Bumili muna ako nang apat na pirasong pritong manok na tig ti trese sa may kanto bago dumiresto sa bahay pauwi. Sapat na 'yon pang ulam namin ni Alex tutal ay gabi na din naman. Bumili na din ako nang dalawang kopiko blanca twin pack para pantimpla mamaya atsaka bukas ng umaga. Kaya siguro madalas akong mag hallucinations dahil sa matakaw din ako sa kape.
Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko si Alex na gumagawa nang mga homeworks at nag aaral ng lessons, lihim akong napangiti. Kahit papano ay nakakawala ng pagod ang makita ko siyang nag aaral nang mabuti sa kabila ng kahirapan na dinadanas namin.
"Tama na muna 'yang aral, kumain muna tayo." Sinalubong niya ako atsaka kinuha ang mga gamit na dala ko at saka inilapag sa may luma naming sofa.
Hindi pa keri bumili nang bagong furniture set, waley tayo tramendiz, dukha lang kasi tayo kaya tiyagaan sa mga lumang gamit, Old is gold sabi nga hehe.
"Ginabi ka yata te?" Wika nito habang kumukuha ng plato para isalin ang pagkain na dala ko.
"Madami kasing trabaho eh, bukas nga papasok pa ako,sandali lang ha? maglilinis lang ako nang katawan tapos kain na tayo."
Pagpasok ko sa kwarto ay ramdam ko na ang antok at sobrang hapo nang aking katawan dahil sa maghapon na trabaho. Ayoko na sanang kumain at diretso nalang sana matulog, kaso turo ni Nanay na huwag matutulog nang walang laman ang tiyan.
Pagkatapos ko'ng maglinis ng katawan ay nadatnan ko nang maayos na ang lamesa at nakaayos na ang lahat.
"Upo na ate, kumain na tayo."
Pinagsandok ako ng kanin ng kapatid ko tapos ay nagtimpla siya ng kape.
Kahit mahirap lang kami, masasabi ko na napaka swerte ko pa din.Bukod sa may responsable akong kapatid, isa din siyang uliran at napaka sipag na estudyante.Siguro kung hindi dahil sa kanya, baka matagal na akong sumuko sa mga problema ko na'to. Siya na lang kasi ang rason kung bakit ako patuloy na lumalaban.
"May bago ka na bang mapapasukan ate?" Wika nito tapos ay nag umpisa nang sumubo nang kanin.
"Wala pa nga eh, pero naghahanap naman na ako."
"Bakit hindi ka nalang mag negosyo kaya ate? may ipon ka naman hindi ba?" Suhestiyon nya.
Napaisip ako saglit. Oo nga at may ipon ako kaso, di'ko alam kung sasapat pa 'yon, lalo na at may malaki pa akong problema na hinaharap.
"Hindi pwede, hindi sapat 'yon. At isa pa, para 'yon sa pambayad natin dito sa lupa at bahay na isinangla nina Nanay." Napahinto ako sa pagsubo sa isipin na iyon.
May pag asa pa ba na matubos ko 'tong lupa? hindi naman sapat 'yong ipon ko eh.
"Gan'on ba kalaki yung ipon mo para matubos mo yung lupa? Eh dalawang milyon 'yong utang hindi ba? Saan ka kukuha nang pandadag do'n?" Turan nya.
Napabuntong hininga nalang ako.
"Ewan ko, saka ko na'lang poproblemahin 'yon, kumain na lang nga muna tayo."
*********
"Good morning po Ms.Odette!"
Masayang Bati ko sa kanya. Maaga akong pumasok, syempre last day ko ngayon kaya dapat kahit papano maging okay naman ang huling pagsasama namin ni wicked witch.
Nagpameywang ito tapos ay tinaasan n'ya ko ng kilay.
Ano pa bang bago sa butanding na'to. Tuyot na tuyot pa din as usual.
"Is this miracle? Ms.Charmaine Melendez is not Late."
OA maka react 'tong babaeng damulag na'to ah, akala mo naman siya hindi nale late tsss!
"Ofcoarse Madam, its my last day remember? dapat good shots tayo." I smile then wink at her.
Oh taray! marunong na akong mang english no? de, nag google lang ako.
Napahalukipkip itong nagsalita.
"Okay, mamaya ko na pipirmahan 'yang timecard mo.Sige na, linisin mo na ang dapat linisin "
"Yes madam."
Naglalakad na ako sa hallway nang makasalubong ko na naman ang lalaking poging monggoloid. Muli na naman ako'ng nakadama nang hiya sa ginawa ko sa kanya kahapon.Saktong iiwas na sana ako sa kanya pero huli na nang marealize ko'ng nasa harapan ko na s'ya.
"Hello Charmaine." Nakangiting bati nito.
H-hi Sir." Di ako makatingin sa kanya. Bakit ba kasi nandito na naman 'to dito sa opisina, kahapon pa natapos yung meeting nila eh.sa loob loob ko.
"Would you mind if i talk to you? "
"H-ha?" Hindi naman ako bingi pero parang nabingi ako sa sinabi nya, nilinis ko pa ang tenga ko saka itinutok sa kanya.
"Anong sinasabi mo sir?" Ulit ko.
"I said I want to talk to you, are you free?" Siryoso ang mukha ng mokong,.
Nakapagtataka naman 'tong lalaki na'to. kahapon bigla na'lang sumulpot sa pagmumuni muni ko tapos ngayon pumarito ulit para kausapin ako? bakit? why?
Sabagay. Hindi ko naman masasagot ang sarili ko kung diko siya tatanungin.
"Bakit moko gustong kausapin Sir? ako?"paniniyak kopa tapos ay tumango lang sya.
"B-busy kasi ako e, sige na po sir, I'll go ahead."
"Wait! I j-----"
Hindi ko na sya hinintay pang magsalita, mabilis akong naglakad papalayo sa kanya atsaka nagtungo sa storage room para maglinis.
Pagdating ko doon ay marami ang nakakalat na mga bond papers pati mga sprayer bottles.
Ano bang nangyari sa lugar na'to, kakalinis ko lang kahapon andami na namang kalat! Napakaburara naman ng mga empleyado dito! Yamot ko'ng sabi sa isip.
Kinuha ko ang walis at nagsimula ng maglinis,tapos ay kinuskos ko ang mga glass window, dahil sa maganda ang mood ko ngayon ay napakanta ako habang nagkukuskos.
Pangarap ko, ang ibigin ka
At sa habang panahon
Ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang syang kulang
Sa buhay ko ito
Pangarap ko ang ibigin ka..
O kay tagal ko nang naghi--- "Ay Kipay na malake!!" Napasigaw ako sa gulat ng biglang sumulpot sa harapan ko si Sir Manu.
"Hello Maine!"
Diyos kong lalaki na'to, papatayin yata ako sa atake sa puso.
Napahawak ako sa dibdib ko pagkuwan.
"Grabe naman kayo Sir! Papatayin n'yo yata ako sa gulat eh." Nanginginig pa din ang tuhod ko.
"I'm sorry, kung nagulat kita."
"Bakit po ba kayo nandito Sir? daig n'yo pa ang Stalker ah."
Natutop ko ang aking bibig at bigla ang sikdo nang kaba dito sa dibdib ko.
Hindi kaya stalker ko nga siya? kahapon bigla na lang s'yang sumulpot, tapos ngayon na naman. Oh my! Ano kaya ang kailangan n'ya sakin? Baka gusto n'yang lapastanganin ang karikitan nang katawan ko, tapos pagsasawaan hangga't gusto n'ya, at pag nagsawa s'ya, papatayin na lang n'ya ako at itatapon kung saan.
Ay diyos ko po! wag naman po sana Lord. Opo at gwapo nga 'tong lalaki na 'to, pero diyos ko naman po, hayaan niyong ako ang lumandi at isuko ang bataan hindi 'yung Lapastanganin ang katawang lupa ko, ayoko! huwaggg!!
Hoy Menggay wag ka ngang feeling! Saway ng isip ko.
"Wag kang judgemental! I'm not stalker.I just want to help you."
"Ha?" Medyo nagulat ako sa sinabi n'ya.
"Don't you hear what i've said?" Biglang arko ng kilay n'ya.
Infaireness,ang pogi n'ya pa din.
Ngumiti ako ng pilit, "ah..A-no po bang sabi nyo?"
Tumawa lang ito sa sinabi ko.
Lakas ng tama ng lalaki na'to ah, sapakin ko kaya?
"Hindi po ako nakikipagtawanan Sir, bakit po kayo nandito.?" Naiirita nako ha,
"May offer ako sayo."
Napataas kilay ako sa inusal n'ya, offer? pinagsasabi ni'to?
"I heard you yesterday while you we're sitting in the reception area," Sabi nito na hindi tumitingin sa'kin. "I want to offer you some job to resolve your problem."
"Teka" napamaang akong bigla. "Anong narinig mo kahapon? May sinabi ba ako? Saka anong problem?" Sunod sunod na usisa ko sa kan'ya.
Wala akong maalala na may sinabi akong problema ah, sino ba talaga 'tong tao nato?
"Ms.Odette also mentioned earlier that yesterday is your last day of your job, thats why i ask her to give this day to you, i mean, para pumasok ka ulit ngayong araw."
Napamaang ako sa mga tinuran ni'to. kahit na hindi ako masyadong makaintindi,gets ko naman ang sinabi n'ya.
Teka, sino ba talaga 'tong lalaki na 'to, nahihiwagaan ako sa kanya, di'ko naman siya kilala. Ba't n'ya ko tutulungan? Na'ko Maine wag kang magtitiwala sa lalaking 'yan. Baka may ibang agenda 'yan.
"Hoy di'ko gusto 'yang facial expression mo, wag kang madumi ang utak.," Wika nito.
"P-pero."
"Pagkatapos ng trabaho mo, mag usap tayo, hintayin mo'ko dun sa cafeteria sa baba." Sabi pa n'ya atsaka mabilis na naglakad palabas ng silid.
******
Na bother ako sa mga sinabi ni Sir Manu kaya di ako na nakapag concentrate sa trabaho ko, kahit na anong pilit ko'ng iwaglit sa utak ko yung sinabi n'ya,pilit pa din pumapasok sa isip ko.
Ano ba kasi ang purpose n'ya? At saka tutulungan n'ya ako eh hindi ko na man s'ya kilala.
"Tapos ka na ba sa trabaho mo't nakatunganga ka na d'yan?" Si Ms.Odette na nasa kinaroroonan kona pala.
"Hindi pa Madam pero malapit na." Sinamaan n'ya ko ng tingin ng sinabi ko 'yon.
"Ano pang tutunga tunganga mo d'yan? Tapusin mo na't maaga ka man lang makauwi sa inyo."
Nagkibit balikat na'lang ako at nagpatuloy sa aking ginagawa. Hindi ko na pinili pang asarin s'ya kagaya ng madalas kong ginagawa sa kanya. Rulad nga ng sabi ko kanina,last day ko na sa trabaho kaya dapat Good shot ako.
Tulad ng sinabi ni Sir Manu, pagkatapos mapirmahan ni Ms.Odette ang timecard ko at saka may inabot na puting sobre, pa bonus ko daw, mabilis ako'ng nagpasalamat sa kanya at saka nagtungo na sa Cafeteria, ang akala ko ay hihintayin ko pa s'ya ngunit laki'ng gulat ko na nakaupo na s'ya sa isang sulok nakangiti sa akin habang papalapit ako sa kan'ya.
"Ang tagal mo naman,kanina pa ako naghihintay dito." Reklamo ni'to kapagkuwan.
"Hindi ko naman sinabi Sir na hintayin nyo'ko." Umupo ako at sumandal saglit saka napapikit.
"You look so tired again. Would you mind some coffee?" Alok nya.
Nagmulat ako ng mata tapos ay siryosong tumingin sa kan'ya. Pinag masdan ko muna s'yang mabuti na s'yang nagpakunot naman ng kan'yang noo.
"Sino ka nga bang talaga Sir?" Parang engot kong tanong.
Napatawa lang ito sa sinabi ko tapos ay sumiryoso ulit.
"Mamaya natin 'yan pag usapan, mag miryenda muna tayo."
Hindi nalang ako umimik, hinayaan ko na'lang na umorder s'ya ng pagkain namin.Well sino ba naman ako para tumanggi di'ba? Besides gutom na din ako't nagwewelga na ang mga dragon ko sa tyan kaya di na'ko mag chochoosey.
Pagdating ng mga pagkain ay kaagad na ko'ng kumain, wala na ko'ng pake kung sino man ang lalaking kaharap ko, magpapaka ipokrita pa ba'ko? Sa sobrang gutom ko na pramis, diko keri na ang mag inarte habang kumain, basta lamon lang ng lamon.
"Wala kang ka kompetensyang kumain Maine." Biglang sabi n'ya.
Napahinto ako sa pagsubo at napatingin. Anak ng putakte! Ba't ba pinagmamasdan akong kumain ng kumag na 'to.
Pinandilatan ko naman s'ya ng mata. "Bakit ba? Kumain ka na'lang d'yan Sir, naasiwa ako sa tingin n'yo e"
Napatawa naman s'ya sa tinuran ko.
"At naasiwa kapa talaga sa lagay na yan? Para ka nga'ng maton sa lakas mo kumain."
Napatigil ako sa pag nguya. Tinapunan ko ng masamang tingin si Sir Manu tapos akmang tutusikin nang Tinidor.
"Wag mo nga kasi akong panooring kumain." Iritado ko nang sabi. "Syempre libre mo to eh.Sayang naman kung di'ko maubos."
Nagkibit balikat nalang si Sir Manu atsaka na s'ya nagsimulang sumubo at tahimik na kumain.
"So about sa sasabihin ko." Tapos na s'yang kumain at that time at pareho na'lang kaming nagkakape ng mga oras na 'yon para mabilis matunaw daw ang kinain namin.
"Go!ready to fight na 'ko d'yan sa usapan na 'yan!"
Inusog ko naman ng konti ang upuan ko sa kanya. Pansin ko kasi na mahaba habang diskusyunan ang pag uusapan naming dalawa.
" Narinig kasi kita nung isang hapon sa reception area."
"Ah yung iniistorbo moko, sige Sir go ahead." Usal ko sabay higop ng kape.
"Napadaan ako ng marinig kita,namomroblema ka kung saan ka makakahanap ng dalawang milyon." Siryoso ang mukha nito pero hindi nakatingin sakin.
Hindi lang pala mala stalker ang unggoy na'to, may pagka tsismoso din pala, anang isip ko.
"I'm very willing to give you 2 million pesos but in one condition."
Naibuga ko ang mainit na kape na nasa aking bibig at saka ako nasamid sa sinabi nyang 'yon, sinenyasan ko siya na paypayan n'ya ako,hindi ako makapagsalita at makahinga sapagkat bumara yung kape sa mismong daanan ng hangin sa lalamunan ko.
Takte na lalaki na 'to,hihimatayin na'ko sa kalagayan ko tulungan mo'ko!!! Sa isip isip ko
"Hey Maine" biglang takbo n'ya sa akin na natataranta.
"ACKKKK AAACCKKKK!!!" tanging sabi ko. Naluluha na din ako at sobrang pula na ng buo kong mukha.Feeling ko para na'kong mamatay dahil sa pagkabigla at pagkasamid ng sandaling 'yon.
Hinagod hagod n'ya ng aking likod tapos ay tinampal tampal 'yon.
Nakadama ako nang kaginhawaan pagkatapos n'ya akong tampalin sa likod, nang medyo um-okey na'ko ay sinensyasan ko na s'ya na bumalik at maupo sa kinauupuan n'ya.
"Grabe ka, papatayin mo ba ako sa nerbiyos?" buga nito nang hangin sabay haplos sa kanyang dibdib. "Kinabahan ako doon ah whooo."
Kumuha ako ng tissue at saka pinahid sa mata ko na may luha. Grabe ang sakit pala nang masamid. Putragis na kape na yan! Imbis na matunaw ang kinain ko aba't papatayin pa yata ako.
"Nagulat kasi ako sa sinabi mo" wika ko ng makahupa na'ko sa pagkabigla.
"Ano bang nakakagulat sa sinabi ko." Nakataas ang kilay na wika nya.
"Eh pano kasi, hindi mo naman ako kilala bakit bibigyan mo'ko nang gan'on kalaking halaga. Sino kaba?" Hindi pa din ako makapaniwala.
"Who told you na bibigyan kita? May conditions di'ba? Ano gusto mo ba?" Tila nag aarok pa ang loko.
Pano ko ba tatanggapin? Baka kung ano namang hilingin nito, baka hingin ang dangal ko.
Bigla na naman akong kinabahan sa naisip. Hala! Baka talagang gustong kunin ng lalaking to ang pagka ingat ingatan kong puri, ayoko, ayokong mawala ang pagka dalagang pilipina ko.
"Wag kang judgemental, di ko hihingin sayo yang iniisip mo, huwag kang green minded."
Aba loko tong lalaking to ah, bakit ba pati laman ng utak ko alam nya tch!
"Bakit ano bang iniisip ko? Assuming ka ha! " Pagdedeny ko.
"Ano nga? Bibigyan nga kita ng dalawang milyon pero may hihingin akong kapalit."
Napahalukipkip ako tapos ay pinagtaasan siya ng kilay.
"Ano namang kapalit aber??"
Ngumiti pa ang loko, ba't di nalang kaya sabihin, para naman tong buang.
"Be my housemaid, kapalit ng 2 million ay ang paninilbihan mo sakin."