Iniwan na ni Arielle ang grupo nina Katrina at Keith. Hindi na niya itinuloy ang planong pagbili pa at nagdesisyong bumalik na lang sa room. Nawalan na siya ng gana nang makita kanina si Katrina. Malapit na siya sa building kung nasaan ang room niya nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone. Mabilis niyang dinukot ang cellphone sa bulsa at sa halip na dumiretso sa room ay tumungo sa bakanteng lote sa gilid ng building.
Gaya ng nagdaang araw, hindi niya mapigilan ang pagragasa ng kaba sa dibdib sa oras na makita ang pangalan ng ina na tumatawag. Nag-aatubili man ay sinagot pa rin niya ang tawag.
"Hello, mommy?"
Walang sumagot sa kabilang linya. Halos puro ingay lang ang naririnig sa kabilang linya. Tila ba may nagkakagulo, nagsisigawan, at umiiyak. Mas kinabahan siya dahil sa mga narinig.
“Mommy?” tawag niya ulit.
"K-kimmy, si mommy ito."
Lalo nadagdagan ang kaba niya nang marinig itong umiiyak.
"My, bakit umiiyak ka?" nag-aalala niyang tanong.
"Kimmy... M-may s-sabihin s-sana ako." Tila hirap na hirap na wika ng kaniyang ina.
"Ano po ba iyon?" kalmado pa rin niyang tanong kahit ang totoo ay parang gustong lumabas ng puso niya mula sa ribcage.
"Ka-kasi s-si… si…" Hindi na natuloy ni Mommy ang mga sasabihin. Ang kaninang hirap na hirap nitong pananalita ay napalitan nang paghagulhol.
"M-mommy, ano po bang nangyayari? Please, sagutin ninyo po ako. Nag-aalala na po ako."
Naiiyak na rin siya. Sa boses at sa paraan pa lang ng pag-iyak nito, alam niya ng may hindi magandang nangyayari. At kung anuman iyon, hindi siya sigurado.
"M-mommy…"
"Anak, si Daddy na ito."
Nadinig niya ang boses ni Daddy. Siguro ay kinuha niya na ang cellphone kay mommy. Ngunit mas lalo niyang napatunayan na may mali dahil kahit ang boses ng ama ay garalgal at tila ba hirap na hirap. And she knew her father. He's a strong man. He wouldn’t cry just because of some nonsense thing.
"Anak, pumunta ka dito sa ospital." Ramdam niya ang pagpipilit nitong huwag umiyak. "A-alam kong biglaan… pero kailangan lang, anak." Dinig niya ang mariing paghugot nito ng hininga. Para bang sa bawat pagbitaw nito ng salita ay bigla na lang itong sasambulat ng hikbi.
"Dad? Is there something wrong?" Hindi pa rin mapakaling tanong niya.
"Si Margaret, anak... Oh God…"
"A-ano pong nangyari kay Marj?" Tanong pa rin niya kahit tila may mga ideyang unti-unting nabubuo sa isip niya.
"Kim, si Margaret… She's…” Tumigil ito sa pagsasalita at muli narinig niya ang tila paghugot nito ng hininga na para bang hirap na hirap. “Just come here, honey,” he said in a hoarse voice afterwards.
Napakagat-labi si Arielle. Wala pa mang sinasabi ang kaniyang ama pero nagsimula nang mag-unahan ang mga luha niya sa mga mata. “I-is she okay, daddy?”
Wala siyang narinig na tugon mula sa kabilang linya maliban sa mahinang paghikbi.
“Daddy…”
“I-I don’t know how to explain it on the phone, Kim.”
Napapikit siya dahil sa naging tugon ng ama. “Can I talk to Marj, dad?” she asked, wanting to confirm something.
Sandaling natahimik ang kaniyang ama bago nagsalita sa malamig na tinig. “Sorry, but you can’t, honey… or you won’t…” May mga sinabi pa si daddy pero hindi na niya maintindihan.
‘…or you won’t…’
‘…or you won’t…’
‘…or you won’t…’
Ang kanina pang lumuluha niyang mga mata ay mas nanlabo. Pakiramdam niya ay nanghina ang mga tuhod niya. Tila nais niyang bumagsak na lang at panawan ng ulirat. Baka sakaling sa oras na magising siya ay maglaho lahat nang narinig niya, na lahat iyon ay hindi totoo.. At ang mga nangyayari ay maging isang masamang panaginip lang.
“Dad, tell me what’s happening,” pakiusap niya sa ama sa kabila ng pagpipigil humagulhol.
"Kim, I-I t-think you should come here—“
"Daddy, please," nagmamakaawang usal niya. Hindi siya mapapakali hanggang hindi niya nalalaman kung anong nangyari kay Margaret.
“Kim, I don’t want to tell it over phone b—“
“Knowing something bad happened, but not knowing what it was won’t give me peace of mind, daddy.”
Arielle heard him sighed. “Oh Kim, w-we…” Tumigil ito sa pagsasalita at dinig niya ang mabigat na paghinga nito bago magpatuloy magsalita. “We… l-lost y-your sister…” Sa hirap na hirap na tinig ay nagawang sabihin ng kaniyang daddy. Hindi kaagad na-absorb ng isip niya ang sinabi ng ama pero nang unti-unting nagsi-sink ang mga sinabi nito, nagsimulang manginig ang buong katawan niya.
“W-what do you mean?” she asked as her breathing got heavy.
“Margaret did it again, and now she succeeded,” her father answered, his voice gone cold and hazy as if his mind went somewhere.
Bago pa niya napigilan ang sarili ay nanghihina siyang napaupo sa gilid. Tuluyan na siyang nawalan ng lakas ng katawan at isip. Naririnig niyang nagsasalita ang kaniyang ama pero wala siyang maunawaan sa mga sinasabi nito. Isa lang ang pumapasok sa isip niya.
‘Margaret did it again…’
Oh God… Natutop niya ang bibig upang pigilin ang malakas na pagpalahaw ng iyak.
"Dad…” she muttered between tears.
"Ipapasundo kita diyan, Kim. I already called at the office so you may go out,” pagpapatuloy ng kaniyang ama. “Your mom needs you. She barely gets it together.”
Nakuyom niya ang kamao. Hindi siya nananaginip at hindi nagbibiro ang kaniyang ama.
‘…now she succeeded…’
Lalong nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha niya kasabay ng paninikip ng dibdib niya. Gusto man niyang sumigaw pero tila walang tinig na lumabas sa lalamunan niya.
Akala ko ba, okay na siya.?
Akala ko ba magsisimula uli siya.?
Akala ko ba lalaban siya at magsisimula uli ng bago?
Bakit sumuko agad siya? Bakit bumigay siya?
Napakaraming tanong sa isip niya pero wala siyang makapang sagot at alam niyang malabo na iyong masagot.
‘Hindi ba ako sapat para tulungan kang magsimula muli, Margaret? Wala ba talaga akong kakayahang tanggalin ang sakit na nilikha nila sa puso mo’ Hindi niya mapigilan ang hindi maghinanakit sa kapatid ngunit mas malaki ang inis niya sa sarili at piniling pumasok pa.
Sana hindi siya umalis sa tabi nito.
Sana hindi niya ito iniwan.
Sana hindi siya nakampante na ayos na ito.
Wala man lang siyang nagawa para kay Margaret. She let her die. She let her suffer. How stupid she was at hindi niya man lang napansing hindi pa rin ito okay. And those smiles she gave to her were all fake smiles. Mga ngiting sa likod ay puro sakit at paghihinagpis lang.
Wala sa loob na niyakap niya ang sarili. Nakarinig siya ng mga yabag na palapit sa kinauupuan niya, but she didn't care anymore. She felt numb all over. Gusto niyang bumagsak na lang sa lupa.
Napapitlag na lang siya nang maramdamang may humawak sa balikat niya. Nagtaas siya ng tingin. And she saw him. Malungkot ang mga matang nakatingin sa akin. At tila ba nahihirapan ito dahil sa nakikita.
‘Bakit ba kailangang palagi niyang makita ako sa ganitong kalagayan? Kung kailan ang hina-hina ko at down na down na ako…’
"Are you okay?" he asked gently.
Hindi niya ito sinagot. All she wanted was to get out of here. At kung pwede ‘yung malayo sa kanya.
"You need help…"
Napatingin siya sa mukha ni Keith. Napakaaliwalas ng mukha niya. Nakakagaan ng loob.
Parang mukha lang ni Marg noong wala pa si Nico sa buhay nila. Noong hindi pa nararanasan ng kapatid niya ang lahat ng sakit na iyon na nagtulak sa kanya para magpakamatay.
Pagkaalala niya kay Margaret ay tila natauhan siya. Walang salitang tumayo at tumakbo. Hilam ang luha na nagmamadali siyang tumakbo. Maraming nagrereklamo sa tuwing nababangga niya, but she felt numb to feel sorry. Her mind was so vague that even what her body was doing didn't sink in.
Ang gusto niya lang ay tumakbo. Makalayo mula rito. Makita si Margaret. Yes. She wanted to see her half-sister. She wanted to hug her. She wanted to feel her warm and alive body.
O kaya, sana ay masamang panaginip na lang ito at mamaya lang ay magigising na siya.
"Kim!" She heard someone call her, but it didn’t stop her from running.
Instead, she kept doing until she reached the parking lot. Nang matanaw niya ang sariling kotse ay dali-dali tumakbo palapit dito. Hindi magkadatutong kinuha niya ang susi ng kotse mula sa bulsa at nanginginig ang buong katawan ng pilit binuksan ang pinto ng sasakyan. Naaalala niya ang sinabi ng ama na ipapasundo na lang siya pero hindi niya na kaya pang maghintay ng matagal.
Nang mabuksan ang pinto ay dali-dali siyang pumasok ng sasakyan at binuhay ang makina. Ramdam niya pa din ang panginginig ng buong katawan at ang wala pa ring tigil na pagbagsak ng mga luha. Halos manlabo ang mga mata niya pero wala siyang pakialam. All she wanted is to see Marj.
Mabilis pinaandar ni Arielle ang sasakyan palabas ng parking lot. At marahil dahil sa bilis ng andar at tapak niya sa gas, hindi na siya nakabwelo at huli na nang mapansin ang isa pang sasakyan na kakapasok pa lang ng parking lot. Bumangga ang kotse niya sa hood nito at dahil sa lakas ng impact tumama sa kung saan ang ulo niya.
Naramdaman niya ang pagsakit ng ulo bago tuluyang nagdilim na ang lahat sa paligid niya.
*****