CHAPTER 4

1523 Words
"Ate!" Agad na sinalubong siya ng kaniyang nakababatang kapatid pagbaba pa lang niya sa tricycle na inarkila galing sa bayan. "Bunso! kumusta ka na?" Agad na niyakap niya ang kapatid. Sobrang na miss niya ito. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Ito ang gustung-gusto niyang tanawin na wala sa siyudad. Ang malinis at malamig na simoy ng hangin, ang mga punong-kahoy. Ang di malipawarang uwak na mga bukirin. Ganito lang kasimple ang gusto niyang buhay. "Nay! Tay! nandito na po si ate!" Hindi magkaugagang sigaw ni Adrian papasok sa loob ng kanilang bahay. Mula doon sa pinto, lumabas ang kaniyang ina kasunod ang kanilang tatay. "Mano po nay, tay." Sabi niya at nagmano sa mga magulang. Kinuha naman ng kaniyang Itay ang kaniyang mga dalahin at ipinasok sa loob ng bahay. "Kumusta ang manila anak? Mukhang hiyang mo doon ah." Agad na tanong ng kaniyang Inay. Umupo ito sa silyang kawayan. "Okay lang naman po Nay, kayo po, kumusta po kayo dito?" "Aba'y ayos lang naman kami dito anak, katatapos namin magtanim ng Itay niyo ng mais noong isang araw doon sa bundok." Sagot ng kaniya Ina. Nakaramdam naman siya ng awa sa mga magulang. Tumatanda na rin ang mga ito, pero heto sila nagsasakripisyo matustusan lang ang pag-aaral niya sa kolehiyo. "Huwag po kayo mag-alala nay, kapag nakapagtapos na po ako ng pag-aaral, hindi na po kayo magtatrabaho ni tatay sa bukid." Nakangiting ginagap niya sa kamay ang ina. "Naku nak, huwag mo kami alalahanin ng inay mo, ang isipin mo yang pag-aaral mo ha?" Singit ng kaniyang itay na kanina pa pala nakikinig sa kanilang usapan. "Opo tay." Nakangiting sagot niya. "Clarita, tignan mo na nga yung niluluto ko na tinolang manok kung okay na at ng tayo'y makakain na. Siguradong kanina pa nagugutom itong dalaga natin." Utos ng kaniyang Itay sa inay nito. "Wow! ang sarap naman po ng ulam natin." Palatak niya. "Syempre ate, nandito ka kaya masarap na naman ang ulam natin." Nakatawang sabi ni Adrian sa kaniya. "Bakit ano bang inuulam niyo kapag wala ako?" Tanong niya sa bunsong kapatid. "Lagi na lang po isda ate, kapag namimingwit po si tatay." Nagkakamot ito sa ulo. "Aba! masarap ang isda lalo na kapag pinangat." Sabi niya sa kapatid. "Pero nakakasawa din po ate.". Reklamo nito. "Hay naku! Anong sabi sayo ni ate? kapag ano yung pagkain na nasa mesa, dapat ano?" "Huwag po maghanap ng iba, kasi blessing po yun!" Sagot ng kapatid. "Very good!" Nakangiting ginulo nya ang buhok ng kapatid at tumayo siya upang tulungan ang kaniyang ina sa paghahain ng kanilang tanghalian. "Naku! madami na naman po ako makakain!" Sabi ni Adrian na ikinatawa na lamang nila. Ganito lang kasimple ang kanilang pamumuhay. Salat man sa yaman pero masaya at kuntento kung anong meron sila. Kauuwi lang nila galing sa bukid upang mamitas ng mga gulay at prutas na ibebenta nila sa palengke ng madatnan niya ang kaniyang cellphone na nagriring. "Hello Ram.." "Hello Ysa, kumusta ka diyan? Ayos ka lang ba?" Tanong agad nito sa kaniya. Pang-apat na araw pa lang naman niya sa probinsya pero halos araw-araw siyang tinatawagan ng binata. "O-oo okay lang ako dito, kauuwi lang namin galing sa bukid, namitas kami ng mga gulay at prutas na ibebenta sa palengke." Pagkukwento niya. Hindi siya nahihiya na malaman ito ni Ram dahil iyon naman yung totoong estado ng kanilang buhay. Mas maganda nga yun eh, para mapatunayan sa binata kung hanggang saan talaga siya nito kayang mahalin. "Ganun ba." "Oo." "Namimiss na kita, kailan ka ba babalik dito?" Tanong pa nito sa kaniya. "Hindi ko pa alam eh." "Hindi mo ba ako namimiss man lang?" Nagtatampong tanong nito sa kaniya. Sino ba naman siya para hindi mamiss ang guwapong binata? Lalo na ang pag-aalaga nito sa kaniya kapag magkasama sila. "Ysa.." "Oo." "Ha? Anong oo?" "Ha? Ano?" Ayan kasi! Nawala tuloy siya sa sarili. Sinabi lang ni Ram na namimiss na siya eh! "So, namiss mo nga ako?" Sumigla na ang boses nito. "O-oo naman, kayo ni Carla." Palusot niya. "Gusto ko yung ako lang." "Oo na nga, namiss din kita." "Totoo?" "Gusto mo bawiin ko?" "No!"agad na sabi nito. Napatawa na lang siya dahil nakikita na niya ang itsura nito. "Basta huwag ka magpapaligaw diyan ha." Dagdag pa nito. "Baliw ka talaga!" "Seryoso ako." Pormal na sabi nito. "Oo na po." "Kailan ka ba babalik dito? Gusto mo ba sunduin kita diyan sainyo?" Sabi pa nito. Seryoso talaga ito? "Ram!" "Kapag nag okay ka, ngayon din bibiyahe ako papunta diyan sa inyo." "Hay nako! next week babalik din ako diyan." "Ang tagal pa kaya!" Reklamo nito. "Isabelle anak.." Tawag sa kaniya ng ina. "Sige na, tinatawag na ako ng inay. Bye!" Iyon lang at siya na ang kusang pumutol sa tawag ng binata. Napangiti na lang siya sa kakulitan ni Ram. "Nay bakit po?" Tanong niya sa ina, pagkalabas niya ng kaniyang silid. "Ikaw na muna ang bahala dito sa kapatid mo ha, pupunta na muna kami ng itay niyo sa bayan upang ideliver itong mga order ni Aling Guring." Bilin sa kaniya ng kanilang inay. "Sige po nay, mag-iingat po kayo ni tatay." Sabi niya ng sumakay ang kanilang ina sa harap ng luma nilang sasakyan pero maayos pa naman. Napatango naman ang mag-asawa. "Hwag po kayo mag-alala, balang araw hindi niyo na po gagawin ang magtinda sa bayan, magpapahinga na lang po kayo ni tatay." Sabi niya sa kaniyang sarili habang tinatanaw ang papalayong sasakyan ng mga magulang. "Iniiwasan mo ba ako?" Nag-angat siya ng tingin mula sa binabasang libro at tumambad ang pormal na mukha ni Ram. Nasa library siya noon. Hinila nito ang silya at umupo ito sa kaniyang harapan. "Hindi naman, busy lang kasi ako nitong mga magkakasunod na araw kasi malapit na naman ang exam." Sagot niya. "May kasalanan ba ako? May ginawa ba ako na hindi mo nagustuhan?" "Ram, wala kang kasalanan. Busy lang talaga ako." Tinitigan niya ito sa mukha at nakita niya ang paglambong ng mga mata nito. "Akala ko kasi iniiwasan mo na talaga ako." "Hindi ko yun gagawin sayo, okay? May hinahabol lang kasi ako kaya busy talaga ako nitong mga nakaraang araw." "Dinner tayo mamaya." Sabi pa nito sa kaniya. "Mamaya?" "Oo sana kung free ka." "Sige." Naisagot na lang niya. 6:30 naman yung huli niyang klase. "Susunduin kita sa boarding house." Sabi pa nito. Napatango na lang siya. May magagawa pa ba siya eh paladesisyon din naman ang isang ito eh! "Maiwan na kita dito ha, may klase pa kasi ako, basta sunduin na lang kita sa inyo." "Sige." Pero bago siya umalis hindi niya inaasahan ang ginawa nito.. Hinalikan siya sa pisngi bago ito tumalikod. Mabuti na lang at hindi nakatingin sa kanila ang librarian at iilan lang ang mga estudyante sa loob. Nahaplos pa niya ang pisngi saka napangiti siya ng palihim. Inlove na ba siya sa lagay na ito? Naku! hindi pa pwede.. "Belle, nandyan na yung prince charming mo sa labas, naghihintay sayo." Kilig na kilig na sabi sa kaniya ni Joyce. Katatapos lang niya ayusin ang sarili noon. Nakasuot siya ng isang simpleng bestida na above the knee. Flat sandal lang din ang ginamit niya. Nag polbo lang siya. Hindi na siya nag-abalang maglagay ng lipstick dahil kusa namang mamula mula ang kaniyang labi. Nagtataka nga ang mga hindi nakakakilala sa kanila, kasi isa lang siyang anak mahirap pero yung ganda niya pang mayaman. Matangkad kasi siya, na binagayan ng maliit na baywang. Tuwid at itim ang mahaba niyang buhok. May matangos na ilong at malalantik na pilik-mata. Maputi din siya na nakuha niya sa kaniyang ina. "Wow! ang ganda mo naman girl!" Puri ni Francine ng makasalubong siya nito sa living room. "In love na ang beshy natin!" Tili ni Joyce na sinabayan din ni Bea. "Hay sa wakas! tumibok na rin ang puso ng pihikan nating kaibigan!" Biro ni Francine. "I agree!" Si Bea. "Huwag mo na pakakawalan si Papa Ram ha? Remember, maraming naghahabol diyan!" Kinurot siya ni Joyce sa tagiliran. "Baka marinig kayo ni Ram, kakain lang kami sa labas!" Pinandilatan niya ang mga kaibigan. "Ysa.." Napalingon siya sa nagsalita at tumambad doon ang guwapung-guwapo na si Ram. Nakasuot ito ng pantalon na tinernuhan nito ng polo shirt na black na lalong nagpadagdag sa kaguwapuhan nito. "Hi Ram! ang guwapo mo naman!" Nakangiting bati ni Joyce sa binata. "Ang hot dito sa earth!" Pumapaypay na sabi naman ni Francine. "Hoy Ram ah! Ingatan mo yang beshy namin ah!" Singit naman ni Bea. "Huwag kayo mag-alala diko pababayaan itong kaibigan niyo." Nakangiting sagot naman nito sa kaniyang mga kaibigan. "Oh sya mabuti kung ganun! Sige na makakaalis na kayo at kami'y sobrang naiinitan na dito!" Nakatawang ipinagtulakan pa sila ni Francine palabas ng gate saka sila nagkatawanan. Nagpapasalamat siya kahit papaano dahil napakabait ng kaniyang mga kaibigan. Pinagbuksan siya ni Ram ng pinto at inalalayan siya na makapasok sa loob ng sasakyan nito. Kinikilig na kumaway pa ang kaniyang mga kaibigan. Napangiti na lang siya. "Pasensiya ka na sa mga kaibigan ko ha?" Sabi niya habang daan. "Okay lang, nakakatuwa nga sila eh!" Nakangiting sagot nito saka siya kinindatan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD