(SUZI’S POV) MABILIS AKONG NAPATINGIN KAY Abero nang dumaing ito sa sakit. At mabilis na hinawakan ang ulo niya. Sinong may gawa noon? Napatingin naman ako sa helmet na ngayon ay nasa sahig. Agad na umikot ang mga mata ko sa buong paligid. Upang alamin kung sino ang bumato sa aking kaibigan. Ngunit wala naman akong makita na taong kahina-hinala. Hanggang sa mapatingin ako sa isang lalaki na ngayon ay may suot na helmet. Ngunit busy naman ito sa cellphone nito. “Hayaan mo na Suzi. Balik tayo sa pinag-uusapan natin. . . Heto tingnan mo. Isa ‘yan sa mga armadong lalaki na pumasok sa condo unit na ‘yon at pinagpapatay ang mga training ng secret weapon ng bansa. Kung baga nadamay lang ang mama Prima mo. Ikaw talaga ang pakay nila. Alam mo namang maraming sindikato ang kalaban ni boss Zach

