CHAPTER SEVENTEEN

2365 Words
Three days later… “Huwebes pa lang ngayon?” ungot ni Kevin. “Akala ko nga Friday na,” komento naman ni Jasmine. “Wala din ako sa mood kanina nang bumangon. Parang ang sarap pang matulog,” saad naman ni Daphne na bahagyang humikab. Nanatiling tahimik si Keith. Wala din siya sa mood pumasok ngayong araw pero wala namang mangyayari kung magrereklamo siya. Mas maiirita lang siya lalo na kung ganito ang nasa paligid niya. “Hi, Keith! Good morning!” “Keith, naghanda ako ng cookies para sa’yo!” “Hi, Keith! Try mo itong cake na binili pa namin sa—“ “Thank you, but I’m full and not into sweets,” malamig pero mahinahon niyang sabi sa mga babaing pilit sumasalubong sa kaniya. Nang magsimula na siyang sumikat ay unti-unti na rin siyang nasanay sa mga atensiyon na nakukuha. Ang hindi niya lang kasanayan ay ang tila walang kasawaang paglapit at pagbibigay ng mga regalo ng mga babae sa kaniya. Nag-model siya dahil kailangan niyang makaipon, but it didn’t mean na gustong-gusto niya ang pagmomodelo. Sa kabilang banda, nahihirapan siyang maging bastos sa mga fans o kahit sa mga ganitong pagkakataon. Binilisan niya na lang ang paglalakad patungo sa room nila. At nang makarating ay bahagya siyang nakahinga ng maluwag na hindi nagsunuran ang mga babae sa loob. “Iba talaga ang karisma mo, Keith,” ngisi ni Kevin habang hawak ang kaliwang kamay ni Daphne. Halos parehas lang sila nang natatanggap na atensiyon. Ang pinagkaiba lang, may Daphne na si Kevin kaya wala halos basta maglalapit dito. Hindi sa war freak si Daphne kapag napakaraming babae na lumalapit kay Kevin. It just happened na the more maraming babae sa paligid, mas nagiging sweet si Kevin dito. “Makakapagtayo ka na ng bakeshop dahil sa mga gifts nila,” hagikhik naman ni Daphne. Naiiling na lang na umupo siya. Sa totoong buhay, hindi niya gustoo ang ginagawa nila. “Sa dami ng babae sa labas, wala ka man lang tinapunan ng tingin kahit isa, insan.” Naupo na din si Jasmine sa upuan nito. “Napakapihikan mo talaga.” “Ang tagal mo na ngang walang girlfriend, tol,” turan ni Kevin sabay mahinang palo sa may balikat niya. “Tantanan ninyo ako. Agang-aga sinisimulan ninyo na naman ako.” “Ito naman, naghahanap lang kami ng something new ngayon. Ang boring na kasi.” “Bakit hindi kaya ang tingnan mo ay iyang kilay mong hindi pantay?” Dahil sa sinabi niya ay dali-daling kumuha si Jasmine ng salamin at sinimulang sipatin ang kilay. “Anong hindi pantay?” Binalingan nito si Daphne. “Hindi nga ba?” “Ayos naman. Binibiro ka lang niyang si Keith.” Natatawang tugon ni Daphne. “Hindi ko siya binibiro. Hindi talaga pantay ang kilay niya.” “Magtigil ka nga diyan, Keith. Kung iyang panga mo kaya ang hindi ko pantayin,” inis na hurumentado ni Jasmine. Nginisihan niya lang ang pinsan. Magaling itong mang-asar pero nakapadali namang maasar. “Good morning!” Nagkaniya-kaniyang pulasan ang iba pang estudyante nang bigla na lang pumasok ang professor nila sa loob ng silid. Hindi din magkandatuto ang ibang estudyante sa pag-upo. Pagkaraang gumanti sila ng bati ay kaniya-kaniya din silang kuha ng books nila. Palihim niyang sinulyapan ang relo sa bisig. Nagtataka kung bakit napakaagang dumating ng professor nila. “Complete na ba kayo? I came here earlier because I’m going to make an announcement,” pormal na deklara ni Mrs. Rosario habang may binubuklat-buklat na folder. Nag-angat ito ng tingin sabay ayos ng salamin sa mata. Seryoso ang mukha nito. “I want to tell you na may bago na kayong makakasama this year. She’s from Engineering Department." Napuno ang silid ng mga bulungan. Dala ng kuryosidad, nakahalumbabang tumingin siya sa unahan. "Miss Villaluz, you may come in," tawag ni Mrs. Rosario. Awtomatikong napalingon siya sa may pinto pagkarinig pa lamang ng apelyido na tinawag ng prof. nila. His eyes couldn’t believe when Arielle entered the door with her graceful walk, straight face, and emotionless eyes. And just like before, that girl shut the whole class, making them still. Nanatiling tahimik ang lahat hanggang sa tuluyan itong makarating sa unahan. Wala kang madidinig kahit na ano maliban sa mahinang tunog ng takong ng sapatos nito. "Okay, Miss Villaluz. Kindly introduce yourself to everyone." Nakangiting tinanguan niya si mam. "Yes, Mam." Humarap si Kim sa kanila. Isa-isa nitong tiningnan sila. She smiled, but there’s something in her eyes. Ni hindi nga masasabi na ngiti iyon. Hindi rin smirk. Sa halip tila ba may dapat kang abangan o marahil mas tamang may dapat kang paghandaan. "Hi, good morning. I'm Arielle Kim Villaluz, 19 years old. I'm actually from Engineering Department but as you can see, I have decided to shift here in B.A. Department for certain reason." Sandali itong tumigil bago pinagdaop ang mga palad at matamis namang ngumiti. “Please be good to me. I hope we can be friends." Habang nagsasalita ang dalaga ay hindi nakalingat sa kaniya ang makahulugang tinginan ng mga kaklase nila, lalo na nina Katrina at Nico. Hindi din nakalingat sa paningin niya kung paano nito tingnan nang nanghahamon sina Katrina. At nakakasigurado siya na hindi papayag na madehado si Katrina. ‘Geez, but what are her plans? Bakit siya nagpalipat dito?’ Hindi siya sigurado sa pakay ng dalaga pero isa lang ang sigurado siya, hindi magiging madali ang bawat araw rito. She’s still not in her sense, and he had this feeling that he had to watch her. PAGKATAPOS MAGSALITA ni Arielle ay pinaupo na siya ng professor. Doon siya pinaupo ng bago niyang prof. sa bakanteng upuan na nasa bandang likod ni Keith. Bakit ba tila nananadya ang tadhana at sa dinami-daming upuan ay doon pa sa malapit kay Keith Balmaceda? Nang madaanan niya ang binata ay hindi niya napigilan ang sariling sulyapan ito. Hindi niya lang inaasahan na nakatingin din sa kaniya ang binata. And he’s smiling. His sweet smiles that didn’t stop her from smiling back at him. Sinikap niya na lang na huwag pansinin ang presensiya nito pagkaraan. Nagsimula na ang klase at pansamantala niyang ginamit ang ilang notes na nahiram niya sa mga kaibigan ni Marj. She also did some readings and research para hindi naman siya magmukhang paanga-anga. Unfortunately, marami pa rin siyang hindi alam kaya medyo nahihirapan siyang humabol sa flow ng discussion. Nakahalumbaba siya habang nilalaro ang ballpen nang biglang may mag-abot sa kaniya ng notebook. Napakurap-kurap siya habang nakatingin sa notebook. “Don’t just stare. You may use it.” Keith gently whispered. Nanatili siyang nakatingin sa notebook na iniaaro nito pero dama niya ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. "Nandiyan ‘yung rules at formula na sinasabi ni Prof. Kompleto iyan,” pagpapatuloy ni Keith dahilan para tumunghay siya. Napaayos siya ng upo nang mapagtantong nakangiti ito sa kaniya. “You’re not going to use that?” “We already tackled some of the rules. Inuulit niya lang dahil ng mga stated problem. So, come on, wag ka ng mahiya. I see na desidido kang matuto. It just happen na mahirap talagang humabol kapag nakulangan ka ng notes.” "Err, how about you?" nag-aatubili pa rin niyang tanong. "Don't worry. Nagbasa na ako kanina." Sinulyapan niya ang notebook bago inabot mula rito. "Thanks.” "Pagpasensiyahan mo na lamang ang sulat,” kakamot-kamot sa ulong saad nito. "No, it’s actually fine." Pigil ang pagngiting wika niya. Nagsasabi siya ng totoo. For a guy, he actually had a nice handwritten. Tumango lang ito at ibinalik na sa unahan ang tingin. Mabuti na lang at abala ang prof. nila sa pagsusulat sa board kaya hindi sila pansin na nag-uusap. DALAWANG SUBJECTS ang mabilis natapos. After break time, may three more subjects pa before she call it a day. Kasalukuyan niyang nililigpit ang mga gamit bago lumabas para kumain. Naninibago pa siya sa mga nangyayari, sa paligid, sa mga taong nasa paligid, sa mga lessons lalo pa at engineering naman talaga ang pinakaunang course na kinuha niya. Gayunman, nandito na siya kaya kailangan niyang ipagpatuloy ang nasimulan. "Hanga talaga din naman ako sa lakas ng loob mo babae at talagang nagawa mo pang lumipat dito." Mataray na wika ni Katrina habang papalapit sa kaniya. Sinulyapan niya ito. Nakapamaywang ito habang nanghahamon ang mga matang nakatingin sa kaniya. Ibinalik niya ang tingin sa ginagawa at piniling huwag itong pansinin. "I'm talking to you, bitch." Inis nitong turan sabay hila ng bag niya at ibinagsak sa sahig. ‘Geez...’ Arielle could feel her blood boiling in anger, but her inner self decided to play it cool. Instead of turning at Katrina, she went to her bag and took it from the floor. “What? Mananahimik ka na lang ba?” gagad ni Katrina nang hindi siya nagsasalita. “Kung iniisip mong mapapadali ang buhay mo dito, nagkakamali ka. I’ll gonna make your life worst just as what happened to that lame Margaret.” Kasisimula pa lang ni Arielle kaya wala pa siyang balak patulan si Katrina. But what she said turned her guts into twisting madness. Nakataas ang isang kilay na hinarap niya ito. "Pwede ba, Miss Attention Seeker, tantanan mo ako,” simula niya na sinamahan pa nang pagngisi. “Kung iniisip mong kaya ako narito ay dahil sa iyo. Well, hanga naman ako sa confident mo, ang taas masiyado. Hindi ka ganoon ka-espesyal para pag-aksayahan ko ng oras.This is nothing to do with you." mahinahon pero may riing wika niya. "So, anong palagay mo, mainiwala ako sa iyo. Hindi ako boba para hindi makuhang may plano kang gumanti kaya ka narito," sarkastiko nitong saad. It was her turn to sneer. "If I were you, but sad to say hindi ako ikaw Katrina. Hindi ako kasing immature mo. At kung sakali mang gagantihan kita, I swear wala ka ng mukhang ihaharap pa sa mga tao. But because my ways aren’t your ways, don’t expect too much, dear. I don’t care about you. So, kung pwede ba, just leave me alone." May pang-uuyam na litanya niya bago nilagpasan ito. Kinuha niya ang bag na ibinagsak nito at akmang aalis na nang bigla siyang hablutin sa kamay ni Katrina at iharap dito. "Ang lakas ng loob mo. Kung hindi mo alam kung saan ka lulugar, ako ang magpapakita sa’yo!" Na-off guard siya kaya hindi niya napaghandaan ang sampal na paparating. Napapikit na lamang siya at umaasang tatama ito sa pisngi niya. Pero... "Anong?” Hesterikal na tanong ni Katrina. “Ano ba, Keith? Bitawan mo nga ako." Nagmulat siya ng mga mata. At ganoon na lang ang gulat niya nang makitang pigil ni Keith ang kamay ni Katrina. "Wag na wag kang magkakamaling hawakan siya." May diin ang bawat bigkas nito ng mga salita. Namimilog ang mga mata niya habang nakatitig kay Keith. 'Galit ba siya?' "Bitiwan mo ako…" pumipiglas na sabi ni Katrina, pilit bumibitaw sa pagkakahawak ni Keith. "Gago ka! Wala kang karapatang hawakan ang girlfriend ko!" Si Nico iyon na biglang dumating. Mabilis itong lumapit sa kanila at itinulak si Keith. Lumapit naman kaagad si Katrina kay Nico at yumakap. Sa pagkakataong iyon ay tuluyan na nilang naagaw ang atensiyon ng iba pang kasama sa room. Nagsilapitan na rin sina Kevin, Daphne, at Jasmine. Tila ba nakahanda sa kung anumang maaring mangyari. "Chill lamang, p’re." Mahinanong awat ni Kevin na pumagitna kina Keith at Nico. "Chill? Back off, you punk!" "No, you’re the one who should back off. Leave this girl alone." May diing ani Keith. As if in cue, bigla na lang siyang marahang hinila nito patungo sa likod ng makitang masama na naman ang tingin sa kanina nina Katrina at Nico. "Wag ka—“ Magpoprotesta sana siya pero pinigilan kaagad siya nina Daphne at Jasmine na hindi niya namalayang nasa likod niya na pala. "Stop. Don't meddle on them,” pagpipigil sa kaniya ni Daphne sabay hawak sa kaniyang balikat. "No," usal niya. Hindi ganito ang plinano niya nang nagdesisyon siyang lumipat dito. 'Pero, ano pa nga bang dapat kong asahan.. Na magiging smooth ang lahat? Kabaliwan kung umaasa akong magiging ganoon nga.' "Ano bang pakialam ninyo? That girl owes us a lot. So, stop getting in our way and let me f—“ Hindi na natapos pang magsalita si Nico ng malakas ng suntok ang ibinigay rito ni Keith. Ni hindi nagawang pigilan ni Kevin ito dahil sa sobrang bilis ng pangyayari. "Nico!" "Keith, stop!" Halos sabay nilang sigaw ni Katrina. Hindi pa nakakabawi si Nico ay akmang susugurin na naman ito ni Keith. Doon na siya kumilos. Mabilis niya itong hinawakan sa kamay. "No, please stop…" Nagmamakaawang usal niya. Tumigil ito. Pero hindi siya nilingon. "Wala siyang karapatang magsalita ng ganoon." He said quietly. Umiling-iling siya. "This is my problem. Huwag ninyo ng idamay ang sarili ninyo." Sa sinabi niya ay biglang lumingon ito sa kaniya. Tila ba nagising ito sa masamang panaginip. Tinitigan siya nito bago lumingon kay Nico na masamang-masama ang tingin sa kanila. Nasa pagitan pa rin nilang dalawa si Kevin habang may ilang kaklase rin nila ang pumipigil kay Nico. Galit na galit ito pero tila ba nagpipigil lang ito. Kung bakit ay hindi siya sigurado. "Hindi pa tayo tapos Balmaceda,” pagbabanta nito kay Keith bago siya binalingan. “Lalo ka ng babae ka." Binigyan sila nito ng nakamamatay na tingin sabay talikod. Pinagmasdan nila ito na hawak sa kamay si Katrina palabas ng room. "You okay?" May bahid ng pag-aalala na tanong ni Keith sa kaniya nang makalabas sina Nico at Katrina. Tiningnan niya ito bago bahagyang lumayo sa kaniya. "Yeah, thank you." Wala siya ideya kung bakit pero may lungkot na lumambong sa puso niya, tila ba may mga batong dumagan dito na siyang nagpapabigat. Pumipigil sa kaniya para huminga ng maayos. ‘Someone is protecting me. Someone is getting hurt for me and because of me.’ "Please, stop doing this for me," wala sa loob na usal niya. Bahagyang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. "I'm sorry, but I won't," determinadong saad nito. Tinitigan niya ito at halos mamilog ang mga mata niya sa nakitang determinasyon sa mga mata ni Keith. ‘Why is that?’ *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD