CHAPTER TWO

1948 Words
Sa pagtunog ng bell ay magkakasama nang bumalik ng classroom sina Keith, Kevin, Daphne, at Jasmine. Dahil malakas pa rin ang pagbagsak ng ulan ay palipat-lipat silang apat nang masisilungan hanggang sa marating nila ang building kung nasaan ang room nila. “Sino bang nakaisip na doon pa tayo kumain?” nayayamot na ungol ni Jasmine habang pinupunasan ang nabasang braso. “Bakit ka ba sumama?” balik-tanong kaagad ni Kevin. Pinandilatan ito ni Jasmine bago nagmamadaling pumasok sa room nila. “Mabuti pa ay pumasok na tayo. Baka dumating na ang prof. natin,” pag-aaya ni Daphne. Tahimik na sumang-ayon siya dito. Pumasok na rin sa room na sinundan naman nina Jasmine at Kevin. Pagkaupo ni Keith ay kumuha kaagad siya ng mababasa. Naiinip siya kapag walang ginagawa. "Hey, kumusta na kaya ‘yung girl kanina?" narinig niyang bulong ni Jasmine kay Daphne. Magkatabi lang ang dalawa ng upuan habang siya ay nasa likod naman ng pinsan. "Ewan ko rin. Sana okay lang s’ya. Ang lakas pa naman ng ulan," tugon ni Daphne sabay sulyap sa labas. "Ano sa palagay mo nangyari??" pag-uusisa pa ni Jasmine. Palihim niyang sinulyapan ang pinsang babae na halatang engrossed na engrossed sa pag-chismis. ‘Hayy, mga babae talaga.’ "Psh… Eh, sa malaman n’yo may magagawa ba kayo?" sabat naman ni Kevin na tila hindi na nakatiis sa pag-uusisa ni Jasmine. Epal naman itong isang ito… "Paki mo ba? Para nagtatanong lang," nakaismid na saad ni Jasmine sabay inikutan ng mata. Napailing na lang siya sa bangayan nina Jasmine at Kevin. Likas kasi kay Kevin ang pagiging mapang-asar at pasaway. Kapag natipuhan nito ay hahanap talaga ng paraan para magbiro. Buti na nga lang at napakapasensyosa ni Daphne dito. Nagawa nitong matagalan ang pagiging pasaway ni Kevin sa loob ng halos apat na taon. May mga pagkakataon mang nag-aaway sila dahil sa klase ng trabaho ni Kevin, palagi pa rin itong umuunawa. “Pero sana ay ayos lang talaga siya,” bulong ni Daphne habang nakahalumbabang tumingin sa unahan ng classroom. Pero kahit siya ay nag-aalala rin sa babae lalo na noong mas lumakas ang ulan. Halos blurred na ang paligid dahil sa lalaki at malakas na pagbagsak ng tubig-ulan pero parang walang pakialam na sinagasa nito ang ulan. ‘Napaano na kaya ‘yun? Sana okay lang sya.’ Ipinilig na lang niya ang ulo at inalis ang isip sa babae. Maya-maya'y nagsimula na ring magpasukan ang kanilang classmate na may kaniya-kaniyang baong kwento. "Hey, have you heard about what happened to Margaret?" panimula ng isa sa kaklase niya na hindi pa nakakaupo ay nagsisimula na naman ng kwento. "Nag-break na daw pala sila." "Oo nga, eh... Akala ko talaga seseryosohin na ni Nico ang babaeng iyon.” "Sinabi mo pa. But, take note, iyak iyong Margaret na ‘yun," maarteng saad naman ng isa pang kaklase nilang babae. Hindi mapigilan ni Keith na hindi lingunin ang grupo ng mga babaing abala sa pagkukwentuhan. Siguradong malaking issue na naman ang nasagap ng mga ito sa labas. "Kahit naman ata ako iiyak kapag basta na lang nakipag-break sa akin ng walang dahilan. Ang masakit pa that time ay nang makita ng malanding iyon na kahalikan ni Nico si Katrina." “That’s right. You saw naman how she ran under the rain. My gosh, mas lalo lang niyang pinagmukhang kawawa ang sarili niya.” “Yeah, I saw her. Para siyang basang sisiw kanina sa Art Room. Nakakatawa pa ay sinubukan pa niyang kausapin si Nico. As if namang may pakialam pa sa kaniya si Nico.” Nakakunot ang noo na ibinalik ni Keith ang tingin sa binabasa. Kilala niya ang mga pangalang binanggit nito. Classmates din niya sina Margaret, Nico, at Katrina pero tila may mali sa kwento ng mga babaing iyon. "Talaga? So, ibig sabihin nagkabalikan na sina Nico at Katrina?" may pag-irit pang tanong ng isa pa. "For sure." Tila iisang taong mahinang tumili ang grupo ng mga babae. Napapikit siya dala ng inis. Kung hindi lang malakas ang ulan ay hindi muna siya babalik sa room. Inaasahan niya nang maiingay na kaklase ang dadatnan. Ang hindi lang niya inaasahan ay tila pamilyar ang senaryo ng pinag-uusapan ng mga ito. That Margaret? Napatingin siya sa direksiyon nina Kevin. Nakatingin din sa kaniya ang tatlo. Siguradong naiisip din ng mga ito ang naiisip niya pero mas pinili niyang manahimik. Wala siyang balak makisawsaw sa gulo ng iba. Nagbabalak na siyang umubub habang naghihintay sa professor nila nang biglang natahimik ang paligid. Awtomatiko siyang napalingon sa pinto sa pag-aakalang dumating na ang professor nila ngunit isang pares ng babae at lalaki ang pumasok. Kagyat namang lihim siyang napaismid nang mapagsino ang dumating. Katrina Perez and Nico Ronquillo. ‘Psh… Parehas silang nakakainis…’ Isang malandi at isang maangas na walang ginawa kundi ang mangolekta ng babae at pagsabay-sabayin. Sa kamalas-malasan lang ay napasama ‘yung Margaret. "P’re, mata mo, nag-aapoy." Napalingon siya kay Kevin na malawak ang pagkakangisi. "Baliw!" mahinang singhal niya dito. Nagbago ang tingin sa kaniya nito at bahagyang iginalaw ang ulo na tila ba may isinesenyas. Palingon na siya ng may malandi este malambing na boses na nagsalita sa tabi niya. "Hi, Eugene…" Salubong ang kilay na nilingon niya ang nagsalita. Sumalubong sa kaniya ang malapad at nang-aakit na ngiti ni Katrina. “Hi,” bati ulit nito. Hindi siya nagsalita at inalis na ang tingin dito. Sila na ni Nico, wala ng balak si Keith makihigop sa straw na pag-aari na ng iba. Isa pa, kilala niya ang mga gaya ni Katrina na mapalad lang mabigyan ng pagkakataon na maging modelo, akala mo ay siya na lang ay may karapatang maging maganda. “I’m gonna sit here. I hope you won’t mind,” pagpapatuloy nito sabay upo sa katabi niyang upuan. Hindi talaga iyon ang pwesto nito pero dahil si Nico ay nasa sunod na upuan, mukhang balak nitong doon umupo para magkatabi sila. Sa halip na pansinin ay ibinaling na lang niya ang tingin sa binabasa. "Suplado mo naman," wika nito nang hindi niya pa rin ito pinapansin. "Pwede kang maupo diyan nang hindi gumagawa ng ingay,” malamig niyang ani. Kita niya sa gilid ng mga mata ang bahagyang gulat nito pero bago pa magawang makapagsalita ay pumasok na ang professor nila. Ang kaninang tahimik ay napuno ng pagbati at kaagad ding tumahimik. “Good morning, Ma’am!” “Good morning, class!” bati nito ay habang may kinukuhang green cards. “Before I start, I want to confirm if your block is complete.” Nagsimula itong mag-roll call and so far ay wala pang absent ngunit nang dumating ito sa huling pangalan ng babae ay natahimik ang lahat. "Miss Umali, Margaret?" Luminga-linga ito, pilit hinahanap ang babaing tinatawag. “Miss Umali isn’t here?” she asked with the obvious answer. Walang tumugon sa kaniya pero unti-unti ay nagkaroon ng bulungan. "Did Miss Umali attend your first subject this morning?” Walang sumagot pero nanatili ang nagbubulungan habang sumusulyap sa isang upuan na tanging bag lang ang laman. Malapit ito sa bintana na katabi naman ng upuan ni Nico. "Obviously, she isn’t here.” Mula sa card ay nag-angat si Mam ng tingin."Do you know why she’s not here?” Wala na namang sumagot dahilan para magsalubong na ang tingin ni Mrs. Rosario. “You gossip like bee, but you couldn’t answer my questions.” Awtomatikong nawala ang bulungan at parang mga batang napagalitan na nagtungo ang ulo ng mga kaklase niya. Sinulayapan niya si Kevin pero abala ito sa pagdo-doddle sa notebook niya. "Maybe something happened,” maarteng sabat ni Katrina habang nakangisi. Ikiniling ni Mrs. Rosario ang ulo at matamang tiningnan si Katrina. “And what do you mean by that, Miss Perez?” Binigyan ni Katrina ng malambing na ngiti si Mrs Rosario. May sasabihin pa sana ito nang may nagsalita. "Mrs. Rosario, excuse po." Napalingon silang lahat sa may pinto. Naroon ang isang guro at isang babaeng estudyante. Basang-basa ang huli habang nakatungo at may nakapatong na tuwalya sa balikat. "Yes?” mataray na tanong ni Mrs. Rosario. Sa pagsasalita ng guro ay nag-angat ng tingin ang babae. Napatuwid sa pagkakaupo si Keith nang mapagmasdan ang babae. ‘Siya iyon!’ Ito ang pares na babaeng hinabol ang kaibigan nito sa gitna ng ulanan. Hindi siya pwedeng magkamali dahil minsan na niyang nasalubong ang mga mata nito. Ang ipinagkaiba lang, kung kanina ay puno ng lungkot ang mga mata nito, ngayon ay wala na siyang mabanaag na emosiyon doon. "Excuse lang, Mrs. Rosario, napadaan lang kami para kunin ang mga gamit ni Ms. Umali. She wouldn’t be able to attend the subjects for the rest of the day." Tumaas ang kilay ni Mrs. Rosario. "At bakit naman?” tanong nito sa guro bago binalingan ang estudyanteng katabi nito. “And you, Miss Villaluz, bakit ganyan itsura mo?" ‘Villaluz?’ Tinitigang maigi ni Keith ang mukha ng dalaga. Her name sounded familiar. "Dinala na si Miss Umali sa ospital at kailangan ding sumunod doon ni Arielle, Mrs. Rosario," ang guro ang nagsalita para dito. ‘Arielle Villaluz?’ Iyon ba ang pangalan niya?’ ‘Pero teka, sino daw dinala sa ospital?’ Natigilan si Mrs. Rosario habang ang buong klase ay nagsimulang magbulungan. Di yata at nagkaroon siya ng mga kaklase na bubuyog. "Hindi ba sila yung kanina?" tanong ni Jasmine habang palitan ang tingin sa kaniya at kay Daphne. "Sila na nga. I remember that girl," sagot naman ni Daphne. “I remember her, too,” saad naman ni Kevin. Hindi na siya nagsalita dahil obvious na ang sagot. Ito ang pares na babae kanina. But the question was, what’s happening right now? "Anong nangyari kay Ms. Umali at dinala siya sa ospital?" hindi mapigilang tanong ni Mrs. Rosario. Hindi napigilan ni Keith na sulyapan si Arielle. Dahil sa naging tanong ni Mrs. Rosario, napuno ang mga mata nito ng lungkot at sakit. She even clenched her fist. "M-may sakit lang po siya, Mam. Pasensya na po sa biglaang pag-absent." Sa gulat nila ay si Arielle ang sumagot. Wala ding kaabog-abog itong pumasok ng room at nilagpasan si Mrs. Rosario. Walang salitang tinungo nito ang bakanteng upuan at kinuha ang bag na nakalagay roon. Dahil sa paglapit nito ay mas nakita niya kung gaano ito kabang-basang-basa at kapugto ang magagandang mga mata nito. Tila walang pakialam na tumigil ito sandali at sinulyapan ang buong klase. Tahimik naman ang buong klase na nakatitig lang sa dalaga, pinapanood ang bawat galaw niya. Hindi inaalis ni Keith ang mga mata sa dalaga ng buksan nito ang bag na kinuha mula sa upuan at mula roon ay inilabas ang isang kulay pulang kahon. Humakbang muli ito pero sa pagkakataong ito ay palapit kay Nico. Walang emosiyong nakatingin ito kay Nico kaya hindi siya sigurado sa posibleng iniisip nito. ‘Ano bang plano niya?’ Keith saw how she smiled bitterly while opening the box that was full of chocolate bars with cocoa powder on top of it. And to their surprise, without any word, she poured the chocolate on Nico. “Wha—“ “I’m not done yet,” Arielle butted in before she put down another box in front of him. "Happy Anniversary, Nico Ronquillo. And that’s my thanks and greeting para sa panloloko kay Margaret," she said in a sarcastic tone. “You bi—“ Nico wiped the powder on his uniform. He’s about to stand but Arielle immediately leaned on him. “Don’t you even try,” she warned. Naningkit ang mga mata ni Nico pero walang pakialam si Arielle. "Mrs. Rosario, my apology.” That was Arielle’s last drop before she turned to her heels and left them dumbfounded. ‘Oh crap! What was that?’ *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD