MAY ngiti sa aking labi habang naglalakad papunta sa lugar na mga truck. Alam kong pagmamay-ari ‘yon ng grupong Madam’s Fire syndicate. Ang kailangan ko lang ay balikan 'yon. . . Ngunit kahit papunta ako sa aking misyon ay tuwang-tuwa pa rin ako dahil sa ginawa ko kay Governor Jaxon. Mabuti na lang at may nadala akong powder kaya nabuksan ko ang pinto nito. Kung hindi ako nakaalis doon baka ibato ako nito sa bintana dahil sa galit sa akin. Talagang pinaglalagyan ko ng kiss mark ang buong katawan nito pati mukha. Akala ko nga makikita ka agad nito. Mabuti na lang at hindi ka agad ito pumasok sa loob ng banyo. Sa kusina ka agad ito pumunta. Malalagot din ako sa lalaki oras na malaman nito na wala talagang nangyari sa amin. Baka ibugsok ako sa lupa. Peke rin ang dugong inilagay ko sa kama.

