Ilang araw ng nakaburol si Margaret at sa buong panahon na iyon ay walang ibang ginawa si Arielle kundi ang umiyak. May mga kaibigan at kaklase siyang dumating para bumisita pero nananatili siyang tulala at nakakulong sa silid. Walang sinuman ang makapagpaalis ng lungkot na nadarama niya kahit saglit.
Wala siyang ideya kung paano aayusin ang sarili. Hindi pa rin niya magawang tanggapin ang lahat. At mas hindi niya maiwasang sisihin ang sarili dahil sa mga nangyari. Kung sana lamang ay nabantayan niya ng maayos ang kinakapatid ay hindi iyon mangyayari. Kung sana man lamang ay mas pinagbuti niya ang pag-aalaga rito ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. Sana ay nandito pa rin ito.
Mas lalong namaluktot siya sa ilalim ng kumot habang yakap ang sarili. Walang tigil ang pagbagsak ng masaganang luha sa mga mata niya nang may kumatok sa pinto ng kaniyang silid.
"Kimmy..." Tawag ng mommy niya mula sa labas ng pinto ng kaniyang silid. Nasundan iyon ng mararahang katok. "Kimmy, si mommy ito. Papasok na ako, ha?"
Hindi siya tumugon. Ilang sandali lamang at bumukas na ang pinto. Pumasok ang liwanag na nagmumula sa mga ilaw na nasa labas patungo sa silid niyang nitong mga nagdaang araw ay gusto niyang madilim. Sa umaga ay laging nakababa ang blinds at sa gabi naman ay hindi siya nagbubuhay ng ilaw.
Sa munting liwanag ay kita niyang palapit ang ina sa kama. Nanatili naman siyang walang kibo at mataman lang pinagmamasdan ang ina. Nakasuot pa rin ito ng itim na pantalon at puting blouse. Ang mahaba at kulot nitong buhok na dati’y madalas nakababa at umaalon alon sa likod nito ay nakapusod ngayon. Halos wala din itong make-up maliban sa manipis na lipstick. Mababakas sa magandang mukha nito ang matinding lungkot at sakit pero alam niyang pinipilit lang ng inang maging malakas.
Sana lang ay magawa rin niya.
"Mom..." Nagawa niyang magsalita sa mahinang tinig. Tila nga ayaw pang lumabas ng kaniyang tinig.
"You're going to stay here again for the whole day? Wala ka bang planong lumabas man lamang?"
Umiling siya. "Dito na lang muna po ako. Okay lang naman po ako." She tried to smile at her.
"Kimmy, I know it’s hard to accept na wala na si Margaret pero tandaan mo, life must go on. Si Margaret lamang ang nawala at hindi pati ikaw. Nauunawaan namin ng daddy mo kung gaano ka nasasaktan. We know how much you love her, pero sana naman huwag kang masiyadong magmukmok rito. Lumabas ka. Talk to your friends. Nasa baba sina Jess at hinahanap ka."
Napatitig siya sa kaniyang mommy. Alam niyang nahihirapan din ito. She's just trying to be strong. Kahit hindi nito totoong anak si Margaret, she loved her like her own child. Simula pa noong bata pa sila ni Margaret, matapang na ang kaniyang ina. Nagawa nitong tanggapin ang kaniyang daddy at mahalin si Marj sa kabila ng katotohanan. Makakaya din ba niyang maging kasing tapang ng ina?
"Tsaka sa palagay mo ba ay matutuwa si Margaret sa ginagawa mo. Tiyak kung nakikita ka niya sa mga panahong ito nalulungkot siya. Kasi alam niyang nasasaktan ka.."
'Tama si mommy. Pero...' Umiling-iling siya. Nagsisimula na naman ang pag-iinit ng sulok ng mga mata niya.
"Anak..." She could feel the pain in her voice. Lalong sumisikip ang dibdib niya dahil sa paraan ng pagtingin ng ina. She heaved a big sigh.
She’s being unfair. Hindi lang naman siya ang nawalan.Nawalan din ang kaniyang mommy at daddy. At mas lalong hindi lang din naman siya ang nasasaktan, pero sa ginagawa niya ay mas pinabibigat pa niya ang mga dalahin ng mga magulang ngayon.
Bumangon siya at niyakap ang ina. "I'm so sorry, mommy, kung nagiging burden pa ako sa inyo. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. I really miss her." Umiiyak niyang wika. Ilang araw na siyang umiiyak pero tila hindi pa maubos-ubos ang mga luha niya. Ayaw na nitong tumigil pa sa pag-agos.
"Oh, Kimmy. You shouldn't be sorry. Naiintindihan ka namin. Nag-aalala lamang kami sa iyo at baka ikaw naman ang magkasakit. Hindi na namin kakayanin kong pati ikaw ay mawawala pa sa amin." Mahigpit siyang niyakap nito.
"I'm really sorry, my."
"No, it’s okay baby."
Bahagyang umaliwalas ang mukha ng ina niya. Pinunsan nito ang mumunting luha at matamis na ngumiti. “Anong gusto mong kainin, anak?"
"Kahit ano po, mommy. O bumaba na lamang po kaya ako?" Hindi siya sigurado sa huling sinabi pero kailangan niya ring matatag gaya ng ina.
"Talaga?"
Tumango-tango siya.
"Thanks, God. Tingnan mo at namumutla ka na. You need some sunshine, honey." Nakangiting sabi nito habang hinahawakan ang pisngi niya.
"Mommy…"
"Yes?"
"Mommy, may hihingin po sana akong favor." Seryso niyang simula pagkaraan. Ilang araw niya na din itong pinag-iisipan at talagang desidido na siya. Marahil sa ganitong paraan ay makakahugot siya ng lakas upang magpatuloy.
Nagtatakang tiningnan siya ng kaniyang mommy. "Ano iyon, anak?"
"Mommy, I want to transfer on Marj's class. Gusto ko pong mag-shift ng course," determinado niyang pagpapaalam sa ina.
Kita niya ang bahagyang pagkagulat na rumehistro sa mukha ng ina. Sandali itong natahimik, tila tinatantiya ang sinabi niya. Hinihintay na bawiin ang kaninang sinabi.
“Mommy…” untag niya nang hindi na siya nakatiis sa pananahimik nito.
"Are you sure?" kalmadong tanong nito.
Tumango siya. "Yes, mommy."
Ilang sandali pa siyang tinitigan ng ina. "Sige, sasabihin ko sa iyong daddy. Ipapaayos ko na ang mga files mo,” mabilis nitong tugon na medyo ikinagulat niya. Inaasahan niyang unang-una ang ina sa hindi papayag pero, heto at ito pa ang magsasabi sa kaniyang daddy na ipapaayos kaagad ang mga files niya. “Pero Kim, hindi magiging madali ito,” dugtong ng ina sa makahulugang paraan.
Desididong tumango siya. “I understand, mommy.”
“Well, tingnan natin kung maki-credit ang ibang subjects mo noon.”
"May mga subjects naman po kami noong first year na halos hindi nagkakaiba. Kung may mga subjects ako na kailangang i-take ay ite-take ko. At tsaka, tutulungan ninyo naman po ako, ‘di ba?"
"Of course, I will. Basta makita lamang kitang masaya."
May kung anong nabuhay sa dibdib ni Arielle. She didn’t want to be so mean. Wala siyang balak gamitin ang pera at kapangyarihan para makuha lamang ang gusto niya, pero kailangan niya ito. She needed and wanted this desperately.
"Thank you, mommy." Muli ay niyakap niya ito habang nagsisimula ng humabi sa isip ng plano.
*****
TATLONG ARAW pagakatapos ilibing si Marj ay pumasok na si Arielle. May isang linggo din mahigit siyang absent pero ngayon ay kailangan niya nang magpatuloy. Wala siyang balak matapos lamang ang lahat sa wala. Malaki ang pasasalamat niya sa mga kaibigang all-out ang support sa kaniya. Pagkapasok pa lamang ng campus ay nakabantay na sila.
"Welcome back, Kimmy!" sabay-sabay bati ng mga ito na para bang sobrang tagal niyang nawala at ngayon ay nagbabalik.
Napangiti naman siya. Medyo na-miss niya sila. Masaya siyang makita ang mga ito pero kahit ganoon andoon pa rin ang kakulangan. Pakiramdam niya ay may kulang.
Umiling-iling siya. Pinilit niyang huwag alisin ang ngiti sa labi hanggang sa isa-isa na nila siyang yakapin. Mabuti na lamang at kahit papano ay hindi siya pinababayaan ng mga kaibigan. Noong hindi nga siya pumapasok ay panay ang padala ng mga ito ng notes ng mga ginawa, pinag-aralan, at mga kailangan sa school.
Sana lang ay maunawaan ng mga ito ang magiging desisyon niya.
Hindi niya maiwasang malungkot kapag naiisip na hindi niya na makakasama sa klase ang maiingay, magugulo, pero mababait, maalalahain, at cool na mga kaibigan. Magkasama-sama man ay tiyak na magiging madalang na.
*****
"GUYS, I WANT to tell you something." Natuon ang atensiyon ng mga kaibigan ni Arielle sa kaniya. Kasalukuyan na silang nasa canteen at kumakain. Nasa kalagitnaan sila ng masayang kwentuhan nang maisip niyang oras na para sabihin sa kanila. Tutal, simula sa makalawa ay may posibilidad na maari na siyang mag-attend sa klase na iniwan ni Marj.
"Ano iyon at bigla naman ay sumeryso ka?" taas-kilay na tanong ni Carlita.
"Well..." Tiningnan niya sila isa-isa.
"’Wag ka ngang pa-suspense, girl. Diretsahin mo na kami," mataray namang gagad ni Carlota.
“Excited?” kunwa’y irap niya sa mga ito.
“Tingnan mo kaya feslak mo, girl. Para kang hindi mapaihing pusa diyan.”
Inikutan niya lang ito ng mata bago pa siya malayo sa balak sabihin. "Nag-shift na ako ng course," mabilis niyang pahayag lalo pa at halatang inip na ang baklang kambal na kaibigan niya.
"What?" Halos sabay-sabay nilang bulalas. Kaniya-kaniya sila ng reaksyon.
"Pero bakit?" tanong ni Jess.
Nginitian niya sila. "Kasi... Gusto ko lang," kibit-balikat na tugon niya.
“Nababaliw ka na ba?” Hindi makapaniwalang turan ni Neah.
“I’m in my perfect mind.”
“Nandoon sina Katrina at Nico, Arielle,” mahinahong paalala ni Sofi sabay ayos ng salamin niya.
“Mag-aaral ako doon kaya labas sila sa kung anong gusto kong gawin.”
“Kabaliwan pa rin iyan, Kim.” Naisuklay ni Jess ang daliri sa buhok sabay ikot ng mata.
“Tama siya, girl,” tumatang-tangong sabay na segunda ng kambal. “Ang lugar na iyon ay balwarte nila.”
Dahil sa huling sinabi ng kambal ay tumaas ang sulok ng labi niya. “This place isn’t theirs. Not that room, not even any of the places here inside the university. Pantay-pantay lang tayo rito.”
“Umaasa akong sasabihin mong dahil anak ka ng isa sa owner nitong university, but I’m wrong.” Humalumbaba si Neah habang diretsang nakatingin sa kaniya. “May laban ka kung sakaling maging territorial na naman si Katrina.”
“She could be anything she wanted to be. I don’t care. May sarili akong rason sa plano ko.”
Wala ng nagsalita nang marinig kung gaano siya kadeterminado. Ayaw nilang pumayag. Kabaliwan man ngang masasabi ang ginagawa niya lalo pa at sa mismong klase ni Marj siya papasok kasama sina Katrina at Nico. Ngunit wala na siyang pakialam. Ang gusto niya lang ay gawin ang gusto. Walang malinaw na plano pero handa siya sa maaaring maging consequences ng gagawin niya.
At the very least, Katrina and Nico had no rights to be territorial inside that classroom nor inside the university. Kung isa iyon sa mga kakaharapin niya sa pagpasok doon, she’s very much ready.
*****