"Pupunta ka, Kimmy?"
"Oo nga."
"Sigurado ka na ba talaga?"
"Jess, okay lang kahit ako na lang mag-isa."
"No, hindi kita pwedeng iwan.” Paghabol ni Jess sa kaniya. “Gusto mo bang karnehin ako nina bakla kapag nalaman nilang hinayaan kitang pumunta doong mag-isa? Tsaka alangan namang pabayaan kita."
Tumigil siya sa paglalakad at binalingan ang kaibigan na tumigil rin sa paglalakad. “Look, Jess. In just a few days ay magiging classroom ko na iyon. Hindi ba dapat ngayon pa lang ay nagsasanay na ako?”
Hindi nagsalita si Jess pero hindi nito itinago ang malaking pag-ayaw sa plano niya.
Gusto niyang pumunta sa B.A. Department, sa block kung saan naroon dati si Marj. Pilit siyang pinipigilan ni Jess. Ngunit bakit niya pa ipapagpaliban ang pagpunta doon kung isa sa mga araw na ito ay ‘yun na din ang block na kabibilangan niya.
Tsaka masama bang silipin niya ang magiging bagong classmates niya?
"Hay, Kimmy, hindi na talaga kita ma-gets," naghihimutok na turan ni Jess. “Hindi ko mapaniwalaan itong mga ginagawa. Hindi ko rin alam kung tama pa ba itong ginagawa mo.”
“Nauunawaan kong hindi mo maintindihan ang ginagawa ko. Marahil sa mata ninyo nagiging pabigla-bigla ako. But I have my reasons.”
“Tell me, Arielle Kim. Ano bang mga rason mo?”
Sa pagkakataong ito ay hindi niya magawang salubungin ang tingin at sagutin ang tanong nito.
“Revenge won’t straight things,” pagpapaalala ni Jess. “It won’t make you happy.”
Sumilay ang malungkot na ngiti sa labi ni Arielle. “Yes, it won’t. But I know what I am doing.”
“Sana nga, Kimmy. Sana nga…”
She nodded. “Well, hindi mo naman ako kailangang samahan. Kaya ko naman na ang sarili ko."
At this moment, Jess smiled at her. "No. Sasamahan kita. Hindi pwedeng hindi. Hindi pa namin naiintindihan kung anong plano mo pero hindi ibig sabihin noon ay hindi na tayo magkakaibigan."
“Thank you, Jess.” She beamed at her friend before they walked together.
Katulad noong una ay takaw atensyon sila nang dumating sa B.A. Department. Marahil hindi rin nakalingat sa kanila ang balita na nangyari noong nakaraan. Ngunit katulad ng dati, patay-malisya lamang siya. Nakasara ang pinto ng silid nang dumating sila. Gayunman, dinig na dinig niya mula sa labas ang ingay ng mga nasa loob.
Kumatok siya. Sandaling nabawasan ang ingay pero pagkaraan ay nagpatuloy lamang ito.
“Classroom ba ito o palengke?” nakahalukipkip na tanong ni Jess habang nakanguso sa pinto ng classroom.
Nagkibit-balikat siya bago pinihit ang seradura ng pinto at pumasok. Eksaktong pagpasok nila ng pinto ay napatingin ang mga estudyante sa kanila. Noong una ay tila mga napipi silang mga bata ngunit pagkaraan ay nagbulungan sila.
"Kimmy..." Naramdaman niya ang paghawak ni Jess sa kaniyang braso.
Sinulyapan niya ito at nginitan ng matamis. "It’s fine, Jess."
"Naligaw ka ata." May halong pang-aasar na wika ng isa sa mga babaing estudyante na naroon.
Nilingon niya ang nagsalita at nang makilala kung sino ay balewalang inalsan muli ng tingin. 'Tss. One of Katrina's disciples.'
Hindi niya pinansin ito at sa halip ay nagpatuloy siya sa paglalakad papasok. Natahimik lahat sila. Walang sinuman ang nangahas muling magsalita. Nasa bandang unahan na siya ng silid habang nananatiling nakamasid ang mga ito sa kaniya.
She didn't come there to get attention. Inihahanda niya lang sila para sa mga susunod na araw. O marahil, mas tamang inihahanda niya lamang ang sarili sa mga pwede pang mangyari.
Isa pa, may iba siyang pakay sa pagpunta doon. Pasimpleng hinanap ng mga mata niya sina Nico at Katrina pero wala sila sa silid. Nagawi ang tingin niya sa bandang likuran ng silid kung saan naroon ang grupo nina Keith. Bigla ay parang gusto niyang mahiya sa biglang pagpasok. Pero andito na siya, ngayon pa ba siya uurong?
Nag-iwas siya ng tingin sa kanila bago naglakad palapit sa mini locker ng silid. May sadyang locker room ang university pero may mga locker din sa loob ng silid. Hindi niya ginagamit ang kaniyang locker sa room niya pero alam niyang ginagamit ni Marj ang kaniya. Sumasabay kasi siya sa mga kaibigan kapag pumupunta sa locker room habang si Marj, dahil minsan ay makakalimutin sa gamit ay mas gustong nasa malapit lang ang pinaglalagyan ng mga gamit.
She searched for Margaret's locker. Nahagip ng mata niya ang may kulay pink na dots sa gilid ng keyhole. Nilapitan niya ang locker at binuksan gamit ang susi na nakuha niya sa office kanina.
May ilan pa ngang gamit roon si Margaret. Kinuha niya ang gamit at isinara uli ang locker. Ang locker na dating sa kinakapatid niya at siya na ring magiging locker niya, one of these days.
"Buti naman at naisipan mo nang kuhanin ang mga gamit na iyan dito. Kasi sa tunay lamang ay umaalingasaw na iyan sa baho." Sarkastikong saad ng isang pamilyar na tinig. Hindi pa siya lumilingon ay kilala niya na kung sino iyon.
Kumukulo man ang dugo ay may ngiting binalingan niya ang nagsalita. Si Katrina ito at as usual kasama nito si Nico.
"Ito ba talaga ang umaalingasaw o iyang pagkatao mo?" mahinahong tanong niya habang hindi inaalis ang ngiti sa mga labi. Hindi nakalingat sa kaniya ang tila pagsupil ng tawa sa paligid at ang tila ugong ng bulungan.
“What?” Halatang hindi inaasahan ni Katrina ang tanong niya dahil kaagad sumiklab ang inis sa mga mata nito.
“Mukhang hindi lang pang-amoy mo ang may problema, pati na rin ata ang iyong pandinig.”
"Ang kapal mo!" Nanggagalaiti na bulyaw ni Katrina at akmang susugurin siya pero pinigilan ito kaagad ni Nico. “Not now, babe,” bulong pa ni Nico dito.
“Aalisan ko ng dila iyang babae na iyan,” nanggagalaiting bulong ni Katrina habang pilit bumibitaw mula kay Nico.
“May tamang oras lahat ng bagay, Kat. Huwag muna ngayon. Don’t forget…” Halatang sadyang binitin ni Nico ang sasabihin para lingunin ito ni Katrina. Bahagyang nagbago ang kislap ng mga mata ni Katrina. Tumigil na rin ito ng kakapasag mula sa pagkakahawak ni Nico at binalingan siya. “Hindi pa tayo tapos, babae.”
Walang salitang nginsihan niya lamang ito at sinimulang lisanin na ang paligid.
ILANG MINUTO na lamang at magsisimula na nag klase pero hanggang ngayon ay tulala pa rin si Keith. Nakita niya na naman si Arielle. Kanina lamang ay pumunta ang babae sa room para kuhanin ang gamit ng kaibigan niya. Hindi niya inaasahan na makikita pa ang dalaga na tutungtong sa loob ng kanilang silid pagkatapos ng mga nangyari noon. Pero hindi rin maiitago ang ibang-iba niyang aura ngayon. Malayong-malayo ito sa Arielle na nakita niya sa ilalim ng puno. Ang saya-saya pa nito. Buhay na buhay ang mga mata at ang ngiti nito na kabaligtaran ng sa ngayon. Halos wala na siyang makitang emosyon sa mukha nito at kahit ang mga mata nito ay walang buhay. Ni wala siyang nakitang takot habang kaharap ang malditang si Katrina.
Ilang araw din nila siyang hindi nakita. Nang araw na maaksidenti ito at dinala niya sa ospital para mapuntahan si Margaret ay ang huling araw na nakita niya ang dalaga. Hindi na siya nakapagpaalam ng maayos lalo na nang makita niya kung gaano naghihinagpis ito at ang mga magulang. Nang araw na iyon, marami siyang nalaman na hindi niya inaasahan. Bukod sa anak ito ng may-ari ng university, half-sister pala nito si Margaret na sa pagkakaalam niya ay wala ng ina. Wala siyang alam tungkol kay Margaret pero minsan sa isang activity nila ay nalaman niyang patay na ang biological mother nito.
Ilang araw din ang nagdaan bago kumalat ang balita na namatay si Margaret dahil ng stress at lungkot lalo pa at matagal na pala itong may komplikasyon sa puso. Nagpunta sila noon sa burol tanda nang pakikiramay lalo pa at kamag-aaral din nila ito. Pero kahit noong nagpunta sila doon, walang kahit anino ni Arielle silang nakita. Ang sabi ay simula ng maiburol ang half-sister nito ay hindi na ito naglalabas ng kwarto. Talagang hindi nito matanggap ang nangyari kay Margaret.
At nauunawaan niyang hindi madali para dito ang lahat.
"Keith..."
Napatingin siya kay Jasmine.
"Oh, bakit?"
"Shete ka, insan. Kanina pa kita tinatawag. Hindi ka man lamang kumikibo diyan." Nakasibangot pero pabulong na wika ni Jas.
"Nagtaka ka pa. Ikaw ba naman ang makita ang love of my life mo, kung hindi ka ba naman nga matulala?" pabulong na nang-aaar ni Kent.
"Tss." Pinili niyang umubub kesa kausapin ang pinsan at kaibigan. 'Walang kwenta kausap ang mga ito.'
"Keith!"
Hindi niya pinansin ang tawag ni Jasmine. “Bahala kayo diyan."
"Keith..." May hampas ng kasama ang pagtawag ng pinsan.
"Ano ba?" inis niyang tanong sabay tunghay.
"Is there any problem, Mr. Balmaceda?"
Langya! Andine na pala si prof.!
"Ahh…" Napakamot siya sa ulo. Masama ang tingin sa kaniya ng professor. "Good morning po." He tried to smile at her.
"Well, good morning too." Walang emosyong balik na bati sa kaniya bago ibinalik ang atensiyon sa ginagawa nito.
Sinamaan niya ng tingin ‘yung tatlo. Nakatingin sila na may this-is-what-we-are-trying-to-say look sa kaniya. Inikutan niya lang ng mata ang mga ito.
Darn this mood swing. Hindi niya na maintindihan kung ano na namang nangyayari sa kaniya.
*****