Nagpapalapad Ng Papel

1604 Words
Bigla akong natulala sa sinabi ng babae. Magkakasunod tuloy akong napalunok hindi ko alam kung ano’ng sasabihin ko dahil nabuko ako ng magiging asawa ni Jaxon. Nakita kong dahan-dahan itong lumapit sa akin at mahigpit na hinawakan ang aking panga kaya ramdam ko ang sakit noon. “Ito ang tandaan mo at itatak mo sa utak mong mapurol. Huwag na huwag kong makikita na pumupunta ka sa mansiyon nina Jaxon. At huwag mong tangkain na akitin ang aking si Jaxon dahil puwede kitang buhusan ng asido sa mukha at titiyakin kong hindi ka makikilala ng pamilya mo. At kung puwede umalis ka na rito sa Sta. Yanara, huwag mong hintayin na paalisin kita o gamitin ang connection ng Daddy ko!” Sabay tulak sa akin. Mabuti na lang at hindi ako natumba. Naramdaman ko ang sakit ng aking panga. “Wala naman akong ginagawang masama, Ma’am Victoria. Oo nga’t may pagtingin ako kay Jaxon, ngunit alam kong ikaw pa rin ang pipiliin niya!” mariing anas ko sa babae. Ngunit nagulat ako nang buong lakas akong sampalin nito sa aking mukha. Parang bigla akong nabingi sa ginawa nito. “Wala akong sinabi na sumagot ka, masyado ka pang bata ngunit na ngangati ka na. Kung gusto mong ipakamot ang kating nararamdaman mo humanap ka ng lalaki at huwag si Jaxon ang pag-initan mo!” Sabay tulak sa akin ng malakas dahilan kaya bumagsak ako sa lupa. Naramdaman ko ang sakit ng aking pang-upo. Dali-daling umalis sa aking harapan ang babae. Hindi ka agad ako umalis sa aking pagkakasalampak sa lupa. Akala ko’y sobrang bait ng magiging asawa ni Jaxon. Hindi pala. Kung ano’ng kinaganda ng mukha nito ay siyang kinapangit ng ugali ng babae. Parang gusto ko tuloy maglupasay sa lupa sobrang unfair naman ng mundo. Mayamaya pa’y naramdaman kong umagos ang luha sa aking mga mata. Ngunit wala akong planong tumayo dahil nanlalambot pa ang aking mga tuhod. “Suzi, teka ano’ng ginagawa mo riyan? Bakit nakaupo ka riyan sa lupa? Saka bakit ka umiiyak?” Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. Una kong nakita ang aking classmate na si Danso! Mabait ito sa akin. Kahit minsan ay palagi ko itong sinusungitan. “Huwag mo na lang akong pansinin, Danso. Ayos lang ako.” Kasunod ang pagluha na naman sa aking mga mata. Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo nito. Hanggang sa maglabas ito ng panyo para punasan ang aking luha. Hindi ko ito sinaway. Hinayaan ko lang siya na punasan ang luha ko. Kitang-kita ko naman ang pag-aalala nito. Ngunit napatingin ako sa kotseng biglang lumapit sa tabi namin. Nang makilala ko ang kotse ay parang bigla akong kinabahan. Hanggang sa bumukas ang pinto noon at iniluwa si Jaxon ang aking lalaking iniibig. “Ano’ng nangyari sa ‘yon, kid? Kanina pa hinahanap ng Mama mo? Tumawag sa akin at nagtatanong kung nakita kita” seryosong sabi nito. Nakita ko ang pagtabig nito kay Danso. Hanggang sa pasinghal nitong pinaalis ang lalaki. Hindi ako nakapagsalita nang pilit akong itinayo at agad na ipinasok sa loob ng kotse nito. “Ganiyan ba ang isusukli mo sa inyong Mama? Imbes na mag-aral ka ng mabuti upang makapagtapos ng pag-aaral, ngunit lalaki ang inaatupag mo, Suzi! 17 Years old ka pa lang, tama ba ako?” tanong ng lalaki sa akin, habang nakalagay sa mukha nito ang katapangan at walang puwedeng komontra. Magkakasunod tuloy akong napalunok. Paano ko ba sasabihin kay Jaxon na siya ang lalaking iniibig ko. Napatingin naman ako sa chocolate na aking hawak-hawak na dapat kong ibibigay kay Jaxon. Ngunit mas nagulat ako nang biglang nawala ‘yon sa aking mga kamay at basta na lang nitong itinapon sa labas ng bintana. Nakita kong Iiling-iling din ang lalaki. “Ang pag-aaral mo ang bigyan mo ng pansin, Suzi. Hindi ang mga lalaki upang maiahon ko sa hirap ang iyong Mama! Ang lalaki nandiyan lamang at makakapaghintay ‘yan!” mariing sabi ni Jaxon. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin dito. “Sir, Jaxon, paano kung sabihin ko na i—” Nahinto ako sa aking sasabihin nang biglang itaas ng lalaki ang kamay nito upang pahintuin ako sa pagsasalita. Bigla kasing nag-ingay ang cellphone nito. “Yes, Honey! Yeah! Papunta na ako, may dinaanan lamang ako,” narinig kong anas ni Jaxon at alam kong si Victoria ang kausap nito. Muli akong napatungo. Napansin ko ang marumi kong damit dahil sa pagkakasalampak ko sa lupa kanina. “Suzi, ituloy mo ang sasabihin mo sa akin, ano ba ‘yon?” tanong ng lalaki sa akin. Nag-angat ulit ako ng tingin sa lalaki. Nakita kong habang nagmamaneho ito ay hawak nito ang cellphone mukhang si Victoria ang ka-text nito na lalo naman akong nanibugho. Hindi naman nagtagal ay tuluyan kaming nakarating sa tapat ng bahay nito. Nagulat pa nga ako ng pagbuksan ako ng pinto ng kotse ni Jaxon at talagang inalalayan pa ako. “Jaxon honey, bakit ang tagal mo?” narinig kong anas ni Victoria at lumapit sa amin. Agad akong nag-thank you kay Sir Jaxon. Hindi ako tumingin kay Victoria, lalo at ramdam ko ang panlilisik nito ng mga mata. Dali-dali akong pumunta sa likod bahay. Kaya pala hindi ko naabutan si Inay sa bahay dahil maaga itong umalis. “Suzi anak, ano’ng nangyari sa ‘yo? Bakit ganiyan ang ayos mo?!” Gulat na gulat na tanong sa akin ni Mama ko. “Nadulas lang po ako, Ma.” “Hindi sana kita balak papapuntahin dito ngunit hinahanap ka ni Donya Clemente. Balak ka raw niyang isama sa hotel. Kung tatanggi ka naman doon ay baka magtampo sa ‘yo,” anas ng aking Ina. May inabot din ito sa akin na paper bag na may lamang damit. Isuot ko raw ‘yon. Ilang magkakasunod na paghinga ang aking ginawa. Hanggang sa tanggapin ko ang paper bag. Sa kwarto raw ni Kris ako maligo dahil may cr roon. Saka gusto ko ring makausap si ate Kris. Pagdating sa kwarto ng babae ay marahan akong kumatok. Mayamaya pa’y nakita ko ang mukha ni ate Kris. Dali-dali akong ipinasok nito sa loob ng kwarto. Agad itong humingi ng tawad sa akin. “Ano ba talagang nangyari ate Kris? Paano nalaman ni Ma’am Victoria ang pagkagusto ko kay Jaxon?” “Hindi ko naman alam na nakikinig pala si Ma’am Victoria sa usapan namin ni ate Mel. Nagtanong kasi si ate kung totoo ang kutob niya na malaki ang pagkagusto mo kay sir Jaxon. Hindi na ako nakatanggi pa kaya ayon, nagsabi na ako. Ang sabi ko naman secret lamang namin. Ngunit may nakikinig pala. Nakatikim pa nga kami ng sampal kay Ma’am Victoria dahil hinahayaan ka lang daw namin sa kabaliwan mo…” bulong sa akin ng babae. Tanging paghinga lamang ang aking ginawa. Hindi naman ako galit dito. Ang sa akin. Siguro nga’y masama ang ugali ni Victoria. Agad akong nagpaalam dito para gumamit ng banyo. Mabilis akong naligo upang maalis ang dumi sa aking katawan. Nang lumabas ako sa banyo ay wala na rito si ate Kris. Namangha naman ako nang makita ko ang napakagandang dress. Dali-dali ko itong isinuot at talagang bumagay sa akin. Mayamaya pa’y muling pumasok dito sa loob ng kwarto si ate Kris at sinabi nitong pinatatawag ako ni Donya Clemente. Dali-dali akong lumabas ng kwarto. Agad akong pumasok sa kwarto ng Ginang. Ngunit nang pumasok ako sa loob ay nakita kong nakahiga ito sa kama. Dali-dali akong lumapit dito at puno ng pag-aalala ang puso ko. “Ikaw na lang ang pumunta sa hotel. Birthday kasi ni Victoria. Bigla kasing sumama ang pakiramdam ko. Dalawa sana tayong pupunta. Ikaw na lang ang mag-abot ng aking regalo.” Sabay turo nito sa regalo na nasa gilid ng kama. Agad naman akong sumang-ayon dito. Ihahatid daw ako ng driver nito papunta sa hotel. May inabot din ito sa akin na vip card upang papasukin ako sa hotel. Agad na rin akong nagpaalam sa matanda. Narinig ko pa nga na mag-iingat daw ako. Nagpaalam muna ako kay Inay bago ako umalis. Bigla naman akong niyapos ng aking Mama. “Dalaga ka na nga anak ko!’ anas nito. “Dalaga na po talaga ako. Saka marunong na rin akong magmahal. Sa sunod na linggo ay 18 years old na po ako, Ma.” “Oo nga anak. Sana’y huwag ka nang magpasaway anak ko…” Bigla tuloy akong napakamot sa aking ulo. Humalik na lamang ako sa pisingi nito bago tuluyang umalis. Dali-dali akong sumakay sa kotseng naghihintay sa akin. . . Pagdating sa Jaxon's Hotel na pagmamay-ari ni Jaxon ay agad naman akong pinapasok sa loob. Ngunit bigla akong napahinto sa paglalakad ko nang masalubong ko si Victoria. May mga kasama nitong mga babae. Kitang-kita ko ang panlilisik ng mga mata nito. “Ano’ng ginagawa ng katulad mong halot dito sa hotel na pagmamay-ari ng magiging-asawa ko, huh?!” malakas na sigaw nito. Dali-dali itong lumapit sa akin. Nagulat ako nang hilahin nito ang aking buhok. Kaya napangiwi ako sa sobrang sakit at para bang maaalis ang anit ko. “Ma’am Victoria, nagpunta po ako rito para sa regalo na galing kay Donya Clemente. Hindi po siya makakarating dahil masama ang pakiramdam niya.” Sabay abot ko rito ng regalo. Agad nitong binitawan ang aking buhok at kinuha ang regalo. “Talagang nagpapalapad ka ng papel kay tita Clemente.” Bigla itong ngumisi. May tinawag din nito na mga tauhan. Inutos nito na dalhin ako sa kwarto. At hintayin ko raw ang regalong ibibigay nito sa akin. Wala akong nagawa nang pilit na kaladkarin ako ng dalawang lalaki papunta sa kwarto ng hotel. Ano kayang pakay nito sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD