NEW MESSAGE FROM UNKNOWN NUMBER: "Bumalik ka... o malalaman mo na lang ang sagot sa pinakamalalang paraan."
Napasinghap ako. Para akong nakalunok ng yelo.
Mabilis kong hinigpitan ang hawak sa cellphone, parang kung binitiwan ko ‘to, may mangyayari. Parang kung hindi ako sumagot, may mawawala.
Mabigat ang katahimikan sa kwarto. Wala akong naririnig kundi ang sarili kong paghinga.
Hindi ko maintindihan. Sino ‘to? Ano ‘to?
Pia? Hindi. Malamig ang boses sa tawag kanina. Lalaki. Pero hindi ko maalala kung sino.
Pumikit ako, pilit inaaninag ang anino ng isang bagay na bumabagabag sa likod ng isip ko.
Isang bagay na hindi ko maalala.
Dahan-dahan, tinipa ko ang screen ng cellphone.
“Sino ka?”
Pinanood ko ang chat bubble na gumagalaw. Typing…
Pero bago pa lumabas ang sagot—na-delete ang message thread.
PUT*NGINA.
Dali-dali akong pumunta sa settings, tinry kong hanapin ang number. Wala na.
Parang hindi nangyari.
Gumalaw ang daliri ko, pipindutin ko sana ang call log, pero…
Bakit nanginginig ako?
Bakit parang may bumabangon sa loob ko—isang takot na hindi ko maintindihan?
Bumilis ang t***k ng puso ko.
Napaupo ako sa gilid ng kama, hinihingal, parang may hangin na hindi ko mahuli.
Tumayo ako nang mabilis, pero dumilim ang paningin ko.
“Sh*t—”
Hawak ko ang ulo ko, naglakad papunta sa banyo, habang pilit kinakalma ang sarili.
Pagharap ko sa salamin, nagtagpo ang tingin namin ng sarili kong repleksyon.
Mukha akong multo. Halos wala nang kulay ang mukha ko, at may malamlam na bagay sa mata ko.
Takot.
Pero hindi lang basta takot sa hindi ko alam.
Takot sa isang bagay na minsan ko nang nalaman.
Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ang gripo.
Sumalpak ang malamig na tubig sa mukha ko. Dapat kumalma na ako, pero mas lalo lang lumakas ang kaba ko.
Dahan-dahan akong tumingala.
Sa harap ko, ang sarili kong repleksyon. Maputla. Gulo-gulo ang buhok. Pulang-pula ang mata.
Mukha talaga akong patay.
Huminga ako ng malalim. Okay. Hindi mo ito iniisip. Hindi mo ito iniisip. Hindi mo—
Pero paano kung may mali?
Bakit parang masyadong… madaling inamin ni Pia ang lahat?
Bakit parang hindi siya nagulat nang sabihin kong hindi ko siya mapapatawad?
“Ano bang totoo, Pia?”
Bulong ko habang nakatitig sa salamin, pero hindi ko naman alam kung sino ang kinakausap ko.
Bigla akong napapikit.
Nagsimula nang bumalik ang alaala—ang gabing umamin si Pia. Paulit-ulit sa isip ko, pero ngayon, may isang bagay akong napansin.
Ang boses niya.
Masyado siyang kalmado. Hindi umiiyak. Hindi nagmamakaawa.
Pero ang mga mata niya…
Parang may gustong sabihin na hindi niya masabi.
FLASHBACK:
“May nangyari kagabi,” sabi ni Pia, tahimik.
“T*ngina, anong ibig mong sabihin?” sagot ko noon, galit na galit.
Hindi siya umiwas ng tingin. Pero sa isang iglap, parang may hindi ako napansin noon.
Pia… nag-aantay ka ba na mahuli kita?
“Hindi kita pipigilan kung gusto mo akong iwan,” mahinang sabi niya noon.
Bakit hindi siya lumaban?
Kung mahal niya ako, dapat ba hindi siya natakot? Dapat ba sinubukan niyang ipaglaban ang relasyon namin?
O… dapat ba na noong gabi pa lang na yun, bumitaw na rin ako?
Napahawak ako sa gilid ng lababo, lumalalim ang paghinga ko.
Pinipilit kong bumalik sa gabing iyon.
Pero sa halip na masagot ang tanong ko, mas lalo lang akong nalilito.
Parang may kulang.
Parang hindi ko maalala ang buong picture.
Bakit may butas sa isip ko?
Bakit parang hindi ko matanggap na si Pia lang ang may kasalanan?
BAM!
Sumalpak ang kamao ko sa salamin.
Napunit ang balat ko. Tumulo ang dugo sa lababo.
Pero hindi ko naramdaman ang sakit.
Ang mas masakit, ang hindi ko maalala.
Parang may tinatago ang utak ko.
Parang pilit kong hinaharangan ang isang bagay na hindi ko pa kayang tanggapin.
Tinitigan ko ang bitak-bitak na salamin.
Isang distorted na bersyon ng sarili ko ang bumalik ng tingin sa akin. Mukha akong wasak.
“Hindi ko na kilala ang sarili ko,” bulong ko.
Dahil kung may hindi ako maalala… paano kung ako mismo ang may kasalanan?
“Gabo, anak… may bisita ka.”
Nanigas ako.
Ang boses ng lola ko ay laging malambing, laging may pang-unawa. Pero ngayong gabi, may ibang tono sa pagkakabigkas niya ng pangalan ko—parang nag-aalangan, parang may gustong iwasang gulo.
Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto, pilit pinapanatili ang normal na paghinga.
Sino?!
Si Pia ba? Ang taong tumatawag sa akin gamit ang unknown number?
Pero nang lumabas ako sa sala…
Parang bumagsak ang mundo ko.
Nakaupo sa lumang sofa ang isang babaeng hindi ko na inakalang makikita ko pang muli.
Ang nanay ko.
Ang babaeng nagsabi sa aking wala akong kwenta.
Ang babaeng iniwan ako noon at sumama sa lalaking pinili niyang kapalit ng pamilya namin.
Parang hindi siya tumanda. Malamig pa rin ang ekspresyon. Walang bakas ng lungkot o pagsisisi.
“Gabo…” Tinitigan niya ako, parang sinusuri ang hitsura ko. “Bumalik ka na sa Maynila.”
Walang pasakalye. Walang drama. Parang utos lang.
Parang ako pa ang mali kung hindi ako sumunod.
Tumawa ako. Malamig. Mapait.
“T*ngina. Anong klaseng biro ‘to?”
Napatingin ako kay Lola, pero umiwas siya ng tingin—parang may alam siya na hindi ko pa alam.
“Ano bang ginagawa mo rito?”
“Sinusundo kita,” sagot ng nanay ko, direkta. “Wala ka nang dahilan para magtago rito. May mas importanteng bagay kang kailangang harapin.”
Nagpantig ang tenga ko.
“Gano’n lang? Sinundo mo ako? Akala mo ba parang bata pa rin ako na puwede mong utusan?”
“Ito na naman tayo.” Napailing siya. “Gabo, hindi mo naiintindihan. Hindi ito tungkol sa’yo.”
Bumagsak ang pinto nang biglang tumayo si Lola. “Sapat na! Mag-usap kayong mag-ina nang maayos.”
Pero paano magiging maayos ang lahat kung hindi ko na alam kung anong totoo?!
“Hindi ito tungkol sa’kin?” Bulong ko. “T*ngina, ‘nay. Ano bang hindi ko naiintindihan?”
Tinitigan niya ako, malamig pa rin ang mukha—pero this time, may kung anong lungkot sa mata niya.
“May mas malaking problema kay Pia,” aniya. “At may dapat kang malaman bago ka mahuli sa lahat.”
Parang sinuntok ako sa sikmura.
“Anong ibig mong sabihin?”
Hindi siya sumagot.
Lumapit siya at marahang hinawakan ang braso ko.
At sa sandaling iyon—biglang bumalik ang isang matagal ko nang kinalimutang alaala.
FLASHBACK.
Tumatawag ako kay Pia, habang nanginginig ang kamay ko.
Isang lalaking boses ang sumagot. “Gusto mong makita ang mahal mo? Bilisan mo.”