"Nagustuhan mo ba?" Tanong sa kaniya ni Ram pagdating sa lugar na sila lang dalawa. Napaka romantic naman ng buong paligid. Nasa isang beach sila noon. Napakaliwanag ng buong paligid dahil sa mga bombilyang nakasindi. Napapalibutan sila ng mga naggagandahang mga bulaklak at napakaganda ng mga iyon para sa kaniya. Idagdag pa ang malamig na simoy ng hangin at ang tunog ng alon na sumasalpok sa dalampasigan.
"Ang ganda!" Bulalas niya.
Kinuha ni Ram ang isang pumpon ng bulaklak at iniabot sa kaniya.
"Thank you!"
Nakangiting sabi niya.
"Alam mo bang napakasaya ko?"
Simula ng binata.
Inalalayan pa siya nito hanggang sa siya'y makaupo at pumuwesto naman ito sa kaniyang harapan.
"Napakasaya ko kasi nakasama na naman kita."
Kinilig naman siya sa narinig.
Puso! kalma lang! Bibigay na ba siya sa lagay na ito?
"Masaya ka ba ngayon?"
Tanong pa nito at hinawakan pa siya sa kamay at marahang hinaplos iyon.
Napatitig siya sa mukha ng guwapong binata.
Ramdam niya ang sinseridad sa boses nito.
"Mahal na mahal kita.."
Dagdag pa na sabi nito.
"Ram.."
"Hindi ako magsasawang maghintay sayo, kung kailan handa ka ng tanggapin ako diyan sa puso mo, basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita at nandito lang ako lagi para sayo."
"Thank you Ram, salamat kasi naiintindihan mo ako."
"Mahal kita, kaya kung ano man ang magiging desisyon mo, tatanggapin ko iyon. Basta hayaan mo lang na mahalin kita."
Nginitian siya nito kaya napangiti na din siya.
"So, let's eat?" Yaya pa nitong nakatawa.
"Sure.." Sagot niya.
Nilagyan muna ng binata ng pagkain ang kaniyang pinggan, asikasong-asikaso siya nito.
"Thank you."
Sabi niya ng magsimula na silang kumain.
"Masarap ba?" Tanong pa ni Ram sa kaniya.
"Oo."
"Ipinaluto ko yan kay Nanay Meding, gusto ka na nga niyang makilala eh. Isang araw isasama kita sa bahay para ma meet mo siya."
Sabi pa ng binata.
"Hindi ba nakakahiya?"
Alanganing tanong niya.
"Bakit ka mahihiya? napakaganda mo kaya. Saka sigurado akong magugustuhan ka ni Nanay."
Pagmamalaki pa nito.
"Si Nanay Meding, siya yung nag-alaga sa akin mula noong baby ako, kasi busy sina mama at papa sa negosyo."
Kwento pa nito.
"Ganun ba."
"Oo, kaya dapat makilala din ni nanay ang babaeng nagpapatibok ng puso ko at mahal na mahal ko."
Dagdag pa nito. Hindi naman siya agad nakaimik sa sinabi nito.
Ganito talaga siya kamahal ni Ram? Hindi siya nito ikinakahiya kahit magkaiba ang estado nila sa buhay?
"Basta kapag niyaya kita sa bahay at ipapakilala kita kay nanay sumama ka sakin ha?"
"Sige." Tanging naisagot na lang niya.
Nang matapos silang kumain, niyaya siya ni Ram na maglakad lakad muna. Magkahawak-kamay pa sila habang naglalakad at ng mapagod umupo sila sa pampang habang pinapanood ang alon.
"Ang ganda ng buwan noh?" Sabi ni Ram habang nakatingila sa kalangitan.
Napasunod naman siya dito.
Napakaliwanag ng buong paligid. Ang tubig dagat ay parang dyamante na kumikislap.
"Malamig na ba?"
Tanong pa nito ng makita siyang napayakap sa sarili.
"Hindi naman."
Sagot niya, kahit ang totoo'y nanunuot na sa kaniyang kalamnan ang malamig na simoy ng hangin.
"Come on."
Sabi sa kaniya ni Ram at hinapit siya nito sa baywang saka napadaiti ang katawan niya dito.
"Feel better?" Tanong pa nito.
Paano naman magiging okay kung magkadikit ang kanilang katawan. Nakaramdam tuloy siya ng init.
"Ysa.."
Anas nito, nakatitig sa kaniya ito ng mariin, napalunok pa ito ng bumaba ang tingin nito sa nakaawang niyang mga labi.
Ng ilapit nito ang mukha sa kaniya, kusa siyang napapikit at naramdaman na lang niya ang mainit nitong labi na marahang humahalik sa kaniya.
Hindi niya alam ang gagawin dahil nga sa first time niya, ni wala pa ngang nakakahalik sa kaniya maliban sa binata.
"Hmmmp.."
Ungol niya ng kagatin nito ang pang-ibabang labi niya.
Ibinukas pa nito ang kaniyang bibig at nagsimula nitong paglaruan ang kaniyang dila at sipsipin iyon.
Napayakap pa siya sa leeg ng binata. Ganito pala ang pakiramdam ng totoong halik.
Napamulat siya ng huminto ang binata sa paghalik sa kaniya at mariing nakatitig sa kaniya.
Nakakahiya! Parang gusto na lang niyang malusaw at maglaho na parang bula.
"I'm sorry, hindi ko sinasadya."
Agad na paumanhin ni Ram sa kaniya at hinaplos pa siya sa mukha.
"Ysa,I'm sorry.."
"It's okay.."
Sagot niya at nag-iwas na siya ng tingin dito dahil kahit siya mismo nahihiya siya sa kaniyang saril.
Napatayo na siya mula sa pagkakaupo.
"Umuwi na tayo, gumagabi na rin. Maaga pa ang pasok natin bukas."
Sabi niya.
Nauna na siyang maglakad papunta sa sasakyan ng binata.
Nakasunod naman sa kaniya ito.
Ipinagbukas siya ng pinto at inalalayan siyang makapasok bago umikot sa driver's seat.
"Let's go?" Tanong pa nito sa kaniya. Tango na lang ang naging sagot niya.
After 30 minutes nakarating na sila sa tapat ng kaniyang boarding house. Hindi na niya hinintay na pagbuksan siya ng binata.
"Galit ka ba sa akin?"
Malumanay na tanong sa kaniya ni Ram.
Hindi naman siya galit. Nahihiya lang siya dahil bumigay siya agad.
"Hindi naman."
Aniya saka niya ito nginitian para mawala na ang guilt sa itsura nito.
"Promise?"
"Oo naman!"
"Thank you, akala ko galit ka sa akin, tapos iiwasan mo na naman ako."
Napapakamot pa ito sa ulo.
"Grabe! sige na papasok na ako sa loob. Umuwi ka na at ng makapagpahinga ka na rin."
Aniya.
"I'm sorry talaga, hindi ko sinasadyang gawin yun. Nadala lang ako."
"Kalimutan mo na yun."
Aniya.
"Sino naman kasi ang hindi maaakit sa ganda mo?"
Anito pa.
"Oo na! Nambola ka pa!"
Kinurot niya ito sa tagiliran kaya napatawa naman ang binata.
"Paano yan, aalis na ako. See you tommorow."
Sabi nito.
"Sige, good night!"
"Good night, I love you!"
Sabi nito at lumapit sa kaniya saka siya niyakap at hinalikan sa pisngi.
"Sige na, pumasok ka na muna sa loob, tapos aalis na ako."
Utos pa nito at pinanood siya habang papasok sa loob ng boarding house. Ng lingunin niya ito, nakangiting kumaway pa ito sa kaniya.
Kinilig naman siya bigla.
Puso kalma!
Saway niya sa kaniyang sarili.
"Bakla, ano na? Kayo na?"
Tanong ni Carla sa kaniya isang araw.
"Hindi pa."
Sagot niya, akalain mo na mag-iisang taon na pala itong nanliligaw sa kanya. Napagtiisan siya nito ng ganun katagal.
"Kailan mo balak sagutin?"
Kinikilig na tanong pa nito sa kaniya.
"Hindi ko pa alam."
Aniya, kasi sa mga buwan na lumipas napatunayan niya na seryoso talaga sa kaniya si Ram. Ipinaramdam nito kung gaano siya kaimportante at kung gaano siya nito kamahal.
"Mahal mo na ba?" Tanong pa nito sa kaniya.
Hindi naman siya agad nakaimik. Sinungaling siya kung sasabihin niyang hindi niya ito mahal. Dahil kahit sinong babae agad na mahuhulog kay Ram. Bukod sa napakaguwapo na nga nito ay napakabait at maalaga pa ito.
"Hoy bakla"
Kinurot siya ng kaibigan sa tagiliran.
"Carla!"
"Mahal mo na ba si Ram?"
Ulit na tanong nito sa kaniya.
"Hindi naman siya mahirap mahalin eh, pero may mga bagay na dapat ko munang unahin bago yang pag-ibig na yan."
Sagot niya.
"Naiitindihan naman kita, pero mag-iisang taon na nanliligaw sayo si Ram diba?"
Napatango naman siya bilang sagot.
"Wala ka talagang feelings para sa kaniya? Kahit konti? Hindi mo naman kailangan maglihim sa akin eh. Magkaibigan tayo diba?"
"Mahal ko siya pero—ang hirap eh!"
"Anong mahirap doon? Eh pareho naman kayong nagmamahalan diba?"
"Hindi ko kayang pagsabayin ang pag-aaral at pag-ibig na iyan."
Kahit siya naiinis sa kaniyang sarili dahil sinusupil niya ang totoong damdamin para kay Ram.
"Napagtiisan ka nga ni Ram ng halos isang taon diba? Alam ko mauunawaan ka din niya."
"Sana.."
Nasabi na lang niya saka siya napa buntung-hininga.
Ang hirap mangpanggap!
Mahal na mahal na niya ang binata pero ang daming pumipigil sa kaniya na sagutin ito. Una ang kaniyang pag-aaral. Ayaw niyang mawala siya sa focus.
Pangalawa ang estado nila sa buhay. Mayaman ito, nag-iisang anak at tanging tagapagmana ng mga Villegas.
Matatanggap kaya siya ng mga ito bilang kasintahan ni Ram?
Paano siya ipapakilala ni Ram sa angkan nito na hindi siya huhusgahan kapag nalaman nila ang totoong kalagayan niya sa buhay?