(IKER’S POV) AGAD KONG IPINASOK ang kotse sa loob ng malaking gate na pagmamay-ari ni Congressman Inggote. Nang tumingin ako kay Governor Jaxon ay nakita kong seryoso ang tabas ng mukha nito. Para itong papatay ng tao. Hindi lang ‘yon. Napansin ko rin ang mga kiss mark sa leeg nito. Mayroon din sa mukha, ngunit may inilagay siguro ito sa mukha kaya hindi halata ang ibang kiss mark. Sino kayang may gawa noon? Baka si Ms. Suzi. . . Si Ms. Suzi lang naman ang babaeng kinababaliwan ni Governor Jaxon ngayon. Kaya hindi malabong si Ms. Suzi ang may kagagawan. Kahit na sabihin pa na naging sila ni Vecal ay never na baliw roon ang isang Governor. Halos ayaw nga itong makita ni Governor. Napahinga na lamang ako. Hanggang sa ihinto ko ang kotse. Agad na lumabas ng sasakyan si Governor Jaxon. L

