bc

Addicted with your Kiss

book_age16+
22
FOLLOW
1K
READ
fated
friends to lovers
boss
maid
comedy
sweet
bxg
first love
sassy
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

"Be my Housemaid, kapalit ng 2 million ay ang paninilbihan mo sakin."

Paano kung sa kabila ng kawalang pag asa mo sa buhay ay may isang tao na handang sumalba sa'yo mula sa pagka lugmok at tulungan kang bumangon kahit na hindi ka niya kilala?

Isang tao na bigla na lang susulpot sa buhay mo at magkakaroon ng ng malaking bahagi na siyang babago ng buhay mo?

Ganyan ang buhay ni Maine, sa kabila ng maraming problema niya sa buhay, naging positibo lang siya at pilit na bumabangon upang suungin ang hamon ng buhay. Hanggang sa biglang dumating sa buhay niya si Manu, isang estranghero na ubod ng yaman na handang bayaran lahat ng kanyang pagkakautang na naiwan ng kanyang mga magulang kapalit ay ang dalawang taon na paninilbihan sa kanya bilang Maid nito.

Ngunit nakakasiguro kaya si Maine na bilang maid lang talaga ang intensyon ng kanyang magiging amo? lalo pa at pilyo at bolero ito? at paano malalabanan ni Maine ang tukso kung ang kanyang magiging Amo ay isang pilyo mabango at ubod ng guwapo?

Makayanan kayang pigilan ni Maine ang sarili sa tukso o tuluyan nang bibigay at mahuhulog siya sa puso ng kanyang Amo?

chap-preview
Free preview
Ep1 Meet the makunat na sheriff
MAINE'S POV "Sandali lang!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa narinig kong malakas na kalabog at sunod-sunod na pagkatok mula sa pintuan sa ibaba. "Teka nga lang kasi! Hindi kaba marunong mag hintay?" Yamot ko'ng sabi. Sino ba tong damuhong kumakatok na'to? Ke aga agang nambubulabog nakakainis! Pupuyos puyos akong tumayo sa kama saka bumaba para buksan ang pinto na patuloy pa din ang ginagawang ingay na nanggaling sa labas. Aba't talagang di makapaghintay talaga 'tong tao na 'to,teka nga lang, humanda ka ha. Bumuga muna ako ng hangin sa aking palad tapos ay sininghot ko ang aking sariling hininga, napangiwi ako kapagkuwan. "Takteng yan, ambaho ng hininga ko." Mag to-toothbrush sana ako eh, ang kaso, ayaw magtigil ng taong nasa labas sa pag iingay sa pinto. Makulit ka ha? Sige, langhapin mo ang kamandag ng baho ng hininga ko. Nangigigil ko'ng binuksan ang pintuan at wala akong pakelam kung sino ma'ng tao ang nambubulabog na'to. "Ano ba! Bakit ba ang aga ang ingay mo? Nakakabulabog k--" Napahinto ako sa pagratsada nang aking bunganga nang iwinagayway ng lalaking tabatchoy na pagkalaki-laki ang tiyan ang isang kulay puting papel sa aking harapan. "Ano 'yan?" Naka arko ang kilay ko na tanong tapos ay inabot sa akin ang hawak n'yang puting papel. "Pwede mong tingnan at basahin kaysa sa magtanong ka diyan," Pilosopong turan nito. Aba't napakasuplado ng tabatchoy na 'to, akala mo naman gwapo kung makapagsuplado. Binuksan ko at binasa ang nakasulat sa papel, nakasaad dito na may 2 weeks na palugit nalang ako para makapaghanap ng matitirhan namin kapag hindi ko pa na settle ang bayad sa kanila sapagkat kukunin na nang bangko ang bahay at lupa na'to. Por dios por santo Menggay, ano bang kamalasan na naman to? Haayyy! "Nabasa mo na?" Nang aasar na sabi nito kapagkuwan. Tinaasan ko siya nang kilay, "Obvious ba? nakita n'yo namang gumagalaw ang eyelids at irish nang mata ko diba?so means binasa ko," mataray na sabi ko. "Akala ko sinasaniban ka lang, " may pang aasar na wika n'ya tapos ay nagpatuloy ulit. "So dalawang linggo ha? Kapag wala talaga, magbalot-balot ka na." Ngumisi pa ito na parang demonyo. Akala ba ng baboy na'to ikinagwapo n'ya 'yong ngising 'yon? Mukha siya'ng baboy na sinusumpalan nang mansanas duhh! "Sir naman." Hinawakan ko s'ya sa braso para awatin nang akma na dapat siyang tatalikod para umalis. "Isang buwan pa po please?" Nag pungay-pungay pa ako nang mata habang sinasabi sa kanya ang salitang 'yan. Malay mo naman effective ang pagpapa kyut ko diba? "Ang taray mo nga kanina tapos ngayon nakikiusap ka? hindi pwede,"sabi nito. "Sir naman." Pigil ko ulit sa kanya. "Saan ho ako makakahanap nang dalawang milyon sa loob ng dalawang linggo?" Nagpatuloy na siyang humakbang papunta sa kotse niya pero sinusundan ko parin para makiusap sa kanya. "Bakit ako ang tinatanong mo? Aba malay ko sa'yo! Edi maghanap ka, bakit ako ang poproblemahin mo?" Aba, talagang napaka dry talaga nang siyokoy na'to! Bagay nga sa kanya 'yong itsura at kulay ng balat n'ya, nakaka inis! nakakatuyo nang dugo pramiss! Eh kung tusukin ko kaya ang tiyan niya'ng parang salbabida at nang sumingaw? Relax ka lang Menggay okay?Behave. good girl ka diba? Nag inhale exhale muna ako para kumalma nang bahagya bago ulit nagsalita. "Sinabi ko ho ba'ng kayo ang mamroblema sa dalawang milyon? Ang sabi ko lang ho, hindi gano'n kadali makahanap ng gano'ng kalaking pera. Konting konsiderasyon naman po sana ang hinihingi ko,"mahabang litanya ko na may halong gigil na, hindi nga lang halata, nirerespeto ko pa din 'tong butanding na'to kahit papano. "Andami mo pa'ng sinasabi, nakakarindi 'yang bunganga mo." Tinanggal nya ang pagkakahawak ko braso n'ya tapos ay binuksan ang pintuan ng kanyang kotse. "Basta gawan mo nang paraan! ang kailangan ko ang bayad sa utang mo, hindi ko kailangan 'yang putak mo o 'yang pakikiusap mo, pag walang settlement tapos ang usapan!" Eh nakaka highblood pala talaga 'tong butanding na'to eh! wala na nga'ng looks wala pang puso! haay nakuu! kun'di lang talaga ako tagilid ngayon hindi ako makikiusap nang ganito. "Sir Pogi!" Pang uuto ko. "Hindi po ako makakabayad agad nang gano'n kalaking halaga sa kaikling panahon." Naisipan ko nang magdrama ng mga sandaling iyon. Syempre kunwari lang. Pa awa effect lang kumbaga, para naman mahabag sa akin si Sheriff na mukhang libagin kahit hindi halata sa pagmumukha n'ya ang pagiging mahabagin. "Sheriff please naman po," syempre with nakikiusap na mata ft. maluha-luha nang konti, para naman paak! pasok sa banga ang arte o divvaaaa?! Nagpatuloy ulit ako sa pakikiusap sa kanya. "Hindi bale ho sana kung ako 'yong golden bibe na nangingitlog ng ginto eh, oh 'yung may genie in the bottle na pwedeng humingi nang wishes or may superpowers na kaaagad magkakapera, kaso hindi eh. Isang pipitsuging mahinhin na dalaga lang ho ako. Isang magandang dilag na nahulog dito sa lupa, na pinaulanan nang kagandahan nang mukha, na nangangarap umangat ang buhay at kumawala sa putik." With matching emotional feelings pa 'yon ha? huwag na kayong umangal. "Huwag naman ganito Sir. Pleaasseee?" inalog-alog ko ang kanyang balikat tapos ay kinurot-kurot ang pisngi n'yang pagka tigas. Nakunat na ata ang taba sa mukha kaya gan'to. Pero imbis na maawa, parang nainis pa ata sakin. Madilim ang kanyang mukha na tumingin sa maganda kong mukha, tapos ay ibinuka ang bibig. "Tantanan mo nga ako!" Iritado n'yang saway sa ginagawa ko. "Hindi ka lang maputak ano?Luka luka ka din pala! daig mo pa si Sisa sa pagkabaliw, diyan ka na nga!" Pumasok na siya sa kanyang kotse at ini-start ang makina nito. Napangiwi ako sa sinabi niyang iyon. Ako? tinawag na baliw ng lalaking 'to? maputak? wow ha?! Talagang sinusubukan mo ang super powers ko hukluban ka ha! "Hoy matandang salbabida na malaki ang tiyan na mukhang butete na nanggaling sa laot! " Hindi ko na napigil ang sarili ko sa inis. "Wala kang puso! nakikiusap na nga ako tawagin mo ko'ng baliw! hindi ako baliwww!!" Umuusok na ang ilong ko sa inis habang ang Sheriff na 'to e tumawa-tawa lang. "Hindi nga baliw, monggoloid ka lang 'no Ineng? diyan ka na nga at baka mahawaan pa ako ng pagka monggoloid mo, Lukring." Pinaandar na ni'to ang kanyang sasakyan habang ako ay nakatayo at umuusok pa din ang ilong sa sobrang inis. "Akala mo ba pogi ka? hoy buteteng nanggaling sa laot!" habol ko. "Matusok sana 'yang tiyan mo at nang sumingaw ka! ampanget mo!! kahit litsunin ka at ihapag ka sa lamesa, walang kakain sayo dahil sa pait nang lasa mo!matandang hukluban!!!!" "Hoy ate, nabuang ka na naman! wala na 'yang kausap mo." Nasa ganoon akong senaryo nang siya namang dating ng kapatid ko na si Alex na di'ko alam kung saang lupalop ito nang planeta nanggaling. "Saan ka ba nanggaling dwende ka? Kung hindi ka umalis di'ko sana makakasagupa 'yong nilitson na butete na 'yon!" Pinaikutan ko siya ng mata at pumasok ako sa loob saka sumunod naman si Alex sakin. "Magtoothbrush ka nga muna Ate bago ka magpu-putak d'yan, ambaho ng bibig mo!" Nanlalaki ang butas ng ilong ko na sabi ng aking kapatid. "Aba, ikaw na nga ang nakiki-amoy, ikaw pa ang ma-arte? Ikaw ang mag adjust," nanunudyong sabi ko. "Kadiri ka naman!" nakangiwi na wika niya."Na take mong kausapin 'yong bisita dito na ganyan ang amoy ng bibig mo?" Inirapan ko sya. "Bisita? B'wisita kamo!" Aalis na sana ako para bumalik sa kwarto pero naisip ko ulit ang sinabi n'ya na may kuryosidad kaya napabaling ulit ako sa kanyang kinatatayuan tapos ay napa-tanong. "Bakit ano nga bang amoy? Mabaho ba talaga?" Curious kong tanong tapos ay nagbuga ulit nang hangin sa palad ko. "Mabaho nga! Ikaw ba namang natulog magdamag tapos tumayo ka sa kama mo na di nagmumumog? kababae mong tao." Nagmistula siyang Tatay na nanenermon sa harapan ko. "Ano nga kasing amoy? natural sarili ko'ng hininga 'to kaya di'ko malaman kung anong amoy," pinaikotan ko pa siya ng mata dahil sa yamot ko sa kan'ya. "Amoy B*rat ate,"sabi lang ni'to. Kumurap kurap ako sa tinuran niyang 'yon. Amoy b*rat? Sa isip ko, bakit nangamoy b*rat ang bibig ko? "Hoooyyy"!! Sa gulat ko ay na hampas ko s'ya. "Aray! Ano ba, magtoothbrush ka na nga te,nakakadiri ka naman!" Panay hampas ko pa din sa kanya dahil sa gulat ko sa sinabi n'ya. "Ambastos mo! hindi pa'ko kumain nang b*rat sa tanang buhay ko para mangamoy ang hininga ko nang gan'on! Lintik kang bata ka!" Tawa nang tawa ang loko, gustong gusto talaga niya ang inaasar ako. "Eh sa nangangamoy nga! Tapos di ka pa nahiya, nakipag-usap ka sa tao na gan'yan ang amoy nang bunganga mo? grabe ka! yaakkkk!!" patuloy pa din sa pang aasar ni'to. . Tumigil ako sa paghampas sa kan'ya tapos ay inamoy ko ulit ang sarili kong hininga. Napangiwi ulit ako na napatingin sa kan'ya. "Oh ano? mabango?" tanong ulit nito na nang-aasar. "Imagine-in mo te,ganyan ang amoy nang Oten na isang linggo'ng di naligo" Sinamaan ko s'ya nang tingin "Hindi ka talaga titigil sa kakasabi n'yan? Babatukan na kita," Pagbabanta ko. Nakakaloka 'tong kapatid ko na'to. Sa dinami-dami pa nang pwedeng ipagkumpara sa amoy, 'yon pa ang sasabihin? napaka berde talaga ng utak. Tsss. "Mag toothbrush ka na kase, oh kaya maligo ka na din. Hindi na kanais-nais 'yang amoy mo eh, amoy bulanglang." Tinaasan ko siya nang kilay. "Nakakahiya sa amoy mo noh? Ikaw nga amoy sabaw nang paksiw nag reklamo ba ako? yuck! sobrang asim, ewww!" "Okay lang, kaysa amoy B. hahahha!" Na asar man ay iiling iling na lang akong iniwanan ang kapatid ko sa sala at pumasok na sa banyo para maka-ligo. May pasok pa kasi ako maya-maya. Ah, oo nga pala, last day ko na din pala ngayon sa trabaho.Natapos na ang kontrata ko bilang Janitress sa isang kompanya. Kailangan ko na nama'ng maghanap ng ibang pagtatrabahuan ko. Gusto ko pa sanang mag extend nang kontrata kaso, hindi na din daw sila tumatanggap nang mga cleaners na babae. Hay! Bakit ba sabay-sabay dumating 'tong mga problema na'to. Una, nawala si Papa't Mama, nasangla ang bahay at lupa dahil sa pagpapagamot nila sa ospital, tapos eto, mawawalan na ako nang trabaho, sumabay pa 'tong pang gigipit nang bangko. Haayy! isa lang ang masasabi ko. Pvtangina!. wala na man akong balat sa wetpaks o nunal sa kipay para makaranas ng kamalasan na ganito, Isang haaayyyy ulit, ano ba 'tong pinag dadaanan ko. Hindi ko pa naman maasahan ang kapatid ko na si Alex, bata pa siya, gusto ko na magfocus muna siya sa kanyang pag aaral, mataas ang pangarap nya sa buhay, at ayokong hindi nya matupad ang pangarap niyang yun. Nangako ako kay Mama't Papa na diko pababayaan si Alex. Ipinangako ko bago sila mawala na hindi ko hahayaang mawala ang isang kayamanan na pinamana nila. Ang bahay at lupa, kaya kahit anong mangyari, ilalaban ko 'to, gagawa ako nang paraan para hindi mailit ng bangko ang nag-iisang kayamanan na galing sa magulang ko. Hindi, hindi ako papayag. Pagkatapos 'kong maligo ay pinagluto ko muna si Alex ng makakain, kumain na din ako tapos ay inayos na ang aking mga gamit saka na umalis. 30 minutes na buhat nang umalis ako sa bahay, dapat ay nasa opisina na ako nang mga sandaling ito. Eh ang kaso, nasiraan nang gulong ang jeep na sinasakyan ko, tapos naisipan pang magpakarga ng gas na pagkatagal-tagal ding nakapila bago makargahan. Inay kopo, malamang raratsada na naman ang bunganga ni Ms. Odette dahil late na naman ako, haaayyy!! Napatampal nalang ako sa aking sariling noo dahil sa kamalasan na nararanasan ko, umagang umaga isang Napaka Pvtangina ulit ang dinanas ko. Hindi kaya't nung nagpa ulan ang Diyos ng swerte at kasaganaan e mahimbing akong natutulog na tulo laway pa? hay! hindi bale, maganda naman ako, ang importante may ganda,kahit na minamalas ka. Smile lang Menggay, kaya yan! pag papakalma ko sa sarili. ******* "Are you sure Son you're going to invest in the company of Mr. Punzalan?" "Why not Dad? If my investing is the only way to save his company from bunkruptcy then I'll take the risk." Wika ni Manu at saka inisa isa niyang binuklat ang mga papeles na sinend sa kanya ng secretary ni Mr. Punzalan at pinirmahan ang mga 'yon. Desidido talaga siya na tulungan ang tatay nang kanyang kaibigan dahil malaki din ang utang na loob niya kay Mr.Punzalan. Dahil sa matanda kaya siya nahubog sa negosyo at wala siya ngayon sa kanyang estado kung hindi dahil sa mga turo at gabay nito sa kanya. " Okay, if you say so. I know you wouldn't say no to somebody who ever needed your help. That's why I'm so proud that you are my Son." Tinapik siya sa balikat ng kanyang ama at niyakap ng mahigpit. "Thanks Dad. I owe a lot to Mr. Punzalan where i am right now, i was turning back the favour." Gumanti siya ng yakap sa kanyang ama. "Anyways Dad, i was having a meeting to Mr.Punzalan this afternoon, i should go, Bye Dad!" Bago umattend sa meeting ay dumaan muna si Manu sa isang restaurant para pirmahan ang mga papeles na inoffer sa kanya ng isang food chain para sa isa pa ding investment. Sa London siya naka stay and He only have 2 weeks of staying here in the Phillipines and as usual puro mga business deals ang dahilan. Umiikot lang ang mundo ni Manu sa negosyo. Isa siyang Kilalang batang negosyante at naging popular siya dahil sa kanyang angking kagwapuhan. Modelo din siya sa ibang mga produkto ng kumpanya na kasosyo din siya at lahat ng kanyang inieendorso ay nagiging click sa masa. Sa kabila ng kanyang pagka popular ay walang oras sa lovelife ang lalaki. Wala siyang panahon magseryoso sa mga babae. Matipuhan man niya ang babae ngunit hindi din nagtatagal ay magsasawa siya dito dahil nga hindi niya makita ang isang katangian na gusto niya sa isang babae. Hanggang sa pagkatapos nang meeting niya sa kumpanya ni Mr. Punzalan ay naglalakad na siya sa hallway palabas ng kumpanya nang may isang babae na nakapukaw ng kanyang atensyon. Mukhang pagod ang itsura nito at tila may hinihintay. Nakaupo ito sa waiting area, nakasandal ang kanyang likod at nakapikit ang mata. Habang pinagmamasdan niya ang babae ay bigla ang pagkabog ng kanyang dibdib at tila may mga paru paro na kumikislap habang lumilipad sa tabi ng babae. "Haaayyy! saan ako makakahanap ng dalawang milyon?" Napatingin si Manu sa babaeng tila problemado dahil base sa narinig niya ang kailangan niya ng malaking pera. Biglang bumuga ng hangin ang babae at bumungad sa mga mata ni Manu ang kabuuan ng itsura ng dalaga na noon ay nakapikit pa din. . Napatulala siya at tila nanuyo ang kanyang lalamunan ng mapagmasdan ang mukha nito. Napalunok siya ng kanyang laway nang mapukaw ng atensyon niya ang mapupulang mga labi nito. Ang biglang pagkabog ng kanyang dibdib ay lalong bumilis at tila pinagpapawisan siya ng butil butil. God! She looks like an angel! sa isip niya. Dahan dahan siyang umupo sa tabi nito at talagang ipinabatid niya sa dalaga na naupo siya sa kanyang tabi ngunit hindi man lang siya pinapansin ng babae. "Hi Miss. Can i have a seat?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook