CHAPTER 2

1575 Words
Katatapos lang niya maglaba noon ng kaniyang mga damit at kasalukuyan siyang nagpapahinga ng katukin siya ni Francine. "May naghahanap sayo sa labas, pinapasok na ni Madam. Conchi." Tukoy nito sa kanilang landlady na tila kinikilig pa. "Ha? Sino daw?" Nagtatakang tanong niya dahil si Carla lang naman ang madalas dumalaw sa kaniya dito sa boarding house. "Ewan ko,tignan mo na lang, bye!" At umalis na ito sa kaniyang harapan. Inayos muna niya ang kaniyang sarili bago lumabas ng kaniyang kuwarto at tignan kung sino ang naghahanap daw sa kaniya. Pagbaba niya ng hagdan, nagulat siya sa naabutan. Ang lalaking kinaiinisan niya, nandito ngayon sa kanilang boarding house at binibisita siya? Guwapong guwapo ito sa suot na khaki short at black v-neck na tshirt. "Hi Isabelle, for you!" Nakangiting bati nito at iniabot ang isang pumpon ng bulaklak. Nagtataka man, tinanggap parin niya iyon. Umupo siya sa gilid ng sofa, malayo sa binata. Paano nito nalaman ang kaniyang pangalan? Wala naman siyang natatandaan na sinabi niya dito ah. "Anong ginagawa mo dito?" Nakasimangot na tanong niya. "Nandito ako kasi gusto kong humingi ng tawad sa nagawa ko, hindi ko sinasadyang gawin yun." Seryosong sabi nito. "Paano mo nalaman na dito ako nakatira?" "Napadaan kasi ako noong isang araw dito, nakita kita." Sagot nito. Seryoso? "Okay!" "Pinapatawad mo na ba ako? Gagawin ko ang lahat ng gusto mo basta patawarin mo na ako." Lumapit ito sa kaniyang tabi. "Isabelle Please!" Nagsusumamong sabi pa nito. "Gagawin mo talaga lahat ang gusto ko?" Paninigurado pa niya. "Yes!" "Okay, tigilan mo na ako." Walang gatol na sabi niya. "What?" "Tigilan mo na ako." Ulit niya. "Seryoso?" "Mukha ba akong nagbibiro?" Nakatikwas ang kilay na tanong niya. Hindi naman agad ito nakaimik. Parang nakonsensya naman siya bigla. "Wala ako masamang intensyon sa iyo, gusto ko lang humingi ng tawad sa nangyari." "And?" "Gusto ko rin makipagkaibigan sayo." "Hindi ka rin naman makulit noh?" "Isabelle please!" "Saan mo naman nalaman ang pangalan ko?" "Ha?kay Carla." Tukoy nito sa baklita niyang kaibigan. "Kilala mo si Carla?" "Yes, magkapit-bahay kami." "Ganun ba." Kaya pala kilalang kilala ito ng kaibigan niya. Kung ibida nito ang binata sa kaniya. Wagas! Nang biglang tumunog ang cellphone ng binata. Pero hindi nito sinasagot. Tinignan lang nito at ibinalik din agad sa bulsa. "Bakit hindi mo sagutin?" Tanong niya. "Si mama lang yun, tinatanong kung nasaan ako." "Oh, dapat sagutin mo, mama mo yun syempre nag-aalala yun noh!" "Hindi na." Anito, saka nag-iwas ng tingin. "May problema ba?" Tanong niya, bakit close na ba sila sa lagay na ito? "Nothing." "Ram ang pangalan mo diba?" "Yeah.." "So, Ram may problema ba sa bahay niyo?" Dakilang marites na ba siya niyan? Syempre nag-aalala din naman siya kahit papaano. "Belle, tinatanong ka ni Austin kung sasama ka—opps! Sorry!" Biglang pumasok ang ka boardmate niyang si Bea pero bigla din napaatras ng makita na may bisita siya sa living room. "Sinong Austin?" Tanong ni Ram sa kaniya. Sino nga ba si Austin? Ang makulit lang naman na manliligaw niya. "Uhm-wala." "Manliligaw mo?" "Hindi, nangungulit lang siya." "O-okay!" Napatangu-tango ito at tumunog ulit ang cellphone nito. "I have to go, sana mapatawad mo na ako." Sabi nito at sinabayan na niya ito ng tayo. "Sige lang." Aniya at inihatid pa niya ito hanggang sa labasan. "Paano yan, mauna na ako." Anito, saka pumasok na ito sa loob ng kotse nito at pinaandar na ang makina nito. Napatango na lang siya bilang sagot. Pagbalik niya sa loob ng bahay kinantyawan siya ng mga kaibigan niya. "Manliligaw mo?" Tanong ni Bea. "Si Mr. Heartthrob yun ah!" Kinikilig na sabi ni Joyce. "Hindi ah!" "Sus! kunwari ka pa!" Kinurot siya nito sa tagiliran. "Hindi daw manliligaw pero may pa flowers pang nalalaman!" Kantiyaw ng mga ito sa kaniya. Namula naman siya sa biro ng mga ito. "Hindi nga siya nanliligaw sa akin!" "Manliligaw pa lang siya ganun?" Tudyo pa ni Francine. "Che! ewan ko sainyo." Kunwari naiinis na sabi niya saka tinalikuran ang mga ito. Pagpasok niya sa kaniyang kuwarto agad na ibinagsak niya ang katawan sa kama. "Ehhh..nakakainis!" Tinakpan niya ng unan ang mukha at napatili Saan ba talaga siya naiinis? Kay Ram ba? Eh wala naman ginagawang masama sa kaniya yung tao ah! "Hi, pwedeng makisabay?" Nag-angat siya ng tingin at tumambad ang nakangiting si Ram habang bitbit ang tray ng pagkain. Ibinaba na nito ang tray at umupo ito sa kaniyang harapan. "Hindi pa ako pumapayag diba?" Agad na sita niya sa binata. "Sorry, wala na kasing bakante na mesa eh." Sagot nito, napalingon siya sa paligid at totoo nga ang sinabi nito dahil punuan na ang lahat ng mesa at abala na ang mga estudyante sa pagkain. "Okay!" Napaismid na lang siya. "Kumusta ka na?" Tanong nito habang sila'y kumakain. "Ayos lang." Tipid niyang sagot. "Galit ka parin ba sa akin?" Tumigil ito sa pagsubo habang hinihintay ang kaniyang sagot. Dalawang buwan na rin ang lumipas mula noong mangyari ang insidenteng iyon. Hindi siya nito tigilan, araw-araw parin itong humihingi ng tawad. Kapag walang pasok, dinadalaw siya nito sa boarding house at nagdadala ng kung anu-ano. Na masaya namang pinagsasaluhan ng kaniyang mga kaibigan. Napatunayan niya na mabait din pala talaga ito dahil kasundo at kaibigan nito ang lahat. Wala itong pinipili kahit sabihin na kabilang ang pamilya nito sa alta-sociedad. "Isabelle." "Mag promise ka na hindi mo na uulitin iyon." Sabi niya, at sa narinig nagliwanag ang mukha nito na kanina lang ay parang pinagbagsakan ng langit at lupa. "Promise! hindi ko na uulitin iyon." "Siguraduhin mo lang, dahil kapag gumawa ka na naman ng kalokohan makakatikim ka na talaga sa akin!" "Promise! Promise talaga. Yes! Thank you!" Tuwang-tuwa na sabi nito at bigla pa siyang niyakap ng mahigpit. Napapatingin naman sa kaniya ang mga ibang kumakain doon. "Ram!" Pagalit na saway niya at kumalas sa pagkakayakap nito. Baka kung anong isipin ng mga nasa paligid nila. "I'm sorry, masaya lang ako." Sabi naman nito ng makabawi. "Ayiiiee!" Kantiyaw ng mga kumakain doon. "Pare, sinagot ka na ba?" Biro pa ng isang lalaki. "Congrats!" Sabi naman ng iba. Kahit hindi siya magsalamin alam niyang namumula na ang magkabila niyang pisngi dahil sa kahihiyan. "Ram!" Pinandilatan niya ito pero kinindatan lang siya bilang sagot. "Are you done?" Pagkuwa'y tanong nito sa kaniya ng makita nitong tumigil na siya sa pagkain at naglabas siya ng aklat. "Yes." "May exam ka?" Tanong pa nito. "Wala, hindi kasi ako masyado nakapag focus kanina. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko." Aniya. "Uminom ka na ba ng gamot?" Kumusta na yung pakiramdam mo? Ayos ka lang ba? Gusto mo bang dalhin kita sa hospital?" Nag-aalala at sunud-sunod na tanong nito sa kaniya. Mababakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala. "Okay lang ako." "Are you sure?" "Oo naman." Nginitian na lang niya ito upang huwag na siya nito kulitin pa. Wala pa naman siya sa mood dahil masama talaga ang pakiramdam niya. Habang nakatutok siya sa librong binabasa, pag-angat niya ng tingin nahuli niyang nakatitig sa kaniya ang binata. "Bakit?" Nakataas kilay na tanong niya. "Bakit ang sipag mo mag-aral? Everytime na nakikita kita, nakahawak ka lagi ng books, kung hindi ka nagsusulat, abala ka sa pagbabasa." Sabi nito. So, alam nito lahat ang galaw niya ganun? Stalker ang peg? "Kailangan kong makatapos ng pag-aaral, kung hindi mo naitatanong scholar lang ako dito kaya ako nakapasok dito." "Ganun ba." "Oo, kasi mahirap lang kami. Umaasa lang kami sa kakarampot na lupa na sinasaka ng tatay ko." Pagkukwento niya. Close na ba sila sa lagay na ito? "Kaya kailangan kong mag-aral ng mabuti, para naman masuklian ko lahat ng paghihirap ng aking mga magulang." Aniya, bigla tuloy siya nakaramdam ng lungkot. "Nandito lang ako para sayo." Sabi ni Ram at hindi niya inaasahan ang gagawin nito. Hinawakan siya sa kamay at ginagap iyon. "Nandito lang ako kapag kailangan mo ng tulong." Seryosong sabi pa nito sa kaniya. Nakatitig ito sa kaniya ng mariin. Nagtama ang kanilang mga mata pero siya na din ang kusang nagbaba ng tingin, binawi niya ang kamay mula sa binata. "Bakit ikaw?" Tanong niya. "Ako?" Turo nito sa sarili. "Oo, ano bang pangarap mo?" "Syempre gusto ko din makatapos ng pag-aaral ko. Gusto kong maging isang magaling na Inhinyero."Sagot nito. "Nag-iisa kang anak di ba?" "Yes, pero hindi ako umaasa sa kayamanan ng parents ko. Gusto ko balang araw, yung magkakaroon ako ng sarili kong pera, makapag patayo ako ng sarili kong bahay at negosyo ganun, yung pinagpaguran ko mismo." Abah! May pangarap din naman pala ang isang ito. "Bakit, hindi ba halata na masipag din ako mag-aral?" "Ewan." Napakibit-balikat siya. Dahil totoo naman na hindi pa niya ito kilala ng lubusan. "Sakit nun ah!" Napasimangot ito bigla. Napangiti naman siya sa itsura nito, guwapo parin ito kahit nagtatampo. "Teka, aalis ka na?" Tanong pa nito sa kaniya ng makita siyang tumayo na. "Oo, magsisimula na kasi yung klase ko mamaya." Sagot niya at sinabayan na niya ito ng tayo. "Kaya mo na ba?" "Oo, salamat. Mauna na ako sayo." Pagpapaalam na niya at tumalikod na siya. Kung hindi siya aalis sa tabi ni Ram baka kung ano ang mangyari sa kaniya. May tila kuryente siyang naramdaman na hindi niya maipaliwanag noong hawakan siya nito sa kamay. Pati ang paraan ng pagtitig nito sa kaniya ay kakaiba. Kinakabahan siya, parang may mga paru-parong nagliliparan sa kaniyang sikmura. Ewan ba niya! Basta hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman sa mga oras na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD