CHAPTER TWENTY-TWO

1248 Words
Mag-isang naglalakad palabas ng campus si Arielle. Labas na rin ang ilang department. Inaasahan niyang may kahit sino sa mga babae o kahit si Katrina o ang mga alagad nito ang bigla na lang sasalubong sa kaniya upang harangin o pasaringan na naman siya. Ngunit nakapagtataka na wala kahit sinuman sa kanila ang nasa paligid. Hindi siya nakakatiyak kung ano ba talaga ang ginawa nina Keith. Tila ayaw niyang maniwala na humingi lang sila ng tulong sa Student Council pagkatapos ay okay na ang lahat. Alam niyang may mas malalim pa silang ginawa. Kung ano iyon, hindi siya nakakatiyak. "You’re going home alone?" Napapitlag siya ng biglang may magsalita sa likuran niya. Nilingon niya ito. "Ikaw pala, Keith?" "I'm sorry. Did I startle you?" Nag-aalangang tanong nito. Pinilit niyang ngumiti. "No, you’re not." "Well, are you going home alone?" tanong ulit nito. Tumango-tango siya. "Magta-taxi ako." “How about your car? Naayos na ba?” “Yes.” “Ayaw mo pa lang gamitin?” Wala sa loob na nakagat niya ang pang-ibabang labi. She shook her head. “Not really.” Tinitigan siya ni Keith. Nakikita niyang gusto nitong magtanong pero nag-aalangan lang. “Actually, hindi pa ako allowed gumamit ng kotse ngayon,” nahihiya niyang wika. “Oww. Sorry about that.” Napakamot sa batok si Keith. Ngumiti na lang siya at medyo binilisan ang paglalakad. Ayaw niyang maging bastos kay Keith pagkatapos ng naging tulong nito at ng mga kaibigan nito. Pero hindi ibig sabihin noon ay open na siya sa friendship na iniaalok ng mga ito. Kagaya noong unang desisyon niya, ayaw niyang idamay ito sa kung anong gulo meron siya. "Then, let me walk with you," biglang deklara ng binata. "No, its fine," maagap niyang sansala. “I can handle myself.” "I’m taking no for an answer." “But Kei—“ “You don’t have to trust me yet, Arielle. Sasamahan lang kita maglakad hanggang sa makasakay ka. You don’t have to say anything or force yourself to talk to me.” ‘Arielle…’ Mas kilala siya sa pangalang Kim kesa Arielle. Madalas nababaduyan siya kapag naririnig ang pangalan niyang iyon dahil hindi siya sanay. But hearing it from him was different. Idagdag pa ang mga sinabi nito. Hindi niya talaga maunawaan kung bakit ganito ito sa kaniya. “I really don’t understand why you’re being like that?” mahinang aniya. This time sa halip na bilisan ang paglalakad ay naging mabagal ang paglalakad niya. Tila ba isinasabay sa ritmo ng usapan nila. “That’s also a question for me.” “Huh?” Bahagyang tiningala niya ito. “I’m being honest, Arielle. Hindi ko alam. Or maybe I just really wanted to help you.” Natahimik na lang siya sa sinabi nito. Bumaba ang tingin niya sa sementadong kalsada bago sa nagdadaanang sasakyan. Gusto pa niyang magtanong sa binata pero natatakot siya sa kung ano pang maaaring marinig niya. Gusto niyang alamin kung naaawa lang ba ito sa kaniya o talagang genuine na gusto nito siyang tulungan. Ngunit ang matigas niyang puso ay ayaw nang makinig at sumunod. “I don’t want to drag you and your friends in my problem, Keith,” bulong niya habang naglalakad. “You’re not dragging us. Concern lang din sila gaya ko.” Nauubusan na siya nang ikakatwiran dito. Marahas niyang tiningala ito. “Hindi titigil sina Katrina hanggang nak—“ “Alam mong hindi sila titigil pero pinili mong lumipat ng department. We know the consequences of our actions, Arielle. Gaya ng kung paanong alam mo rin ang sa iyo.” Habang nakatitig siya sa binata ay wala siyang makita kundi ang matinding determinasyon. Hindi naman maiikaila na kahit anong sabihin niya, na kahit anong paliwanag niya, nagagawang lusutan ni Keith. Nakuyom niya ang kamao. Sa daloy ng usapan nila, hindi paaabog si Keith. Mas mabuti pang itigil na nila ang usapang ito. “Uuwi na ako,” sa halip ay paalam niya sabay para sa paparating na taxi. “Thank you, Keith. Good bye.” Mabilis niyang paalam sa lalaki. Hindi niya na hinintay pang magsalita ito at nagmamadaling sumakay sa loob ng taxi. Tumakbo ang taxi pero hindi niya na nilingon pa ang binata. Ayaw niyang makita ang mga mata nito o mukha nitong nag-aalala. Ayaw niya nang maranasang ma-attach at muling malayo sa kanila. Masakit maiwan. Masakit ang mawalan. At ayaw niya nang maranasan muli iyon kapag na-realize nila ang pinasok nila. TINANAW NI Keith ang papalayong taxi kung saan sumakay ang dalaga. Sapat na sa kaniyang malaman na makakauwi ito ng maayos. She had enough for this day. At sana hindi ito sumuko dahil ng nangyari ngayong araw. Nang tuluyan nang nawala sa paningin niya ang sinasakyan ng dalaga ay naglakad na rin siya palayo. Halo-halo ang emosyong nararamdaman niya ngayon. Nagagalit siya dahil sa ginawa ni Katrina at ng mga kasamahan nito. Nag-aalala siya para kay Arielle. At nalilito siya kung bakit ganito na lang siya mag-alala para sa dalaga. Hindi pa niya lubos kilala ito pero pakiramdam niya ay matagal na niyang kilala ito at ito na ang panahon para bumawi siya sa lahat. Nagpakawala siya nang malalim na buntong hininga. Bumalik siya sa rutang dinaanan nilang dalawa kanina hanggang marating ang kotse na nakaparada sa gilid ng school. Pwede na siyang umuwi at magpahinga rin. Hopefully ay magawa niya. ***** ‘Masasanay din ako…’ bulong ni Arielle habang naglalakad patungo sa kaniyang silid. Pag-uwi niya wala pa rin ang kaniyang mga magulang kaya siya lang at ang mga maid ang nasa bahay. Gaya nang inaasahan, nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa kaniya sa bahay. Narating niya ang tapat ng silid. Akmang bubuksan niya iyon para lang tumigil muli. Ilang sandali siyang nakatungo sa harap ng pintuan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawaglit sa isipan niya ang nangyari sa loob ng C.R. kanina, ang mga salitang binitawan ni Katrina tungkol kay Marj. Hindi niya kayang tanggapin at sikmurain lang iyon. Binitiwan niya ang seradura ng pinto at humarap sa bahagi kung nasaan ang silid ni Margaret. Bago pa niya namalayan ay kusa nang gumagalaw ang mga paa niya patungo sa silid ng half-sister. Humakbang siya. Mabagal ang bawat paghakbang na para bang anumang oras ay maliligaw siya ng daan. “Kailangan mong subukan…” bulong pa niya sa kabila ng pamimigat ng mga paa. Sa bawat hakbang na ginagawa niya ay parang bumibigat ang dibdib niya. Kumakabog ang puso niya at pinagpapawisan siya dala ng matinding kaba. Ayaw niya ng tumuloy pero sa tuwing naaalala niya ang mga sinasabi nina Katrina tungkol kay Margaret, bumabalik ang matinding kagustuhan niyang makapasok sa loob ng silid ng kinakapatid. Na para bang hinihila siya na pumasok roon. Nang marating niya ang silid ay hinawakan niya na ang seradura ng pinto. Hindi pa rin naaalis doon ang “Don’t Disturb” sign. Madalas nitong ilagay iyon sa tuwing nagsosolo itong kumanta sa loob. Ayaw nitong magpaabala sa kanila. Ayaw din nitong pinapanood itong kumanta o kapag gumagawa ito ng sarili nitong cover kuno. Paminsan-minsan ay tinutugtugan sila ng kaniyang mga magulang ng gitara pero mas madalas gusto nitong nakakulong sa silid kapag gumagawa ng sarili nitong awit. Hinigpitan niya ang hawak sa seradura at marahang pinihit iyon. Bumilis ang kabog ng dibdib niya nang bumukas ang pinto. Handa na siyang pumasok sa silid, harapin kung anumang takot na nararamdaman niya, unti-unting tanggaping ang nangyari sa half-sister ay parte ng buhay. May nawawala at umaalis kahit ano pang ating gawin. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD