CHAPTER 3

2237 Words
"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong niya kay Ram isang araw ng bigla na lang siya nito sunduin sa kanilang boarding house at pinasakay sa kotse nito. "Basta." Nakangiting sagot naman nito sa kaniya. Ilang buwan na din mula noong magsimula sila bilang magkaibigan. Nakilala na niya ito ng husto. Kasa-kasama narin nila ito kapag lumalabas sila nga mga kaibigan. Hindi na iba si Ram sa kanila. Lalo na sa kaniya. Naging malapit sila sa isa't-isa. "Ram!" Pagbabanta niya. "Relax! wala ako gagawin sayo na masama." Nakatawang sabi nito kaya napasimangot na lang siya. Tumigil ang kanilang sasakyan sa tapat ng isang mamahaling restaurant. Bumaba ang binata at pinagbuksan siya ng pinto. Inalalayan pa siya nito hanggang sa siya'y makalabas. "Anong ginagawa natin dito?" Tanong niya. "Come on." Hinawakan siya nito sa siko at iginiya sa loob ng restaurant. Agad na sinalubong sila ng isang staff doon. "Good evening sir, good evening maam." Bati ng sumalubong na staff sa kanila. "Sir, this way po." Sabi pa nito at iginiya sila sa isang silid. Nakasara iyon at ng buksan ng staff ang dim na ilaw namangha siya sa nakita. Puno ng bulaklak ang paligid at nagkalat ang ibang mga petals sa lapag. Sinindihan nito ang kandila kaya lalong lumabas ang pagka romantiko ng paligid. "Ram.." Aniya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa binata. "Come on." Anito at hinawakan siya sa kamay, kinuha nito ang isang pumpon ng bulaklak at iniabot sa kaniya. "For you." Nakangiting sabi nito sa kaniya. "Thank you." Sagot niya. Iginiya siya nito sa isang upuan bago umikot at umupo naman ito sa kaniyang harapan.. "Nagustuhan mo ba?" Nakangiting tanong ng binata sa kaniya. "Oo." Sagot niya. Wala na siyang masabi. May pagka romantiko din pala ang isang Ram Villegas na ito. "Thank you!" Sabi ni Ram sa waiter na nagsisilbi sa kanila bago ito lumabas ng silid na iyon. "Isabelle.." Umpisa ng binata. Nag-angat siya ng tingin at nagtama ang kanilang mga mata. "Bakit?" "May gusto sana ako sabihin sayo." Sabi ni Ram. Bigla tuloy siya kinabahan. Hindi siya makapag salita. "Huwag ka sana magagalit sa akin." "Bakit naman ako magagalit sayo kung hindi naman nakakagalit yang sasabihin mo diba?" "Okay, ganito kasi yun. Magpapaalam sana ako sayo, kung maaari, kung papayag ka sana– pwede ba ako manligaw sayo?" Seryosong tanong nito sa kaniya. Hinawakan pa siya nito sa kamay na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Hindi siya agad nakapagsalita sa sinabi nito. "Isabelle.." Ulit nito. "Pwede ba ako manligaw sayo?" "Ram, diba sinabi ko naman sayo na marami pa ako pangarap na dapat tuparin." May bikig sa kaniyang lalamunan ng sabihin iyon sa binata. "Alam ko, pero hindi kita guguluhin sa pag-aaral mo. Hindi ako magiging sagabal sa pagkamit ng mga pangarap mo." "Pero–." "Nandito lang ako lagi para sayo, susuportahan kita sa lahat ng plano mo sa buhay. Maghihintay ako kung hanggang kailan mo ako kayang mahalin." "Ram.." "Nandito lang ako lagi para sayo, hindi ako nagmamadali. Gusto ko lang iparamdam sayo kung gaano kita kamahal." "Bakit ako?" Tanong niya, bakit kasi siya ang napili nitong ligawan, samantalang madami naman ang nagkakagusto dito at yung iba kapwa pa niya mayayaman. "Sayo ko lang naramdaman ito. Minahal na kita,noong una palang kita makita." "Napakalayo ng estado natin sa buhay, Ram mayaman ka, samantalang ako mahirap lang. Ayaw kong husgahan ako ng mga tao balang araw." "Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba, ang importante sa akin ay ikaw." Hindi siya agad nakaimik. Hindi niya lubos akalain na magkakagusto sa kaniya ang binata. Ang akala niya, kaibigan lang ang turing nito sa kaniya, nagkamali siya, dahil mas higit pa pala sa kaibigan ang nararamdaman nito para sa kaniya. "Ysa please, payagan mo na ako na manligaw sayo." Nagsusumamong pakiusap pa nito at sino siya para tanggihan ang iniluluhog nitong pag-ibig diba? "Okay, pinapayagan kita na manligaw sa akin pero ayaw ko munang mangako sayo ngayon." Aniya. "Handa akong maghintay kahit gaano pa katagal." Anito at muli hinaplos pa siya sa kamay. "Okay. " Nasabi na lang niya. "So, let's eat na?" Tanong sa kaniya ng binata. "Sige." Sagot niya, at nagsimula na nga silang kumain. "Thank you." Maya-maya'y sabi ni Ram sa kaniya. Nakatikwas ang kaniyang kilay. "Thank you, kasi pinayagan mo akong manligaw sayo." Dagdag na sabi pa nito. Napangiti na lang siya bilang sagot. "Makakaasa ka na nandito lang ako lagi para sayo, handa ako maghintay kahit gaano pa katagal." "Okay, salamat." Nasabi na lang niya at saka nila ipinagpatuloy ang pagkain. Marami pa silang pinag kwentuhan,panay ang kanilang tawanan, ngayon lang niya lubusang nakilala ang isang Ram Villegas. "So, kayo na nga?" Kinikilig na tanong ni Carla sa kaniya ng malaman nito na nag dinner sila kagabi ni Ram. Nandito sila ngayon sa ilalim ng mga puno at nakaupo habang hinihintay ang susunod na klase. "Ha? Hindi ah!" Sagot niya. "Yung totoo bakla!" Hinampas pa siya nito sa braso. "Nagpaalam lang yung tao na manliligaw." "Ang sweet naman!" Tili nito. "Tinanong ko nga kung bakit ako, ang dami ngang nagkakagusto sa kaniya. Nandiyan pa si Scarlet na lantaran na ipinapakita na malaki ang pagkakagusto kay Ram." "Yung higad na yun? Diyos Ko! Nunka naman na patulan yun ni papa Ram noh!" "Carla!" Saway niya sa kaibigan. Baka mamaya may makarinig sa kanila. "Oh, bakit? Totoo naman ah! Matagal na siyang may gusto kay Ram, high school pa lang yata kami noon pero ni minsan hindi ito pinansin ni Ram." "Maganda kaya si Scarlet." Sabi niya, dahil aminado naman na kung ganda lang ang pag-uusapan hindi ito pahuhuli. Talagang maganda ito. Sopistikada. Palibhasa nag-iisang anak kaya lahat ng gusto nito nasusunod. "Ayaw ni Ram ng liberated." "Ha?" "Gusto ni Ram yung mga kagaya mo, simple pero maganda." Kinikilig na sabi nito. Napangiti naman siya sa sinabi ng kaibigan. "So, kailan mo siya balik sagutin?" "Ha? Wala pa yan sa isip ko, alam mo naman na kailangan kong mag-aral ng mabuti diba?" "Oo nandun na ako, pero ayaw mo ba ng inspirasyon habang nag-aaral?" "Marami na muna ako dapat unahin na gawin, bago yang pag-ibig na yan." "Hindi mo ba gusto si Ram kahit konti?" Tanong pa ng baklitang kaibigan. Hindi naman siya agad nakaimik. Gusto na ba niya si Ram? May nararamdaman na ba siya para dito? Kinapa niya ang kaniyang sarili. Wala, wala pa kasi sa isip niya ang pag-ibig na yan dahil iisa lang ang kaniyang atensyon. Mag-aral muna ng mabuti! Ang pag-ibig kusang dumarating. May panahon sa bawat bagay. Hindi mo kailangan magmadali. "Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong niya kay Ram isang araw ng maabutan niya ito sa harap ng kanilang boarding house. Napakalakas pa naman noon ng ulan. Basang basa ang binata. Nagkataon kasi noon na umalis ang kanilang landlady at ang pamilya nito, nagbakasyon sa probinsya kaya sila lang ng mga boarders ang naiwan. Pero may itinalaga naman itong titingin at magbabantay sa kanila habang wala ang mga ito. "Pasok ka sa loob." Yaya niya sa binata. Agad siyang kumuha ng tuwalya at iniabot dito. "Ano ba kasing ginagawa mo dito ha? sumugod ka talaga ng ganito kalakas ang ulan?" Sermon pa niya kay Ram. Malakas ang loob niyang sermunan ito dahil walang nakakarinig sa kanila. Sem break na kasi noon kaya nagsiuwian na din muna ang mga kaibigan niya sa probinsya at sa mga karatig-lungsod. May mga naiwan din na kasama niya dito sa boarding house pero nasa 4th floor ang mga iyon. Plano nga din niyang umuwi sa probinsiya sa susunod na araw. "Sumunod ka sa akin, magpalit ka muna ng damit, baka magkasakit ka." Sabi niya at nagpatiuna na siya sa paglalakad. Nakasunod naman sa kaniya ang binata. "Pasensya ka na dito sa kwarto ko ha?" Aniya habang naghahanap siya ng damit na pamalit ni Ram. "No problem." "Oh heto, pagtiisan mo na muna yan." Sabi niya at iniabot ang isang oversize na tshirt na ginagamit niyang pantulog. "Thank you." Sabi naman nito sa kaniya. "Ram!" Agad na sita niya ng maghubad ito sa kaniyang harapan. Asiwa siya habang nakatingin dito. Hindi kasi siya sanay. Kahit pa sabihin na maputi ito at may abs. Alaga yata ito sa gym. "I'm sorry." Agad na paumanhin naman nito sa kaniya. Bagay naman pala ang damit niya sa binata. Kinuha niya ang basa nitong damit at isinampay sa isang sulok. "Gusto mo ng kape?" Tanong niya sa binata. "Yes, please!" Sabi nito. "Halika na." Sabi naman nito, lumabas sila ng kaniyang silid upang magpunta sa kusina at ipagtimpla ito ng kape. "Here.."Sabi niya ng iabot ang isang tasa ng kape kay Ram. "Thank you!" Sagot naman nito. "Bakit ka napasugod dito? Ang lakas pa naman ng ulan." Sita niya agad sa binata. "Kanina pa kasi ako tumatawag sayo, hindi ka sumasagot. Nag-aalala ako." Sabi nito. Siya naman itong napipi ngayon at hindi nakapagsalita agad. "Nasa school ako kanina may inayos lang kasi ako saka naiwan ko dito sa boarding house yung phone ko." Aniya. "Kaya pala hindi ka sumasagot, nag-aalala lang ako kasi mag-isa ka lang dito ngayon." "Okay lang naman ako dito, kaya ko ang sarili ko." Nakangiting sabi niya. "Pero hindi ako okay, ang isipin na mag-isa ka hindi ako mapanatag eh." Sabi ng binata bago humigop ng kape. Ang sweet naman ng mokong na ito, o baka naman nagpapasikat lang ito dahil nanliligaw ito sa kaniya? Hindi naman siguro, kasi kahit siya mismo nararamdaman niyang seryoso talaga ito. "Mahal kita, kaya gusto ko safe ka lagi." Sabi pa nito at hinawakan siya sa kamay. "I'm sorry." Agad na paumanhin nito ng makabawi. Hindi naman siya agad nakaimik. Nakita niyang kinuha nito ang cellphone mula sa bulsa at may tinawagan. Maya-maya'y may bumubusina na sa harap ng kanilang dorm. Lumabas si Ram at pagbalik nito may hawak na dalawang paper bag ng Jollibee. "Dito ako magdi dinner ha." Nakangiting sabi nito sa kaniya. "Seryoso ka?" Tanong niya ng ilapag nito sa mesa ang mga inorder na pagkain. Dalawa lang sila, mauubos ba naman nila lahat iyon? "Hindi masarap kumain kapag mag-isa ka lang." Anito, kaya napakibit-balikat na lang siya. "Hindi ka ba hahanapin ng parents mo?" Tanong niya. "Wala sina mama at papa ngayon, nasa Europe sila. Bakasyon." "Ganun ba." Kaya pala free ito kahit saan magpunta ,kasi wala ang parents nito. "Kumain na kaya tayo, bigla ako nagutom." Sabi nito. Alas otso naman na noon ng gabi. "Sige." Aniya at inihanda na nga niya ang mesa. "Uuwi ka ba sa inyo?" Pagkuwa'y tanong ni Ram sa kaniya, nasa kalagitnaan na noon sila ng pagkain. "Oo, baka bukas makalawa." Sagot niya. "Matagal ka ba doon?" "Mga 1 week siguro, bakit?" "Malayo ba sa probinsya niyo?" "Oo, kapag sa bus ako sasakay mga 12 hours ang biyahe namin hanggang sa probinsya." "Grabe naman, kaya mo iyon? Napaka haba ng biyahe." "Okay lang, matutulog na lang ako sa bus para hindi ako mainip." "What if– ihatid na lang kita sa inyo." Sabi nito. "Ano?" "Ihahatid kita sa inyo sabi ko." "Baliw ka ba? Hindi pwede, baka magalit parents mo, saka magtataka sila sa amin. Baka sabihin na–." Bigla niyang itinikom ang bibig. Nakakahiya! "Baka isipin nila na boyfriend mo na ako ganun ba?" Nakatawang tanong nito. Napaismid naman siya. "Eh wala naman masama doon diba? Saka gusto ko din naman makilala ang parents mo." "Hoy! huwag ka! ayaw ko nga." "Bakit naman? Gusto ko nga na pormal na makilala sila at makapag paalam na nililigawan ko ang maganda nilang anak." "Ram!" "Ihahatid kita sa inyo para safe na makauwi ka ng maayos." "Ewan ko sayo, kung anu-ano pinagsasabi mo diyan." "Bakit ayaw mo ba?" "Hindi naman sa ganun, saka ayaw ko na magalit yung parents mo at alam ko din na maiintindihan mo ako pagdating sa sitwasyon ko kina nanay at tatay." Paliwanag niya sa binata. "Okay, you win." Sumusukong sabi na nito. Nakahinga naman siya ng maluwag. Pagkatapos nilang kumain hinugasan na niya ang kanilang mga ginamit. Malakas parin ang buhos ng ulan sa labas. "Movie marathon muna tayo, malakas pa yung ulan sa labas." Sabi ni Ram ng matapos siyang maghugas. Napatango na lang siya bilang sagot. Sumunod sa kaniya ito sa kaniyang silid. Kinuha niya ang laptop sa kama, inayos naman iyon ni Ram. "Anong gusto mo?" Tanong nito. "Kahit ano, ikaw na bahala." Sagot niya. Naghanap ng binata kung ano ang pwede nilang panoorin. "Gusto ko si Popoy at basha." "Okay, yun na lang." Patiayon naman nito. Nakatutok sila sa kanilang pinapanood. Paminsan minsan nahuhuli niyang tinititigan siya ng binata. Hinawakan pa siya nito at ipinahilig ang ulo sa kaniyang balikat. Naging komportable naman siya habang nanonood. Nang walang anu-anoy biglang kumulog at kumidlat ng malakas. "Ram!" Gulat na sabi niya at napayakap sa binata. Pumunta pa talaga siya sa harap nito at kung titignan ang kanilang itsura, nakakandong siya dito habang nakapulupot ang braso nito sa kaniyang maliit na baywang. "Ayaw ko sa kulog at kidlat." Naiiyak na sabi niya at lalo pang isiniksik ang katawan sa binata. "Relax, nandito lang ako." Sabi ni Ram. Naramdaman niyang mas humigpit ang yakap nito sa kaniya at marahan siyang hinalikan sa buhok. Binalewala niya lahat ng iyon dahil mas nanaig ang takot niya sa kulog at kidlat. "Huwag ka na muna umalis, dito ka na muna please." Naluluhang pakiusap niya at nag-angat pa siya ng tingin. Nagtama ang kanilang mga mata. "Nandito lang ako." Puno ng pagmamahal na sabi ng binata at hinalikan siya noo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD