Chapter 5

1748 Words
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang masilaw ako dahil sa liwanag na dala ng sinag ng araw. Malabo ang naging rehistro ng paligid nang dumilat ako kaya’t kinusot ko muna saglit ang mga mata ko hanggang sa luminaw na ang paningin ko, inilibot ko ang mga mata sa kabuuan ng lugar kung nasaan ako. Parang hotel ‘to ah? Ikinagulat ko nang may dumantay na kamay sa tiyan ko kung kaya’t nilingon ko ang isang… isang lalaki? Nakita kong nakahubad ito at --- at maski ako ay nakahubad rin nang tapunan ko ng tingin ang sarili ko. Maski ay underwear ay wala akong suot, pati na rin ang lalaking katabi ko na hanggang ngayon ay hindi matinag sa pagkakatulog. Nang tangkain kong bumangon ay nakaramdam ako ng hapdi sa may v****a part ko--- “W-Wait… v-virgin pa naman ako, ‘di ba?” Sa pagkakataon na ito ay unti-unti ko nang na-r-realize ang mga pangyayari. Talaga bang nag-s****l intercourse kami ng lalaking ni pangalan ay hindi ko alam? Talaga bang tuluyan nang nakuha ng estrangherong lalaking ito ang p********e ko nang wala akong kamalay-malay? Mangiyak-ngiyak akong tumayo mula sa kama at pinilit ang sarili na magsuot ng damit sa kabila ng hapdi at kirot na nararamdaman ko. Grabe naman, gaano ba kalaki ‘yong batuta niya para masaktan ako nang ganito? Marahas akong napailing. “Hindi dapat ‘yon ang iniisip mo, Aya! Dapat ay idemanda mo ang lalaking ‘yan dahil ni-rape ka niya!” Masama kong pinakatitigan ‘yong lalaki na halos magsisigaw na nga ako rito at lahat, hayon pa rin siya’t tulog na tulog pa rin. Hindi ko na hinintay pang magising ang lalaking ‘yon, umalis na ako agad sa lugara na ‘yon para umuwi na ng bahay. Okay nang natandaan ko ang mukha niya para madali na lang para sa akin na magsumbong sa mga pulis at iturong siya ang nang-rape sa akin. Malas talaga! Hindi ko maalala ang mga nangyari kagabi dahil pagkatapos kong mahilo at mawalan ng malay dahil sa ininom kong drink, ni isang pangyayari kagabi ay wala na akong matandaan. “Ano’ng oras na nga pala?!” Nagtatakbo ako patungo sa lobby ng hotel, kahit na masakit ang gitnang parte ng katawan ko, at lakas-loob na itinanong sa kanila ang oras. “11 am na po, Ma’m.” Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa narinig ko, kasabay no’n ay nang ma-realize ko na pilitin ko man na humabol sa graduation ceremony namin ay wala na akong aabutan. 6 am ang program, e 11 am na ngayon. Kung tinamaan ka nga naman ng lintek, bakit nga ba no’ng nagpaulan ang Diyos ng kamalasan ay hindi ko naisipan magdala ng payong? Napaupo ako sa waiting shed na aking nadaanan, naupo ako roon dala ng panghihina. Hindi ko lubos maisip na nangyayari sa akin ito ngayon. Pagkatapos kong makapasa sa final demo ko, sunod-sunod na kamalasan na ang natanggap ko. Naghiwalay kami ni Carlo, na-rape ako, at ngayon naman ay ‘yong pangarap kong makapagmartsa kasama sina Mama at Papa sa stage ay mukhang imposible nang mangyari. “May susunod pa ba sa mga kamalasan na ito?! May mas imamalas pa ba ang buhay ko?!!” Deadma na sa mga taong mapagkakamalang baliw ako dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na sumigaw. Sobrang sama ng loob ko sa tadhana, kung bakit ko kailangang pagdaanan itong mga pagsubok na ibinigay niya sa akin?! Gusto ko lang naman maging masaya… gusto ko lang naman na magkaroon ng katuparan ang mga pangarap ko. Pero bakit patuloy akong tinututulan ng malupit na tadhana na maging masaya sa buhay ko? --- Dumaan ako sa campus namin, umaasa na may aabutan pa ako roon ngunit ni isang tao ay wala akong naabutan na nasa field. Tanaw na tanaw mula sa gate ang malawak na field kung saan ginanap ang graduation ceremony kanina, malinis na malinis ang kapaligiran at ang mga upuan na sa tingin ko ay ginamit ay nakaayos na rin. Maluha-luha akong napakapit sa rehas ng gate, sobrang nanghihinayang ako sa pagkakataon na sinayang ko. Sigurado akong galit na galit si Mama sa akin ngayon dahil hindi ko nagawang tuparin ang pangako ko sa kanya na magtatapos ako at magiging guro. Hindi ko alam kung magagawa ko pa bang harapin sila ni Papa. Speaking of my parents… nakita ko sina Mama at Papa na lumabas ng isang coffee shop na halos katapat lang ng university na pinapasukan ko. Agad akong nagtago sa isang malaking poste, pinilit ang sarili na makuntento na nasisilayan ko sila mula sa malayo. “Hindi mo pa ba ni-r-report sa pulis ang anak natin? Baka kung saan na nagtungo ‘yon, huh?” Rinig kong sambit ni Mama, bakas sa kanyang boses ang pag-aalala. “Nakailang balik na ako sa presinto pero sabi sa akin ng mga pulis, wala pa raw 24 hours na nawawala ang anak natin kaya---” “Kaya hindi nila tayo tutulungan na hanapin si Aya?!” “Relax, Ma.” “Paano ko magagawang kumalma kung nawawala si Aya?!” Galit na sambit ni Mama. “Ma, sorry.” Nakagat ko ang labi ko bago ako tumakbo papalayo roon. Hindi pa ako handa na magpakita sa kanila. Hindi ko alam kung paano ipaliliwanag sa kanila ang nangyari sa akin. Natatakot ako… natatakot akong ma-disappoint silang dalawa. --- Dinala ako ng mga layas kong paa sa harap ng bahay nina Jazz. Sampong beses akong nag-doorbell bago ako pagbuksan ni Jazz na maayos ang gayak at mukhang may importante siyang lakad. Ahh, ‘yong graduation ball. “Aya, ikaw pala!” Agad niya akong nilapitan at niyakap. “Kumusta ka---” Inilayo ko siya sa akin. “Ano bang nangyari sa akin kagabi, Jazz? Magsabi ka nga sa akin ng totoo. Pagkatapos kong mawalan ng malay, saan mo ako dinala?” “Aya, hindi ako---” “E, sino?!” Sa pagkakataon na ito, hindi ko na naman napigilang humagulgol. “Hindi mo ba alam na dahil sa nangyari, hindi ako naka-attend sa graduation natin?! Na-disappoint ko na nga ‘yong mga magulang ko, kinuha pa ng lalaking iyon ang p********e ko!” “Teka, ano’ng sinabi mo?” “Ni-rape niya ako, Jazz.” Hinang-hina na naitakip ko ang dalawang kamay sa mukha. “Pinagsamantalahan ako ng gagong ‘yon! Wala siyang kasing sama!” “Aya…” muling lumapit sa akin si Jazz at niyakap, hinagod ang likod ko upang kumalma. “Kasalanan ko ito, e. Sana kasi ay hindi na lang kita inaya na magpunta sa bar, edi sana hindi nangyari sa iyo ito.” “Please, sabihin mo kung ano ang nangyari kagabi.” Mula sa pagkakayakap niya sa akin ay humiwalay ako at seryoso siyang tiningnan. “Hindi ko alam na may halong drugs pala ang ibinigay kong drink sa iyo. Kaya ka siguro biglang nahilo at hinimatay ay dahil doon. May dalawang lalaki ang sumalo sa iyo at kinuha ang katawan mo, sinabi sa akin nito na dadalhin ka raw sa ospital. Sinabihan nila ako na sumunod na lang sa kanila kaya ‘yon ang ginawa ko. Pumunta ako sa ospital kung saan sinabi nila na roon ka raw nila dadalhin kaso hindi naman kita naabutan doon.” Mariin niyang hinawakan ang kamay ko. “Sa sobrang pag-aalala ko sa iyo na baka na-kidnap ka, hindi ko na nagawang sabihan ang mga magulang mo kagabi tungkol sa iyo. Ipinasabi ko na lang kay Mama sa kanila na nawawala ka kasi natatakot ako na baka ako ang sisihin nila sa pagkawala mo.” Nagsimula na ring umiyak sa harap ko si Jazz, alam kong guilty na guilty siya sa nangyari sa akin. “Kasalanan ko ito, e. Dapat ay hindi ako nagtiwala sa mga lalaking kumuha sa iyo, ang tanga-tanga ko!” “Hindi mo kasalanan, okay?” Humugot ako ng isang malalim na hininga. “Wala akong ibang dapat sisihin kung hindi ang lalaking iyon. Gagawin ko ang lahat para lang mademanda ko ang lalaking ‘yon. Kailangan niyang pagbayaran ang kahalayan na ginawa niya sa akin!” “Alam mo bang matapos kong ma-realize na nag-s****l intercourse kami, diring-diri ako sa sarili ko?” Ginulo ko ang kanina pang gulo-gulo kong buhok dahil sa pagka-frustrate. “Wala akong pakialam kung gwapo man, mabango at mukhang mayaman ang lalaking ‘yon. Maling-mali pa rin na pinagsamantalahan niya ako, napakagago!” “P-Pogi---” “Wala nga ako pakialam!” Napabusangot ang mukha ko. “Nagluluksa pa rin ako dahil hindi ako naka-attend ng graduation ceremony natin. Naiinggit ako sa iyo kasi ikaw, may diploma na at a-attend sa grad ball, habang ako ay hindi ko alam kung saan ako pupulutin.” “Baka naman mapakiusapan mo ang school na ibigay ‘yong diploma sa iyo?” “Ewan ko… ewan ko kung mapakikiusapan ko sila---” “Aya?” Dahan-dahan akong napalingon sa likuran ko, only to see my parents eyeing at my direction. Tuwang-tuwa na sinalubong ako ni Papa ng yakap, si Mama naman ay sobrang sama ng mga titig na ipinupukol sa akin. “Anak, saan ka ba nanggaling? Alam mo bang sobra kaming nag-alala sa iyo ng Mama mo?” “Pasensya na po, Pa---” “At saan ka dinala ng pagiging lakwatsera mo?” Si Mama ang nagsalita at nanatiling masama ang tingin sa akin. “Ma, hindi naman ako naglakwatsa kaya hindi ako umuwi. Hindi naman ako gano’ng klaseng---” Pinutol niya ako sa pagsasalita nang sampalin niya ako ng malakas. “Puro ka excuse, e. Sana kasi sinabi mo na lang sa akin kung ayaw mo talagang g-um-raduate. Madali naman akong kausap, Aya! Hindi ‘yong pinagmukha mo pa kaming tanga ng Papa mo na umaasang makikita ka namin na tumanggap ng diploma!” And just like that, tinalikuran na ako ni Mama. “Alam mo ba kung ano’ng totoong dahilan kung bakit hindi ako nakauwi kagabi, Ma?” Dahil sa sinabi ko ay huminto ito sa paglalakad. “Ma… ginahasa ako.” “Aya, totoo ba ‘yang sinasabi mo?” Gulat na mukha ni Papa ang humarang sa mga mata ko habang tinitingnan si Mama. “Sino ang may gawa?” “H-Hindi ko kilala,” mahinang usal ko. “Nagising na lang ako kaninang umaga na… wala na akong kahit anong saplot sa katawan. Wala akong kamalay-malay na paggising ko kanina, hindi na pala ako virgin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD