CHAPTER THREE

1885 Words
CHAPTER THREE Arielle knew in herself that she’s enraged; that her emotion was overwhelming her, yet she let it controlled her, dragging her to make things she never imagined she would do. Ang plano lang niya ay dumaan sa classroom ni Margaret, kunin ang gamit nito at umalis ng payapa. But the moment her eyes hit Nico, she lost her control. Paulit-ulit bumabalik sa isipan niya kung paanong minahal ito ni Margaret para sa huli ay lokohin at pagmukhaing gag*. Hindi rin niya alam kung saan humugot ng lakas ng loob na isaboy ang mga chocolate na espesiyal na pinagawa ni Marj dahil paborito daw ito ni Nico. Kinutsaba pa siya ni Marj sa pagpapagawa ng bracelet na ibibigay kay Nico para lang sa huli ay bigyan siya ng lalaki ng regalong hindi basta malilimutan. Alam sa sarili ni Arielle na hindi tama ang ginawa niya pero handa siyang harapin ang consequences ng ginawa niya. Nico didn’t deserve Margaret. She deserved better, and Nico deserved what she’d done. Pagkatapos ng insidente sa university ay nagbihis lang siya bago dumiretso sa ospital kung saan isinugod si Margaret. Inabutan niya ang ina na hindi mapakali. Kitang-kita sa mukha nito ang labis na pag-aalala. Hindi niya tuloy maiwasang hindi ma-guilty dahil hanggang ngayon ay wala itong kaalam-alam tungkol sa relasyon nina Margaret at Nico. Ang buong akala din nina mommy at daddy ay may kung ano lang na nangyari kay Marj kaya naisugod ito sa ospital. "Mommy…" tawag niya habang palapit sa ina. Nakaupo ito sa tabi ng hospital bed kung saan nakahiga si Margaret na mahimbing na natutulog. "Oh baby, you came. Okay ka lang ba, wala ba namang nasakit sa'yo?" tanong kaagad nito sabay agapay sa kaniya na makaupo sa katabing upuan. Napangiti siya dahil sa kung paano siya tawagin at kung paano kaagad ay kinumusta siya nito. Her mom was the sweetest woman she’d ever known. Kahit malaki na sila ni Margaret ay sobra pa rin silang intindihin nito. "Wala po, my. Okay lang po ako." She tried to make her smile genuine. "Mabuti naman. Nag-aalala ako dahil sa nangyari kay Margaret. Baka mamaya ikaw naman ang magkasakit.” “Mommy, don’t worry too much. Magiging okay lang po si Marj,” pampakalma niya sa ina. But then, inside her mind, she’s silently hoping na maging maayos talaga si Marj. “Isa pa, malakas po ang ulan kanina. Baka nalamigan siya ng mabasa ng ulan.” Tinitigan siya ng ina bago may bahid ng lungkot na ngumiti ito pagkaraang balingan ang natutulog na si Marj. Hinawakan nito ang palad niya at ginagap. “I don’t think if simpleng lagnat lang ang meron si Margaret. The nurse who’s in charge in the clinic called that Margaret was bleeding, and that’s the reason why they had to bring her here.” Hindi niya lubos maunawaan ang ibig sabihin ng ina pero alam niyang nakadagdag iyon sa pag-aalala na nararamdaman niya para sa kapatid. “Bleeding?” naguguluhan niyang tanong. “Is she going to be fine?” Now, it’s her turn to ask. “We’re praying for that, honey,” her mother professed. “Naghihintay pa rin kami ng result mula sa doctor.” Tumango-tango lang siya habang nakatingin sa ina. “Well, Kimmy, do me a favor, will you?” “Sure, mommy.” “Okay lang ba kung ikaw na muna ang bahala kay Margaret? Kailangan ko lang kausapin ang doctor na tumingin sa kaniya. Don't worry papunta na si Daddy mo." Tumango siya. “No problem, my. I’ll wait for you here.” Hinintay niyang makalabas ang ina ng silid bago binalingan ang kapatid. Hinaplos niya ang buhok nito, inalis ang mga hibla na tumatakip sa noo nito."Kumusta na ang pakiramdam mo, Marj?” bulong niya dito kahit alam niyang mahimbing itong natutulog. “Sorry, Marj, ha. I can't ease the pain you're feeling right now. I'm sorry kung hanggang dito lang ang kaya kong gawin…" Hinawakan niya ang kamay nito at idinampi sa pisngi. "Patawad, sis. Hindi man lang kita magawang ipagtanggol mula sa kanila. Dapat pala noon pa, noon pa ako gumawa ng paraan. Baka sakaling hindi magiging ganito kasakit..." Hindi na niya napigilan pa ang pagbagsak ng luha. Masakit talaga para sa kaniya ang makita itong nasasaktan. Para sa kaniya, ito ang nag-iisang kapatid at bestfriend niya. Hindi rin mahalaga sa kaniya kung anong nakaraan meron sila noon. Arielle cared for her more that anyone could do. Arielle could still remember how they got Margaret. Her father used to have an affair noong nagkaaway sila ni Mommy. Lumayas kasi ang mommy niya noon at nagtago mula sa Daddy niya. Dala ng kalungkutan at frustration, his father tried to forget her mother through another woman. It wasn’t serious. Kaya nang bumalik ang kaniyang mommy na nagdadalantao sa kaniya, hindi na nagkaroon ng pagkakataong magkita ang ama niya at ang ina ni Margaret. On the other hand, when her mother found out about his affair, she got mad and decided to leave. But her father had enough. He didn’t let go of her mom. Nagalit man ang ina niya pero sa bandang huli, napatawad niya rin ang ama niya. They loved each other and they lived happily together. But then, gaya ng ibang kwento, their actions had consequences. Six years old na siya nang may dumating sa kanila ang isang babae na may akay na batang babae. Iyon ang kauna-unahang pagkakataong nakita niyang nag-away ang parents niya. Ilang beses ding nagtangkang umalis ang mommy niya kasama siya pero hindi pumayag ang daddy niya. Natapos lang ang gulo nang umalis ang babae at sa pagtataka niya, hindi na nito binalikan ang batang babae na kasama nitong dumating sa bahay. Tandang-tanda pa niya kung paanong iyak lang nang iyak ang batang babae. Wala itong kinakausap at kahit sina mom at dad ay ayaw nitong kausapin. Ayaw din nitong kumain hanggang sa kinausap siya ng mommy at daddy niya na bakit hindi niya subukang makipagkaibigan. Ayaw niya noong una dahil sa nakitang pag-aaway ng mga magulang pero nang malaman niyang wala na ang babaing nagdala rito sa bahay nila, naawa siya dito. Sinubukan niyang makipaglaro dito. Inalok niya ito ng manika at kung ano-anong mga laruan. Kinausap niya ito at doon na nagsimula ang pagiging malapit nila sa isa’t isa. Sa paglaki nilang dalawa ni Margaret, mas lalong lumago ang closeness nila. Hindi na rin itinuring na iba ng kaniyang mommy si Margaret. Tinanggap nito bilang totoong anak ito. But the sad part, hindi magawang ipakilala ng mga magulang niya si Margaret sa lahat bilang anak nila. Ang totoo ay kahit sa kanila ni Margaret ay inilihim ito ng mga magulang. High school siya noon nang aksidenti niyang marinig ang usapan ng ama’t ina. Ayaw talaga ng mga magulang nilang ipaalam ang lahat. Pinalabas pa nila na ampon lang si Marj. Wala naman kasing maniniwala na anak ito ng kaniyang mommy. Bukod sa ilang buwan lang ang tanda niya dito, wala ring maniniwalang kambal sila. Malaking dalahin para sa kaniya ang impormasyon na iyon pero hindi niya magawang sabihin sa kapatid sa takot na magbago ang lahat. Isa pa, gusto niyang sa parents magmula lahat. Gusto niyang makilala ng lahat si Margaret Umali na isa ring Villaluz. Ngunit hindi iyon ganoon kadali lalo pa’t may inaalagaan ang daddy niya na pangalan at reputasyon. Isa ito sa tatlong may-ari ng Villaluz University, ang university na pinapasukan niya. Bukod doon may modelling company din na hina-handle ang mommy niya. Konektado rin ang daddy niya sa ilang TV Networking sites at iba pang company kung saan kasosyo ang kaniyang mga tiyuhin. Her father was a powerful man... full of authority… But still, he’s the best father in the world. Kung may paltos man, iyon ay dahil hindi nito magawang ipakilala si Marj bilang isang anak. At dahil dito, pinili niyang walang makaalam na anak siya ni Henry Villaluz—ang isa sa may-ari ng university. Para sa kaniya, kahit pa magkaiba ang mga nanay nila, mahal niya si Margaret at hindi niya maatim na hindi man lang nito maranasang makilala bilang isa ring Villaluz. May mapait na ngiting hinalikan niya ang likod ng palad ni Margaret. "Best..." Mahina lang pero sapat na para marinig ni Arielle. Napaayos siya sa pagkakaupo dahil gumalaw ang kamay ng kapatid. "Marj, kumusta ka na?" nag-aalalang tanong niya. She smiled bitterly. "Okay lang ako, ate." Kumurap-kurap siya dahil sa naging tawag nito. Ang pagkurap-kurap niya ay nasundan ng pag-uunahan ng mga luha sa mga mata. "Anong tawag mo sa akin?” anas niya. "Ate. Bakit bawal ba?" "Ikaw ha, nagagawa mo pang magbiro ng ganyan..." Nagkukunwari siyang natatawa kahit na ang totoo ay tila may bikig sa lalamunan niya habang nagsasalita. Hindi siya makapaniwala sa naririnig mula dito. Ngumiti lang si Margaret pero sapat na iyon para maunawaan niya ang nais ipakahulugan nito. "How would you know?" seryosong usisa niya. Hindi ito nagsalita bagkus ay ngumiti muli ito at tumingin sa likuran niya dahilan para mapalingon din siya. "Mom... Dad..." Nakapasok na pala sina Mom at Dad at base sa reaksiyon ng mga ito, narinig ng mga magulang ang usapan nila. "I'm so sorry, mga anak… Sorry," may bahid ng lungkot na sambit ni dad. "Ang laki ng kasalanan ko sa inyo… sa iyo, Marj... Mga anak, sana mapatawad ninyo pa ako…" Tumingin siya sa ina na may nakakaunawang ngiti sa labi. Sumulyap siya kay Marj at tinanguan naman siya nito. Gumanti rin siya ng tango bago nilingon nila ang ama sabay sabing, "Dad, ang drama mo. Syempre okay lang ‘yun… Isa pa matagal na naming alam ang lahat. Right, sis?" Binalingan niya muli si Marj. "Yeah, right." Nakangiti ito pero nababanaag pa rin ang lungkot sa mga mata nito. "Iningatan namin ng daddy ninyo na hindi ninyo malaman ang lahat," mahinang saad ng ina nila. “But still, you found out what happen.” "It just happened na matatalino ang anak ninyo, mom, dad..." “Sorry for hiding the truth to you…” Their mother continued. “Mom,” may pagpoprotestang usal ni Margaret bago akmang babangon mula sa pagkakahiga kung hindi lang mabilis na lumapit dito ang kanilang ina. “No, don’t move, honey,” pigil nito kay Marj. “Hindi namin alam kung paano sasabihin sa inyo at kung paano ipapaalam sa lahat na ma—“ “Mom…” Ginagap ni Margaret ang kamay ng kinilalang ina. “Accepting me as your true daughter is enough. Kailanman ay hindi kayo nagkulang ng pagmamahal sa akin. Hindi ninyo ipinaramdam sa akin na hindi ninyo ako totoong anak… na ana—“ “Oh, honey,” bulalas ng mommy nila sabay yakap kay Margaret. “What we have in the past… it doesn’t matter. What matters the most is now that we’re together…” Hindi na nagsalita si Margaret pero gumanti ito ng yakap sa babaing kinilala niyang ina simula nang mawala ang babaing nagsilang sa kaniya. May mumunting luhang pumapatak sa mga mata nito. Nagkatinginan naman sina Arielle at ang daddy niya, nagpalitan ng ngiti sila bago sabay na lumapit kina Margaret at yumakap ng mahigpit. That’s right. What happened in the past didn’t matter anymore. What they had right now was more important. Arielle silently prayed that Margaret could move on and face tomorrow with a smile. ***** ShimmersErisJane
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD