Angkop lang na bilis ang patakbo ni Keith sa kotse pero mabilis nilang narating ang hospital na tinutukoy ni Arielle bago ito nawalan ng malay. Pagka-park niya sa labas ng hospital ay dali-dali siyang bumaba at binuhat ang dalaga. Pagkakita sa kaniya ng guard ay mabilis na tumawag ito ng nurse. Hindi rin nagtagal ay sinalubong sila ng isang doctor at nurse. Isinakay nila si Arielle sa emergency stretcher at iginaya papunta sa isang kwarto na may mga kurtinang nakatabing.
Emergency Room
Napasinghap siya bago tuluyang pumasok ng silid upang sumunod sa mga nurse at doctor na abala na sa pagtingin sa sugat ni Arielle.
“Naaksidente siya, Sir?” tanong ng doctor habang iniinspeksyon ang nagdurugong ulo. Abala naman ang mga nurse sa pagkuha ng pulse rate at kung ano-ano sa wala pa ring malay na dalaga.
“Bumangga ang sinasakyan niya. Walang airbag ang kotse niya at—“
“Mababa lang ang sugat niya. Kami na po ang bahala sa kaniya,” deklara ng doctor bago sinenyasan na ang mga nurse na maghanda ng gamit.
“Baka may nasaktan pa sa kaniya,” nag-aalala pa rin niyang saad.
“Kami na po ang bahala sa kaniya. Alam po ni doc ang gagawin,” ani ng isang nurse.
“Pe—“
“Sir, kailangan na po ninyong lumabas,” agaw ng nurse habang iginagya siya palabas ng emergency room.
“No. Hindi ko siya pwedeng iwan.”
“Sir, kami na po ang bahala sa kanya,” pamimilit ng nurse habang patuloy siyang pinalalabas ng silid.
“Pero… I just want to make sure that—“ Hindi na niya natapos pa ang sasabihin dahil iniwan na siya ng nurse sa labas ng silid. Wala sa loob na naisuklay niya ang kamay sa buhok.
Naiinis siya dahil hindi niya magawang manatili sa tabi ng dalaga. Naiinis siya dahil tila sobra-sobra naman ang nararamdaman niyang pag-aalala para rito. At hindi niya magawang maipaliwanag kung bakit.
Sandali siyang naupo at pinilit na kalmahin ang sarili. Walang mangyayari kung masiyado siyang mag-aalala. Nakasubsob ang mukha niya sa mga palad nang maagaw ang atensiyon ng pag-iyak ng isang babae. Nag-angat siya ng tingin at napatingin sa direksyon kung saan nagmumula ang iyak.
Isang marahil ay nasa late 40’s na babae ang walang tigil sa pag-iyak. Sa tabi naman nito ay ang asawang pilit itong inaalo. Bagaman, makikita rin sa mga mata ng lalaki ang mga luha at ang sakit ay hindi nito magawang mailabas iyon. Hindi niya masisisi dahil sa pagkakataong iyon higit itong kailangan ng asawa. Nagyuko siya ng ulo. Ayaw niya ng mga ganitong eksena at mas lalong ayaw niyang magmukhang nakikiusyuso pero hindi niya maiwasang hindi sumulyap. Pamilyar na pamilyar ang mag-asawa sa kaniya. Nagkita na sila. Hindi niya lang matandaan kung saan at kailan.
“Ahm. Excuse me, Sir. Kailangan ko lang po kayong makausap tungkol sa patient.” Tawag ng nurse dahilan para mapapitlag siya. Tumayo siya upang salubungin ang nurse na lumabas galing emergency room. Pagkatapos niyang mag-iwan ng isang sulyap sa mag-asawa ay sumunod na siya sa nurse.
PAGKATAPOS MAKAUSAP si Keith ng doktor at nurse ay pinayagan na siyang makita si Arielle. Tulog pa ito ng puntahan niya sa silid. Hindi naman daw masiyadong malalim ang naging sugat nito. Marahil dala lang ng gamot kaya hindi pa ito gumigising. Ilang test na lang ang gagawin para masiguradong wala itong naging fracture sa ulo at maaari na itong umuwi.
Nang sa tingin niya ay hindi pa ito magigising ay lumabas muna siya para bumili ng maiinom. Kailangan niya ding sagutin ang mga tawag nina Kent at Jasmine. Isa pa, kailangan ding malaman ng mga magulang ni Arielle ang nangyari dito. Tiyak na nandito lang sa ospital na iyon ang mga magulang niya at ang kapatid ng babae. Hindi nga ba at iyon ang dahilan kaya itinakas niya ang dalaga kahit na alam niyang may maaari namang tumulong dito.
Eksaktong paglabas niya ng silid ay nasalubong niya muli ang mag-asawa na nakita kanina. Napatingin ang mga ito sa kaniya at hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi nanunuri ang mga mata nila bagkus ay nagtataka.
‘D@rn, I’m still wearing my uniform.’
Nang maalala niya ang suot ay tsaka din biglang naalala kung sino ang mag-asawa sa harapan niya.
‘Mr. and Mrs. Villaluz? One of the owners of the Villaluz University!’
Bigla ay gusto niyang kutusan ang sarili. Ilang beses niya pa lang na-meet ang mga ito pero hindi rason iyon para hindi niya matandaan sila. Sa huli ay binigyan niya ng munting ngiti ang mag-asawa. Nakakaunawang tumango lang ang mga ito at nilagpasan na siya.
“Sure ka bang narito si Kimmy?” narinig niyang tanong ni Mrs. Villaluz.
“Oo, nabanggit sa akin ng isang nurse kanina.”
Nilingon niya sila. Lumilinga-linga ang asawang babae, tila may hinahanap. Sa kabila ng ayos nito ay makikita ang matinding lumbay sa mga mata nito. “But it is impossible, nasa school si Kimmy. Kung pupunta naman siya dito, bakit nasa patient list siya?” tanong pa ni Mrs. Villaluz.
Hindi naman makasagot ang asawang lalaki.
Napakunot-noo naman siya habang lihim na nakikinig sa pinag-uusapan nila. ‘Are they talking about Arielle?’
Medyo naguguluhan siya. Imposible namang sila ang mga magulang ni Kim. Ilang sandali pa siyang nanatili lang sa kinatatayuan, lihim na pinakikinggan sila habang nag-iisip nang may biglang may naalala.
“And you, Miss Villaluz, bakit ganyan itsura mo?"
Miss Villaluz ang tawag ng prof. nila sa dalaga ng minsang magpunta ito sa room nila. Na lang siya sa mag-asawa habang patuloy nanaghahanap ang mga ito.
‘Don’t tell me anak siya ng may-ari ng eskwelahan?’
“Henry, kinakabahan ako. But my instinct keeps telling me na siya iyon. Nalito marahil sila sa surname ni Margaret, but I know and I believe na hindi sila nagkamali ng ibigay nila ang pangalan ni Kimmy.” Nagsisimula na namang umiyak ang ginang.
Gusto ni Keith lapitan ang mga ito upang tanungin nag-aalangan naman siyang makialam sa pinag-uusapan nila.
“Calm down, Laila. Aalamin natin kung siya nga iyon,” pang-aalo naman ng lalaki sa asawa.
Lalapit na sana siya sa mag-asawa ng muling magsalita ang ginang.
“Oh God, please. Nawala na sa amin si Margaret. I can’t bear na pati si Kimmy ay mawala na rin sa atin,” malungkot na malungkot na hinagpis ng ginang.
‘Margaret? Kimmy?’
Napakuyom ang kamao niya.
Lahat ba ng gulo na nangyayari nitong nagdaan ay dahil sa…..
‘D@mn!’
Awtomatikong napabalik siya sa kwarto ni Kim. And to his surprise, unti-unti na itong bumabangon mula sa pagkakahiga. Mabilis niyang inalalayan ang dalaga nang maabutang bumabangon na kahit halata sa mukha nitong hirap na hirap.
“Bakit ba bumangon ka na?” tanong niya.
“I want to see my sister,” nakangiwing tugon ni Kim. Marahil sumasakit ang ulo nito. Hindi niya mapigilang hindi ito hangaan dahil tila hindi nito iniisip ang estado ng sarili, makita lamang ang kapatid nito.
“Pwede bang magpahinga ka muna?” mahinahong tanong niya.
“No. I want to see her. I want to see my sister. Buhay siya… Alam kong… h-hindi n-niya ako i-iiwan.” Nagsimula ng gumaragal ang tinig nito.
Hindi niya alam kung paano ito aaluin, kung ano bang dapat sabihin kaya nanatili siyang tahimik. Hinawakan niya na lamang ito sa likod at tinapik-tapik. Tahimik na humiling na sana ay maging maayos ang lahat.
“Please… Bring me to her.” Tumingin ito sa kaniya. Hilam ng luha ang malulungkot na mga mata. Hindi gaya ng mga matang nakita niya sa ilalim ng puno kanina—masaya, masigla, puno ng buhay at pagmamahal.
Napabuntong hininga siya.
“Saan ba natin siya pwedeng makita at sasamahan kita?” He said as he smiled at her.
*****