Chapter 4: Gisingin ang Bangkay

1613 Words
BAM! BAM! BAM! Napabalikwas ako mula sa kama, ramdam ang bigat ng katawan ko. Ano ‘yon?! Lindol?! May bagyo?! Hindi pa ako nakaka-recover nang may isa pang malakas na dagundong—sa bintana ko mismo. "GABRIEL! ANONG GINAGAWA MO?! GISING D’YAN!" Put*ngina! Si Lolo Alfonso lang pala. Sa labas, nakatayo ang matanda na parang sinapian ng bagyo, hawak ang isang patpat na ginagamit niyang pangkatok sa bintana ko. Kulubot na ang balat, pero parang mas malakas pa siya kaysa sa akin. "Kung patay ka na, sabihin mo, at ililibing na kita! Kung hindi pa, bumangon ka na’t tumulong dito!" sigaw niya. Pinilit kong huminga nang malalim. Hindi ko alam kung matatawa ako o magwawala. "Lolo Alfonso, ano ba?! Alas-sais pa lang ng umaga!" reklamo ko. "Eh ‘di sakto! Alas-sais! Ibig sabihin, napakaraming oras para sa isang taong walang trabaho gaya mo!" Put*ngina. Umaga pa lang, gusto ko nang lumayas. "Bakit ba kasi nandito ka kung wala kang balak tumulong?" patuloy ni Lolo Alfonso habang hinihila ako palabas ng bahay. "La, paki-sabihan nga ‘tong matandang ‘to!" sigaw ko kay Lola na abala sa paglalaba. Ngumiti lang siya. Walang balak sumaklolo. "Kailan ka ba huling nagtrabaho nang pisikal, Gabo?" tanong ni Lolo, sabay turo sa lupang punong-puno ng damo. "Hindi ko na maalala," inamin ko. "Aba, eh di tamang-tama! Kailangan mong maalala. Pitasin mo ‘yang mga damo, tapos sundan mo ‘yung kalabaw. Ayaw mo bang may sinusundan, ha?" Natahimik ako. Bakit parang may laman ‘yung sinabi niya? "O, ano? Iiyak ka na lang ba? Magmukmok ka na lang d’yan kung gusto mo, pero hindi ko hahayaang mabulok ka d’yan!" Tama na. Sige, bahala na. Ibinagsak ko ang sarili ko sa lupa. Gawin na lang natin ‘to. Hindi ako sanay sa ganito. Lahat ng hawakan ko, natutumba. Lahat ng tapakan ko, madulas. Hanggang sa— "KUYA, NASAAN NA ‘YUNG BABOY?!" Put*ngina. Anong baboy?! Mula sa dulo ng palayan, may isang baboy na parang kabayong tumatakbo, sinasalubong ang direksyon ko. Pabilis nang pabilis. "GABO, HULIHIN MO!" sigaw ni Lola. “Seryoso ba kayo?!” Hinakbang ko ang sarili ko, sabay bangon—pero masyado talagang mabilis ang baboy. At bago ko pa nagawang umatras—BINANGGA AKO. Dapa. Putik. Katahimikan. Hanggang sa— BOOM. Tawanan. "KUYA TAGAL-LIGO! HINDI KA NA TATAYO D’YAN?!" hiyaw ng isang batang trabahador sa bukid, si Jon-Jon. Napapikit ako. Ano bang kasalanan ko sa mundo? Pawis. Pagod. Gutom. At ngayon, halos hindi ko na madama ang katawan ko matapos akong gawing boxing bag ng isang baboy. Kaya nang sabihin nilang oras na ng tanghalian, parang nakakita ako ng grasya. Umupo ako sa ilalim ng puno, binuksan ang thermos ni Lola, at tinikman ang adobo. Pero kahit gutom ako, hindi ko magawang lunukin agad. Napansin kong kanina pa ako nakatitig sa kamay ko, hinahagod ang singsing sa daliri ko. Automatic. Reflex. Sa lahat ng bagay na pwedeng mawala, bakit hindi ‘to? "Uy, Kuya Tagal-Ligo, kumakain ka ba o may kausap kang multo?" sigaw ni Jon-Jon, kasabay ng hagikhik ng iba pang mga trabahador ng bukid. Umiling ako. Put*ngina, anong ginagawa ko? Hinawi ko ang kamay ko mula sa singsing at nagpatuloy sa pagkain. Pero bago pa ako makainom ng tubig— PAK! May bumagsak sa ulo ko. "Aray, ano ‘yun?!" sigaw ko, sabay hawak sa ulo ko. Sa tabi ko, may isang mangga na nahulog mula sa puno. Pero hindi lang basta nahulog—parang tinarget ako. At mula sa taas ng sanga, may isang babaeng nakaupo, nakangiti nang nakakaloko. Si Tanya. "Anong problema mo, Tanya?!" inis kong tanong, habang hinihilot ang ulo ko. "GAGO KA, IKAW ANG PROBLEMA!" sagot niya sabay talon pababa mula sa puno, halos hindi man lang nag-alog ng katawan. Parang action star. "Ang lalim ng tingin mo kanina sa singsing mo, parang gusto mong lumuha. Ano ‘to? Drama special?" tawa niya, sabay upo sa tabi ko. "Ano ka ba," sagot ko, habang umiiwas ng tingin. "Ano ka ba rin, g*go? Ano ‘to, panliligaw 90s style? Sige na nga. Gusto mo bang pag-usapan ang nararamdaman mo sa pagitan ng pagkain ng mangga at adobo?" Put*ngina. Namiss ko ‘tong bwisit na ‘to. "Bakit ka ba kasi nagmumukmok? Hindi ka naman namatayan—unless gusto mo akong patayin na rin?" Biglang humiga si Tanya sa lupa, nakapatong ang kamay sa dibdib niya, kunwari patay na. "Sige, umiiyak na ako, Gabo. Sinira mo ang buhay ko. Iniwan mo akong mag-isa. Wala nang saysay ang mundo!" Tawanan. Ako? Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. "Puny*ta, Tanya, ang ingay mo!" sigaw ko, habang tinatapik siya sa braso. "Ganyan din naman ginawa mo sa singsing mo kanina, akala mo ba hindi kita napansin. Drama mo eh," sagot niya. Umupo siya ulit, nagpagpag ng damit. "Alam mo, ‘wag kang masyadong magmukmok, baka magustuhan mo masyado dito. Baka ‘di mo na gustong makaalis." Nanahimik ako. T*ngina, bakit siya pa ang nakakaintindi? "O siya, tapos na ang drama. Balik sa kasayahan," sabi ni Jon-Jon, sabay abot ng platong puno ng kanin. "Paanong kasayahan?" tanong ko, duda. "Eating contest," sagot niya. Tar*ntado. Hindi pa ako nakakarecover mula sa baboy kanina, ngayon sasabak pa ako sa ganito? Pero bago pa ako makatanggi, nagkumpulan na ang mga magbubukid, hiyawan na parang may laban sa PBA. "Kung gusto mong gumaling mula sa heartbreak, kailangan mo lang kumain nang kumain!" sigaw ni Tanya, sabay abot ng kutsara ko. Put*ngina, wala na akong ligtas. "O, game! Sa count of three—ISA! DALAWA! TATLO!" BAM! Walang hiya, nilamon ako ng kanin. Boom. Tawanan. Hiyawan. Sa totoo lang, hindi ko na alam kung ano ang nangyayari. Basta nararamdaman ko na lang ang lagkit ng kanin sa mukha ko, ang tunog ng mga sigaw at tawanan, at ang kaba na baka ako ang unang sumuko sa pagkain. Pero sa gitna ng lahat, napansin kong mahigpit pa rin ang hawak ko sa phone ko. Kahit anong saya ng sandali, kahit anong ingay ng paligid—hindi nawala ang bigat sa dibdib ko. Dahan-dahan kong tinignan ang screen. Unread Message: Pia. Bakit hindi ko mabuksan? Bakit parang alam kong pag binuksan ko ‘to, may mababago? Huminga ako nang malalim, tumayo, at tumalikod sa mga naghihiyawan. At bago pa ako makapag-isip ng maayos, binuksan ko ang message. "Gusto mong malaman ang totoo?" Put*ngina. Nag-freeze ang daliri ko sa screen. Ilang beses ko nang nakita ‘tong message na ‘to. Ilang beses ko nang sinubukang basahin pero, hindi ko talaga kaya. Pero ngayon, wala na akong choice. Dahan-dahan, sinimulan kong mag-type. “Anong ibig mong sabihin?” Pinindot ko ang send. At doon, sa gitna ng tawanan, sa amoy ng kanin at ulam, sa gulo ng bukid, biglang nag-iba ang lahat. Nag-ring ang phone ko. Unknown Number. Put*ngina. Hindi si Pia ‘to. Pinagmasdan ko ang screen ng phone ko. "Gusto mong malaman ang totoo?" Ang bigat ng mga salita. Parang bitag. Parang kasalanan na hindi ko kayang yakapin. Gusto ko bang malaman? Huminga ako nang malalim, tinapik ang ulo ko—sana nga lang, mawala ang bigat sa dibdib ko sa ganitong paraan. "Ang lalim ng iniisip mo, Gabo. Bakit para kang biglang nasapian?" sabi ni Lolo Alfonso, biglang sumulpot mula sa kung saan at umupo sa tabi ko. Hindi ko napigilan ang buntong-hininga ko. Lagi na lang may timing ‘tong matandang ‘to. "Ano naman ang masasabi mong pampalubag-loob ngayon, Lo?" Ngumiti si Lolo. "Wala. Wala namang lunas sa taong masyadong maraming iniisip. Pero may paraan para bahagyang gumaan ang bigat ng nararamdaman mo." Tumingin siya sa akin nang makahulugan. At bago pa ako makapagtanong—may inabot siyang baso ng lambanog. "Tikman mo," sabi ni Lolo Alfonso, sabay lagok sa sarili niyang baso. "Lo, alas-sais pa lang ng hapon." "Anong pake mo? Alas-singko na sa ibang bansa!" sagot niya, sabay tawa. Natawa rin ako nang mahina. Put*ngina, oo nga naman. Pero, hindi ko akalaing matatawa pa ako ngayong araw na ‘to. Kinuha ko ang baso, tinignan ang malinaw na alak sa loob. "Para saan ‘to, Lo?" "Para hindi ka masyadong magmukhang namatayan. Eh ‘di ba, ‘yun ang sabi ng mataray mong kaibigan?" Napakunot ang noo ko. "Pati si Tanya, pinapakialaman mo?" "Anong magagawa ko? Ang lakas ng boses niya, dinig ko kahit nasa kabilang bayan ako!" Umiling ako at tinungga ang lambanog. T*ngina. Sunog. Dumaan ang ilang minuto sa pagitan ng katahimikan at pag-inom. Hindi ko alam kung pangit o maganda ‘yung pakiramdam na unti-unting gumagaan ang ulo ko, pero hindi ang loob ko. Nilingon ako ni Lolo. "May mga sagot kang hindi na kailangang hanapin, Gabo. Pero minsan, ang sagot ang humahanap sa’yo." Napatingin ako sa phone ko. Hindi ko pa rin pinipindot ang reply. Bakit parang... tama siya? Lumingon ako kay Lolo. "Lo, paano kung may sagot na mas gugustuhin mo na lang hindi malaman?" Napangiti siya. "Edi, huwag mong hanapin. Pero kung ito na mismo ang lumalapit sa’yo..." tumango siya sa phone ko. "Tingin ko, wala ka nang choice." Gusto ko sanang makipagtalo. Pero t*ngina, tama siya. Humiga ako sa kama ko, tinutukso ang sarili kong wag nang pansinin ang text. Pero bakit parang... parang nagbabago ang pakiramdam ko? "Gusto mong malaman ang totoo?" Dahan-dahan kong tinapik ang screen. Hindi ko pa natatapos ang pag-type ng reply nang— BRRR! BRRR! Nag-ring ang phone ko. Napatingin ako. Hindi si Pia. UNKNOWN NUMBER. T*ngina. Napaupo ako nang tuwid. Tumingin ako kay Lolo Alfonso, pero parang walang narinig ang matanda—patuloy lang siyang nag-aayos ng sigarilyo niya. Pinagmamasdan ko ang screen. Tumitibok ang puso ko sa kaba. Pindutin ko ba? O balewalain ko na lang? T*ngina. Bakit ngayon pa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD