Sa kabila ng mga ginawa ni Arielle kina Nico at Katrina ay hindi nabawasan ang bigat na nararamdaman niya. Para sa kaniya kulang pa ang lahat ng ginawa niya pero kailangan nang hamigin ang sarili. Malaki na ang nagawa niyang gulo. Isa pa, kailangan na niyang bumalik ng hospital. Kailangan niya nang makausap si Margaret.
Naglalakad na siya patungo sa hagdan ng mula sa likuran ni Jess ay nagsilitawan ang mga kaibigan niya.
"Oh my God! Kimmy, what have you done?” bulalas ni Sofi.
"Arielle Kim! Naku! Nalagot na tayo nito!" Halos mawala sa composure na wika ni Neah.
"Kimmy, sure ka bang ikaw iyan? Anong ginawa mo kay Papa Nico?” maarteng tanong naman ni Carlita na may nalalaman pang paghawak sa dibdib na para bang bigla na lang itong papanawan ng ulirat.
"Gosh girl, dumayo ka pa talaga dito sa BA para magkalat!" banat naman ni Carlota na sinabayan pa ng pag-face palm ang pagsasalita.
Pasimple niyang sinulyapan si Jess na may apologetic na tingin. Sigurado siya na sinadya nitong tawagan ang mga kaibigan nila. And usual, to the rescue ang kaniyang mga kaibigan.
“Sorry. I thought you're gonna need some helping hand,” may tabinging ngiting saad ni Jess.
"Helping hand?” ulit niya sa huling sinabi nito. Marahang tumango si Jess bilang pagsang-ayon. Wala naman sa loob niyang natitigan ang mga kaibigan. Simula kay Sofi tila tumabingi ang salamin sa pagmamadali, humihingal-hingal pa, at hanggang ngayon ay may nakasakbit pang blueprint tube sa balikat. Napunta ang tingin niya kay Neah na may bitbit pang hairbrush, at ang baklang kambal na sina Carlita at Carlota na kung itatabi sa kaniya ay mas magmumukha pang babae.
Hindi niya minamaliit ang kakayahan ng mga kaibigan, hindi niya lang maiwasang hindi mapailing.
“Mabuti pa ay tara na," malamig niyang pag-aaya sa mga kaibigan.
"Kimmy..." halos sabay-sabay na sambit nila.
“I’m done here,” dugtong niya at nagsimula nang humakbang palayo.
“You’re done, but I’m not,” narinig niyang sigaw ni Nico mula sa likod.
Handa na siyang harapin ito nang bago pa siya makalingon man lang ay may malakas nang pagbagsak ang narinig niya na nasundan ng pagsinghap ng marami.
“OMG! Si Papa Keith!” hestirikal ni Carlita.
“Gosh! Gosh!” hindi naman magkaintindihan si Carlota kung anong sasabihin at kung hahawak ba kay Jess o sa katabing si Sofi.
Hindi pa mawari ni Arielle kung anong nangyari ngunit nang sa pagharap niya ay nakabulagta na si Nico sa sahig. May malay ito pero tila hindi maganda ang kabagsak nito dahil nakangiwi pa habang hawak ang panga.
“Oh no, babe!” sigaw ni Katrina na kaagad nilapitan ang kasintahan, hindi ito magkandatuto kung paano at saan hahawakan si Nico.
"Sa susunod na mambubugbog ka, Miss. Make sure na hindi na nila kayang bumangon para hindi ka na matira patalikod.."
Kung hindi lang siguro dala ng pamumuugto ng mga mata niya dala nang kaiiyak baka mapagtawanan na siya dahil sa panlalaki ng mga mata ko sa gulat. At kung hindi rin dahil sa pamumula ng mga pisngi niya dala ng galit at pag-iyak baka talagang magkamatis na ito dahil sa pagkapahiya.
Napalunok siya habang nakatingala kay Keith. Minsan nang nag-krus ang daan nilang dalawa sa Art Room pero hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harapan niya ito. Hindi naman maiikaila ang taglay nitong kakisigan at ang matangkad nitong pigura na tiyak ay maraming babae ang humahanga. Hindi niya napapansin iyon noon kahit may pagkakataon na nakikita niya ito sa t’wing pumupunta siya sa building kung nasaan si Margaret. Bagay na tila nakapagtataka dahil ultimo ang maliit na pelat na meron ito sa kanang sentido ay napapansin niya. Napapansin niya rin kung paanong tila humahalik ang may kalaguang kulay itim na buhok nito sa may noo.
“A-anong…” Hindi niya magawang ituloy ang sasabihin dahil tila naipon lang iyon sa lalamunan niya.
"Okay ka lang ba, Miss?" tanong ni Keith na humakbang palapit sa kaniya. “Hindi ka naman tinamaan ‘di ba?”
Ang mga katagang iyon ang nagpabalik sa huwisyo niya. Mas lumilinaw na ang nangyayari sa paligid pati na rin ang mga bulungan.
"Ang swerte naman niya naging Knight in Shining Armor pa si Keith."
"Oo nga tapos tinatanong pa siya kung okay lang ba siya. Wahhh! Told you, napaka-gentleman talaga ni Keith."
“Sinabi mo pa! Bet ko talaga si Keith.”
Tumango siya sabay wikang, "Salamat." Ibinalik niya ang tingin kay Nico at Katrina na parehas nang nakatayo habang matalim ang tingin sa kaniya.
“May araw ka rin sa akin,” nagngingitngit na saad ni Katrina.
Ngumisi siya at nakakalokong sinabing, “Girl, every day is my day.” Binalingan niya si Nico na mariing nakakuyom ang kamao habang matatalim ang mga matang nakatingin sa kaniya. Tinaasan lang niya ito ng kilay dahilan para lalong sumama ang tingin nito. Minabuti niyang alisin ang tingin dito at balingan si Keith. “Thank you again,” she murmured at him. Tinalikuran niya na ito at handa ng lisanin ang lugar nang…
"Wait, Miss," pigil ni Keith sa kaniya.
"Tumigil siya sa paglalakad pero hindi ito nilingon o nagsalita man lamang.
"Baka kailangan mo ng panyo," pagpapatuloy ni Keith nang hindi siya nagsalita.
Hindi niya pa nililingon ang binata pero base sa piping iritan ng mga kaibigan niya na sinamahan pa ng bulungan ng ibang mga mag-aaral, awtomatikong gumapang ang init sa buong mukha niya.
“Those tears…” Keith continued, making her face him gradually.
“Don’t mind it,” she said to him instantly.
“Not fond of watching someone’s tears falling on their faces.”
Literal na napanganga siya dahil sa sinabi nito. Gusto niyang pagtawanan o suplahin ang mga sinabi nito pero dahil sa seryosong tingin nito sa kaniya ay tila naglaho ang lahat ng mga salita mula sa labi niya.
“Take it,” Keith insisted as he walked towards her.
Hindi na siya nakatanggi pa ng inabot nito ang kamay niya at inilagay sa palad niya ang isang kulay puting panyo. Hindi na rin niya nagawang mag-react nang itikom ng mainit at malapad na palad ng binata ang palad niya. Maraming salitang gustong lumabas sa bibig niya pero ng mga oras na iyon ay tila nablangko ang utak niya.
“Oh gosh! Look at her. Keith holds her hand!”
“Ito ang sana all na lang.”
“Try ko rin kayang umiyak sa harap ni Keith at baka mahawakan ko rin ang kamay niya.”
Malinaw na naririnig ni Arielle ang mga sinasabi ng mga taong nasa paligid niya pero hindi niya magawang kumibo.
“Don’t worry, hindi ko pa nagagamit iyan,” dugtong ni Keith sabay bitaw sa kamay niya.
Naglalakbay pa ang isip niya nang maramdaman ang pag-alog ng kaliwang balikat. “Kimmy, natulala ka na diyan,” bulong ni Jess sa kaniya dahilan para matauhan siya. Kumurap-kurap siya bago inilinga ang tingin sa paligid. Patalikod na si Keith habang ang atensiyon ng lahat ay nasa kanila na.
“B-but I have a handkerchief, Mr. Balmaceda,” she said when she found her voice.
“Then add it with yours. It’s just a handkerchief,” Keith told her. He waved his hand as he walked towards the direction of the room. “By the way, it’s time to be somewhere.”
“B-Bu—“
“And it’s Keith. Stop calling me, Mr. Balmaceda. That’s my father.”
Hindi na nagawa pang mag-protesta ni Arielle dahil tuluyan nang pumasok si Keith sa loob ng room. Sumunod dito sina Daphne at Jasmine na parehas malawak ang ngiti habang nakatingin sa kaniya samantalang tumigil naman sa may pinto si Kevin at nakahalukipkip na sumandal sa may hamba. “You can go now,” Kevin said while staring at her.
Itatanong pa sana niya kung anong ibig sabihin nito pero nang inihilig nito ang ulo patungo sa direksiyon nina Katrina at Nico na tila mga nakaabang na leon, pinili niyang tumango. “Tell my thanks to him.”
Tumaas ang sulok ng labi ni Kevin. “Makakarating.”
Binigyan niya ito ng munting ngiti bago nagmamadaling tumalikod. Wala siyang balak takbuhan o takasan sina Nico at Katrina pero kailangan niyang puntahan si Margaret. Kanina pa nakatawag ang mommy niya at siguradong kanina pa rin ito naghihintay sa kaniya.
‘It’s time to be somewhere…’
Naipilig ni Arielle ang ulo nang biglang pumasok sa isip ang sinabi ni Keith.
“Kimmy?” salubong ni Jess sa kaniya habang nasa likod nito ang ibang kaibigan.
“Let’s go. I have to go to Margaret…” bulong niya bago nagmamadaling bumaba ng hagdan kasunod ang mga kaibigan.
Sa mga oras na iyon, iisa lang lugar ang alam niyang dapat ay naroroon siya… And it’s on Margaret’s side.
*****