NANGANGARAP NG GISING

1045 Words
Parang pinaghihiwa ng matatalim na kutsilyo ang aking puso dahil sa nasaksihan ko. Isabay pa na naghalikan ang dalawa na lalong kinadurog ng aking pusong sawi sa pag-ibig. Naramdaman ko ring may umagos na luha sa aking mga mata. Kaya naman dali-dali akong umalis sa aking pwesto. Tuloy-tuloy akong lumabas ng gate. Hindi na ako nagpaalam sa aking Mama. Sobrang sakit ng puso ko. Parang hindi ko kaya ang sakit at pakiramdam ko’y hindi ako makahinga. Unang beses kong masaktan dahil lang sa isang lalaki. At masasabi kong masakit pala. Dahil gulong-gulo ang aking utak ay hindi ako umuwi sa bahay. Sa plaza ako nakarating. Naupo ako sa isang upuang bato at dito ako umiyak ng tahimik habang nakayuko. Hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa aking utak ang aking nakita. Ano bang mali sa akin? Saka kahit bata pa lang ako ay alam kong mahal na mahal ko na si Jaxon. Saka maganda naman ako bakit hindi ako nakikita niya. Ang dami ngang lalaking nagkakagusto sa akin. Tapos ang aking ganda ay bagsak lang kay Jaxon. Sobrang sakit noon. Bigla tuloy akong nagpapadya sa lupa. Gusto ko rin sanang gumulong sa lupa ngunit baka isipin ng mga tao ay isip bata ako. Bigla namang mahinto ang pag-iyak ko nang marinig ko ang malakas na kulog na nagmumula sa kalangitan. Napatingala rin ako. Napansin ko na bubuhos ang malakas na ulan. Ngunit wala akong pakialam. Ang gusto ko lang ay umiyak dahil wasak ang puso. Kaya ayon muli na namang umagos ang luha sa aking mga mata. Parang ayaw maampat-ampat. Mayamaya pa’y tuluyan na ngang bumuhos ang malakas na ulan. Ngunit hindi ako naghanap ng masisilungan. Parang ang luha ko ay sumasabay rin sa mga patak ng ulan. Hindi ko alinta kung magkalat ang eyeliner na nakalagay sa ilalim ng mga mata ko. Hanggang sa umabot ng limang oras. Ngunit nandito pa rin ako parang tanga na iyak nang iyak. Basang-basa na rin ako ng ulan. Iwan ko ba naman ayaw huminto ng aking mga luha. Hanggang kailan ba ito matatapos? Gusto ko nang umuwi at baka abutin ako ng gabi rito. Ilang magkakasunod na pagsinga ang aking ginawa. Nagdesisyon na rin akong tumayo para umalis na rito. Ilang oras na kasi ang dumaan. Kaya tuluyan na akong inabot ng hapon. Hindi na rin ako nakakain ng tanghalian. Kasalukuyan akong naglalakad papauwi sa bahay nang may kotseng huminto sa aking tabi. Nang lumingon ako ay agad kong namukhaan kung kanino ang sasakyan na ito. Walang iba kundi sa lalaking iniibig ko. Bigla namang sumakit ang aking puso. Kaya naman mas lalo kong nilakihan ang paglalakad ko. Basa na rin naman ako ng ulan kaya ayos lang. Saka lalo lang akong masasaktan oras na makita ko makausap ko si Jaxon. Siguro ay hindi na lang ako pupunta sa mansiyon. Laking pasasalamat ko dahil hindi na ako sinundan nito. Pero hindi ko pa rin matanggap ang pagkabigo ko. Pagdating sa bahay ay agad akong sinalubong ni Mama. “Saan ka ba galing anak? Kanina pa ako nag-aalala sa ‘yo. Ano’ng nangyari sa ‘yo kanina at bakit ka umalis sa mansiyon ng walang paalam? Pati si Donya Clemente nag-aalala sa ‘yo, hinahanap ka rin?!” sunod-sunod na sunod-sunod na tanong sa akin ng Mama ko. Dahan-dahan akong napaupo sa sahig. Muli na namang umagos ang luha sa aking mga mata. Dali-daling lumapit sa akin si Mama upang alamin ang tunay na nangyari sa akin. “Ma, ano bang ayaw sa akin ni Jaxon? Maganda naman ako?” At muling humagulhol ng iyak. “Anak, makinig ka sa akin, masyado ka pang bata para kay Sir. Jaxon. Ilang ulit ko bang sasabihin sa ‘yo na malabong magkatuluyan kayo ni Sir Jaxon. Alam mo kung bakit. Sobrang lalo ng edad ninyo. Ang isa pa na hindi puwede ay mayaman sila at tayo ay mahirap lamang. Hindi puwedeng humalik ang langit sa lupa. Kaya makinig ka sa akin anak. Alam kong mawawala rin ang pag-ibig mo sa kanya. Lalo na ngayon at malapit na silang ikasal ni Senyorita Victoria—” anas ng nanay ko. Nanlalaki ang aking mga mata habang nakatingin sa Mama. “Hindi—Dapat ako lang ang mahal ni Jaxon. Hindi ako papayag Mama.” Mabilis akong tumalikod at nagtatakbo papunta sa aking kwarto. Agad kong ini-lock ang kahoy na pinto. Dahan-dahan akong napaupo sa sahig. Lalo akong nasaktan dahil sa aking nalaman na ikakasal na ito. Hindi puwede! Dapat may gawin ako. Hindi pa naman sila kasal kaya makakagawa pa ako ng paraan. Ilang magkakasunod na buntonghininga ang aking ginawa. Hanggang sa kumuha ako ng tuwalya. Muli akong lumabas ng kwarto para pumunta sa loob ng banyo. Kahit maga na ang aking mga mata sa kakaiyak ay hindi ko ‘yon alinta. Sunod-sunod akong nagbuhos ng tubig gamit ang tabo. Pagkatapos kong maligo ay muli akong lumabas ng banyo at nagmamadali pumasok sa loob ng kwarto ko. Kailangan kong mah-isip ng aking gagawin upang hindi matuloy ang kasal ni Jaxon at ang babaeng ‘yon. Wala akong pakialam kahit malayo ang agwat ng pamumuhay namin basta akin lang siya. Mayamaya pa’y pabagsak akong nahiga sa aking munting kama. Ngunit hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Kinabukasan, agad akong naghanda para pumunta sa bahay ni Jaxon. Kailangan kong ipagtapat ang pag-ibig ko sa kanya. Bago umalis ay kinuha ko ang isang chocolate sa aking drawer. Ibibigay ko ito sa kanya at pagkatapos ay magtatapat ako ng pag-ibig. Hindi na ako kumain. Tuloy-tuloy akong lumabas ng bahay at nagmamadaling tumakbo papunta sa bahay ng Jaxon Vizconde. Ngunit hindi pa ako nakakalapit sa gate nang may kotseng humarang sa akin. Bigla tuloy akong napahinto. Ngunit hindi ko naman kilala kung kaninong sasakyan ito. Mayamaya pa’y bumaba ang babaeng hindi ko inaasahan. Walang iba kundi si Victoria. Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa akin. “So, ikaw ba ang anak ni aling Prima? Ang batang nagkakagusto sa aking magiging asawa?” Walang paligoy-ligoy na tanong nito. Awang tuloy ang aking labi. Teka paano nito nalaman. “Gulat ka bang alam ko? Masyado kasing madaldal ang isang kasambahay nina tita Clemente. Tingin mo ba nababagay ka kay Jaxon. Nakakatawa ka bata. Wala ka nga sa aking kalingkinan. Tapos ngayon nangangarap ka pa ng gising!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD