Maluha-luha kong pinakatitigan ang hawak kong pregnancy test… hindi ko pa rin lubos na mapaniwalaang gumuhit ito ng dalawang linya. Nangangatal ang aking panga, sunod-sunod ang naging pagbuhos ng luha sa aking mga mata hanggang sa hindi ko na napigilan pa ang aking sarili na humagulgol nang malakas.
Hindi ko pa nga lubos na nakalilimutan ang ginawang pambababoy sa akin ng lalaking ‘yon tapos bigla namang susundan nito… na malalaman kong buntis ako? Diring-diri na nga ako sa sarili ko dahil sa pinagdaanan ko noong gabing ‘yon, ano pa ang mararamdaman ko sa nangyaring ito?
Ang hirap paniwalaang… nagbunga pa ang pananamantala sa akin ng hayop na ‘yon.
“AAAAHHHHHH! GUSTO KO NANG MAMATAY!!!!!!” Hindi ko na napigilan ang sariling sumigaw dala ng sobrang sama ng loob ko.
Mas gugustuhin ko pa na pagkatapos akong gahasain ng demonyong ‘yon, sana pinatay niya na lang ako. Wala rin namang pagbabago ang buhay ko ngayong buhay nga ako, pero para din naman akong pinapatay dahil sa nararanasan ko ngayon.
“Anak, bakit ka sumisigaw?” Bumukas ang pinto ng aking kwarto at iniluwa no’n si Papa na punong-puno ng pag-aalala ang kanyang mukha. “Ano’ng nangyari, huh? Bakit ka umiiyak?!” Nagmamadaling tinungo ni Papa kung saan ako nagmumukmok at nakadukdok ang ulo ko sa magkasalikop kong tuhod.
Inihagis ko ang hawak na PT, kaagad namang kinuha ‘yon ni Papa at pinagmasdan ng maigi. “Buntis ka?”
“Pa, ipapalaglag ko ito,” determinadong tugon ko. “Hindi ko kayang dalhin ng siyam na buwan sa sinapupunan ko ang batang ito. Tingin ko ay gabi-gabi lang akong babangungutin ng nakaraan.”
“Anak,” aniya, “kasalanan sa Diyos ang magpalaglag ng bata. Kahit na hindi mo ginustong may mabuong bata sa sinapupunan mo, kailangan mo siyang dalhin. Masama ang pumatay ng sanggol, anak.”
“Pero hindi ba kasalanan ang ginawa sa akin ng demonyong ‘yon?!” pinahid ko ang takas na luha sa pisngi ko. “Mali rin naman ang ginawa niya sa akin, ah? Maituturing din namang kasalanan sa Diyos at sa batas ang ginawa sa akin ng lalaking ‘yon! Kaya’t ano’ng masama kung ipalaglag ko ito, Pa? E, sa hindi kakayanin ng sikmura ko na dalhin at ipanganak ang lecheng bata na ito!”
“Makinig ka sa akin, Aya.” Hinawakan ni Papa ang magkabilang balikat ko at pinilit niya akong iharap sa kanya. “Gaano man kalaki ang kasalanan na ginawa sa iyo ng isang tao, ‘wag na ‘wag mong iisipin na ibalik ‘yon sa kanya. ‘Wag kang gumawa ng kasalanan para lang makaganti o masabing patas na ang laban.
Ang isipin mo na lang ay… sa kabila ng madilim na pinagdaanan mo nitong mga nakaraan ay mayroon pa ring magandang bagay ang nangyari sa buhay mo.” Nginitian ako ni Papa sabay haploss sa aking tiyan. “At ‘yon ay biniyayaan ka ng Panginoon na magkaroon ng anak para gawing makulay muli ang iyong mundo.”
Iniwas ko ang aking tingin sa kanya. Pinili kong ‘wag na lang sagutin si Papa dahil alam ko namang sa kahit anong argumento ay hindi ako mananalo sa kanya. Ipipilit niya lang ang gusto niya… at ‘yon ay huwag kong ipalaglag ang inosenteng sanggol sa sinapupunan ko.
Alam kong tututol siya sa plano kong pagpapalaglag dahil bilang isa siyang magulang, sobrang importante sa kanya na hayaang mabuhay at makalusot ang isang sanggol na kagaya ko ay hindi rin naman ginusto ang mga nangyari. Pero ang hirap lang para sa akin na tanggapin ang batang ito, araw-araw niya lang ipapaalala sa akin ang madilim kong nakaraan na noon ko pa gustong ibaon sa limot.
“Nakikiusap ako sa iyo, Aya. ‘Wag na ‘wag mong itutuloy ‘yang binabalak mo, huh?” Hinalikan ni Papa ang noo ko bago siya nagpaalam sa aking aalis muna sa kwarto ko para ikuha ako ng makakain.
Dumapo ang mga kamay ko sa tiyan ko… hinimas ito at mayamaya lang din ay marahang sinuntok-suntok. Sana kung one night stand lang ang plano sa akin ng lalaking ‘yon, edi sana gumamit siya ng condom. Wala sanang buntis ngayon kung sana ay bago siya magplano na pansamantalahan ako, naging protektado siya.
Nakakabaliw ito. Kung kanina ay buo na ang desisyon kong ipalaglag ang sanggol sa aking sinapupunan, ngayon ay nagdadalawang-isip na akong gawin ‘yon. Dahil sa mga sinabi ni Papa, bigla akong napaisip at maging hesitant na gawin ang pinaplano ko. Still, ayoko pa ring ituloy ang pagbubuntis ko. Ayoko pa rin sa batang ito at kailanman ay hindi ko siya magagawang mahalin. Kung sakaling piliin ko na buhayin siya, baka araw-araw rin akong bangungutin sa tuwing makikita ko siya.
Ang hirap… sobrang hirap.
“Ikaw na ikaw ang Mama mo noon,” ani Papa na kapapasok lang sa kwarto ko bitbit ang isang tray na may lamang mga prutas at tinapay. “Gusto ka niya ring ipalaglag noon dahil noong nabuo ka namin ng Mama mo, teenager pa lang kami. Hindi pa siya handa na mabuntis kaya’t binalak niya ring ipa-abort ka. Natatakot siyang itakwil siya ng mga magulang niya at hindi na pag-aralin…”
“Kung sakaling hindi ko napigilan ang Mama mo sa plano niya, hindi ka sana namin kasama ngayon, Aya.” Pagpapatuloy ni Papa. “Sa awa ng Diyos ay hinayaan ako ng mga magulang namin na pakasalan ang Mama mo tanda na handa akong panagutan ang pagdadalang-tao niya. Naging maayos naman ang buhay namin, ‘yon nga lang ay ‘di na nagawa pang tapusin ng Mama mo ang pag-aaral niya dahil sa kahihiyang ibinigay ko sa kanya.”
Ikinagulat ko ang ikinwento ni Papa. Hindi ko alam na ‘yon pala ang history kung paano ako nabuo, walang pagkakaiba sa batang ngayon ay nabuo sa sinapupunan ko. Ngayon ay naiintindihan ko na si Mama kung bakit gustong-gusto niya na makapagtapos ako ng pag-aaral. Dahil ‘yon ang isang bagay na hindi niya nagawang tuparin dahil maaga siyang nagkaroon ng anak.
Kaya lang ay nabigo ko siya… dahil sa kagaya ng sinapit niya ay sinapit ko rin. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit gano’n kagalit si Mama sa akin mula nang malaman niya na may nanamantala sa akin hanggang nitong mga nakaraang araw.
“Ahh, kaya siguro gano’n kagalit sa akin si Mama.” Natawa ako nang bahagya. “Kasi ipinaalala ko sa kanya ‘’yong nakaraan niya.”
“Naniniwala naman akong hindi dahil doon kaya nagalit ang Mama mo,” sambit ni Papa, “kung hindi nagalit siya sa iyo dahil hindi niya inaasahang hindi ka makakadalo sa graduation mo. Sabihin nating nagalit din siya nang malaman na may nanamantala sa iyo kasi Mama mo siya, malamang ay mag-aalala ‘yon sa iyo at magagalit sa kanyang nalaman.”
“Pero ang isipin mo na lang, Aya… masyado kang mahal ng Mama kaya ‘yon nagalit sa iyo. Kaya ‘wag ka nang mag-isip ng kung ano-ano riyan, at ‘wag mo na ring isipin na ipalaglag pa ang batang nasa tiyan mo. Kung ayaw mong magkasala sa nasa itaas, parang awa mo na… maging mabuti at responsableng ina ka sana sa magiging anak mo. Maging matapang ka upang harapin ang mga pagsubok na ibinigay sa iyo… gaya ng ginawa ng Mama mo noong mga panahong pinili niyang buhayin ka kaysa ang piliing ipalaglag ka na lang.”
Matapos din no’n ay lumabas na si Papa upang hayaan akong mapag-isa sa kwarto ko. Dahil naubos ang energy ko kanina, hinayaan ko munang makapagpahinga ang sarili ko at natulog na lang.
Mukhang ito ang kailangang-kailangan ko ngayon.
---
“Hmm, sino ka?” Wala ako sa wisyong inilalayo ang kamay ng kung sino na naglalakbay sa maseselan na parte ng aking katawan. Pilit kong itinutulak palayo sa akin ang mukha nitong walang tigil na hinahalikan ang leeg ko, tinatayuan na ako ng balahibo sa ginagawa ng lalaking ito sa akin.
“You’re so tender,” rinig kong bulong nito. Nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa hanggang sa maramdaman ko ang unti-unting paghatak niya sa suot kong pants paibaba. Pinigil ko siya sa abot ng aking makakaya kaya lang dahil sa sobrang panghihina ay hindi na ako nakapalag.
Unti-unti niya nang nahubad ang damit na suot ko mula itaas hanggang paibaba, kaya naman iba ang lamig na nararamdaman ko sa mga oras na ito dahil na rin ubos na ang saplot na aking suot. Nakapikit pa rin ako dahil ang talukap ng mga mata ko ay hindi ko magawang iangat dahil sa sobrang bigat, at mas nadagdagan pa ang bigat nito nang maramdaman kong ipasok niya ang kanyang p*********i sa akin… halos maiangat ko ang katawan ko sa sobrang sakit.
Dinig ko pa ang pag-ungol ng lalaki, na sa hindi ko inaasahang pangyayari, ay nagawa ko ring sabayan… dala ng sobrang sakit ngunit sobrang sarap.
Agad akong napabangon sa kinahihigaan matapos mamasa ang suot kong underwear dahil sa panaginip na ‘yon. Blurred ang mukha no’ng dalawa… pero parang pamilyar sa akin ang eksenang ‘yon.
Hindi kaya… unti-unti ko nang naalala ang pangyayari noong gabing ‘yon? Bigla tuloy sumama ang timpla ng mood ko dahil naalala ko na naman ‘yon. Nanumbalik lahat ng sakit na naramdaman ko, ang bangungot ng nakaraan na matagal ko nang gustong ibaon sa limot.
Bigla na lang nagdilim ang paningin ko, lumabas ako ng kwarto at nagtungo ng kusina. Kumuha ako ng kutsilyo, sandali ko itong pinakatitigan nang maluha-luha ang aking mga mata. Kung patuloy lang din akong babangungutin ng nakaraan, mas maiging mamatay na lang kami kasama ang batang nasa tiyan ko.
Akma ko nang sasaksakin ang aking sarili nang pigilan ako ng isang kamay… ‘yon ay mula kay Papa at pilit na inagaw sa akin ang kutsilyo. Ako naman ay nakatulala lamang habang nasa bisig ako ng aking ama na nakayakap sa akin ngayon.
“Maaayos din ang lahat, anak… hindi mo kailangang magpakamatay, hmm? Tandaan mong nandito lang si Papa, handa kang alagaan kahit na malaki ka na.” Aniya na hindi ko na nagawa pang masagot, dahil bigla na lang akong nawalan ng malay.