CHAPTER NINETEEN

1493 Words
After ng last subject nina Arielle ay umalis na kaagad siya. Masaya na siyang natapos niya ang pahapon ng tahimik. Sa kabilang banda, hindi niya alam kung dapat bang ipagpasalamat na hindi um-attend ng klase sina Katrina at Nico. Wala sila sa tatlo pang subject nila. Sina Keith naman at ang kaniyang mga kaibigan ay mas pinili niyang huwag na lang pansinin. Mukhang nauunawaan naman nito na mas kailangan niya ng katahimikan kaya hindi na lang muna siya kinakausap nito. Pasado alas-tres ay nakauwi na siya. Tahimik ang buong kabahayan. Hindi gaya noon na kahit sila pa lang ni Margaret ang magkasama ay nagkakabuhay na ang tahanan nila. Ngayon, mag-isa na lang siya. Wala pa ang mommy at daddy niya kaya umakyat kaagad siya sa silid. Nagpalit lang siya ng damit bago bumaba sandali para kumuha ng mamemeryenda. Nasa kusina sina Nana Ising kasama ang isa pang katulong. "Magandang hapon po, Nana," bati niya rito bago lumapit para magmano. "Kaawaan ka ng Diyos, anak. Maaga kang umuwi, maaga bang natapos ang klase mo?" nakangiting tanong sa kaniya ni Nana. Laging punong-puno ng pagmamahal ang ngiti nito. Lalo na kapag nakikita nito sila ni Margaret na nagtatawanan o naglalaro o kung anong maisipan nilang gawin. Bata pa sila ay nagtatrabaho na si Nana sa bahay. Ito ang naging katulong ni mommy sa pag-aalaga at pagpapalaki sa kanila. "Maaga na pong natatapos ang klase ko ngayon." Ginantihan niya ito ng ngiti. Nasanay marahil si Nana Ising sa uwi niyang minsan ay inaabot ng alas-singko hanggang alas-sais dahil sa mga project na kadalasang ginagawa nila ng sama-sama nina Jess. Umupo siya sa stool na nasa harap ng counter. "Anong gusto mong meryenda, anak?" "Ano pong meron tayo diyan?" tanong niya rin bago muling tumayo at nagbukas ng ref. "Gumawa ako ng turon kanina. Gusto mo ba?" Pagkarinig pa lamang noon ay isinara niya na ang ref. "Sige po, Nana.." "May ube iyang kahalo," masayang pahayag ni Nana bago inilapag sa harap niya ang isang platito na may dalawang turon at tinidor. "Sabihin mo kung gusto mo pa." "Okay na po ito. Sa taas ko na lamang po kakainin. May kailangan lamang po akong tapusin pa," paalam niya bago tumayo na bitbit ang platito. Kumuha lamang siya ng bote ng tubig sa ref bago umakyat na. Nang marating niya ang pinto ng silid at akmang bubuksan na iyon nang mgawi ang tingin niya sa kabilang pinto. Nakasara pa rin iyon. Nakalagay pa rin sa seradura ang "Do not Disturb" sign. May mga tinig na bumubulong sa kaniya na buksan ang pintong iyon at pumasok. Baka sakaling maaari nitong baguhin ang kung anong meron siya ngayon. Pero katulad ng mga nagdaang araw, hindi pa niya kaya. Marahil hindi pa ngayon… Inalis niya ang tingin sa pinto. Ayaw niya nang umasang bigla na namang bubukas ito at lalabas si Margaret na tumatawa. Alam niyang imposible ng mangyari. Imposible na. Buong tapang na pumasok siya sa sariling silid. Pilit pinipigilan ang mga luhang nagbabadya na namang bumagsak. 'You have to stay focused and keep on going, Arielle Kim...' Huminga siya nang malalim at binuhay ang laptop niya. Kinuha niya ang mga libro niya. May homework siyang kailangang tapusin. Kailangan niya ring pag-aralan ‘yung ibang lessons na hindi niya na-take noong nagdaang mga linggo. May dalawa rin siyang subjects na kailangang kunin ngayong darating na sem. Hindi kasi pumayag ang mga magulang niya na kunin lahat ngayon dahil bukod sa tight schedule ay baka hindi niya kayanin. Ngayong sem, regular pa ang pasok niya. Sa susunod na sem, doon siya mahihirapan sa mga schedule dahil baka maging irregular student siya kaya ngayon pa lamang ay nag-aadvance na siya nang pag-aaral. Naging abala si Arielle sa mga sumunod na oras hanggang sa hindi na niya namalayan pa ang paglipas ng oras. Tsaka niya lang napanisn na alas-singko na pala ng hapon nang tumunog ang cellphone niya. Inabot niya ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng mga books. Mommy's calling... "Hello, mommy," salubong niya sa ina. "Hi, Kimmy. Nasa bahay ka na ba?" "Opo." "Anong ginagawa mo, honey?" Bagama’t normal lang ang tono ng kaniyang ina, hindi niya mapigilan ang sariling mag-isip. "Homework," tipid niyang sagot. Simula nang mailibing si Margaret. Halinhinan ang kaniyang mommy at daddy nang pagtawag o pagte-text sa kaniya para kumustahin siya o itanong kung anong ginagawa niya. "I see. Well, Kimmy, baka gabihin ako ng uwi may kailangan lamang akong tapusin. Si Daddy mo ay nasa meeting pa rin. Baka daanan niya na lamang ako dito sa office. Baka may gusto kang ipabili or anything. Just text me, and I'll drop to buy it." 'Pain reliever, mommy. I think kailangan ko noon.' Gusto niyang sabihin pero siyempre, she couldn’t say that. Mag-aalala lamang ang kaniyang ina. "Wala naman po," kiming aniya. "You okay, honey?" "Yes, mommy. I'm fine," pilit niyang pinasigla ang tinig. Alam niyang may kasalanan din naman siya sa mga nangyayari. Minsan na silang nawalan ng anak ng dahil sa matinding kalungkutan. At ngayong alam nilang dumadaan na naman sila sa matinding kalungkutan, hindi hahayaan ng mga magulang niya na may mangyari na namang ganoon. "Kimmy..." "I love you, mommy. And I promise, Hindi ako mawawala. I’m fine and I know I’m going to be better," nakangiti niyang wika kahit na hindi naman siya nakikita ng ina. She heard her sigh, and she believed that what she said made her feel better. "I love you too, Kimmy." "Take care, mommy." "I will…" Her mother said before the call ended. Muli ibinalik niya ang atensiyon sa ginagawa. ***** ABALA SI ARIELLE sa pagbo-browse sa f*******:. Tinitingnan niya ang ilang pictures nila ni Margaret. Ibang-iba pa ang ngiti at kislap ng mga mata nito. Palaging malawak pa ang mga ngiti nito. Humiga siya at pinakatitigan ang mga larawan nila. How she wished na pwede niyang ibalik ang oras. Ang mga panahon na magkasama pa sila at wala pang iniisip na ibang bagay. Pero malabo na iyon ngayon. Imposible nang maibalik pa ang lahat. Wala sa loob na ibinaba niya ang cellphone sa kama. She closed her eyes. Kailangan niyang tanggaping wala na si Margaret. Mahirap pero kailangan. Nagbabadya na namang pumatak ang mga luha sa mga mata niya nang marinig ang pagtunog ng cellphone. Notifications iyon ng Messenger. ‘Alas-otso na. Sino pa kayang magme-message ng ganitong oras?’ Kinuha niya ang cellphone. Nasa Message Request pa ang chat. She clicked the message. Daphne Dale Montes. Hindi niya ito friend sa f*******:. Binasa niya ang message nito. "Hi. Good evening. How are you?” Sa baba ay may delete or confirm. Hindi malalaman ni Daphne kung nabasa niya na ito o hindi pa. Unless i-confirm niya, which is not going to happen. So, instead of thinking if she’s going to accept it or not, she turned off the WiFi and put her cellphone on the night table. Maybe that’s better. Ang buhay ay isang desisyon—desisyon mo kung ipagpapatuloy mo ba ang buhay mo o hindi. Desisyon mo kung magiging masaya ka ba o hindi, kung kakapit ka ba sa mabuti o sa masama, kung magmamahal ka ba o hindi. Lahat ng ginagawa natin ay kailangan ng masusing pagdedesisyon. Kung ang agahan mo ba para sa buong araw na may mabigat na trabaho ay kanin at itlog o tama na ang kape at tinapay, kung magsusuot ka ba ng damit na mahaba o maikli. At sa bawat desisyon na ginagawa natin, nandoon ang kakambal na bunga. Ang mga bungang iyon ay dahil sa mga desisyon natin—tama man ito o mali. At ngayon, desisyon niyang maging ganito. Sa tingin niya ay wala siyang karapatang maging masaya lalo pa at nawala si Margaret ng malungkot. Umalis ito sa mundo ng puno ng hinanakit. Pakiramdam niya ay magiging unfair siya kung magpapatuloy ng gaya ng dati… ***** Kinabukasan… Nagising si Arielle ng around 3:00 a.m. Alam niyang hindi na siya makakatulog pa kaya naisipan niyang mag-open ng WiFi at mag-browse sa f*******:. Kaagad nadagdagan ng tatlo ang friend request sa kaniya. Daphne Dale Montes. Jasmine Elise Aguilar. Kevin Drake Evans. ‘Wala siya…’ Napailing siya sa naisip. ‘What am I thinking? Bakit ba parang umaasa ako?’ Pinalis niya ang iniisip at nag-open ng Messenger. Nadagdagan rin ang message ni Daphne kagabi. "If may kailangan ka. Just feel free to ask. We're very much willing to help. ??" Totoo ang kumakalat about kay Daphne. She’s a sweet girl. Masarap siguro siyang maging kaibigan, but then hindi siya nag-shift ng course to make friends, nagpunta siya doon para sa ibang bagay. Nag-scroll siya at may isa ring galing kay Jasmine. "Hi girl.. You're done with our homework?? If not, just say so. We’re very much willing to help…" They were trying to connect. But just like what she said, she’s not into this. And that’s her decision… So just like the other night, she turned off her internet connection, but this time she also turned off her cellphone. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD