Papasok pa lang si Arielle ng campus ay ramdam na niya ang kakaibang ihip ng hangin. Maraming pares ng mga mata ang nakatingin sa kaniya at sa tuwing dumadaan siya ay para silang mga bubuyog na bulungan nang bulungan.
"Siya ba ‘yun?''
"Siya na nga."
"Ang lakas ng loob niyang gawin iyon kina Katrina, noh."
"Ang sabihin mo ang kapal ng mukha para doon pa maghanap ng gulo."
Alam ni Arielle na siya ang pinag-uusapan nila. Kaya lang alam niya ring wala silang alam sa katotohanan kaya pointless kung makikipag-argumento pa siya. Diretso lang siya sa paglalakad sa kabila ng mga nanunuri nilang mga mata. Pagpasok niya sa room ay agad siyang sinalubong ni Jess.
"Kimmy!"
"Hi," nakangiting bati niya habang papunta sa upuan.
"Alam mo na ba?" tanong ni Jess habang humihila ng upuan malapit sa kinauupuan niya.
"Alin?" patay-malisya niyang tanong.
"Kalat na sa buong campus ang nangyari kahapon sa BA Department."
"Ganoon ba?"
Inaasahan niya ng magiging ganito kabilis iyon. For sure alam na nina Daddy at Mommy ang tungkol sa nangyari at paniguradong mahihirapan siyang magpaliwanag sa mga magulang. Inaasahan na rin niyang anumang oras sa araw na iyon ay ipapatawag siya sa detention.
“Hindi ka man lang ba nag-aalala?”
Nilingon niya ang kaibigan bago ngumiti. “Meron ba akong dapat ipag-alala?”
"Pero kilala mo si Katrina, Kimmy.'' May pag-aalala sa tinig ni Jess na siyang nagpalingon sa kaniya.
"What’s with her?"
"For sure, hahanap siya ng paraan para makaganti sa’yo."
"Really? How about Nico?" balewalang tanong niya habang nagbo-browse sa cellphone ng schedule niya para sa buong araw.
"Kimmy? Wala ba lang talaga iyon sa iyo?"
"Why should I?" tanong niya sabay kuha naman ng notes. Naalala niyang may quiz sila mamaya. Hindi siya gaanong nakapag-aral kagabi.
"Kilala mo si Katrina. She's a b***h," giit ni Jess na tila mas hindi pa mapakali sa kaniya.
"Well, she doesn’t know me. And I can be bitchier than she could be, especially when it comes to Margaret."
"Kimmy…” Hindi makapaniwalang usal ni Jess habang pinagmamasdan siya.
Nauunawaan niyang nagugulat sila sa asal niya. She was a quiet person, and she never talked or acted the way she behaved last time. Pero sadya talagang nag-iiba ang tao kapag tungkol na ito sa mga mahal sa buhay.
"I'm sorry, Jess. I didn't mean to act like this. I just love Margaret that much.''
“Nauunawaan naman namin kung gaano kahalaga sa’yo si Margaret. Hindi nga ba at itinuring mo na siyang parang totoong kapatid.”
Natigil sa ginagawa niya si Arielle. Kahit sa mga kaibigan ay hindi niya magawang i-open na half-sister niya si Margaret. Pakiramdam niya ay nagiging unfair na siya kay Marj kaya bago pa niya napigilan ang sarili ay nawika niyang, “She’s actually my half-sister.”
Wala siyang narinig mula kay Jess kaya nilingon niya ito. Maang na nakatingin ito sa kaniya bago natatawang umiling-iling. “Come on, Kimmy. Stop joking ar—“
“It’s true. Margaret is my half-sister,” seryosong saad niya habang diretsa ang tingin dito.
Matagal bago nagsalita si Jess. “Seryoso ka nga,” laglag ang panga na bulong ni Jess sa hindi makapaniwalang tinig. “B-but how?”
Binigyan niya ito ng munting ngiti sabay kibit-balikat. “If you’re down to listen, I’m willing to tell you later.”
*****
PAGDATING ng breaktime ay mag-isang pumunta ng canteen si Kimmy. May ginagawa pa sina Jess, Sofi at Neah kaya minabuti niyang umuna lalo pa at medyo nagugutom na siya. Pagkatapos niyang bumili ng pagkain ay dumiretso siya sa may bench sa ilalim ng puno. Sasamantalahin niya ang katahimikan ng paligid at ang maaliwalas na dampi ng hangin.
Habang kumakain ay pinanood niya ang mga picture nila ni Marj na magkasama. Kahit noon ay marami nang nagtatanong kung magkapatid ba sila dahil madalas silang magkasama, parehas ng mga gusto, pero dahil hindi nila magawang sabihin ang tunay, nananatiling lihim kung anong meron sila.
Wala tuloy sa loob na napangiti siya habang binabalikan ang masasayang sandali kapag naiisipan nilang lumabas ni Marj o kapag may biglang naisipang gawin. Marami na silang pinagdaanan noon. Naniniwala siyang malalampasan rin nila iyon nang magkasama.
Sisikapin ni Margaret na matulungan itong magsimula ng bagong buhay. Makakalimutan rin nito si Nico. At siguradong makakahanap din ito ng tamang lalaki para sa sarili. Dahil sa mga naiisip ay unti-unting gumaan ang pakiramdam niya.
Nang matapos kumain ay akmang tatayo na sana siya para bumili uli ng pagkain ng mula sa likuran ay may biglang pumigil sa balikat niya. Nasundan iyon ng dalawang pares ng mga kamay na mahigpit na humawak sa balikat at braso niya. Pumipigil sa kaniya para makatayo.
Nagtaas siya ng tingin. Naningkit ang mga mata niya sa walong mga babaeng nakapaligid sa kaniya. Matatalim ang tingin ng mga ito sa kaniya.
'Well, I wouldn't be surprised.’
It must be her!
Hindi niya pinansin ang masasamang tingin ng mga ito. Piniksi niya ang kamay at nagpilit tumayo pero nadagdagan ang babaing pumipigil sa may balikat niya.
"Bitiwan ninyo nga ako,” malamig niyang utos.
“Not now.” One of the girls muttered in a playful tone.
"May utang ka pang dapat bayaran,” dugtong naman ng isa pa.
"Hindi pa naman ako naghihirap kaya wala pa rin akong natatandaang may utang ako… Lalo na kung sa inyo," matapang niyang wika habang isa-isa silang tinitingnan.
"Talagang matapang ka, ano?"
Tinaasan niya lang ng kilay ang bagong dating.
"So, kumusta naman yung mukha mo? Mukhang mas lalong kumapal, ah." Nakangising saad niya habang nakatingin sa bagong dating na si Katrina.
"You b***h!" Namimilog ang mga matang wika nito at dahil nagawa na nitong makalapit sa kaniya ay umangat ang isang kamay nito, handa na siyang sampalin ngunit maagap siyang nakapagsalita. "Go! Slap me, just make sure you know how to hide or else, you'll be dead!"
Hindi niya talaga ugaling makipag-away at kahapon lang ay nangako na siya kay Marj na hindi na mauulit ‘yun. What she promised was physically but not verbally.
"Do you still remember how sweet my slap was?" nakangiti pa niyang tanong. "O ipapaalala ko pa sa iyo?"
"Ang kapal mo!” Halatang galit na galit na ito kaya marahas na hinalbot nito ang panga niya at mariing hinawakan. “Listen up. Hindi ako magkakamaling sirain ang mukha mong iyan kapag nakita pa kita sa BA Department.”
Sa hindi maunawaang dahilan ay wala man lang nakapang takot si Arielle. Nginisihan niya ito bago makabuluhang nagwikang, “Stop holding grounds that wasn’t yours in the first place.”
“B*tch…”
"Yeah, I could be sometimes." Nakakaloko ang bawat tingin niya dito. Kahit marami sila ay walang siyang balak magpasindak sa mga ito. Nagpilit pa rin siyang tumayo ngunit mahigpit ang pagkakahawak nila sa kaniya. “Kaya kung iniisip mong masisindak mo ako dahil nagdala ka ng mga alipores mo. Come on, I can still do better.”
“Tingnan ko lang iyang better mo sa gagawin ko—“
Hindi pa natatapos magsalita si Katrina ng isang matinig na tinig ng babae ang pumailanlang sa paligid. "Hey! What the hell is happening here?"
Napatingin sila sa dumating. It was Jasmine and Daphne. Nakapamaywang pa si Jasmine habang naglalakad palapit sa kanila.
"The hell you care,” baling ni Katrina kina Jasmine.
"Hi, girls! What is the crowd all about?"
Sa likod nina Jasmine at Daphne ay papalapit sina Kevin at Keith. Kagad umakbay si Kevin kay Daphne. "Bakit? What’s happening here, babe?"
Tumigil naman si Keith sa bandang likuran ni Jasmine. Nakapamulsa ito at blangko ang mukha habang nakatingin sa grupo ng mga babae. Naramdaman naman niya ang pagluwag ng hawak ng mga babaing kanina lang ay parang mga naninilang lion at tigre. Ngayon ay para na silang mga aso na kaniya-kaniyang pa-cute.
Buti sana kung cute sila at hindi mga nakakata-cute lang.
"May ginagawa ba sila sa'yo?" biglang tanong ni Keith na sa kaniya na pala nakatingin.
Automatiko namang sumama ang tingin sa kaniya nina Katrina at ng mga alipores nito.
"It’s none of your business," angil ni Katrina dito sabay tingin sa kaniya ng masama.
“You made that my business the moment you let us see your childish escapade,” Keith said frankly, making her stare at her with her eyes blinking in awe.
Mukhang hindi lang siya ang nagulat dahil kahit si Katrina ay hindi makapaniwala sa sinabi ng binata. Hindi pa sila nakakabawing lahat sa sinabi ni Keith ay sumabat naman si Jasmine. “So, girls, let her go before we tell the disciplinarian what you are doing.”
Mabilis na binitiwan siya ng mga babae at parang mga dagang nagtago sa likuran ni Katrina.
“Wala pa kaming ginagawa sa kaniya,” protesta ng isang babae.
“We’re just talking to her,” segunda naman ng isa.
Jasmine chuckled. “Siguro sa ngayon,” sarkastikong wika nito.
Hindi na matagalan ni Arielle ang palitan ng salita ng mga ito kaya minabuti niyang tumayo. Hindi niya alam kung bakit ang grupo nina Keith ay ganoon sa kaniya. Ipinagpapasalamat na lang niyang dumating ang mga ito at hindi na niya kailangang patulan pa sina Katrina. She already had enough these past few days. Kung hindi niya iiwasan ang babae ay baka lumala pa ang gulo.
“I’m leaving,” she announced as she stood.
“We’re not done yet,” Katrina butted in.
Binalingan niya ito. “No, we’re not,” she muttered coldly then began to walk away. She tried hard not to look at Keith nor at his friends, but realizing what they had done, did she decide to give them a nod and a small smile.
Arielle knew that they were good people. However, she had no intention of making new acquaintances from the mess she just made.
*****