CHAPTER FIVE

2013 Words
“Kimmy…” untag ni Jess kay Arielle. Nag-angat ng tingin si Arielle upang sulyapan ang kaibigan pero nanlalabo ang pigura nito sa harap niya. “Okay ka lang ba?” may pag-aalalang tanong ni Jess. Hindi siya tumugon. Ibinalik niya ang atensiyon sa inang nasa kabilang linya. "S-si M-Marj… W-where is she?" nanginginig ang tinig na aniya. Pakiramdam niya ay nanghina ang mga tuhod dahil sa narinig kanina. Wala sa loob na napasandal siya sa may dingding. Nagsasalita ang ina niya sa kabilang linya pero wala siyang maunawaan. Napupuno ang isip niya ng kung ano-anong isipin at maraming katanungan. Okay naman sila kanina pero, bakit ganoon? Bakit niya pagtatangkaang gawin pa iyon? Ngumingiti na siya kanina. Bakit pa niya sasaktan ang sarili? Bakit? Gusto niya na ba talagang mawala? Ayaw niya na bang mabuhay ng dahil sa nangyari? ‘Hindi na ba kami sapat nina mommy at daddy para magpatuloy na mabuhay?’ "Honey," she heard her mom's raspy voice. “I’ll be there,” she said firmly before she ended the call. Nanginginig ang mga kamay niyang tumuwid ng tayo. Nag-uunahan na naman ang mga luha niya. Nagsimula na siyang mag-lakad palayo sa lugar na para bang wala sa sarili ko. "Kimmy? Ano ba talagang nangyari?" habol sa kaniya ni Jess. Umiling-iling siya. Wala pa siyang lakas para ulitin ang sinabi ng ina. “Kimmy…” Malapit na sila sa hagdanan nang may tumama sa likuran niya. Natigilan siya sa paglalakad pero hindi kaagad lumingon. Bumaba ang tingin niya sa sahig at napagtanto niyang isang binilot na papel iyon. Akmang hahakbang na siya pero nasundan na naman ang pagbato, sa pagkakataong ito ay mas marami, mas malalaki ang papel, at mas sunod-sunod. “Kimmy, halika na,” pag-aaya ni Jess sa kaniya sabay hila sa kaniyang kamay pero hindi siya natinag sa kinatatayuan. “Kimmy…” Nang tumigil sila sa pagbato ay kinuha niya ang kamay mula kay Jess. “Umuna ka na,” matigas niyang wika. “Hindi pwede,” anito at akmang hihilahin siya muli. “Hoy, babae! Andiyan ka pala?” tawag ng pamilyar na tinig ng lalaki. “Ang kapal talaga ng mukha. Malakas pa rin ang loob mong pumunta dito,” wika naman ng isang babae. Kahit hindi niya nakikita kung sino ang mga nagsasalita ay kilala na niya ang mga ito. “Halika na…” tawag ni Jess. Nag-angat siya ng tingin at nasalubong ang nag-aalalang tingin ni Jess. Akmang magsasalita pa ito pero sunod-sunod muling pinagbabato sila ng mga papel. Kitang-kita niyang tumama ang isang papel sa may mata nito. “J-Jess…” nanlalaki ang mga matang aniya. Hindi niya na hinintay pa itong magsalita at nagmamadaling hinila ito sa pababa ng hagdan, nakatago sa mga namamato ng papel. “Umuna ka na,” utos niya dito. “No. Hindi kita iiwan dito,” anito habang hawak ang sulok ng mata. “Wala ito.” “No. It’s enough.” “Pe—“ “They hurt my sister and now they’re playing nonsense game. May hangganan din ang lahat, lalo na ang pasensiya ko,” mariin niyang saad bago umakyat muli ng hagdan. “Kimmy!” malakas na tawag ni Jess. Ngunit nalunod din ang tinig nito ng malakas na tawanan at pambubuyo ng grupo nina Katrina at Nico. Sa tabi ng mga ito ay naroroon ang ilang babae at lalaki na may hawak na bin na may lamang mga papel. “Wow! Bumalik siya!” “Malakas ang loob!” “Palaban!” Katrina smirked at her. Pakiramdam ni Arielle ay umakyat lahat ng dugo sa ulo niya. Buhay na buhay ang dibdib at pakiramdam niya ay kaya niyang gawin ang kahit ano. Humakbang siya palapit sa mga ito habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanila. Parang nananadyang pumulupot ang kamay ni Nico sa bewang ni Katrina. Nagsimulang mag-flashback sa isip niya ang mga panahong laging magkasama sina Margaret at Nico. And it's making her stomach lurched at the thought that those filthy hands once touched her stepsister’s body. Humakbang siya palapit sa mga ito. “Kimmy, don’t,” dinig niyang pigil ni Jess. Alam ng lahat ng mga kaibigan niya na hindi siya mahilig makipag-away at alam din ng lahat na kung may pinakamaldita at bruha na sa lahat, si Katrina na iyon. Kahit sa Department nila ay umaabot ang kalandian at kamalditahan ng babaeng ito. “Come on, girl. Show me the same girl yesterday,” Katrina challenged. “Please, Kimmy, don’t listen to her,” Jess pleaded from her back. ‘Sorry, Jess… Kilala ninyo ako pero walang makakapag-sabi kung anong pwedeng gawin ko sa malanding iyan oras na humarang siya sa daan ko. She’ll be sorry or worst, baka hilingin niyang tumigil na sa pagmo-model.’ Taas-noo niyang tiningnan ang mga ito pagkatapos pahirin ang natitirang luha sa mga mata at pisngi. Lumapit siya sa kanila. Kahit galit, aware siyang lahat ng tao ay nakatingin sa kanila, naghihintay ng maaaring mangyari. Tumigil siya may isang metro ang layo mula sa kanila. “Malakas talaga ang loob mo, babae,” nakaismid na pahayag ni Nico. "Ikaw..." turo niya kay Nico. "At ano namang kailangan mo sa kaniya?" mataray na tanong ni Katrina. “Hindi pa ako tapos sa’yo,” malamig niyang banta kay Nico. “Ang kapal talaga.” Hindi pa rin niya pinansin si Katrina at nanatiling nakatingin kay Nico. “You made the biggest mistake…” "Hey b***h, I'm talking to you. ‘Wag ka ngang bastos," sabat ni Katrina nang tila hindi nakatiis sa pambabalewala niya. Nilingon niya si Katrina. "Bastos? Look who's talking. Sino bang sabat ng sabat ng hindi naman kinakausap?" May tila nagpipigil na tawang pumailanlang sa paligid. “You, b*tch!” Hindi niya ito pinansin at binalingan na si Nico. “We need to talk.” “And why should I?” Nico questioned. “Why?” she asked in a sarcastic tone. “It’s about Margaret.” “Wala na akong pakialam sa kaniya,” malamig na saad ni Nico. “Walang pakialam? Pagkatapos ng ginawa mo?” Tumaas ang sulok ng labi ni Nico. “At the very least, I really don’t care. Though, I enjoyed playing with her so you can tell my regards to her.” Nakuyom niya ang palad. Labis ang pagpipigil niya sa sarili na sapakin ito, na ibalik ang sakit na ipinaramdam nito sa kapatid niya. Kahit konti lang. Please, gusto niyang ilabas lahat ng hinanakit na nararamdaman niya. Gusto niyang iganti ang kapatid na niloko at sinaktan nito. "Hoy, babae kung ako sa’yo, aalis na ako,” may pangduduro pang saad ni Katrina habang lumalapit sa kaniya. Tinaasan niya ito ng kilay bago balewalang ibinalik ang tingin kay Nico. "Aba't..." nanggigigil na saad ni Katrina. Sa pagkabigla pa niya ay isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi niya. “Kimmy!" naisigaw ni Jess. “Woahhhh!” malakas na sigawan ng paligid na para bang nakapanood sila ng magandang parte sa isang pelikula. Alam niyang sa isip nila ay wala siyang laban sa kanya. Si Arielle Kim Villaluz, walang hilig sa away iyan. Tahimik lang iyan. Baka nga sa isip nila ang clumsy-clumsy niya. Kaso... Galit na siya at ramdam niya na wala na siya sa huwisyo. Marahan niyang hinawakan ang pisngi bago binigyan ng ngiti si Katrina. "Iyon lang Iyon? Nangingiliti ka ba o ano?" nang-aasar niyang saad. Muli isang malakas na pambubyo ang narinig niya sa paligid. Nanlaki ang mga mata ni Katrina na puno ng mascara at eye shadow. Tuluyan kaya niyang bigyan ito ng black eye at nang makatipid naman ito sa make up. “What? Iyan na ba ang tinatawag mong sampal o gusto mong pakitaan kita ng totoong sampal?” "Hindi ka talaga marunong madala, ano?" Susugudin sana ni Katrina si Arielle pero inunahan niya ito. Hinila niya ito sa balikat at sinampal ng malakas sa magkabilang pisngi. Nawalan ito ng balanse dahilan para mapaupo sa sahig. "That’s for my sister! You don't know what you’d done to her." "How dare you!" naghehestirikal na sigaw nito. “I don’t care about her. She deserved it, you good-for-nothing lass!” Akmang tatayo si Katrina kaya mabilis niyang hinawakan ito sa kwelyo ng uniform. “You need help?” nang-aasar niyang tanong bago hinila ito sa kwelyo ng blouse at itinulak papunta sa direksiyon ni Nico na palapit na sa kanila. Pinilit saluhin ito ni Nico kaya sabay bumagsak silang bumagsak. Sinamantala naman niya ang pagkakataon at mabilis na itinulak palayo si Katrina bago si Nico naman ang binalingan. Kwinelyuhan niya ito at binigyan ng magkakasunod na sampal at hampas sa mukha. Gusto niyang sirain ang mukha nito, ang maamong mukha nitong nagpaikot sa kapatid niya. "Ano? Ha? Ngayon mo sabihin sa akin na pampalipas oras lang si Margaret. Ngayon mo sabihin sa akin na ginamit mo lang talaga siya. Ang kapal ng mukha mo! Habang nandoon ang kapatid ko sa ospital, nandito kayo na may kasalanan kung bakit sya naroroon, nagpapakasaya!” sunod-sunod na litanya habang walang tigil sa paghampas dito. Tila nakabawi naman si Nico at mabilis na hinuli ang dalawang kamay niya. “Walanghiyang babae ka!” sigaw nito sabay tulak ng malakas sa kaniya. Bumagsak ang pang-upo niya sa sahig pero dahil tila manhid na siya ng mga oras na iyon ay mabilis siyang tumayo para harapin ang lalaki. “Kulang pa iyan para sa p*******t sa kapatid ko! Para sa panloloko mo sa kanya sa loob ng ilang taon. Kulang pa iyan sa lahat ng ginawa niya para sa'yo. Sa lahat-lahat ng isinakripisyo niya sa'yo. Ang kakapal ng mukha ninyo!" patuloy lang ang pagsigaw niya habang hilam ng luha ang mga mata. Wala na si Arielle sa sarili at alam niyang wala na sa katwiran ang ginagawa niya. But her emotions were controlling her. "D@mn! Hindi ba talaga kayo nakakaintindi na sawa na ako sa kaniya.. Wala na siyang kwenta sa akin. Kaya kung pwede sana tumigil na kayo sa mga kakulitan ninyo!" galit na saad ni Nico habang pinupunasan ang gilid ng labi na may dugo. “D@rn! Salamat ka't naging babae ka..." "Pasalamat ako't naging babae ako? Oo, pinagpapasalamat ko iyon kesa naging tulad mo. Napakawalang kwenta mong lalaki!" “Napupuno na ako sa iyong babae ka!” Mabilis na kumilos si Nico at hinablot siya sa braso. Hindi niya nagawang makaiwas kaya mahigpit siyang nahawakan nito. Ngunit mali si Nico kung inaakala nito na ganoon lang siya kadaling susuko. Hinawakan din niya ang braso nitong nakahawak sa kaniya, umikot siya bago buong lakas na ipinilipit ang braso nito pabaliktad. Napaingit ito kaya mabilis din siyang bumitaw. Ngayon niya lang naipagpasalamat ang lahat ng sakit ng katawang natamo niya noong bata pa siya at nag-aaral pa lang ng karate. Sa pausad-usad ay nagawa niyang makarating hanggang blackbelter habang si Margaret ay hindi na tinapos ang mga session. Ang daddy lang nila ang may gustong mag-attend sila noon para matuto ng self-defense ngunit ngayon ipinagpapasalamat niyang natuto na siya. "Napupuno na ako sa’yo.” Susugod sana muli si Katrina pero mabilis niyang napigil ang kamay nito. Iniaro niya ang palad sa aktong sasampalin ito pero pinigil niya ang sarili. "Para sana iyan sa panlalandi sa boyfriend ng may boyfriend and also for calling me b*tch, you slut..." singhal niya kay Katrina. “Pero palalampasin kita. Hindi pa tayo tapos.” Pinasadahan niya ng tingin si Nico pati na rin ang mga estudyante na kanina lang ay hindi magkamayaw sa ingay. Nakapagtatakang walang nakialam sa grupo nina Nico at Katrina gayung ang alam niya ay palaging nakasegunda ang mga itong parang aso sa mga amo nila. “Hindi pa tayo tapos, babae ka!” bulyaw ni Katrina sa kaniya. “I already said that. Make your own line, wrecker.” “What—“ “If I were you, hindi na ako kikilos or else, you’re gonna lose your face together with your modeling career.” That’s her last drop before she turned to her heels. Gusto pa niyang patulan ito pero she had to be with Margaret. After all, she had enough, for now… *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD