Ep2 Ms.Lukring Meets Mr.Monggoloid

2520 Words
MAINE'S POV "Charmaiinnnee!!!! Bakit late ka na naman?!" Tila mapuputulan nang litid sa leeg dahil sa kaka-sigaw na bungad sa akin ng balyenang si Ms.Odette. Oh diba tama ako ng hinala? bungad pa lang ratsada na ang bunganga. Minsan nga napapaisip ako, hindi kaya siya ang nawawala 'kong ina? sa kanya ko kasi yata nakuha ang ugali'ng pagka mabunganga, este nahawa pala ako nang pagka mabunganga niya. "Hindi kana talaga nagbago!" Nanggagalaiti na patuloy nito habang nakapameywang. "Simula nag umpisa ka ng trabaho mo pati ba naman last day late kapa din? wala ka na talagang ka usad-usad babae ka!" "Madam naman," angil ko. "May mga araw naman ako na di ako late noh! kung makapag salita ka naman," Nakanguso na anas ko. "At sumasagot ka pa talaga! Naku Charmaine umagang umaga gini-gigil mo 'ko!" At lumabas na naman ang mga pustiso n'yang pagka puti-puti.Gustong gusto ko talagang nakikita s'yang nang-gigigil, ewan ko bakit. Maybe parang nakikita ko yung lola ni Mr.Bean sa kanya. Si Mrs.Wickett ba 'yun? basta 'yung malaking balakang na matanda na palaging naka-simangot. "Sino ho ba kasi'ng may sabi na magpa high blood kayo nang ganyan? kaya tuloy walang nanliligaw sa inyo eh, napaka dry n'yo," pabulong na sabi ko pero narinig pala n'ya. "Aba't ginagalit mo'ko?!" Nakapaywang n'yang sabi na nanlalaki ang mata. "Eh kasi naman Ms.Odette.Wala namang dahilan para ma bwisit kayo nang ganyan. I try n'yo kaya na mag smile, ganito oh!" Ngumiti ako tapos ay pinasingkit ang mata at hinarap sa kanya ang mukha ko. " Siguro kaya ganyan kayo ka dry, wala kayong jowa noh? "pang aalaska ko pa. "Gusto mo ireto kita sa Tito ko? Bagay kayo no'n Madam." Bulong ko sabay hagikgik. Tinaasan ako ng kilay ng bruha, aba aba. "At ano namang gagawin ko sa Tito mong 'yon aber? baka kapareho mo pa 'yon na may saltik sa utak! Naku, tigilan mo nga ako Charmaine!" "Tinatanong pa ba 'yan madam? Edi asawahin mo siya, match made in heaven pa naman kayu nu'n, swak na swak kayo ng ugali." Pinanlakihan lang niya ako ng mata na bumagay naman sa kanya. Ayokong mamintas, bad 'yon hehe. "Ayaw mo Madam? para naman mawala 'yang pagka tuyot nang ugali mo." Pabiro kong sabi pa sa kanya pero mas lamang ang katotohanan. "Charmaiinnnee!! titigilan mo 'yang bunganga mo o pauuwiin kita?!" Pagbabanta nito na parang toro na umuusok ang butas ng ilong. Umayos naman ako tapos ay pilit na ngumiti. "Sabi ko nga aayos na po hehe." Patalikod na'ko ng bigla pa akong humirit ulit. "Ayaw mo nga talaga sa Tito ko Madam? bagay kayo n'on, isang salbabidang butete na galing sa laot tapos kayo na butanding na palaging mainitin ang ulo, oh di'ba perfect match." "Charmaiinnnee!!" At lalo na namang kumapal ang usok na binubuga nang kanyang ilong sabay hagalpak ko nang tawa at saka takbo ko ng mabilis. "Bye Madam Odette! See you Later!" Ang sarap sarap asarin talaga ng buntanding na 'yon. Ewan ko ba, enjoy na enjoy ako'ng nakikita siyang naka simangot. Pero kahit palaging dry si Madam Odette, mabait naman 'yon, sadyang pinaglihi lang talaga s'ya sa mangga'ng piko kaya laging nakukunot at maasim ang mukha. Inborn na n'ya kumbaga. Pagka pirma ni Ms.Odette sa timecard ko para mag inn ay kaagad na'kong nagtungo sa conference room. Kailangan daw kasi na malinis kaagad 'yon dahil may malakihang meeting daw na magaganap ngayong araw at puro mga Big Bosses ang darating. Dalawang oras ang nakalipas bago ko natapos linisan ang buong silid, kasunod ay nagtungo ako sa may stock room saka inayos lahat ng mga kagamitan na nakakalat doon. Nakakapagod kung tutuusin. Imagine, sa laki nang opisina na 'yon, halos ako lahat ang nag lilinis. Minsan nga nakakaligtaan ko na ang kumain sa tamang oras dahil sa dami ng gawain. Ewan ko ba kay Miss Odette, feeling ko tuloy favourite n'ya ako'ng parusahan, parang siya 'yung Step mother ko na wicked witch na walang kapaguran na parusahan ako at syempre, ako naman si Sleeping beauty, este, si Cinderella pala 'yon. It's almost six o'clock nang matapos ko lahat ng trabaho sa opisina, oras na din para umuwi. Kinausap ako ni Ms.Odette na kung pwede pa akong pumasok kinabukas dahil may isa pa daw siyang kwarto na ipapalinis sakin. Oh syempre, hampaslupa tayo, grasya din 'yon kaya sinunggaban ko'na. Hinihintay ko na'lang na lumabas si Ms.Odette para magpa pirma nang timecard nang makaramdam ako nang pagod kaya naupo muna ako sa mga nakahilerang upuan dito sa waiting area. Nag inat-inat muna ako saglit at saka isinandal ang nananakit 'kong likod tapos ay pumikit. Haayyy! ang sarap magpahinga.Thank you Lord! natapos na naman ang maghapon 'ko na maganda pa din, bukas po ulit. Kasabay ng pagpapahinga 'ko ay ang biglang pagpasok na naman sa isipin ko ang tungkol sa bahay at lupa.Paano kung umabot nang dalawang linggo hindi ko mabayaran 'yong utang? Tuluyan na yata talagang mawawala ang nag-iisang pamana nina Mama haayy! Ano ba'ng gagawin ko? Napahilamos ako nang aking mukha. "Haaayyyy! Saan ako makakahap ng dalawang milyon?" Problemado kong bulong sa sarili. " Saang milagro ba ako lalapit para makakuha ako ng gano'n kalaking halaga sa kaikling panahon." Nasa ganu'n ako'ng pagmumuni-muni nang bigla 'kong maramdaman ang paglangitngit nang upuan na kinalalagyan ko. Tapos ay bumaba ang foam n'ya na katunayan ay may naupong tao sa may tabihan ko. "Hi Miss can i have a seat?" Anang baritonong tinig. He have a husky voice yet so masculine na ang sarap pakinggan sa tenga. Eh nakaupo ka'na d'yan may magagawa ba ako, adik ba tong lalaki na'to tch! "Is there something or someone bothering you?" Hindi ko siya pinansin, basta nakapikit lang ako. Bakit ba? nagrerelax ako dito eh, basta ganitong nag eemote ako ayoko nang istorbo. "Hmm.. you look so tired," sabi pa niya. Sino ba 'tong asungot na'to kung maka look tired sa'kin? putak nang putak! feeling close lang? wag mo 'kong kausapin ganitong problemado ako. " Okay." Naramdaman ko ang isang buntong hininga na pinakawalan niya."I think you don't want me to interrupt your day dreaming," wika pa nito. Tsss! ang kulit! konting konti na lang bubusalan na kita! hindi nga kita pinapansin panay putak ka 'pa din! nakakainis! nagpapahinga ako mang iistorbo. Ay wow feeling celebrity ang peg? Gold yarn? Char! "Sorry i don't talk to strangers," yamot na sabi ko. Oy english 'yon ah, mukha kasing ispokening dollars 'yung nagsasalita eh. "Oh well, okay," tumikhim muna ito bago nagpatuloy. "Let me introduce myself to you, I'm Manuel Jenkins, you can call me Manu." Uh? Ba't ba nagpapakilala 'tong lalaki na 'to? Pake ko ba sa pangalan n'ya? "Sorry Sir, don't you see I'm resting here? So be quiet okay?" sabi ko pa pero nakapikit pa din. Tama ba 'yong english ko na 'yon? Ah basta! 'yon na 'yon! Basta may quiet atsaka resting understand na 'yon. "And one more, you not disturbing me okay?I'm I'm," teka ano nga ba'ng english ng pagod? Ah basta! Letse! "I'm sleep you don't make ingay ingay okay?" Mataray ko pa'ng sabi at saka pumikit ulit. Pinakiramdam ko lang siya. Akala ko aalis na siya sa tabi ko pagkasabi ko n'on pero hindi pa pala. " I just want to be friends with you." Ay talaga namang, ang kulit ng lalaki na 'to. "Ang kulit mo din eh no? Para ka'ng monggoloid na 'di makaintindi!" Minulat ko ang mata ko tapos ay hinanap ko s'ya sa aking paningin. Napanganga ako kapagkuwan nang bumungad ang kabuuang mukha n'ya sa aking paningin. Mistula siya'ng bituin na kumikislap sa aking mga mata.Char! kalandian menggay! Pero my gosh! why so gwapo kyahhh?? mukha s'yang matinee Idol! Ang tangos nang ilong n'ya, kulay itim 'yong buhok pero mi-meztisuhin, 'yong mga mata n'ya, mala pusa sa pagka green, 'yong pisngi n'ya na mamula mula,tapos yung labi nya... Ay baklaaaa!enshereeeppp!!! ampula na parang mansanas! ampogeee!!! Hmmmm.. may lahi sigurong kano 'to, hindi pure kano, parang half Filipino, half American, or German? or maybe pure Italian? ah basta! ba't ba 'ko nagpapaka baliw isipin pati nationality nang lalaking 'to? Tch. "What do you mean mongowloiyd?" Anas niya na nakapag panumbalik sa diwa ko. Gano'n talaga kapag slang, ispokening dollars eh, kaya dapat slang bigkasin. "Ah-ah? m-mongoloid?" nauutal na ulit ko. "Yes." tumango tango ito."You said, peyra keng monggowloiyd. Tell me the meaning of that." Napaisip ako saglit. hmmm... at dahil may pagka demonyo 'tong utak ko, may naisip na naman akong kabaliwan. So hindi ka marunong mag tagalog ha Sige nga, WAHAHAHA *evil smile* "You really don't know the meaning of monggoloid Sir?" Inosenteng tanong ko na kunwari ay isa akong super friendly neighborhood. Umiling lang ito. "Okay. I will turo turo you some filipino language, just a simple words okay? but don't ever tell that i'm the one who turo you." Pota! mapapasabak yata ako sa inglishan dito ah. Tumango lang ulit ito na tila bata na excited mag aral. "The meaning of monggoloid Sir, is gentleman. So for example,you are monggoloid." Itinuro ko pa s'ya sa aking daliri habang sinasabi 'yon. "Hmm, so I'm telling myself I'm monggoloid because i am gentleman?" Itinuro din n'ya ang sarili n'ya. "Yes Sir,your monggoloid. And here one, you are boploks and engot too." Kumunot naman ang noo n'ya. "bowplowks? and engowt?" "Uh uh."Tango ko na pinipigilan ang aking pagtawa. Napaka shunga naman nang lalaki na'to. Simpleng tagalog di alam? Jusmiyo marimar! ang chaka pa magsalita nang slang! "What does mean?" "Boploks Sir is handsome and engot is kind." "That's nice uh?" Tila namamangha pa nitong sabi. Ewan ko lang niyan kung di'ka pagtawanan ng mga pilipino mo'ng kakilala, iniistorbo mo'ko eh, "So when tell this to you that,You Sir is monggoloid and very very engot and boploks too." Nasa gan'on kaming diskusyunan nang di'ko namamalayan na nakatayo na pa'la sa aking likuran si Ms.Odette at narinig ang usapan namin na 'yon. Bigla ang pagrehisto nang inis sa kanyang mukha, lumukot ang itsura,nagsalubong ang kilay tapos ay umuusok ang butas nang ilong at ulo habang binibilot ang hawak niyang diyaryo. Napalunok ako pagkakita sa kanya. Isa lang ang maaaring kahantungan ng binilot niyang dyaryo. Ang puntiryahin ang kariktan ng balat ko. "H-hi Ms Odette! And'yan na'po pala kayo hehe." Napakamot ako nang ulo sa sandaling iyon. "Charmaiinnnee!!!" Parang bulkan na sasabog kasabay na nagsilabasan ang litid sa kanyang leeg tapos ay pumula ang kanyang mukha kasabay n'on ay ang paghampas niya sa'kin sa hawak n'yang dyaryo. "Awts! Arayy!! Madam naman!! Ayyyy!!!" Bawat hampas n'ya ay siyang salo ko naman sa bawat hampas n'ya. "Nababaliw ka na talagang babae ka ha?! sabi ko sa'yo 'yang kabaliwan mo huwag mong dalhin dito sa trabaho!" "awts! aray! tama na Madam! aray ko!" "Kilala mo'ba kung sino 'yang kausap mo?!!" Patuloy pa din ang paghampas niya sakin.Nang mapagod na siya ay kusa din siyang tumigil. "Bakit mo siya pinagsasabihan nang ganyang salita ha?!" "Bakit po ba Madam? Wala namang masama sa sinabi ko ah!" Hinahaplos ko pa din ang mga hampas ng butanding na'to. Ang sakit kaya n'on, eh kung siya kaya ang paghahampasin ko! Hmp! Blbalyenang bitter! kawawa tuloy ang makinis kong balat huhu! palibahasa kasi inggit kang balyena ka sa kaseksihan at karikitan ko! Tse! Bumaling ang tingin ko sa lalaki, nakangiti lang itong nakatunghay sa aming dalawa ni Ms.Odette. Pakyut naman tong lalaki na to! kainis ka! kasalanan mo'to! kung hindi dahil sa'yo hindi ako mahahampas kay Balyena! Punyemas ka! Nanggagalaiting usal ko isip. "Luka-luka ka talaga kahit kailan! Sa dinami dami ng pagtitripan mo si Mr.Jenkins pa talaga!" patuloy ni Butanding. "Hala luka luka kaagad?"nakangiwi na sabi ko na nanalaki ang butas nang aking ilong at saka nagpatuloy ulit. "Eh di ko naman siya pinagtitripan Madam eh," dipensa ko sa sarili. "Nagpapaturo lang naman po s'ya ng salitang tagalog at syempre dahil mabait. ang inyong lingkod eh di tinuruan ko siya, di'po ba Mr.Jenkins?" Bumaling ako sa lalaki tapos ay matamis siyang ngumiti sakin. Juiceko! grabe naman ang lalaking ''to kung makatingin, nakakapanginig ng kipay este tuhod. "Yes, Ms.Odette, Tinuturuan lang nya ako nang some filipino words," wika nito. "O diba Madam, Sabi ko sa inyo e nagpapatur----" Napatigagal ako sa aking narinig. Napatitig ako sa mukha n'ya na laglag ang panga. Nanunuyot ang aking lalamunan na napalunok nang laway. Tila di ako makagalaw sa aking kinatatayuan,para akong binuhusan nang malamig na tubig at di ako makahupa sa pagkabigla nang marinig ko siyang magsalita. Tama ba yung narinig ko o nabingi lang ako? marunong siyang magtagalog? matatas siya sa wikang pilipino? Ay! Putragis na yan! Para akong sinilahan sa pwet ng oras na 'yon, napabaling ako sa mukha ni Ms.Odette, nakarehistro pa din ang mukha ng Lola ni Mr.Bean sa kanya, oh maygad! Pinagpapawisan 'yong kili-kili ko! Uhhgh! Bumaling naman ako sa mukha ng lalaki. nakatingin pa din s'ya sa akin na nakalabas ang mapuputing mga ngipin. Tila naman nabasa ng mokong na'to kung ano ang nasa isip ko kaya nagsalita ulit s'ya. "Tama ang narinig mo Miss. can speak tagalog." Nag wink pa siya na hindi tinatanggal ang mga ngiti sa kanyang labi. Napasinghap ako sa narinig. Omaygad omaygad! tila ako ay mahihimatay sa sobrang kahihiyan at hinihiling na lang na lumubog sa aking kinatatayuan. Napapikit ako.. tapos ay napatingala saka napabulong. "Oh brilyante ng lupa, Inuutusan kita ngayon din! Buksan mo ang lagusan dito sa lupa na aking kinatatayuan at lumunin mo'ko, alisin mo ako sa harapan nang dalaw-----" Napahiyaw ako ulit nang maramdaman ko ang sunod sunod na hampas na naman sa akin ng balyenang bitter na si Ms.Odette. "Aray! Aray!awwttsss! Ms.Odette aray!!ang sakit kaya!" Ilag ko naman sa mga hampas niya habang nagrereklamo. " Nako Charmaine ha! hindi ka yata naka inom nang gamot mo sa utak? daig mo pa ang retarded ha! Ba't di mo tigilan 'yang kabaliwan mo! nag ala Sanggre Danaya ka naman ngayon?Eh kung ako kaya mismo ang magbaon diyan sa kinatatayuan mo at nang makita mo ang hinahanap mo?" "Awts! Wag naman Madam hehe, sige ka, Kapag ginawa mo 'yan isasama kita, hihilahin ko yang paa mo para happy tayong nakabaon sa lupa together diba?"Pang aasar ko. "Aba't tigil tigilan mo'ko ha! Haaayy naku baliw na babae ka! nangungunsumi ako sa'yo! Babatukan ulit kita! Di'ka nahiya di'yan! pati kay Mr.Jenkins idinawit mo d'yan sa kabaliwan mo! Humingi ka nang tawad sa kan'ya bilis!" Pasigaw na mando n'ya sakin. "No Ms.Odette!" Awat nang lalaki. "She doesn't need to apologize.It's alright. Actually i enjoyed her little talks." bumaling sya sa akin kapagkuwan atsaka pagkatamis tamis na ngumiti. "I find her too cute." Emeged, enebe! kung kanina ay kahihiyan ang nararamdaman ko na may halong pagkayamot, ngayon naman ay para akong teenager na nag iinit ang magkabilang mukha, kenekeleg eke enebe.. Menggay behave.. Napakagat ako nang labi, tapos ay sinabi "Thank you sow match for compliments Sir." Sabay nagpa cute na nag pungay ng mga mata, habang si Ms.Odette, nanggagalaiti pa din na parang angry birds na nakatingin. "No worries Ms. Cute girl." At lumabas na naman ang pantay pantay na ngipin nito na siyang nakapag panginig ng litid ng aking keps hihihi. Ang harot! "Anyways Ms.Cutie can i invite you on a dinner?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD