CHAPTER TWENTY

1625 Words
Pagpatak ng 6:05 ay nasa school na si Arielle. Dumiresto muna siya sa library. Seven pa ang start ng klase niya pero sinadya niyang pumasok ng maaga ngayong araw. She needed to look for a book in Finance. She badly needed extra info para sa lesson nila. Unfortunately, wala ‘yung book na kailangan niya. Minabuti niyang bumalik sa Librarian para magtanong kung saan shelf pwedeng makita ang book. "Limang copy lang iyon, iha. May naka-out ng tatlo. May dalawa pang nandiyan, unless na lamang may kasalukuyang gumagamit,” tugon nito nang magsabi siyang wala na sa shelf ang book na hinahanap niya. "Ah, okay po. Thank you po," tumatangong saad niya bago bumalik sa paghahanap ng libro. Bumalik siya sa harap ng shelf na sinabi ng Librarian kanina. ‘Baka nga may nakakuha na. Ibang book na lamang kaya…’ Kung hindi lang kasi iyon ang sinabing reference ng professor nila, hindi siya magpapakahanap ng ganito. "Looking for this?" Napapitlag siya ng may magsalita sa likuran niya. Dagling nilingon niya ito. “Keith?” maang na anas niya. Yeah, he’s there, holding the book she was looking for. "Yes, I need that. Pero kung kailangan mo ay okay lang. I could find another book," nag-aalangang tugon niya sa tanong nito kanina. Akmang tatalikod na sana siya nang muli itong magsalita. "No. I'm actually done. Maaga akong pumasok para rito. You can borrow this if you want." Medyo seryoso ang mukha nito, but not that cold. It’s just... Never mind… Pinigilan niya ang sariling mag-isip. Hindi niya masisisi ito. After what she said yesterday. Hindi malabong maging aloof ito. "You sure?" paninigurado niya. "Yep. Here," sagot nito sabay tango. Iniaro nito ang aklat sa kaniya. Nag-aalangang inabot niya ang libro. "Thanks you, Mr. Ba—“ "Let’s drop the formalities. It’s just Keith. As simple as that." He gave her a wink and a little smile before he turned his back. Kinuha nito ang bag sa mesa at isinakbit bago naglakad palayo. She wanted to say something more, but she’s afraid it would leave a wrong impression. After all, it’s her choice to live like this, to be like this. She sighed and looked for a place to study. Perhaps solitude would be better. KEITH walked away from Arielle with a heavy heart. Its kinda hard knowing she needed a friend at her side, maybe not this time, but she would gradually needed it. Lumayo siya sa dalaga hindi para lumabas na ng library. He looked for a better spot kung saan ay malaya niyang mapagmamasdan ang dalaga. He took his notes para gawing props. As he sat there, he secretly watched her. He didn’t know what he was up to. All he knew was she lost someone she loved, she’s sad, and still in grief. She needed someone at her side. Losing someone you love wasn’t an easy thing, and it would never be. Time would pass, but the ache would still be there. It’s a matter of time and acceptance before it’s totally gone. And his gut was telling him to be there; even for the meantime. ***** NAKAHALUMBABA si Arielle habang nakikinig sa professor nila na abalang-abala sa pagdi-discuss. Ten minutes na lamang at magbe-bell na. Breaktime na naman. Palihim siyang sumulyap kina Katrina. She was hoping na wala silang gawin ngayon. She really wanted to keep it low. For now. Kanina nang dumating silang dalawa ay tahimik lang ang buong room. Walang pasaring, walang pang-uuyam o kahit ang sulyapan siya’y hindi nila ginawa. Hindi niya tuloy alam kung dapat ba siyang matuwa o mas dapat bang humanda siya. 'They won’t leave you until you're scarred.' Iyon ang palaging nagiging expression nina Jess at ng ibang kaibigan nila kapag napapag-usapan sila ng grupo. And Arielle knew that they weren’t finished yet. Umayos na siya ng upo at ibinalik ang tingin sa professor niya. She was looking down at her wristwatch. "Well, that's all for today. Class dismissed!” Biglang saad nito bago niligpit na ang gamit at umalis. It was her turn to look at her watch. 'We still have 5 minutes. Ang aga naman ata niyang i-dismiss kami. Well, never mind.' Mabilis niyang nilipit ang mga gamit at walang lingong-likod na lumabas ng silid. She had to get out of here and get out of their sight. Tiyak kukulitin na naman siya nina Jasmine at Daphne. Hindi naman talaga sa kukulitin. They were just trying to make friends. Isang bagay na hindi niya kailangan ngayon. Isa ring rason bakit mas pinili niyang dumistansya kina Jess. Dumiretso siya sa comfort room. Walang katao-tao sa loob. Wala ring tao sa loob ng sampung cubicle. In no time tiyak na mapupuno na naman ito ng mga babaing magre-retouch ng kani-kanilang make-up. So, she did what she should do. Naghuhugas na siya ng kamay ng marinig ang ang malakas na tawanan sa labas. Dismissal na din ang ibang department kaya tiyak anumang oras ay mapupuno na ang comfort room. Nagmadali siya sa paghuhugas ng kamay. Sinipat ang sarili sa salamin. Hindi maikakailang may malaking pagbabago sa sarili niya. Physically and emotionally. But this wasn’t the right time para isipin ang sarili niya. Pagkapunas ng kamay ay kinuha niya na ang bag at isinakbit sa balikat. Palabas na siya nang salubungin ng mga babae. Sabay-sabay silang pumasok at mukhang taga ibang department ang iba dahil sa suot na uniform ng mga ito. Tumabi siya at hinintay na makapasok silang lahat. Ngunit ang nakapagtataka ay lalo pa silang humarang sa daraanan niya. "Excuse me,” she said gently. Sumenyas siya at lalagpasan sila pero wala man lamang natinag sa mga ito. Labis pa niyang ipinagtaka ay nang magngisihan pa ang mga ito. 'Gosh. I smell something fishy here.' Taas-noo niya silang tiningnan. "I hope you won't mind kung makikiraan ako," seryoso niyang wika. Tumaas ang sulok ng labi sa isa sa mga babae. Mukhang isa ito sa mga babaing naglilider-lideran. Base sa suot nitong uniform ay Third year student ito ng Tourism Department. Gray undershirt, black coat, black skirt, black stockings and black stiletto. Ganun din ang suot mga kasama nito at ang iba... Wala sa loob na napailing siya... They were her classmates from her current class. 'Desperate Katrina' "Well, I mind." Taas noo at mataray na wika ng isang babae. Humalukipkip pa ito pagkaraang pumwesto sa daraanan niya. Hindi siya nagsalita. Sa halip ay nagkibit-balikat na laang. "Tell me, ano bang meron sa iyo at init na init si Katrina sa presensiya mo?" taas kilay pa nitong tanong. "Tinatanong pa ba iyan? Just look at her face and you'll see how much disgusting she is," sagot ni Katrina habang papasok sa loob ng C.R.. She's flipping her long curly hair. Kung hindi lamang kasalanan baka kinalbo niya na itong maharot na babaing ito. She snorted. 'Look who's talking.' "Ano na naman bang kailangan ninyo?" Diretsa niyang tanong. Hindi siya natatakot sa mga kasama nito. Kaya niyang pabagsakin silang lahat pero she meant no harm. Kapag nasangkot pa siya sa isa pang gulo tiyak na mag-aalala sina mommy at daddy. "What I want? Gusto kong burahin ‘yang nakakaiyamot mong mukha dito sa mundo," galit na tugon ni Katrina. "That's too murderous. Don't you know that?" she sneered. "Relax, Katrina. We'll handle this. Sa ibang paraan natin lalaruin ang isang ito," kalmadong pahayag naman ng babae uli. But the look at her face, tiyak palaban din ito. Sa ibang paraan lamang. She stared at her I.D. 'Sheena Gomez' So, that's the reason why her face looked familiar. Isa siya sa campus princesses. "Girls, hold her. Let’s just teach her some lesson para naman kahit papano madala siya." Nakangiting utos ni Sheena. Agad namang kumilos ang mga babae. Sabay-sabay nila siyang dinaluhong. Hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataong mabilang kung ilan sila. May humawak na lamang sa magkabilang kamay niya at itinulak siya sa dingding ng C.R. Nagpumilwag siya pero mukhang mahihirapan siyang kumawala dahil sa dami nila. Hindi naman halatang nagsigurado na sila ngayon. "Hindi ka talaga patas lumaro, ano?" matapang pa ring anas niya kay Katrina sa kabila ng kondisyon niya ngayon. "Dapat alam mo na iyan bago mo pa ako kinanti," nakangising balik ni Katrina. Sumandal ito sa may sink at siyang-siyang tiningnan siya. “Para kang tigreng nasukol. Nakakatawa. Kung hindi ka na lang lumipat ng department, palalagpasin ko na lang sana lahat.” "You mess with my sister." "Oh, your stupid sister. I never thought na magkapatid pala talaga kayo. ‘Yung Margaret na ‘yun na pansamantalang nilaro ni Nico habang magkahiwalay kami. I pity her stupidity. Hindi man lamang siya nakahalata na niloloko na siya…" Nang-uuyam ang bawat salita nito na lalong nagpapainit sa ulo niya. "How dare you! Wala kang karapatang pagsalitaan ng ganyan si Marj. Ang kapal-kapal ng mukha mo!" Nagpumiglas siya. Nanipa. Gusto niya itong saktan. Gusto niya itong sampalin o kung maaari lang, pagmumukha nito ang buburahin niya. "Awww… Nakakaawa ka naman.. Wala ka bang magawa ngayon?" panunuya pa nito bago humalakhak. Nakitawa rin ang iba. "Oh, ano pang hinihintay mo, Katrina? Start the game. The stage is all yours," makahulugang sabi ni Sheena. "Of course… The pleasure is mine. Tiyak pagkatapos nito baka hilingin mong hindi lamang bumalik sa department mo kundi pati ang lumipat ng school," siyang-siyang turan ni Katrina. Naglabas ito ng cellphone mula sa bulsa. "I really love this…" komento ni Sheena bago tumabi kay Katrina. Mukhang nasisiyahan ito sa ginagawa ng kaibigan. At mukhang alam niya na ang gagawin nila. That Sheena! This was her way para magpatumba ng kalaban para lamang manalo bilang Campus Queen. She'd done this before. And this time, they were going to do it to her. But, she’s not going to let them do this. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD