CHAPTER TWELVE

1797 Words
Pagka-bell pa lang para sa breaktime ay lumabas na kaagad si Keith. Narinig pa niyang tumawag sina Kevin pero sinenyasan niya na lang sila na uuna na siya. "Dating gawi," pahabol niya pang wika. Kapag breaktime kasi ay hindi sila sa school canteen kumakain. May isang silid silang pansamantalang inuokupa para doon tumambay o mag-stay kapag walang klase o bored sa klase. Papasok na siya ng silid ng hindi sinasadyang mapatingin siya sa isang babaeng mag-isang kumakain sa ilalim ng puno. Nakangiti ito habang nakatingin sa cellphone na hawak. Ibang- iba ang emosyon nito kumpara noong nagdaan. Tila ba punong-puno ito ng pag-asa na nagpapaliwanag sa napaka-inosente ng mukha nito. Napailing si Keith. Hindi niya sukat akalaing hahanga agad siya sa isang tulad nito. Sa isang tulad nito na para bang walang pakialam sa mundo. Sa dinarami-rami ng babaeng nakasalamuha ni Keith, ito pa lang ang tila walang pakialam sa kanya, na para bang hindi isang Keith Balmaceda ang kaharap nito. Sa kabilang banda, tila naagaw nito ang buong atensiyon niya. ‘Sh*t! Bakit ba ako nag-iisip ng ganito? Nacu-curios lang marahil ako sa kanya. Hindi niya masisisi ang sarili dahil simula nang makita niya itong malungkot sa may Art Room hanggang sa pagpunta nito sa room nila para kunin ang mga gamit ng kaibigan nito, tila ba may kakaiba at weird na feeling siyang naramdaman para dito. May tila isang malakas na pwersang nagtutulak sa kaniya upang lapitan at ipagtanggol ito. At hindi tama itong mga naiisip niya. "Hoy!" "Anak ng tikbalang ka!" bulyaw niya kay Kevin na bigla na lang nanggulat sa kaniya mula sa likod. "Tao mga magulang ko Keith, hindi tikbalang. Grabeng judgemental mo," gusot ang mukha na ungol ni Kevin na sinabayan pa ng masamang tingin. "Bakit ba naman kasi nanggugulat ka?" Tahimik niyang wika sabay pamulsa. Sa loob-loob ay humihiling na sana lang hindi nila siya inabot na nakatingin sa babaeng iyon. "Para naman kasing nagbabyaheng UFO yang utak mo," singit ni Daphne. "Alam mo ‘yun? ‘Yung palutang-lutang?" Nakangising sabat naman ni Jasmine. "Tss. Tumigil nga kayo. Bakit ba?" Naiirita niyang tanong. Nagsulyapan ang mga ito sa isa't-isa bago tiningnan ang bahagi kung saan siya nakatingin kanina. ‘Bwisit naman kasi…’ palihim na himutok niya. " Ah, kaya naman pala,” nakangising wika ni Jas. "Si Ms. Damsel-in-distress mo pala iyon.” "Tantanan mo ako, Kevin o bibigwasan kita." Masama ang tingin na ipinupukol niya dito. Tumahimik naman si Kevin pero patuloy pa rin ang pagngisi nito. "Bakit ba hindi mo lapitan?" Inosenteng tanong ni Daphne. "Oo nga naman. Nang hindi ka nagmumukhang pinaghalong breed ng giraffe at tarsier. Nagkakandahaba na ‘yang leeg mo sa pagtingin. Nanlalaki pa yang mga mata mo sa pagsulyap." May halong pang-aasar na wika ni Jas. Pinili na lang niyang hindi magsalita. "Go and talk to her." Panunulsol pa ni Daphne. "Tama siya. Don't tell us na natotorpe ka?" Seryosong tanong ni Kevin. Lalo naman niya itong sinamaan ng tingin. "D*mn, Kevin. Stop saying nonsense things." galit niyang wika at akmang tatalikod na nang madinig ang pagpalatak ni Jasmine. "What the heck?" "Ano na naman ba?" tanong niya bago nilingon ang bahagi kung nasaan si Arielle. "Ano na naman bang balak niya?" Malakas na ring saad ni Daphne. “Hindi maganda ang pakiramdam ko dito,” may diing ani Jasmine bago sinulyapan si Daphne. Tumango ang huli at bago pa sila nakaangal ay bigla na lang nagmartsa sina Jasmine at Daphne papalapit kay Arielle na kasalukuyang pinalilibutan nina Katrina at ng mga alipores niya. Nagkatinginan lang sila ni Kevin at walang salitang sumunod sa dalawang babae. Nag-aaway away na ang mga babae nang makalapit silang dalawa ni Kevin. At dahil alam niyang sa mga oras na ito ay hindi sila maaaring makigulo, pinili nilang awatin ang mga ito. Idagdag pa itong si Jasmine at Daphne na halatang nanggagalaiti na sa inis kina Katrina. Ipinagpasalamat na lang nila na mas piniling umalis na lang ni Arielle. Walang salita itong iniwan sila. Binigyan siya nito ng sulyap pero kahit iyon ay tila wala lang dito. ‘Ano bang meron sa babaing ito?’ ***** "BWISIT TALAGA ‘yang babaeng iyan," nanggagalaiti pa ring wika ni Jasmine kahit pa kanina pa nakaalis sina Arielle, Katrina, at ang mga alipores niya. "Akala mo naman kung sinong santa siya," nakangusong maktol din ni Daphne. Madalang itong magsalita ng tungkol sa ibang tao pero hindi niya rin masisisi ito. Umiiling-iling na lang na inakbayan ito ni Kevin. "Chill lang babe." "Geez…" Buntong Hininga ni Daphne. Hindi niya maunawaan at ganito kaapektado ang mga kaibigan niya. Pero hindi nga ba at pati rin siya. Dumiretso na sila sa loob ng Private Room. Nasa may pinto pa lang siya nang matanawan niya si Arielle. May kausap na ito sa cellphone at halata sa mukha nito na paiyak na. "’Dre, lapitan mo na kasi." Narinig niyang utos ni Kevin na hindi niya namalayang nasa likod na. Bahagya pa siya nitong tinapik sa balikat. "Tss…" “Ikaw rin, baka magsisi ka sa bandang huli.” Wala na siyang balak pansinin ito at tuluyan na sanang papasok ng silid pero nagsalita muli si Kevin. "D*mn! She's crying," pabulong na anas ni Kevin. Agad niyang nilingon ang dalaga. At totoo nga. Umiiyak ang dalaga habang nakalupasay sa lupa. Naroroon ito sa gilid ng building pero mukhang wala na ito sa sarili. Hindi man niya malinaw na malinaw na nakikita pero alam niyang iyak na iyak ito. At tila may sariling isip ang katawan niya na kusang gumalaw at tinuton ang direksyon kung nasaan ang dalaga. Nag-aalangan man, hindi niya magawang pigilin ang sarili. Hindi kalayuan ang room na inuukopa nila mula sa kung nasaan ang dalaga. Hindi na kasi ginagamit ang room na iyon kaya naman pinayagan silang gawing Private Room. Nang malapitan niya ang walang kamalay-malay na dalaga ay hinawakan niya ito sa balikat dahilan upang mapatingin ito sa kaniya. "Are you okay?" tanong ko. ‘Nasisiraan na yata ako ng bait. Obvious naman na hindi siya okay, Keith!’ Magsasalita pa sana siya nang mapansin niya ang kakaibang pagtitig nito. May kakaibang emosyon sa mga mata nito. Emosyong pamilyar sa kaniya “You need help...” He gently whispered. Nanatili itong nakatitig sa kaniya hanggang sa kumurap-kurap ito na tila ba may naalala. Ilang sandali pa at walang salitang tumayo ito at tumakbo. At dahil breaktime marami pang estudyante ang nagkalat sa paligid. “Arielle!” tawag niya sa dalaga. Kita-kita ni Keith kung paanong kahit mabangga si Arielle o ito ang makabangga ng mga estudyante ay diretso lang ito. Patuloy ito sa pagtakbo na para bang kapag hindi nito nagawa ang dapat nitong gawin, magugunaw na ang lahat ng sa paligid nila. “Anong nangyari?” tanong ni Daphne nang makalapit. “Hindi ako sigurado,” wala sa sariling tugon niya. Napakunot-noo siya ng makita ko ang tinatahak niyang direksiyon. ‘Parking Lot’ Sh@t! Walang sali-salitang mabilis siyang tumakbo para sundan ito. “Hoy, Keith! Saan ka pupunta?” Hindi niya pinansin ang mga ito. Kailangang maabutan niya ang dalaga. Ewan ba pero bigla siyang kinabahan ng sobra. Eksaktong pagdating niya sa parking lot ay sumasakay na ito sa kotse nito. “Arielle!” tawag niya kahit tila imposibleng marinig pa siya nito. Halatang wala ito sa sarili. Eksaktong mabuhay nito ang makina ng sasakyan ay siya namang pagpasok ng isa pang kotse. ‘Sh*t! Babangga siya kapag hindi siya tumigil.’ Kahit tila imposible, tumakbo siya para pigilan muli ito ngunit bago pa siya makalapit ay isang malakas na pitada ang pumailanlang sa buong parking lot na sinundan ng malakas na pagbangga ng isang bagay at pagkabasag ng salamin. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa nasaksihan. Inaasahan niya nang mangyari pero hindi lubusang mag-sink in sa isip niya. Dahil sa mabilis at walang control nitong pagpapaandar sa kotse ay bumangga ito sa kasalubong pang sasakyan. Halos umusok ang parehas na unahan ng mga kotse. “D@mn!” Tinakbo kaagad ni Keith ang sasakyan nito at binuksan ang pinto ng kotse. Tumambad sa kaniya ang nakasubsub na mukha ng dalaga sa manibela at wala ng malay. “D@mn! Arielle, wake up!” Mabilis niya itong binuhat. Dumudugo na ang ulo nito marahil sa lahat ng impact. Salamat na lamang at hindi ito tumilapon at tumama sa windshield, dahil kung nagkataon, malabo ang pag-asang makaligtas pa ito. Eksaktong nabuhat na niya si Kim ay nay dumating na security guard. “Sir, ano pong nangyari?” “She bumped her car. We need to bring her to the hospital.” “Tatawag lang po ako ng ambulansiya,” saad ng guard at tumalikod na. Magsasalita pa sana siya ng… “M-Marj… p-please w-wait for me… W-wait for me…’’ umuungol na anas ni Kim habang pikit-mata pa rin. “Arielle, naririnig mo ba ako? Listen, I’ll bring you to the hospital. Everything’s going to be okay.” “Please… P-please b-bring me to my s-sister... I need t-to see her.” Sa kabila ng estado nito ay nagagawa pa rin nitong isipin ang kapatid at magmamakaawa. At marahil kung nasa maayos itong kondisyon, baka lumuhod pa itong para dalahin niya ito sa ospital. “Kailangang magamot ka muna,” he whispered to her softly. ‘Bakit ba kasi ang tagal ng ambulansiya o kahit doctor at nurse man lang.. Sh@t!’ “P-please…” “Pero…” “P-lease, bring me to …” Nanghihina na ang tinig nito at tila ba hirap na hirap na pero malinaw niya pa ring narinig ang binanggit na pangalan ng ospital bago ito nawalan ng malay. “Geez!” He uttered. Inayos niya ang buhat sa dalaga at dinala sa ibang bahagi ng parking lot. ‘Buti na lang lagi kong dala ito.’ Nang marating ang sariling kotse ay pahirapang kinuha niya ang susi sa bulsa ng pantalon. Nagawa niyang mabuksan ang pinto ng sasakyan at maisakay si Arielle sa passenger seat bago siya pumunta sa driver seat. Hindi niya na mahihintay pa ang tulong. Kailangang madala na niya sa ospital ang dalaga para magamot… ‘At…’ Sinulyapan niya ang walang malay na dalaga. ‘…kailangan ko siyang madala sa kapatid niya. Bahala na.’ Unti-unti ng dumarami ang nakikiusyusong estudyante. Dahil abala ang ilang guard na mailayo ang mga estudyante at mailabas ang sakay pa sa kabilang kotse sinamantala niya iyon para paandarin ang sasakyan at mailabas ng hanggang ngayon ay bukas na gate ng parking lot. “Sir… Saan kayo pupunta?” Narinig niyang tawag ng isang guard sa may bintana ng kotse. Hindi niya na ito pinansin at pinaharurot na ang sasakyan. Kita niya pa kung paano pilit humabol ang mga guard, pero mas mahalaga na makaalis siya. Sa sobrang focus niya, hindi niya napansin ang nananantiyang tingin nina Jasmine at Kevin. ‘Sheez… Detention na ito. D@arn!’ *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD