng tricycle manganak. "Malapit na tayo, Aya. Tiisin mo lang!" rinig kong sigaw ni Papa sa akin. Dala ng sobrang pagmamadali ni Papa, hindi na niya nagawang huminto nang may madaanan kaming kapirasong lubak sa daan, mas lalo tuloy lumakas ang pag-iyak ko. Pambihira naman ito si Papa, gusto niya yata akong patayin sa ginawa niya! "Bilisan n'yo!" At nang tuluyan kaming makarating sa ospital, agad akong isinakay sa isang

