USOK

1821 Words
Pagdating sa kwarto ay agad akong itinulak ng dalawang lalaki sa loob ng hotel. Narinig ko rin ini-lock nila ang pinto. Dali-dali akong lumapit sa pinto at buong lakas ko itong kinatok at nagbabakasakaling may makarinig sa akin. “Palabasin ninyo ako rito! May tao ba riyan?!” Sunod-sunod na katok sa pinto ang aking ginawa. Ngunit parang mga bingi ang mga tao sa labas. Bakit ayaw nila akong pagbuksan? Nag-aalala rin ako na baka ipapatay ako ni Victoria habang nakakulong dito. Madali lang dito na gawin ang bagay na ‘yon dahil mayaman itong tao. IIang sandali pa’y napagod na rin ako sa kakakatok sapagkat walang pumapansin sa akin. Dahan-dahan akong humakbang papunta sa isang sulok at dito nag-isip ng malalim. Mali yata ang pumunta pa ako rito sa hotel. Parang gusto ko tuloy maiyak dahil sa sobrang sama ng aking loob. Muli na namang dumaan dalawang oras. Ngunit wala pa ring nagbubukas ng pinto para sa akin. Hanggang sa muli akong napatingin sa pinto nang tuluyang bumukas ‘yon. “Hey! Honey Jaxon, stop it! Lasing na lasing ka na. Hintayin muna natin ang kasal bago natin gawin ito…!” anas ni Victoria at tila kilig na kilig. Wala akong narinig na salita sa lalaking kaulayaw nito. Ngunit kahit hindi ko tingnan ay alam kong si Jaxon ‘yon. Mayamaya pa’y nagulat ako sa underwear na biglang pumatak sa aking harapan. Wala na talagang pag-asa kami ni Jaxon. Dahil tuluyan na itong nakuha ni Victoria. Ito pala ang regalong balak na ibigay sa akin ni Victoria. Ang mag-s*x sila sa aking harapan. Hindi ko na kayang pakinggan ang lahat ng mga ungol ni Victoria. Lalo lamang nayuyurakan ang aking pusong sugatan. Dali-dali akong tumakbo papunta sa pinto upang umalis na rito. Ngunit bago ko buksan ang pinto ay lumingon muna ako sa dalawang tao na nagniniig. Kitang-kita kong nasa ibabaw ni Victoria si Jaxon. Ngunit may napansin ako sa katawan ng lalaki. Bakit hindi ito matangkad at medyo payat din. Napansin ko ang tattoo na apoy sa likod ni Jaxon.. . Ahh, iwan! Kailangan ko nang umalis dito. m Nang makalabas ng kwartong ‘yon ay dali-dali akong lumabas ng hotel at nagtatakbo papunta sa kotseng naghihintay sa akin. Inutos kasi ni Donya Clemente na hintayin ako. Agad akong pumasok sa loob ng sasakyan at doon lamang nawala ang kaba sa aking dibdib. Diyos ko po! “Suzi, saan ka ba galing? Ilang beses kang tinanong ni Sir Jaxon. Kanina ka pa niya hinahanap sa akin,” anas sa akin ng driver. Hindi ka agad ako nakapagsalita. Kapag sinabi ko ang totoo ay alam kong hindi ito naniniwala sa akin lalo at mabait ang pakikitungo rito ni Victoria. Baka nga magalit pa ito sa akin. “Sobrang laki po ng hotel na pagmamay-ari ni Sir Jaxon kaya ayon, naligaw rin pa ako. Lalo nang sumakay ako ng elevator. Teka na saan na po si Sir Jaxon?” tanong ko sa driver. “Sa aking pagkakaalam ay umalis na. Mukhang nag-away sina Ma’am Victoria at Sir. Jaxon. Saka kilala ko si Sir Jaxon. Siya ang tipo ng lalaki na hindi basta sumusuyo sa mga babae,” tuloy-tuloy na litanya ng driver. Tanging pagtango ang aking nagawa. Si Jaxon ba ang kasama ni Victoria. Baka si Jaxon na naman. Ang gwapo na ni Jaxon kaya malabong lokohin pa ito ni Victoria. Eh, nakikita ko naman na patay na patay ang babaeng ‘yon kay Jaxon. Sa ultimong bahay namin ako nagpahatid. Agad naman akong sinalubong ni Mama at mahigpit na niyakap. “Sobrang nag-aalala ako sa ‘yo Suzi. Ilang beses nang pumunta rito si Sir Jaxon upang alamin kung nandito ka na. Kasi hindi ka mahanap sa hote. Saan ka ba nagpunta?” sunod-sunod na tanong sa akin ni Mama. Agad ko itong niyaya sa loob. Dito ko sinabi ang totoong nangyari sa akin. Kitang-kita ko na halos maluha ito sa aking sinapit.. Mabuti na lang daw at nakalabas ako ng kwarto na ‘yon. “Anak, mukang pinag-iinitan ka ni Victoria. Kilala naman natin ang pamilya niya. Masyadong mayaman. Kaya alam kong kayang-kaya nila tayong ipapatay. Please! Itigil mo na ang paghanga na ‘yong naramdaman kay Sir Jaxon. Para sa ikakabuti natin ito?!” Mariing sabi ng aking Ina. Hindi ako nagsalita. “Pero Inay! Hindi pa naman sila kasal. Puwede pa akong mahalin ni Jaxon!” angal ko sa aking Ina. “Suzi, bakit ba ang tigas ng ulo mo? Hindi naman tayo matutulungan ng pamilya Vizconde oras na atakihin tayo ng pamilya ni Victoria. Isipin mo rin ang kalagayan natin. Wala tayong laban sa kanila?!” Mariing sabi ng aking Mama. Magsasalita pa sana ako nang marinig ko ang sunod-sunod na putok ng baril na nagmumula sa labas ng bahay. “Dumapa ka, Suzi!” Malakas na sigaw ng aking Ina. Agad akong hinila nito papunta sa sahig. Naramdaman kong mahigpit akong niyapos ng aking Mama upang protektahan sa balang tatama sa akin. Mayamaya pa’y biglang huminto ang putok ng baril. Ngunit may sumipa ng malakas sa pinto ng bahay namin. Nang lumingon ako ay pumapasok ang mga lalaking nakasuot ng maskara at itim na kasuotan. Agad nila kaming hinila para paupuin sa lumang upuan. Nagulat pa nga ako nang sampalin ko ng isang lalaki. “Huwag ninyong saktan ang aking anak!” malakas na sigaw ng aking Mama. “Sinong gusto mong saktan namin, ikaw? Sige at ibibigay ko ang lahat ng gusto mo tanda!” Balak sana nilang lumapit kay Mama nang ako naman ang magsalita. “Ano bang kailangan ninyo sa akin. Sino ba kayo?!” Sigaw ko at talagang umiiyak na ako. “Ang mga hampas lupa palamunin ng pamilya ni Jaxon …!” Mabilis akong lumingon sa babaeng lumapit sa amin. Walang iba kundi si Victoria. Tumingin ito sa akin habang nanlilisik ang mga mata. “Hindi ko alam kung saan ka humuhigot ng lakas ng loob na kalabanin ako. Talagang pumunta ka pa sa hotel upang magpapansin kay Jaxon. Tingin mo ba mapapansin ka niya? Malabong mangyari ‘yon!” Sabay sipa sa aking mukha. Ramdam ko ang pag-agos ng aking dugo sa gilid ng labi ko. “Hindi naman ako masamang tao. Bubuhayin ko pa kayong mag-ina. Basta ayaw ko nang makita ang mga pagmumukha ninyo rito sa buong Sta. Yanara! Oras na makita ko pa kayo, titiyakin kong ililibing ko kayo ng buhay! Heto! Sampung libo umalis na kayo rito ngayon gabi!” galit na sabi ni Victoria. Nang tumingin ako kay Victoria at nakita ko ka pa ang pagsenyas nito. Hindi ko alam kung ano’ng ibig sabihin noon. Pero bigla akong kinabahan. Naunang lumabas ang babae. Ngunit naiwan ang mga armadong lalaki. Hanggang sa mapansin ko ang hawak nilang baseball bat. “Hawakan mo ng maayos ang binti ng matanda!” utos ng isang lalaki. Nakita ko ang likod ng kamay nito na may tatto na apoy. “Ano’ng gagawin ninyo sa aking Mama?!” malakas na sigaw ko. “Kung ano’ng mangyari sa iyong Ina. Ikaw ang may kasalanan bata. Pasensyahan tayo, dahil sumusunod lamang kami sa utos ng aming boss.” Kasunod ang paghampas niya sa binti ng aking Ina gamit ang baseball bat. “Huwag ninyong saktan ang aking Mama. Ako na lang ang saktan ninyo. Huwag siya!” Mabilis akong tumayo para lumapit sa kanila ngunit may lumapit sa akin na dalawang lalaki upang hawakan ako at hindi nakalapit sa akin Mama na ngayon ay patuloy pa ring hinampas ang binti nito ng baseball bat. Panay lang ang sigaw at daing ng aking mahal Ina. Gusto ko itong lapitan ngunit hindi ako makawala mula sa pagkakahawak ng mga lalaki sa akin. Sunod-sunod na pag-agos ng luha ang aking naramdaman habang nakatingin sa aking Ina na ngayon ay nahihirapan lalo at dalawang binti nito ang patuloy na hinahampas ng baseball bat. Mayamaya pa’y biglang huminto ang lalaki sa ginagawa nitong pananakit sa aking Mama. Agad din akong binitawan ng dalawang lalaki. Dali-dali akong lumapit sa aking Mama. “Ma, Mama. Dadalhin kita sa hospital—” Mahigpit niya akong hinawakan. “Huwag mo akong alalahanin, ang mahalaga sa akin ay hindi ikaw ang sinaktan nila. Ang mahalaga sa akin ay hindi ikaw ang nasaktan. Lahat ng sakit ay tanggapin anak. Ang hindi ko kaya ay ikaw ang masaktan o magdusa!” umiiyak na sabi ng aking Ina. Mahigpit ko itong niyakap. Ako ang dahilan kaya napahamak ang aking Mama. “Patawad po, Ma. Dahil sa katigasan ng aking ulo ay ikaw ang nasaktan—” Umiiyak na sabi ko. Agad na inangat ni Mama ang kamay nito upang punasan ang aking luha. “Kailangan na nating umalis dito. At baka bumalik pa sila. Ayos mo na ang mga gamit natin, anak. Sige na!” “Sige po, Ma. Dito ka lang po.” Dali-dali akong pumasok sa aking kwarto upang kumuha ng ilang piraso na gamit ko. Nagpalit din ako ng damit ko. Nagdala ako ng kumot dahil malamig ngayon gabi. Bigla naman akong napahinto sa aking ginawa nang maamoy ko ang usok. Mabilis kong inilagay ang aking bag sa likuran ko. At nagmamadaling lumabas ng kwarto ko. Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa apoy na ngayon ay tinutupok ang bahay namin. “Ma! Mama!” malakas kong sigaw. Dali-dali akong pumunta kay Mama. Nakasalampak pa rin ito sa sasahig. Nakita kong namamaga ang paa nito. “Ma, kailangan na nating umalis dito!” “IWAN mo na ako anak, hindi ko kayang tumayo, magiging pabigat lamang ako sa ‘yong pupuntahan. Basta palagi kang mag-iingat! Umalis ka na rito. Dahil lalong lumaki ang apoy!” “Hindi kita iiwan, Ma. Kahit anong mangyari ay lalabas tayo rito ng buhay.” Ang bag na nasa likod ko at basta ko na lang hinagis papunta sa maliit na bintana. Hindi naman kami kasya sa bintana kaya sa kusina kami dadaan. Alam ko rin na si Victoria ang may pakana ng sunog sa bahay na namin. Agad akong tumalikod upang sumakay si Mama sa likuran ko. “Sige na po, Ma. Sumakay ka na sa likuran ko. Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ka kasama!” mariing sabi ko. Walang nagawa ang aking Mama kundi ang sumakay sa aking Likuran. Hindi naman mataba si Mama kaya kayang-kaya ko itong pasanin. Inabot ko rito ang panyo upang takpan ang ilong nito upang hindi masinghot ang usok. Sa kusina kami dumaan. Dahil ‘yon ang hindi pa natutupok ng apoy. Ngunit ang kalaban ko ay usok. Sobrang kapal ng usok at masakit sa ilong. Pero kailangan kong mailabas ni Mama rito! Pinilit kong hindi huminga upang hindi nasinghot ang usok na ngayon ay sumasalubong sa aking ilong. Kaunting hakbang pa at makakalabas na kami rito ni Mama. Ngunit nagulat ako sa kahoy na biglang bumagsak sa aking harap. Nag-aapoy rin nito. Pero Pinilit kong makadaan sa apoy. Pakiramdam ko'y nanghihina na ako dahil sa hindi ko paghinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD