‘LIMANG taon ang nagdaan’ Panay ang hithit ko ng sigarilyo habang nakatingin sa mga taong nag-iinoman. Kasalukuyan akong nandito sa loob ng bar. May hinahanap akong tao. Ang sabi ay nandito sa loob, ngunit wala naman. Hayop! Nagsayang pa ako ng oras dito wala pala rito ang hayop na taong may utang sa akin. Sabi nito ay ngayon niya babayaran ang sampung piso. Humanda talaga ito sa akin oras na makita ko. Wala pa naman akong pera ngayon. Agad akong tumalikod para lumabas ng bar. Ngunit mabilis na gumalaw ang kamay ko para kuhanin ang isang bote ng alak na ngayon ay nasa table ng mga lalaki. “Hoy! Alak namin ‘yan!” Malakas na sigaw ng lalaki. Ngunit hindi ko ito pinansin. Mabilis ko itong binuksan at sunod-sunod ko itong nilagok. Wala nang nagawa ang may-ari ng alak. Kundi ang habulin na

