CHAPTER TWENTY-ONE

1852 Words
Aminadong may kabang nararamdaman si Arielle sa maaaring mangyari. Pero ang kabang nararamdaman niya ay hindi para sa sarili kundi para sa mga magulang. They wouldn’t be happy kapag nalaman nila ito. Or worst malaman nila ang totoong dahilan kung bakit siya nagpalipat sa B.A. Department. Hindi nila pwedeng malaman. Wala silang malalaman. Nagwala muli siya. Ginamit niya lahat ng lakas pero hindi maiikailang nahihirapan siya. "Start undressing her," utos ni Katrina sa ibang babae na nakatayo lang sa gilid. "D@@n you! Katrina. Walang hiya ka talaga!" May dalawang babaing humawak sa magkabilang gilid ng blouse niya at walang sabi-sabing hinila iyon. Nagtalsikan ang ilang butones. Bahagyang lumabas ang beige sports bra na suot niya. "Stop! Mga walang hiya kayo! Tulooong!" malakas niyang sigaw. Nagtawanan sila.. "Gosh! Mas masaya pa ito sa inaakala ko," tumatawang pahayag ni Katrina habang hawak ang cellphone at patuloy na nagvi-video. "But masiyado siyang maingay… Cover her mouth. Mahirap ng may makarinig at makita tayo." Agad kumilos ang mga babae pang kasama nila. May humawak sa mukha niya. May isa namang nagpulupot ng panyo sa may bibig niya. "That's better. Just make sure not to cover her face," Nagniningning ang mga mata ni Sheena dahil sa kasiyahang makitang nahihirapan siya. Gusto niya nang mapaiyak pero pinigilan niya. Wala siyang balak magpakita ng kahinaan sa harap nila. Hindi ngayon. Hindi kailanman. "Hmmmpppp." “Sige, magwala ka lang,” saad ng isang babae. “Anong isusunod natin?” tanong naman ng isa. “Oh, I think she'll be better without those skirts,” kumikiling-kiling pa ang ulong maarteng turan ni Katrina. Hindi nawawala ang mapaglarong ngiti sa mga labi nito. Naghahalo na ang kaba at takot niya. 'Kung may nakakarinig man... Please, tulong!' May naglapitan pang babae sa kaniya. Hindi niya na maintindihan ang nangyayari. Ang malinaw lamang sa kaniya ay ang mga tawanan nila, ang mga panunuya nila. Nakakaramdan din siya nang panghihina dahil sa paulit-ulit na pagsubok kumawala. Gusto niya ng sumuko. Ito ba ang bunga ng mga pabigla-bigla niyang desisyon? Kung hindi niya ba sila sinugod noon, aabot ba sa lahat ang ganito? Pero sinaktan ka nila Margaret. Sinira nila ang buhay mo. Inagaw nila ang buhay mo. At bilang kapatid, hindi siya makakapayag doon. Hindi niya mapapalampas iyon. Hinding-hindi niya pagsisisihan ang naging desisyon niya. Pinakiramdaman niya ang kamay na hawak ng mga babae. Tumigil na siya sa pagwawala. Kailangan niyang kumalma. Mag-isip. Hindi madali pero kailangan niyang subukan. Iginalaw-galaw niya ang kamay at daliri. Nang makakita ng pagkakataon, hinawakan niya ng mahigpit ang braso ng isa at mariing idiniin doon ang kuko. Napasigaw ito kaya bahagyang lumuwag ang pagkakahawak sa kaniya. Sinamantala niya iyon at pinagalaw ang kamao. Hindi niya alam kung kanino tumama iyon pero dama niya ang pagtama ng kamao niya sa panga ng isa sa mga babae. Dadaluhungin pa sana siya nang iba kaya nanipa siya. Ang kaninang tawanan ay napalitan ng sigawan at ng mga utos na hawakan siyang mabuti. Pero nandoon na naman siya sa punto na bumabalik ang sakit, ang sakit na mawalan ng dahil sa kalokohan at panlilinlang ng ibang tao. May pumigil muli sa kaniya pero ngayon ay nagpilit siyang manlaban. Wala siyang pakialam kung sino o kung saan tumatama ang mga atake niya. May nagsisigawan at nagtatawanan pero kahit iyon ay inignora niya. Hanggang sa isang malakas na kalabog ang bumasag sa ingay sa loob ng comfort room. Naramdaman niyang binitiwan siya nang ilang nakahawak pa sa kaniya dahilan para mawalan siya ng balanse at mapaupo sa sahig. “Nalint*kan na!” mura ni Katrina. “Tara na!” dinig niyang irit ni Sheena. Nasundan na iyon ng malakas na irit at mabibilis na yabag palayo. Hindi niya pinansin iyon at pilit iniipon pa ang lakas. Nanghihinang inalis niya ang nasa bibig. "Arielle!" may malakas na tumawag sa kaniya. Bago pa siya nakapag-angat ng tingin ay may yumapos sa kaniya. Nagsimula na naman siyang magwala. "Keith! Si Arielle!" sigaw pa ng tinig babae. Kung hindi siya nagkakamali ay tinig ni Daphne iyon. Naramdaman niyang may nagpatong ng tela sa katawan niya at niyakap siya. "Mga walang hiya talaga iyang sina Katrina! Sumusobra na sila!" Kilala niya ang nanggagalaiting boses na iyon. "Daphne... Jasmine…" Nanghihinang nag-angat siya ng tingin. Nasalubong niya ang malungkot na mga mata ni Daphne na siya palang yumayakap sa kaniya. Naaawa siya sa sarili niya sa mga oras na iyon pero ang mga mata nila. Walang awa siyang nababanaag sa mga mata nila—bagkus ay pag-aalala at pagmamalasakit. "Huwag kang mag-alala. Lahat ng nangyari dito ay dito lang. Walang video na kakalat. Ginagawaan na ng paraan nina Keith at Kevin. I'm sorry kung medyo nahuli kami." Kita niya ang pagsungaw ng luha sa mga mata ni Daphne. ‘Pero bakit?’ Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang sila mag-alala sa kaniya, kung bakit ganoon na lang sila magmalasakit. "Magbabayad ng mahal iyang Katrina at Sheena na iyon," hindi mapakali si Jasmine sa sobrang inis at galit. "Buti pa, magbihis ka muna,” turan ni Daphne bago nilingon si Jasmine. “Jas, nasaan ‘yung extra uniform mo?" “Dala ko dito.” “Help me here.” Hindi pa rin siya nakapagsalita. Kahit nang tinulungan siyang makatayo. Wala siyang makapang angkop na salita ng mga oras na iyon. “Gamitin mo muna ito para hindi ka lalabas ng ganiyan ang itsura,” ani Jasmine sa kaniya sabay abot ng naka-paper bag na uniform. Bumaba ang tingin niya sa nasirang blouse at maruming skirt niya. Buti na lamang at eksakto ang dating nina Daphne at Jasmine. Kung hindi... Hindi niya alam... Muli ay nagbagsakan ang mga luha niya. Sa pagkakataong ito, hindi na lamang dahil ng lungkot kundi pati na rin ng awa sa sarili. Makakalabas pa ba siya sa ginawa niyang ito? Tama ba ang pinasok niyang ito? ***** HINDI alam ni Arielle kung gaano na siya katagal sa silid na iyon pero parang ayaw niya nang lumabas. Hindi niya alam kung paano pa haharapin ang mundo, lalo na ang mga magulang niya. "Heto, kumain ka muna." Napatingin siya sa platong ibinaba ni Jasmine. May laman itong kanin at ulam na adobo. Nagbaba din ito ng bottled water. "Kung ayaw mo ng ulam magtitingin pa ako sa canteen." "No. Okay ito. Salamat," mahina niyang sansala. Nawala lahat ng gana sa katawan niya kaya kahit ano pang ulam o pagkain ang ihain sa kaniya ay hindi siya makakakain. Umupo sa kanan niya si Jasmine habang kumakain ng isang bowl na vegetable salad habang si Daphne ay naupo sa kaliwa niya dala ang sariling plato na may kapares ng sa kaniya. "Kumain ka muna para magkalakas ka. Huwag ka ng mag-alala. Nakausap ko si Kevin kanina at pabalik na sila. Isa na lamang at wala ka ng aalalahanin. Kung iniisip mo si Sheena pagkatapos ng nangyari, matututunan na nilang mali ang ginagawa niya…” Nilingon niya si Daphne. “I know her.” “We also knew her. Matagal niya ng laro ‘yung ginagawa niya para maka-advance bilang campus queen. Pero imposible nang mangyari iyon ngayon,” sabat ni Jasmine. Nagtatakang binalingan niya ito. "Just stick to us at hindi kami makakapayag na makalapit sa iyo ang bruha na iyon. Tiyak mas bahag pa ang buntot niyon kapag nagkita kayo," pagbibigay-assurance ni Jasmine. Wala siyang pakialam sa kaniya. Mabuti na lamang at walang lalaki silang isinama. Marahil masiyadong napalagay ang loob nila. Pero ang video… Nanginig ang katawan niya sa isiping baka kumalat iyon. Paano kung makarating kina mommy at daddy? Hindi niya makakayang bigyan sila ng kahihiyan o kahit ang makita na naman silang malungkot. Hindi pa nga sila nakakabawi sa pagkawala ni Margaret. "Stop thinking for now… Everything's going to be okay." Nakangiting pahayag ni Daphne. She's really sweet. Matipid siyang ngumiti.. "Thank you." "Anyways…" Masiglang banat ni Jasmine bago bumaling sa kaniya habang hawak ang cellphone. "Is this your account in f*******:?" tanong nito sabay pakita sa kaniya ng cellphone. "Ano ka ba, Jas? Hindi ngayon ang oras para diyan," saway ni Daphne dito. "Gusto ko lang malaman kung natanggap niya ‘yung friend request at message natin kagabi." She cringed. Na-guilty siya sa part na iyon. Lalo pa at sila muli ang sumaklolo sa kaniya ngayon. She’s about to speak when the door suddenly opened. Pumasok roon sina Keith at Kevin. May dalang bag si Kevin na bagama’t seryoso ang mata ay may kakaibang ngisi sa labi. Madilim ang anyo ni Keith ngunit kaagad ding napaltan niyon ng pag-aalala nang makita siya. Agad siyang nag-iwas ng tingin. She told him to leave her alone pero heto at dahil sa kanila nakaligtas siya sa masamang plano nina Katrina. Nahihiya siya rito. “Kumusta?” si Daphne ang unang nagtanong sabay lapit kay Kevin. "Here, take a look at this." Sa halip ay saad ni Kevin. Ibinaba nito ang bag na dala at inihuho ang laman noon. Gayon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang magbagsakan mula roon ang napakaraming magagarang cellphone. “Seriously?” bulalas ni Jasmine. “We forced Katrina to delete everything, but knowing her, we can’t trust her,” salaysay ni Keith sabay pakita ng isa pang cellphone. “So para makasigurado, we collected all their phones.” Malapad ang naging ngisi ni Kevin. Nakaawang ang labing nagpalipat-lipat ang tingin niya sa magkakaibigan at sa mga cellphone na nasa sahig. “We’ll ask someone to look in each phone.” Napamulagat siya kay Kevin bago sa napakaraming cellphone sa sahig. “Did you get all those phones from them?” wala sa loob na naitanong niya. “Yeah, sweets,” proud na turan ni Kevin. “For protection and assurance.” “But how?” “It doesn’t matter how. What’s important is walang lalabas na kahit anong video nang nangyari sa loob ng CR,” si Keith ang sumagot sa tanong niya. Ibinaling niya ang mga mata sa binata. Gusto niyang mahiya dito, lalo na kapag naaalala niya ang nangyari sa loob ng C.R. She’s helpless and lame. Ang tapang niyang sabihing ‘wag silang makialam pero hindi man lang siya nakapalag kanina. “Wala kang dapat ikahiya sa nangyari sa loob. Kung may dapat mahiya ay sina Katrina at ang mga kasama niya. Those kinds of act are just for filthy, foolish, and single-minded people.” May riing pahayag ni Keith nang napansin ang reaksyon niya. “Sila ang nagsimula ng gulo. Sila ang gumulo ng buhay mo, ninyo, but then they never realized their mistakes. Naging proud pa sila. What brought you here is the effect of their actions and the decision you made after all. Ang mahalaga ngayon ay hahayaan mo bang sa simula pa lang ay talo at magmukhang mahina ka na?” Tinitigan niya ang binata. Simula nang mawala si Margaret, wala na siyang pakialam sa sinasabi ng iba. Ngunit ng dahil sa tanong ni Keith, pakiramdam niya, magiging mahina din siya sa paningin nito kung ngayon pa lang ay susuko na siya. Siya si Arielle Kim Oliviera Villaluz at hindi siya mahina. Kung kinakailangan niyang bumangon nang paulit-ulit, gagawin niya. Lalaban siya hanggang sa huli. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD