Chapter 5: The Biggest Bangus

1399 Words
BRRR! BRRR! Nag-vibrate ulit ang phone ko. UNKNOWN NUMBER. T*ngina. Gusto kong pindutin. Gusto kong sagutin. Pero mas gusto kong hindi marinig kung sino man ‘to. Tumigil ang tawag bago ko pa mapindot ang sagot. Put*ngina. Nagbilang ako sa isip ko. Isa… dalawa… tatlo… BRRR! BRRR! Napamura ako at napaatras sa kama. Ano ‘to?! Multo?! Tawag ng konsensya?! Kahit lasing ako, hindi ko kayang balewalain ‘to. Ang bigat sa dibdib ko. Si Pia ba ito? Pinagmasdan ko ang screen, hinihintay kung tatawag ulit. Wala. Tahimik. Pero biglang— TAP. TAP. TAP. T*ngina, may kumakatok sa bintana ko. Multo. Definitely multo. Pero kahit hindi ko na gustong malaman kung sino, dahan-dahan akong lumapit sa bintana, hawak ang kutsilyo sa tabi ng mesa. TAP. TAP. TAP. Mas malakas ngayon. Huminga ako ng malalim at binuksan bigla. "BUKAS PA PALA 'TO!" sigaw ng boses sa labas. "PUT*NGINA!" Napasigaw din ako at muntik nang ihagis ang cellphone. Sa labas ng bintana, may dalawang mukha na nagpa-flashlight sa mukha ko. Si Tanya. At si Jon-Jon. Nakangiti sila. Parang mga t*nga. "Ano ‘to?! Duguan na multo?" tanong ni Tanya, sabay turo sa mukha kong pawis na pawis. "Gising ka pa? Nakakatakot yang pagmumukha mo." sabat ni Jon-Jon, na parang walang kasalanan. "G*go, anong ginagawa niyo dito?!" sigaw ko, hawak pa rin ang dibdib ko sa sobrang nerbyos. "Kami dapat ang nagtatanong n’yan," sagot ni Tanya. "Bakit parang may sunog sa loob ng bahay niyo?" "Hindi mo ba narinig yung cellphone mo?" sabat ni Jon-Jon. "Oo nga, g*go! Parang may sunog na alarm! Ano ‘yun, tumatawag yung kaluluwa ng ex mo?" Put*ngina. Hindi nakatulong ‘yon. Sinara ko bigla ang bintana, pero bago ko pa ito ma-lock, biglang nagsalita si Jon-Jon: "Tara, Kuya Gabo. May misyon kami." Napangiwi ako. Misyon? "Ano na naman ‘to?" "Hulihin ang biggest bangus sa ilog." Tumingin ako sa kanila na parang nasisiraan sila ng bait. "T*ngina, anong oras na?" "Oras ng pagsusugal sa buhay, g*go. Tara na!" At hindi ko alam kung bakit, pero pumayag ako. "Tara na, Kuya Gabo! Malaking bangus ‘to!" bulong ni Jon-Jon habang naglalakad kami patungo sa ilog. "T*ngina, anong ginagawa ko dito?" bulong ko sa sarili ko, pero dahil sa hilo ng lambanog at emotional breakdown, wala na akong lakas tumanggi. Si Tanya nasa harap namin, hawak-hawak ang flashlight habang nakayuko. "‘Wag kayong maingay, g*go. Bawal ‘tong gagawin natin." "Pero hindi nila tayo huhulihin pag kasama ako," bulong ni Jon-Jon na parang may VIP access sa kalokohan. "Sino ba ‘yang mga ‘hindi’ na ‘yan? At ano bang meron sa bangus na ‘to?" "Basta malalaman mo na lang! Ang laki nun, Kuya Gabo! Parang kotse!" Napahawak ako sa sentido ko. T*ngina. Bakit ako nandito? Sa malayo, kita ko ang tubig ng ilog, kumikinang sa liwanag ng buwan. Tahimik. Payapa. O masyado lang talagang tahimik sa probinsya? Pagdating namin sa pampang, may apat pang lalaking nakatambay na sa gilid ng ilog. Lahat sila may hawak na lambat. "Eto na ‘yung VIP natin," sabi ni Jon-Jon, sabay turo sa akin. "VIP? Ako?" "Oo, kasi pag nahuli tayo, ikaw ang unang tatakbo!" sagot ni Tanya, sabay tawa. "T*ngina niyo." Pero dahil lasing at wala sa sarili, sumali na lang ako sa kag*guhan nila. Kumuha ako ng lambat at lumusong sa tubig, malamig at may amoy ang putik. "Dahan-dahan lang, ‘wag maingay," utos ng isang matandang kasama namin. Biglang may lumangoy sa ilalim ng tubig. “PUT*NGINA, ANO ‘YON?!” Napaatras ako. "Relax ka lang diyan, Kuya Gabo. Aso lang ‘yan." "Aso sa ilog?! Ano bang klaseng probinsya ‘to?!" Nagsimula kaming maghagis ng lambat. Sa una, parang trip-trip lang. Tawanan, bulungan, at lasing sa kalokohan. Pero ilang minuto pa lang, may narinig kaming kaluskos sa masukal na parte ng gubat. "Psst. G*go. May parating." Nagkatinginan kaming lahat. "Sino?" tanong ko. Hindi na sumagot si Jon-Jon. Tumuro lang siya sa madilim na bahagi ng ilog. May dalawang pulang ilaw na umiilaw sa malayo. Motorcycle lights. "PUT*NGINA, GWARDIYA!" "TAKBO!" sigaw ni Tanya. Nagkagulo ang lahat. May mga tumalon sa ilog, may mga tumakbo papunta sa gubat. Ako? Nadapa agad. "T*NGINA MO, GABO! TUMAYO KA DIYAN!" sigaw ni Tanya habang hinihila ako. "BAKIT AKO?!" "KASI IKAW ANG MAY POGING REKORD! KAMI WALA!" Habang tumatakbo, naririnig ko ang boses ng mga gwardiya. "Hinto! Huwag kayong tatakbo!" Pero sino bang t*nga ang titigil sa ganitong sitwasyon?! Madulas ang lupa, puro putik, puro bato. Isang maling hakbang, slide ka na parang nag-backflip sa pool. At syempre, ako ‘yun. "KUYA GABO! ANO BA?!" sigaw ni Jon-Jon. Pero hindi ko na siya marinig. Dahil sa kalagitnaan ng pagtakbo ko—nag-vibrate ang phone ko. Hawak ko pa rin ang cellphone ko habang tumatakbo. Napatingin ako sa screen. UNKNOWN NUMBER. Bago ko pa matigil ang sarili ko, napindot ko ang message. "Tumakbo ka man, Gabo, hindi ka makakatakas sa katotohanan." PUT*NGINA. Tumigil ako. Bakit nila alam na tumatakbo ako? Bakit ngayon?! "GABO, BILIS!" sigaw ni Tanya. Pero hindi ako gumalaw. Hindi ko na alam kung dahil sa kaba, sa takot, o dahil hindi ko na alam kung alin ang mas malaking problema ko—‘yung guard, o ‘yung taong tumatawag sa’kin? BRRR! BRRR! Nag-ring ulit ang phone ko. Tumingin ako kay Tanya. "Sasagutin mo o tatakas, Gabo?!" Isang saglit. Isang segundo lang. Pero parang tumigil ang oras. Hawak ko ang cellphone, umiilaw sa madilim na gubat. Sa kabilang banda, may gwardiya na papalapit. Sa utak ko, may dalawang boses. Isa, nagsasabing sagutin ko ang tawag. Isa, nagsasabing tumakbo na lang ako. Pero bago ko pa mapili kung ano ang gagawin— BOG! Put*ngina, may bumangga sa akin. Isang puno. Diretso akong sumalpok sa puno. Biglang dumilim ang paligid. At bago ako tuluyang mawalan ng malay, narinig ko pa ang tunog ng cellphone ko. BRRR! BRRR! May tumatawag ulit. Pero hindi ko na naabot ang sagot. Narinig ko ang echo ng sigaw ko sa buong paligid. Kasunod niyon, ang malakas na halakhak ni Tanya. "TAENA, GABO! INUNAHAN MO NA KAMING TUMUMBA!" Si Jon-Jon naman, tumakbo palapit habang humahagikgik. "Kuya Gabo, sure ka bang wala kang balak maging troso?" Hindi ko na sila pinansin. Nangingitim na ang paningin ko. Pakiramdam ko, para akong sinuntok ng anim na lalaking construction worker sa noo. Dahan-dahan na akong nawalan ng malay. Bago ako tuluyang mawalan ng ulirat, narinig ko ang mga sigaw nila Tanya. "Sh*t! Sh*t! Jon-Jon, anong gagawin natin?! Gisingin mo!" "Ako? Anong gagawin ko, hampasin ng palaspas?!" "G*go, wala pang Mahal na Araw!" Nararamdaman kong inaalog-alog nila ako. "Kuya Gabo! Gumising ka, baka akalain ng mga gwardiya pinatay ka namin!" Naramdaman kong may lumalagapak sa mukha ko. May malamig na tubig na biglang sumampal sa akin. Hindi ako gumalaw. Kasi, put*ngina. Nilamas ni Jon-Jon ang basang kamay niya sa mukha ko. "BILIS, BAKA HINDI NA HUMINGA!" "G*GO, HUMIHINGA PA ‘YAN!" Pero bago pa sila makahanap ng mas malalang plano, lumakas ang sigaw ni Tanya. "TIGIL! DALHIN NA NATIN SIYA SA CLINIC!" Nagising ako sa tunog ng isang lumang bentilador na nag-iingay sa kisame. Mabigat ang ulo ko. Para akong nakipagsabayan ng headbang sa isang heavy metal concert. Tiningnan ko ang paligid. May amoy alcohol at amoy eucalyptus. Put*ngina. Nasa clinic ako. Narinig ko ang pabulong na sigawan nina Tanya at Jon-Jon sa tabi ko. "Sabi ko sa’yo, masyadong malakas ‘yung hampas mo!" "G*go, puno ang sumuntok sa kanya, hindi ako!" "Eh bakit parang ikaw ang mas guilty?" Pinilit kong umupo. Napamura ako sa sakit ng noo ko. May nakadikit na malaking band-aid sa noo ko. Pagtingin ko sa gilid, may maliit na lamesa at may tissue na punong-puno ng dugo. Put*ngina, duguan pala ako?! Pero bago ko pa maisip kung ano pang kalokohan ang nangyari, nag-vibrate ulit ang phone ko. BRRR! BRRR! Nilabas ko ang cellphone mula sa bulsa ko. Hindi ko alam kung mas hilo ako sa tama ng puno o sa takot sa kung sino ‘tong tumatawag. UNKNOWN NUMBER. T*ngina. Napatingin sa akin sina Tanya at Jon-Jon. "Kuya Gabo, sagutin mo na." "Oo nga, baka ‘yung guardian angel mo ‘yan, galit sayo kasi ang t*nga mo." Hindi ko sila pinansin. Nilunok ko ang buo kong takot, at pinindot ang ‘answer’. "Hello?" Saglit na katahimikan. Tapos, isang babaeng boses. Malamig. Walang emosyon. "Gabo, bakit mo ako iniwan?" PUT*NGINA. Nalaglag ang cellphone ko sa kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD