CHAPTER FOUR

1871 Words
"Ayoko pa nga, eh." "Pumasok ka na kasi." "Ayoko pa nga, babantayan kita," nakasimangot nang wika ni Arielle sa kapatid. "’Wag na nga, Kimmy. Ayos na ako kaya ‘wag kang makulit.." "Ikaw ang wag makulit. Makinig ka sa ate mo," aniya at pinandilatan ito. "Ala, basta pumasok ka na." "Kasisimula pa naman ng klase, eh. Heller, pangatlong araw pa lang kaya. Okay lang iyan,” katwiran niya habang prente pa ring nakaupo sa upuang katabi ng hospital bed. Nakataas pa ang paa niya sa isa pang upuan. "Kahit na." Nasa ospital pa rin si Margaret at kasalukuyang nagtatalo silang dalawa dahil gusto niyang bantayan si Marj kaya lang gusto naman nitong pumasok siya. "Pwede namang bukas na lang, eh. Babantayan na lang muna kita," pamimilit pa niya. "Hindi na kailangan. Isa pa baka may ma-miss ka na agad na lesson. Tsaka ipanghiram mo na din ako kay Saab ng notes para ngayong araw na ito…" pangungulit pa rin ni Marj na sinamahan pa ng pagpa-puppy eyes. She let out a sigh. Kahit kailan ay napakautak talaga ng kaniyang kapatid. "Sige na nga. Kulit mo, eh.” Humalukipkip siya at inikutan ito ng mata. "Yes, ang bait ng ate ko..." ngiting-ngiting saad ni Margaret. Sinamaan niya ito ng tingin. "Maka-ate naman ito. Hoy, loka ka... Baka nakakalimutan mo ilang buwan lang tanda ko sa'yo." "Okay lang at least may ilang buwang tanda," nangingiting pilit pa rin nito bago kinindatan siya. “Isa pa, ang sarap kaya sa feeling na may tinatawag na ate.” "Oh siya, sige na. Uuwi na muna ako para makapaghanda sa pagpasok. ‘Wag kang pasaway, ha... Mamaya rin ay darating na si mom." Pagbibilin niya dito na para bang ang kausap ay isang makulit na bata. "Oo na po at pangako hindi na ako gagawa ng isang bagay na alam kong pagsisisihan ko. Anumang gawin ko iyon ay dahil iyon ang gusto ko at masaya ako doon." Tumango-tango ito at sinamahan pa ng anyong nanunumpa ang kamay. Hindi nawawala ang ngiti nito pero parang may kakaibang nararamdaman si Arielle. Simula nang ma-ospital si Margaret, ngumingiti ito na para bang walang nangyari nitong nakaraan, na para bang hindi ito sobrang nasaktan sa nangyari sa kanila ni Nico. Nauunawaan ni Arielle na marahil pinipilit nitong maging matatag, but she knew Marj, she knew that despite those smiles, she’s still hurting. She wanted to ask her, but she didn’t want to ruin the moment, so she just smiled. "Okay. Aalis na ako. Makikinig kay doc.” Hinawakan niya ito sa ulo at marahang ginulo ang buhok. "Bye, Kimmy. Ingat ka.” “You, too. Bye.” Lumabas na siya ng silid na pilit pinapalagay ang loob, umaasang magiging madali lang para sa kapatid ang makalimot. ***** "KUMUSTA na si Margaret?" Napatunghay si Arielle mula sa tinitingnan niyang blueprint at napatingin kay Jess, classmate niya. "Okay na naman siya," mahinang tugon niya. "Ano namang klaseng okay iyan, ha aber?" nakaismid na tanong ni Jess. Tumigil siya sa ginagawa at sumandal sa upuan. "Ewan ko nga ba... Physically stable marahil but not emotionally. Ngumingiti nga siguro siya pero sa loob, alam kong nasasaktan siya… Naiinis pa rin ako sa ginawa ng Nico na iyon." Umaahon ang galit sa loob ng dibdib niya sa tuwing naalala si Nico. He didn’t deserve to be happy while her stepsister was hurting. "Alam ba niya ‘yung ginawa mo kay Nico kahapon?" Napakagat-labi siya dahil sa naging tanong nito. Umiling siya. Hindi niya na nasabi dahil hanggang maaari ay ayaw niyang sirain ang momentum nilang pamilya kagabi. Isa pa, kahit siya sa sarili niya ay nagulat dahil sa ginawa. Lalo na ang mga kaibigan niyang simula kaninang umaga ay wala ng ginawa kundi tanungin kung ayos lang ba daw siya. Wala daw sa bokabularyo ng isang tahimik na Arielle Kim Villaluz ang ginawa niya kahapon. "Hindi ko nga alam kung sasabihin ko. Alam mo naman na mahal pa rin niya si Nico.” "Wag na muna kaya?” "Siguro nga." “Oo nga pala, hindi ka ba pinapatawag ng disciplinarian? Nandoon si Mrs. Rosario at Miss Carla.” Simula kaninang umaga ay wala pa siyang nakukuhang tawag. Inaasahan niya nang pwede siyang ma-detention pero mas inaalala niya na baka makarating sa daddy niya ang ginawa. Kapag nangyari iyon, pati ang relasyon dati nina Margaret at Nico ay makakarating sa kanila. Tumayo siya ako at sinimulang ligpitin lahat ng mga tracing paper bago nilagay sa blueprint tube. "Sabay ka na sa amin. Sa canteen na rin kami kakain.” “Baka hindi ako makasabay,” aniya sabay sakbit sa balikat ng bag. “Bawasi ang kasipagan. Hayaan mo na muna ‘yang mga pinagagawa ni Sir. Sa isang linggo pa naman yan ipapasa." Umiling siya. “Hindi naman ito ang gagawin ko. Dadaan muna ako kay Saab." "Saab?” Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Jess “Sa BA Department? Iyong classmate ni Marj." "Uh-huh." "Bakit naman?" "Ipanghiram ko raw siya doon ng notes.” "Ah, okay. Sabay na lang tayo,” nangingiting saad nito. “Pauunahin ko na lang iyong iba. Basta sasama ako sa’yo,” dugtong pa nito sa nangingislap na mga mata. "Okay,” kibit-balikat na saad niya. Dahil sa sinabi ito, iniwan niya ang bag sa locker at ang tanging dinala na lang ay wallet, susi ng kotse, at cellphone. Halos magkakahilera lang ang building ng Engineering, Architecture, BA, at Accountancy kaya mabilis nilang narating ang building. Umakyat sila sa second floor kung nasaan ang room nina Margaret. Nasa may hagdan pa sila nang bigla na lang siyang pigilin ni Jess. "OMG! Kimmy! Sabi na nga ba, nandito sila,” bulalas Jess sa mahina pero kinikilig na tinig. Ang gagwapo talaga nila.” Hindi magkandatuto si Jess kung paanong ayos ng buhok at kung paano itatago ang obvious na obvious na kilig. "OA mo ha." “Hindi, ah. Sadyang gwapo lang talaga sila,” depensa nito na sinabayan pa ng pag-alog sa braso niya. “See them…” Tiningnan niya ang dahilan kung bakit para itong nangingitlog na manok sa kinatatayuan. Pero hindi pa rin niya maunawaan kung bakit nagkakaganito ito dahil lang sa isang grupo ng dalawang babae at lalaki na nakatayo sa may dulo ng corridor. Halos mapuno rin ang paligid ng mga babaing estudyante mula sa ibang department. “What’s with them?” she asked while arching her brows. "Iyan ang sinasabi ko sa'yo, Kimmy.." "Huh?" nagtataka niyang tanong kay Jess. "I mean sina Keith Balmaceda at Kevin Evans. Iyong mga model ng BA. Grabe! Dapat pala nag-BA na lang ako para kasama ko sila." Napailing na lang siya sa sinabi nito. “Hindi kita pipigilan kung gusto mong mag-shift.” "Ito talaga,” nakaismid na saad nito. “Wala man lang kakilig-kilig sa katawan. Sabihin mo nga normal ka ba talaga?" "Oo naman. Sira ito, eh.." wika niya sabay irap. "Ito naman binibiro ko lang." “Oh siya, tara na,” pag-aaya niya dito at nagpatuloy na sa paglalakad. Kapuna-puna nga ang napakaraming babae sa buong corridor na halos kinailangan pa nilang makipagsiksikan. "Pwedeng pa-excuse muna," pakikiraan niya sa grupo ng mga babaing tila ginawang tambayan ang daan. Hindi sila kaagad nagsialisan kaya naman nakipagsiksikan siya. Gusto niya nang makausap si Saab para matapos na ito at makaalis na siya. Nang makalagpas siya sa grupo ng mga babae ay halos maligo na siya sa pawis. “Grabe iyon,” naiiritang bulong niya. "Oy, okay ka lang?" tanong sa akin ni Jess na tila hindi nakipagsiksikan sa grupo ng mga babae. "Gawin ba namang tambayan ang daanan," nahihingal niyang sabi nang makalayo sa komosyon. "Hayaan mo na at mga die-hard fan nina Keith at Kevin sila." Pinili na lang niyang manahimik at naglakad patungo sa room ng kapatid. Nang makarating sila sa tapat ng room ay parang iisang taong tumingin sa kaniya ang mga nakatambay na estudyante. “Hindi ba siya iyong babae kahapon?”dinig niyang bulong ng isang babae. Tuluyan nang nagtinginan sa kaniya ang iba pa. Halo-halo ang reaksiyon ng mga ito. May tila nagulat, may napangisi, at may tila gusto na siyang kaliskisan ng buhay. “Ang kapal namang pumunta pa dito.” “Sino ba iyang babaing iyan?” Pasimple siyang kinulbit ng nakasibangot na si Jess pero sinenyasan niya itong ‘wag silang pansinin. Gusto niyang harapin ang mga babaing lantaran kung pag-usapan siya pero kailangan niyang magpigil. Nakagawa na siya kahapon ng eskandalo. Kung uulitin pa niya tiyak hindi na lang disciplinarian ang kakaharapin niya. Nakakainis mang isipin pero sa school na isa ang daddy niya ang nagmamay-ari. May mga college students na parang mga high school students lang kung umasta. Sa halip na pansinin ay pinili niyang lagpasan ang mga ito. Tinungo niya ang harap ng pinto upang tingnan kung naroon si Saab. Ngunit sa halip na si Saab ang makita niya, ang magkalampungang sina Katrina at Nico ang bumulaga sa kaniya. Nagtatawanan ang dalawa habang nakaupo sa kandungan ni Nico si Katrina. Parang walang pakialam ang dalawa sa paligid kung maglampungan. Dinaig pa nila ang nirentahan ang buong silid. Hindi ba nila alam na ayon sa Student’s Handbook ay mahigpit na ipinagbabawal ang PDA dahil may kaparusahan iyon ng pagkatapon sa Bermuda Triangle para ipakain sa pating. ‘Oh geez! Kung ano-anong naiisip ko.’ “Kimmy, sina Nico at Katrina,” bulong ni Jess. “Yeah,” she muttered coldly. “Ang sweet nila, huh,” sarkastikong saad pa ni Jess. “I can see that…” Naikuyom niya ang palad habang titig na titig sa dalawang halos talunin ang ingay ng buong silid dahil sa lakas ng halakhakan. Hindi na lang basta nakaupo lang si Katrina sa kandungan ni Nico, halos doon magsama na ang katawan nila dahil sa sobrang pagyayakapan. "Okay ka lang, Kimmy?" puna ni Jess nang mapansing natigilan siya. Nilingon niya si Jess bago pilit ngumiti. "Oo naman. Wait lang at tatawagin ko lang si Saab.” Nag-aalangang tumango ito habang siya ay luminga-linga upang hanapin si Saab pero tila wala ito sa loob. Akmang tatawag siya ng isang estudyante upang magtanong nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone sa bulsa. Wala pa siyang balak sagutin iyon pero naunahan siya kuryosidad kaya mabilis na dinukot ang cellphone sa bulsa. Wala siyang ibang alam na pwedeng tumawag sa kaniya. Pagkuha niya ng cellphone ay napagtanto na ang ina pala ang tumatawag. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay rumagasa ang kaba sa dibdib niya kaya bahagyang lumayo siya kay Jess upang sagutin kaagad ang tawag. “Hello, my?” may halong pag-aalalang tanong niya. Kilala niya ang ina. Hindi ito tatawag sa kaniya lalo pa at alam nitong nasa school, maliban na lang kung emergency… at hindi malabong mangyari iyon. “A-anak…” mahina at garalgal ang tinig ng ina kaya mas lalong kinabahan siya. “My, ano pong nangyari?” “S-si M-margaret… Oh God… ang kapatid mo, Kimmy…” Hindi pa sigurado si Arielle sa nangyari pero pakiramdam niya ay tumigil ang mundo sa pag-ikot. “M-mommy…” “S-she…” Sa garalgal na tinig ay nagpatuloy ang ina niya dahilan para unti-unting maglaho ang lakas na natitira sa buong katawan niya. Isa lang ang tanong na pumasok sa isip niya… ‘Oh why, Margaret? Why?’ *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD