“Sino ang gumawa sa iyo? Sabihin mo, Aya!” Nang makauwi kami sa bahay ay matatalim na titig ang ipinukol sa akin ng aking ina. I understand kung bakit ganyan man siya makatingin sa akin ngayon… malamang ay galit siya sa akin dahil hindi ako nag-iingat. “Natatandaan mo man lang ba ang mukha ng lalaking ‘yon?”
“Natatandaan ko po ang mukha niya,” mahinang sambit ko, “pero hindi ko alam ang pangalan ng lalaking ‘yon.”
“Ang mahalaga ay naaalala mo ang mukha niya, anak.” Katabi ko si Papa na nakaupo sa sofa, nakaakbay siya sa akin at marahang tinatapik ang ulo ko. “Magtiwala ka sa amin ng Mama mo, Aya. Pagbabayarin natin ang lalaking bumaboy sa iyo, hmm?”
Marahan ko na lamang na itinango ang ulo ko, nanatili pa rin akong tulala sa kawalan dahil hindi pa rin ako lubos na makapaniwala sa madilim na pinagdaanan ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos na mapaniwalaan na totoo ang mga nangyaring ito sa buhay ko… na sana ay isa na lamang bangungot.
“Ilang beses ka na kasing pinagsasabihan na ‘wag kang magpapagabi masyado sa pag-uwi, ano ngayon ang napala mo?” ramdam ko ang galit sa tono ni Mama. “Hindi ko alam kung saan ka nakakuha ng lakas ng loob para mag-bar, e alam mo naman ang kadalasang laman ng bar, ‘di ba? Hindi ka na kasi natuto, ‘yan tuloy ang nangyari sa iyo.”
“Huwag mo naman sanang sisihin ang anak natin, hindi niya naman ginusto ang mga nangyari sa kanya. Nagahasa na nga’t lahat ang anak mo, ‘wag mo na sanang sabayan pa ng panenermon.”
“Ayan, kunsintidor ka talaga. Kaya hindi natututo ‘yang unica hija mo kasi palagi mong kinokonsinte. Magsama kayong mag-ama!” Iniwan kami ni Mama sa living area, umakyat na ito sa taas para siguro ay makapagpahinga na.
“Kung pwede ko lang balikan ang mga oras na ‘yon, hinding-hindi na ako sasama kay Jazz sa bar na ‘yon.” Pinagdikit ko ang aking tuhod at doon ko idinukdok ang aking ulo. “Kung alam ko lang na mangyayari ang lahat ng ito, edi sana umuwi na lang ako ng maaga, Pa.”
“Shhh, wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan ang nangyari, kung hindi ‘yong lalaking umabuso sa iyo ang dapat maparusahan. Huwag mo na lang masyadong pansinin o isipin ang sinabi ng Mama mo kanina, disappointed lang talaga siya sa iyo dahil nga hindi ka naka-graduate kanina.” Gamit ang kanyang palad, pinahid ni Papa ang takas na luha sa aking pisngi. “Nalungkot din naman ako na hindi ka makitang maka-graduate kanina at magmartsa… pero nawala lahat ng lungkot na ‘yon dahil ang mahalaga na lang sa akin ngayon ay natagpuan ka naming buhay at ligtas.”
“Huwag mong isipin na katapusan na ng mundo dahil lang sa pinagdaanan mo, Aya. Hindi ka dapat habambuhay na maging malungkot, alam kong mahirap kalimutan ang lahat pero iyon ang sa tingin ko na kailangan mong gawin. Tutulungan kita na makaahon ulit at maging masayang muli, okay?”
“Sana nga, Pa. Sana kasing dali kumain ng marami ang pag-m-move on.”
Ang dali lang sabihin para sa iba na kalimutan ko na lang ang nangyari. Pero kung subukan n’yo kayang ilagay ang sarili n’yo sa sitwasyon ko ngayon… kaya n’yo bang makalimot? Para sa akin, sobrang hirap na kalimutan na lang ang lahat. Pakiramdam ko ay araw-araw akong babangungutin sa nakaraang pilit kong kinakalimutan.
---
Sa kalagitnaan ng pag-b-browse ko sa f*******:, may isang post ang nagpatigil sa akin sa pag-s-scroll. Uploaded pictures ‘yon mula sa President ng klase namin, group picture noong grad ball… kasama lahat ng mga batchmate ko, pwera lang ako. Punong-puno ng ‘congratulations’ ang comment section, marami rin naaning likes and reactions mula sa netizen.
“Kasama sana ako sa picture na ‘yan, e.” Ang naibulalas ko sa aking sarili habang nakadikit pa rin ang tingin sa post. Napaisip ako… kung sana ay hindi nangyari sa akin ‘yon, siguro ay magkasama kami ni Jazz ngayon na nag-r-review sa isang review center in preparation sa pag-t-take namin ng board exam.
Kaso mukhang hindi na ‘yon mangyayari… talagang imposible nang mangyari. Buong akala ko ay malapit ko nang maabot ‘yong pangarap kong maging isang guro, kaso nagpaka disgrasyada akong babae. Sa isang iglap, gumuho lahat ng mga plano ko sa hinaharap.
Saan na kaya ako pupulutin nito ngayon?
I heaved a long sigh before entering the virtual classroom. Hindi man ako pinalad na maka-graduate, nabigyan naman ako ng chance na makapag-apply sa isang private school biglang online tutor. Ito’y para sa mga estudyante nilang nag-s-summer class, mostly kasi they held summer class via online. At ngayon, ‘yon ang silbi ko. Online tutor or teacher ako ng mga estudyante when they are having summer classes.
“Good morning,” ang paunang bati ko. Nagawa ko pang ngumiti ng malawak kahit na batid ko namang mga litrato lang ang nginingitian ko. Mas mainam pa rin talaga na face-to-face ang klase dahil maraming kaakibat na disadvantages ang online class.
“Who’s group is tasked to report for today?”
[Group po ni Melvin.] Si Margaux ‘yong nag-turn on ng kanyang microphone upang sagutin ang tanong ko.
I always felt relieved when one of my students answered my question, in that way, hindi ako magmukhang kumakausap lang sa hangin. Ang hirap kasi ng estudyante sa isang online class, kahit alam naman nila ang isasagot sa akin ay mas pipiliin pa rin nilang manahimik dahil tamad magsalita. O baka ‘yong iba ay siguro’y nahihiya lang talaga.
“Okay, you may now share your screen.” That’s the cue that I’m now giving the stage to Melvin’s group para sa reporting nila ngayong araw.
Nasabihan ako na ang mga estudyanteng hawak ko rito sa online class ay mga mahihina ang loob sa pag-r-report. Kaya naman I challenged them to do reporting kasi mas mahahasa ang bata, sa tingin ko, if the teacher will make his/her students get used of reporting. Iniisip ng iba na kaya nagpapa-report ang teacher sa mga estudyante ay dahil tinatamad itong magturo, which is a great misconception of them towards the educators.
Ako, bilang nasa katayuan na ako ng isang pagiging guro, ay natutunan na kaya nagpapa-report ang teacher ay upang mahasa ang kanyang mga estudyante sa public speaking at gawing handa pagdating ng araw na sila’y lalabas na ng paaralan. Kung hindi mahahasa ang mga estudyante na magsalita sa harap ng kanyang mga kaklase at guro, malaking kakulangan ito para magkaroon siya ng kumpyansa na magsalita.
When a person seeks a job and will undergo a job interview, how will that person be able to have the confidence to answer? Ang reporting ang isa sa mahalagang pundasyon para mahasa ang bata na magsalita, that’s why hindi mawala-wala maski sa kolehiyo na ang mga guro ay nagpapa-report.
“Why do you think it’s necessary for a student to engage with class recitation?”
[To ensure that the students are learning from the discussion of the teacher. Mahalaga na mag-recite ang estudyante kasi during discussion, ‘yon ang magsisilbing assessment kung sa pakikinig nila sa discussion ay mayroon ba silang natututunan.] Answered Melvin, which impressed me.
“How about your other groupmates? What were their opinions?”
[Mahalaga po na mag-recite ang students para po ma-determine through reciting kung nakikinig ba talaga sila sa discussion.] Si Mariam ang nagsalita, very similar to what Melvin answered.
[Class recitation simply serves as communication between students and teacher, in a more intellectual way.] Ang sumagot na ‘yon ay si Gianna.
“Okay, thanks for the answers.” I turned on my camera para mas maayos na makipag-communicate sa mga estudyante ko. “All of the answers are correct, as well as the report is very presentable and outstanding. I will give this group a perfect score of 100.”
“Kagaya pa rin ng kalakaran dati, exempted sa quiz ang grupo na nag-report. Ang mga nakinig lang ngayong araw ay magtungo na sa Google Classroom dahil na-i-post ko na roon ang link ng quiz through Google Form.” I smiled. “Before leaving this virtual meeting, please turn on your cameras for documentation.”
At sa pagkakataon na ito ay nasilayan ko ang mga estudyante kong kanina ay nagtatago sa likod ng kanilang pangmalakasan na profile picture. May ilan sa kanila na mukhang kagigising lang, ang iba ay walang ligo at ang iba ay mukhang buong oras ng klase namin naghanda para sa isang minutong picture taking.
Nang makapag-shot na ako ay nagpaalam na ako sa kanila before ending the meeting call. Tapos na ang session namin sa araw na ito, hihintayin ko na lamang na makapagsagot na ang ilan sa kanila upang ma-check ko na. Isang subject lang ang hawak ko sa kanila, ito ay Purposive Communication. May isa rin akong section na hawak, ang subject ko naman sa kanila ay Algebra pero every Friday ko sila mini-meet, as written in my schedule.
All in all, two class sessions lang ang ganap sa buhay ko every week. Pero kahit gano’n, kuntento na ako sa monthly salary ko na 12k. Malaki na nga ‘yon para sa kagaya kong first timer tapos dalawang beses lang sa isang linggo na nagtuturo. Mayroon din naman akong sideline na isa pa, at ‘yon ay tutor din ako sa Math ng pamangkin ko. Siniswelduhan naman ako ni Tita every week kaso naliliitan ako kaya napilitan akong maghanap pa ng ibang work.
Hindi sana gan’to ka-complicated ang buhay ko kung sana ay hindi nangyari ang tapos nang nangyari.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa aking upuan para lumabas ng kwarto kaya lang ay biglang sumama ang pakiramdam ko. Para akong naduduwal na ewan kaya’t mabilis kong tinakbo ang banyo at sumuka roon. Hindi maganda ang kutob ko sa nangyari kaya’t mabilis kong kinuha ang PT sa drawer ko.
Ever since, mayroon na akong pregnancy test, binili sa akin ni Mama ng sobrang tagal na… at ‘di ko aakalaing ngayong araw ko pa ito magagamit.
Ilang segundo akong naghintay ng resulta hanggang sa… lumaglag ang panga ko sa nakita. Nagdalawang linya… ibig sabihin ay buntis ako?